webnovel

Advancement Manual

Editor: LiberReverieGroup

Sa kadiliman ng abyss, makikitang patalon-talon si Marvin.

Dahil nadudurog ang mga bato, wala siyang magagawa kundi magpatuloy.

Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kapag nahulog siya.

Kahit na mayroon siyang Dark Sight na nakuha niya mula sa Night Monarch, hindi pa rin niya makita ang dulo nito.

Malinaw na kakaiba ang lugar na ito.

Tumalon-talon si Marvin sa mga nakalutang na bato hanggang sa nakapansin na siya ng liwanag sa kanyang harapan.

Isang bonfire.

 – Kinakatawan ng mga bonfire ang pag-asa. Noong era ng kasukalan, tanging mga bonfire lang ang nakakapawi sa takot na nararamdaman ng mga tao dahil sa walang hanggang kadiliman –

Umulit sa kanyang isipan ang sinabi ng matandang blacksmith bago siya umalis.

Nagningning ang kanyang mga mata habang papalapit siya sa bonfire!

Nang maabit ito ni Marvin, kitang-kita niya na isa itong malaking platform na lumulutang.

Mayroong magkakapatong na bonfire sa apat na sulok ng platform.

May iba't ibang kwarto sa platform, ang iba ay puno ng libro, ang iba naman ay may iba't ibang uri ng sandata na nakasalansan sa loob.

'Ito ang headquarters ng mga Night Walker?'

Biglang napatingin paibaba si Marvin.

Nagulat siya na mayroong siyam na platform na magkakasunod at magkakapatong sa lugar na ito.

'Sabi ay nasa ikatlong palapag daw ang Advancement Manual ng Ruler of the Night!'

Ginawa ni Marvin ang suhestyon ni Marvin ang sinabi ni Sean at minanipula ang kanyang katawan para mapunta sa ikatlong palapag.

Pero paglapag niya, pakiramdam niya ay bumagal ang kanyang katawan.

Tila wala nang natira mula sa kanyang Godly Dexterity.

'Ang lakas naman na limitasyon nito.'

'Talaga ngang makikita na ang Night Monarch mismo ang gumawa ng lugar na ito,' hangang-hanga si Marvin.

Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-hahanap, inisa-isa niya ang mga kwarto.

At katulad ng sinabi ng matandang blacksmith na si Sea, karamihan ng mga kwarto sa ikatlong platform ay puno ng mga libro.

Ang mga librong ito ay selyado ng misteryosong kapangyarihan, at si Marvin, bilang miyembro ng mga Night Walker, ay maaari lang magdala ng isang bagay papalabas ng lugar na ito.

Kung hindi siya susunod sa patakaran na ito, mawawala sa kanya ang Night Walker's Blessing.

Syempre, hindi ito gagawin ni Marvin.

Ang pakay niya sa pagpunta rito ay ang Ruler of the Night Advancement Manual.

Ang rason kung bakit niya pinili ang Night Walker bilang class ay dahil alam niyang ang mga Night Walker ay mayroong Ruler of the Night Inheritance.

Alam niyang hindi magiging madali ang pag-advance sa Legend, kaya naman pinaghahandaan na ito ni Marvin. Kailangan niyang ihanda ang napakaraming bagay. At kahit na pambihira ang alaala ni Marvin, hindi niya masisiguradong wala siyang malilimutan.

Isa pa, kahit na ito rin ang parehong Ruler of the Night na class, kung saan siya nag-advance noong isa pa siyang Thief at Assassin, iba na ang sitwasyon ngayon dahil isa na siyang Ranger at Night Walker.

Kaya magandang makuha muna niya ang Advancement Manual.

Inikot niya ang mga hanay ng istante at sa wakas ay nakita ang isang napakalaking libro!

Ang nakalagay sa iskaparate ay: Legend Manual

Nanlaki ang mga mata ni Marvin!

Ang buong istante ay puno ng mga Legend class manual.

Hindi ba sobra-sobra naman ito para sa Night Walker Organization?

Hindi na makapaghintay si Marvin na hanapin ang kailangan niya.

Ang unang hanay ay para sa mga Fighter. Nilalampasan ng kamay ni Marvin ang mga ito habang binabanggit ang mga ito sa kanyang isipan: Blazing Guardian, Stone Breaker, Mountain Lord, Sword of Arcane Order.

Ang mga Legend Class na ito ay mahirap nang matagpuan sa Feinan.

Sa isang banda, mayroong kaunting mga Legend, at sa kabilang banda, napakahirap makahanap ng Inheritance ng isang Legend class!

Kaya naman, sa isang ordinaryong advancement sa Legend, ang isa sa mga kasalukuyang class nila ang magiging kanilang Legend class.

Halimabawa, sa ngayon si Marvin ay isang Level 9 Ranger, Level 6 Night Walker, at Level 6 Shapeshift Sorcerer. Kaya naman siya ay Level 18 (dahil sa kalahati lang ang sub-class level na makukuha dahil sa penalty).

