webnovel

Rise

Editor: LiberReverieGroup

Bahagyang yumuko ang Black Dragon, naninigas ang kanyang mga pakpak!

Kahit na isa siyang Ancient Dragon, isa siyang Black Dragon!

Ang mga Black Dragon ay walang magic at umaasa lang sila sa kanilang malakas na katawan para maghasik ng lagim.

Bibihira silang makatagpo ng mga kalabang mapanganib.

Pero iba si Marvin.

Hawak niya ng Dragon Slaying Spear habang naglalabas ang kanyang katawan ng nakakatakot na awra na kayang takutin si Izaka!

Hindi man nakikilala ng iba si Marvin, pero hindi niya malilimutan ito!

Kung kasama si Clarke, nasa apat na Black Dragon na ang namatay sa kanyang mga kamay!

At hindi pa siya Legend noong ginawa niya iyon.

Ngayong nakapag-advance na siya, habang hawak ni Marvin ang Weeping Sky, tila ba pakiramdam ng Black Dragon na si Izaka na kahit gustuhin niyang umalis, hindi siya makakalayo.

Isa itong primal instinct pero hindi ito nagkakamali.

Nanginig siya, hindi lang dahil sa naririnig niya ang paghiyaw ng hindi mabilang na mga Dragon na namatay na dahil sa spear, kundi dahil rin sa nakakatakot na awrang nagmumula sa katawan ni Marvin.

Naglalakad pa rin papalapit si Marvin.

Nababahala ang Black Dragon at nakakagulat na yumuko pa ito lalo.

Sinundan ni Marvin ang ulo nito at dahan-dahang umakyat sa likuran nito.

Umikot ang Black Dragon at humarap sa hukbo ng mga noble ng Jewel Bay.

Takot na takot ang mga ito!

Hindi na nagawang magkaroon ng reaksyon ang mga tao sa bilis ng pangyayari.

"Sa lahat ng mga Black Dragon, ikaw at isang babaeng Dragon na lang ang natitira, tama?" Tanong ni Marvin.

Nanginig ang Black Dragon at mahinang ibinulong, "Maawa po kayo, Sir Robin."

"Gagawin ko po ang lahat ng gusto niyo, kahit ano, basta wag niyo po akong papatayin."

"Pasasalamatan po kayo ng Black Dragon race nang lubusan kapag hinayaan niyo kaming mabuhay," tapat na sinabi nito. Dalawang Black Dragon na lang ang natitira sa Feinan, kaya kapag pinatay niya ang isa sa mga ito, kalaunan ay mabubura na ang kanilang race.

Nanginig ang lahat nang marinig nila ito, at naunawaan na nila.

"Dragon Slayer Robin!"

"Si Marvin ang Dragon Slayer Robin?!"

"Diyos ko! Gaano pa siya kalakas?! Kahit ang isang Black Dragon ay yumuyuko sa kanya!"

Nagkakagulo ang mga sundalo ng Jewel Bay!

Hindi sila isang malakas at nagkaka-isanghukbo, sa halip ay isang pansamantalang koalisyon ng mga personal na hukbo ng bawat isang malaking noble sa Jewel Bay.

Sila ang mga sundalong kadalasan na nangangasiwa sa mga tao at bibihirang kumalaban sa mga halimaw. At dahil sa sitwasyon ngayon, hindi na nilang magagawang magtulungan.

Ang mga noble ay iniisip lang ang kapakanan ng kanya-kanya nilang mga hukbo, lalo na ngayon at namatay na si General Leonhardt. Wala nang paraan para pamunuan sila ng mga pansamantalang pinuno.

At hindi na rin mapakali ang Wizard Corps!

Hindi sila makakaalis lalo pa at isang Legend Wizard ang nagdala sa kanila dito, pero ang digmaan na ito ay unti-unti nang nababago ang mga dapat mangyari.

Nang marinig ang sinabi ng Black Dragon, hindi nagsalita si Marvin.

Bahagya lang itong ngumiti at itinuro ang Dragon Slaying Spear sa hukbo.

Namutla nang labis si Monica!

Hindi niya mapigilang masabi, "Black Dragon Izaka! Mayroon tayong kontrata…"

"Sa inyo na ang kontrata niyo!"

Umabot na sa sukdulan ang galit ni Izaka kay Monica!

Kung hindi dahil sa babaeng ito, hindi sana siya mahuhuli ng nakakatakot na halimaw na ito.

