webnovel

Threat

Editor: LiberReverieGroup

Madilim na madilim ang pasilyong ito.

Kung hindi dahil sa Darksight, hindi siguro mapapansin ni Marvin ang Black Dragon agad.

Ginamit niya ang kanyang Stealth habang hawak ang Weeping Sky at dahan-dahang lumapit.

Pinili niya munang manuod sandal at hindi agad umatake.

Kahit na walang epekto ang mga Biting Book na ito kay Ikarina, masyadong marami ang mga ito.

Nanuod lang si Marvin habang isa-isang hinuhuli ng Black Dragon ang mga ito at pinupunit.

Ang mga pahina naman na naiiwan ng mga ito, maingat niya itong kinolekta.

Tila hindi pa nito napapansin si Marvin, mabuti ito.

'Mukhang papunta rin siya sa aklatan.'

'May koneksyon kaya sa aklatan ang daan papunta sa ikatlong palapag?'

Limitado lang ang nalalaman ni Marvin tungkol sa sitwasyon na ito, pero alam niyang siguradong magtutungo sa ikatlong palapag ang mga Chromatic Dragon bago sila pumasok ng Nightmare Boundary.

Habang ang Black Dragon naman ay nagmamadaling magpunta sa lugar kung saan maraming Biting Book.

 .

Sinundan siya ni Marvin, hindi siya gaanong malayo pero hindi rin siya gaanong malapit.

Hindi siya sigurado kung may koneksyon ang aklatan sa daan papasok ng ikatlong palapag, pero nagkataon na pareho sila ng pupuntahan ng Black Dragon.

Magandang balita naman ito para kay Marvin.

Lalo pa at hindi na niya kailangan dispatyahin ang mga Biting Book nang mag-isa.

Malinaw na mas malakas ang katawan ng Black Dragon kumpara sa kanya, kaya nitong direktang punitin ang mga Biting Book gamit lang ang kanyang mga kamay, at epektibo naman ito.

Hindi nagtagal, nakalampas na ang dalawa sa ikatlong pasilyo, isang nasa harap, at isang nasa likuran. Matapos dispatyahin ang huling Biting Book, tumigil na ang Black Dragon.

Isang mahaba at makipot na pasilyo ang nasa harapan, tulad nang nauna, tila paulit-ulit ang istruktura ng ikalawang palapag.

Hindi mabilang ang mga bulwagan at pasilyo na gumagamit ng sulo bilang pampaliwanag.

Sadyang habang patungo sila sa aklatan, mayroong ginagawang kakaiba ang Black Dragon.

Sa tuwing may nadadaanan itong sulo, papatayin niya ang apoy nito, kaya naman nababalot ng dilim ang kapaligiran.

Mahirap patayin ang mga Wizard Flame na ito, pero gumagamit ng pambihira, ngunit simpleng, pamamaraan ang Black Dragon.

Direkta niyang nilulunok ang mga apoy na ito.

Ikinagulat naman ito ni Marvin.

Tunay na ang Dragon Race ang isa sa mga pinakamalakas na nilalang sa mundong ito.

Biglang tumigil si Black Dragon Ikarina sa pasilyong ito.

Sumikip ang dibdib ni Marvin.

At humarap nga ito sa lugar kung saan nagtatago si Marvin.

"Sino 'yan?" Malalim na sabi nito na mayroong nakakatakot na awra.

Ang ikinagulat ni Marvin ay Common ang ginamit nito sa pagsasalita imbis na Draconic!

Ibig sabihin, hindi lang niya naramdaman ang presensya niya, pero nalaman din nito na hindi isang Dragon ang sumusunod sa kanya!

Nanatiling tahimik si Marvin, at palihim na nag-iba ng posisyon.

Pero hindi ito nakawala sa paningin ni Black Dragon…

Tumingin si Black Dragon at dinambahan nito si Marvin!

Tila nararamdaman nito ang presensya ni Marvin!

Ngumisi si Marvin, ito ang gustong mangyari niya.

Masyadong kampante ang mga Black Dragon sa kanilang mga katawan, kaya naman walang takot silang umaatake kahit naka-anyong tao sila!

Hindi umilag si Marvin sap ag-atake nito, sa kabilang banda, tumigil na siya sa pagtatago at inalog ang spear para salubungin ito.

Nang lumabas si Weeping Sky, biglang nagbago ang mukha ng Black Dragon.

Pero huli na ang lahat para umatras.

Ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pag-atake. Inaasahan na niya ito, dahil kakaunti lang ang mga bagay na makakapagdulot ng panganib sa mga Blak Dragon, kaya bibihira silang magpigil.