Pero kapag nakaabot na siya sa Legend Real, (level 21), hindi na maisasama sa kanyang kabuoang level ang kanyang sub-class. Tanging ang kanyang basic at advance class ang may bilang.

Kung mag-advance si Marvin habang siya ay isang Level 10 Ranger, Level 8 Night Walker, at Level 6 Shapeshift Sorcerer, siguradong magiging isang Legend siya.

Subalit, ang kanyang Legend Class ay hindi magiging Night Walker o Ruler of the Night, sa halip, ito ay magiging [Legend Ranger].

Ito ang dahilan kung bakit hindi gaanong pinapataas ng mga tao ang kanilang basic class. Sa oras na nag-advance, ang pinakamataas na level class ang mapipili bilang Legend class, at makakuha ito ng karagdagang Legend specialty.

Ang mga Legend ay nahahati sa iba't ibang uri ng Legend class.

Pero siyempre, mayroon pang ibang paraan, at iyon ang hindi pag-advance sa Ranger sa pamamagitan ng hindi paglevel-up dito at sa halip ay pumili ng advanced Legend class.

Dahil ang mga Legend class na ito ay hindi apektado ng limitasyon ng pinakamataas na class.

Sa madaling salita, basta matapos ni Marvin ang lahat ng kinakailangan para sap ag-advance sa Ruler of the Night, ang Legend class niya ang magiging Ruler of the Night, at makukuha niya ang mga specialty na kasama nito sa halip ng mga specialty ng Ranger class.

Tunkol naman sa mga Legend class specialty, mas malakas ang mga ito kumpara sa mga specialty ng basic o advanced class.

Sadyang hindi kapantay ng ibang mga basic Legend class ang Ruler of the Night!

Makikita ang kahalagahan ng pagtanggap ng Inheritance dito.

Maraming Legend ang walang nagawa kundi gawin Legend class ang kanilang advanced class dahil lang hindi sila nakahanap ng tunay na Legend Class.

Kahit na mas simple ang pag-abot sa Legend Realm sa ganitong paraan, mas mahina ang mga ito.

'Hindi ko inaasahan na napakaraming Advancement Manual ng mga Night Walker para sa iba't ibang mga Legend Class!'

'Kung pwede ko lang silang kuhanin at ibaneta, kahit mauubos ang lahat ng kayamanan at ari-arian ng mga Half-Legend na 'yon, siguradong bibilhin nila 'to!'

Makikita ang kasakiman sa mga mata ni Marvin.

Pero alam niyang inipon ito ng kanilang organisasyon sa loob nang mahabang panahon.

Dapat ay makuntento na siyang makuha ang Ruler of the Night's inheritance.

Habang iniisip ito, nilaktawan na niya ang istante ng Fighter at Wizard, at nagpunta sa hanay ng mga rouge.

Sa isang tingin lang ay agad na napansin ito ni Marvin!

– Night Book: Ruler of the Night Advancement Manual –

At ayon na nga!

Nang hawakan ni Marvin ang libro, bahagyang yumanig ang platform.

'Sabi ni Sean kailangan ko agad umalis pagkatapos kong makuha ang kailangan ko. Masyadong misteryoso ang lugar na ito. Night Walker naman ako pero mahigpit pa rin ang mga kondisyon,' isip-isip ni Marvin. Pagkatapos kunin ang Advancement Manual, agad siyang tumakbo patungo sa sulok ng platform.

Mayroong maliit na Teleportation Array doon, at tumayo doon si Marvin.

Pero bago siya nai-teleport palabas, bigla niyang napansin ang isang pahinang scroll sa huling istante!

Hindi niya makita nang mabuti ang laman ng pahina na ito, pero bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

'Ang unang pahina ng Book of Nalu!'

Bigla niyang naunawaan ang sitwasyon.

Maaaring ito ang koneksyon ng ika-anim na pahinang hawak niya at ang unang pahinang nasa istante.

Tila ba tinawag ng dalawang pahina ang isa't isa.

Huminahon si Marvin. Ang ikatlong pahina ng Book of Nalu ay sinelyo ni Hathaway sa Ashes Tower, habang ang ika-anim na pahina ay nasa kanya, at ngayon naman ay nahanap na niya unang pahina… nasa loob lang pala ito ng headquarters ng mga Night Walker.

May tyansa kaya siyang mabuo ang misteryoso at makapangyarihang libro na ito?

Hindi mapakali si Marvin habang iniisip ito.

Pero alam niyang hindi pa ito ang tamang oras.

Kailangan niya munang mag-advance bago gumawa ng ibang mga bagay.

Habang iniisip ito, nai-teleport na si Marvin palabas sa headquarters ng mga Night Walker at napunta sa isang hindi pamilyar na lokasyon sa loob ng Thousand Leaves Forest.

Hindi na niya ito gaanong pinansin dahil isa itong Teleportation Array.

Pero hindi niya inaakalang makakakita siya ng pamilyar na mukha sa kanyang harapan.

"Ikaw?!" Nagulat ang taong ito.

Próximo capítulo