Inalala niya ang mga panahon na naghahasik siya ng lagim sa buong Feinan bilang isang dakilang Ancient Black Dragon, isang nilalang na hindi maaaring pagbantaan. Pero ngayon, wala siyang magawa kundi sumunod sa isang Human, kaya naman nalungkot ito nang labis!

Parang kailan lang, tinutuya pa niya ang mga Dragon na gumagamit ng Magic dahil mahihina ang mga ito, kailangan pa nilang gumamit ng mga skill para makipaglaban habang sila ay lakas na pisikal lang ang kailangan.

Ngayon ay kinamumuhian na niya ito!

Kung mayroong lang siyang magic, baka may paraan para makatakas siya!

Kahit na nakatutok sa hukbo ang Dragon Slaying Spear, nararamdaman niya na ano mang oras na gustuhin ni Marvin, maari nitong gamitin ang spear sa kanya.

At kapag nangyari iyon, siguradong katapusan na niya!

Iritable ang Black Dragon.

Maaari niya lang ilabas ang kanyang galit sa babaeng ito at sa hukbong nasa likuran niya!

Anong kontrata?

Wala nang pakialam ang Great Dragon na ito!

Isang nagniningas na apoy ang kumisap sa mga mata ni Black Dragon Izaka kasabay ng pagpula ng kanyang sikmura!

"Mamatay na kayo!" Sigaw ng Black Dragon.

Tinaas niya ang kanyang ulo at pinunterya ang babae sa kalangitan!

"Hindi maganda 'to! Lava Breath! Kailangan maka-iwas!" Natatarantang sabi nito.

Nagkakagulo naman ang Wizard Corps sa kanyang likuran.

Bukod kay Monica, na mayroong mataas na resistance sa Dragon Might, ay hindi na nagawang umiwas ng iba.

Bumulwak ang Lava Breath palabas sa tiyan ng Black Dragon na para bang isang pumuputok na bulkan!

Sa isang iglap, mayroong mga maliwanag na apoy ang kumalat sa madilim na labanan, kasunod nito ay maririnig ang paghihinagpis ng mga tao.

Arcane Barrier? Laban sa Lava Breath, wala itong panama!

Ang iba ay hindi man lang nakapagsalita bago naging abo dahil sa init ng Lava Breath!

Isang Dragon Breath lang ay nadispatya na ang kalahati sa Wizard Corps!

Gulat at galit si Monica, hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung paano umabot sa ganito ang mga pangyayari.

Maayos na ang lahat, hanggang sa lumitaw si Marvin!

Nagngalit ang kanyang ngipin sa galit, tinitigan niya nang masama si Marvin habang naghahanda ng isang Legendary Spell.

"Tapusin mo na ang hukbo na 'yon. Wag mo kong lolokohin. Kapag tumakas ka, mahuhuli kita."

Humakbang lang si Marvin at biglang nawala!

Agad naman na tumango si Black Dragon Isaka.

Pumasok na si Marvin sa Shadow Plane!

Ang nakakatakot na pakiramdam ng kamatayan sa Black Dragon ay nawala na, kaya naman napanatag na siya nang kaunti.

Gusto sana niyang tumakas pero naramdaman niyang may nagmamasid sa kanya.

Kaya naman hindi siya nangahas na tumakas.

Maaari niya lang ilabas ang kanyang galit sa hukbong ito!

Wala na ang Wizard Corps. Sa harap ng nagwawalang Black Dragon, sadyang walang kalaban-laban ang hukbo ng mga Human!

Inatake nila ang White River Valley para madaling makakuha ng mga Military merit. At hindi man lang sila nagdala ng mga siege weapon.

Kung mayroon lang mga ballista ang hukbo, magiging mas mabuti ang kanilang sitwasyon.

Sa kasamaang palad, wala silang dala.

Kasabay ng paghiyaw ng mga tao, nilusob ng Black Dragon ang mga tao, ang kanyang mga pakpak ay nakamamatay!

Ang Black Dragon ay naglalabas lang ng kanyang galit!

Walang sino man ang makalaban sa kanya.

Inakala nila na nasa kamya na nila ang tagumpay, pero ngayon, lahat sila ay nagtatakbuhan na, ngunit hindi sila makatakas sa bagsik ng Black Dragon.

Ang malawakang pagpatay ay isa lang pagsasanay para sa mga Black Dragon.

Para mabuhay, at para makapaglabas ng galit, ibinubuhos ni Izaka ang lahat ng lakas niya.

Sa loob ng ilang segundo, kalahati na ng hukbo ang bumagsak sa lupa, habang ang mga natitirang tao ay nagkalat. Nabuwag na ang hukbo!