Pero malas ni Ikarina, at ang kanyang kakambal na asawa na si Izaka, dahil ang nakaharap nila ay si Marvin.

Dahil sa naapaktuhan ng restriction ng kanyang advanced Shapeshit skill si Ikarina, siguradong hindi mas mabagal si Marvin kesa sa Black Dragon.

Sa isang iglap, halos tumama na sa kanyang tiyan ang Weeping Sky!

Biglang pumadyak sa sahig si Ikarina, at sapilitang pinigilan ang sarili. Gusto niyang sapilitang tumakas, pero hinuli siya ni Marvin.

Bahagya siyang umatras at hinampas sila ni Marvin, umaalingawngaw ang malamig na boses nito, "Wag mon ang tangkain tumakas, kung gusto kitang patayin, patay ka na dapat."

Natigilan si Ikarina.

Tumigil talaga ito sa pagkilos.

Dahil nauunawaan na niya ang sitwasyon.

"Ikaw pala…"

Hindi maipinta ang mukha ng babaeng Black Dragon habang tinitingnan si Marvin.

Puno ng pait ang mga mata nito. Malinaw na ito si Marvin, ang mag-isang pumatay sa karamihan ng mga miyembro ng Black Dragon Clan!

Hinuli nito ang kanyang asawa at ginawang alipin. Ngayon, mayroon na lang dalawang Black Dragon ang natitira sa Feinan, at siya mismo ang maaaring magdesisyon ng kapalaran ng kanilang buong clan.

Puno ng respeto at takot si Ikarina para sa taong ito.

Hindi niya maiwasang mag-alala. Kilalang-kilala ang pangalan ng Dragon Slaying Spear. Hindi maikukumpara ang kanyang anyong tao sa katawan niya bilang Black Dragon. Basta tumama ito sa tamang lugar, kahit na hindi siya mamatay, malaki pinsala ang kanyang matatamo.

Lalong napuno ng takot ang isip nito.

Ang lihim na operasyon na ito ng mga Chromatic Dragon ay tagong-tago para sa kanila. Ang Dragon God Temple ay hindi isang lugar na pupuntahan ng isang tao.

Napakaraming katanungan sa isipan ni Black Dragon Ikarina, pero alam niyang sa ngayon, ang buhay niya ay nasa kamay ni Marvin. Wala siya sa lugar para humingi ng kahit ano.

"Basta makipatulungan ka sa akin, wala akong gagawing masama."

Malumanay ang reaksyon ni Marvin, pero sa pananaw ng Black Dragon, puno ito ng pagkamuhi.

"Alam mo naman siguro ang tungkol sa asawa mo?" Mahinang sabi nito.

Tahimik na tumango ang Black Dragon.

Makikita sa mukha nito na wala itong magawa.

Kahit na kinakatakutan ng lahat ng Dragon ang [Weeping Sky], ibang-iba ito para sa ibang mga Dragon!

Basta mayroong silang mga spell o escaping skill, mayroong silang tyansa sa harap ng isang Dragon Slaying Weapon.

Tanging ang Black Dragon ang mayroong kakulangan sa ganito.

Sa era bago nagawa ang mga Dragon Slayin Weapon, kahit ang Wizard spell na [Dragon Killer Sword] ay may limitadong pinsala lang na maidudulot sa mga Black Dragon.

Dahil sa malakas na mga katawan nila, walang nakakapigil sa kanila.

Pero nagkataon na napunta ang sandatang ito sa kamay ni Marvin. Isang taong mahusay sa paghanap ng oportunidad.

Magmula sa puntong iyon, nasa kamay na nito ang tadhana ng Black Dragon Clan.

"Wala akong balak na patayin ka."

"Marami ka sigurong tanong kung bakit ako nandito, Pero wala rin akong balak sagutin ang mga 'yon." Sabi ni Marvin habang bahagyang idinidiin ang Dragon Slayig Spear sa sikmura ni Ikarina.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan, hindi ako baliw na Dragon Slayer. Wala lang akong pagpipilian noong mga panahon na iyon, sino ba naman kasing nagsabing atakihin niyo ang Hope City?"

"Ngayon kailangan ko lang ang tulong mo sa isang bagay, pagkatapos ay pakakawalan kita."

May halong panunukso ang tono ni Marvin, "Isa pa, kapag maayos ang trabaho mo, pag-iisipan ko ang pagpapakawala sa asawa mo."

"Pero kapag pumalya ka…"

Próximo capítulo