Hindi naman makapaniwala sina Madeline at mga dumedepensa sa River Shore City habang pinapanuod ito.

Ang namumuno sa mga Knight ay kinukusot ang kanyang mga mata at pinilit na ngumiti. "Ito na ata ang pinakakakaibang bagay na nakita ko sa buong buhay ko!"

"Sir Gordian, sinabi mo rin dati na si Lord Marvin ang humamon sa Heavenly Sword Saint sa Scarlet Monastery!" sabi ng isang binatang sundalo sa kanyang tabi.

Walang nasabi si Gordian.

Hindi mapigilang tumawa ng isang grupo ng mga sundalong nakapaligid sa kanya.

Hindi sila naaapektuhan ng Dragon Might ng Black Dragon. Nakatuon lang ito sa kanilang mga kalaban at malayo ang mga Knight sa mga ito.

Kaya naman, kahit na may matinding laban na nagaganap, hindi sila gaanong natatakot.

Noong una ay tinanggap na ng mga ito ang kanilang kapalaran kasama ni Madeline at ng River Shore City.

Hindi nila inasahang ganito ang kalalabasan ng sitwasyon na ito.

Ano pa man ang mapagdesisyunan ng Alliance tungkol sa pag-angat ni Marvin, hindi na masama ang pakiramdam nila sa kanilang sitwasyon.

Pumasok si Marvin sa Shadow Plane, at nang makita ang mabigat na reaksyon ni Legend Wizard Monica, malinaw na nakakaramdam na siya ng panganib mula sa Overlord.

Noong kinalaban niya si Madeline hindi ito masyadong seryoso.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Gordian.

Naaalala niya pa ang unang beses na nakilala niya si Marvin. Nagkakilala sila sa basement ng Plague Envoy noong tinulungan siya nito na patayin ang Plague Envoy.

Noong mga panahon na iyon, tinutugis pa si Marvin bilang Masked Twin Blades.

Ngayon isa nang Legend si Marvin na tinitingala niya.

'Aangat ang White River Valley…'

Ito ang nasa isip ng lahat ng nasa River Shore City.

Sa Shadow Plane, ang balu-baluktot na espasyo ay dumadaloy kay Marvin.

Komportableng-komportable siya sa lugar na ito.

Dati, madalas siyang mapunta sa Shadow Plane. Ang mundo na ito ay nakakamangha at hindi mabilang ang koneksyon nito sa Prime Material Plane.

Nakikita niya ang patong-patong an defensive spell ni Monica.

Legendary Distortion Field, Legendary Arcane Barrier, Legendary Undying Body, Legendary Ice Armor...

Balot na balot siya ng iba't ibang mga defensive spell, at umabot na sa punto na malabo na ang itsura niya.

'Talagang takot siyang mamatay…' Panunuya ni Marvin.

Pero ngayon pa rin ang araw na mamamatay siya!

Pagkatapos maging Legend, hindi na magpipigil si Marvin.

Ano naman kung ang Dark Phoenix ang kalaban niya? Sa ngayon, hindi naman siya hihigit sa isang Half-God!

Kung hindi niya kakayaning talunin ito mag-isa, pwede naman siyang tumawag ng isang grupo para pagtulungan ito.

May kasamang hukobang Ruler of the Night class!

Alam ni Marvin na sa level 2, ang Ruler of the Night class ay mayroong awra na makakapag-buff sa mga hukbo! Ito ang dahilan kung bakit nakalaban ang Night Monarch sa panahon ng Chaotic Era.

Sa kalangitan, tinitingnan ni Monica ang Black Dragon na naghahasik ng lagim sa hukbo at hindi niya mapigilang magalit.

Pagkatapos mawala ni Marvin, gumamit siya ng napakaraming defensive spell sa kanyang sarili, takot na magpadalo-dalos ng kilos.

'Hindi pa rin siya lumalabas?'

'Hindi maganda 'to. Dapat kong ipaalam kay guro na hindi namatay si Marvin at isa na itong Legend…'

'Hindi ko pwedeng patagalin 'to.'

Balisa at natatakot na si Monica.

Kinagat niya ang kanyang labi at nagbukas ng Teleportation Door!

Pero biglang may isang anino na lumitaw sa kanyang harapan!

"Wag kang mag-alala, malalamang ng guro mo ang tungkol dito."

"Pero ikaw…"

"Hindi ka na makaka-alis sa lugar na 'to!"

Bago pa matapos ni Marvin ang kanyang mga sinasabi, walang habas na siyang umatake gamit ang kanyang curved dagger!

Desperation Style!

Azure Leaf – Magic Penetration!

Próximo capítulo