webnovel

Tearing a Dragon Apart!

Editor: LiberReverieGroup

Pagsugod ni Marvin, agad na naging Diamond ang kanyang katawan!

Dahil protektado ang kanyang katawan ng Unbreakable Diamond, hindi natatakot si Marvin na kalabanin ang Black Dragon!

Lalo pa at taglay na niya ngayon ang 6th layer Fate Power!

Hindi alam ni Marvin na maaaring ipahiram ang Fate Power.

Pero wala na siyang oras para isipin pa ang mga bagay na ito.

Kailangan niyang dispatyahin agad ang Black Dragon na si Clarkson at ang projection ng Black Dragon God!

Sa ganoong paraan niya lang maaaring suklian ang sakripisyo ni Jessica at Ding.

Habang nakay Marvin ang Fate Power, tila nanghihina si Jessica.

Pilit nitong binuksan ang isang Teleportation Door at kinuha si Ding bago nanghihinang pumasok dito para makabalik sa Hope City.

'Sa kanya na nakasalalay ang lahat…'

Ang napakalakas na babaeng ito ay ipinagkatiwala na ang kanilang buhay sa ibang tao.

Pambihira ito sa kanya dahil kaunti lang ang mga problemang hindi niya kayang lutasin!

Ang kasalukuyang si Marvin ay biglang naging napakalakas sa mga mata ng Black Dragon.

Dahil sa 5 Luck, naging 6th layer Fate Power ang kaninang 5th layer lang ni Jessica.

Kahit na isang layer lang ang pinagkaiba nito, ito magdudulot ng kaibahan sa pagkapanalo at pagkasawi sa digmaang ito.

Dahil sa napakalakas ni Marvin, piniling ni Clarkson na iwasan ito!

Iwinasiwas nito ang kanyang buntot at mahusay na lumipad pataas, kaya naman naiwasan nito ang atake ni Marvin.

Ibang-iba talaga ang Black Dragon na ito kay Clarke. Mas mahinahon at tuso.

Pagkatapos ay ginamit nito ang projection ng Black Dragon God para suriin ang tunay na lakas ni Marvin.

Dahil sa sulsol ng Black Dragon, inatake ng projection si Marvin.

Nang papalapit na sila sa isa't isa, mapangahas at mabagsik nitong sinapak ang kanyang kalaban!

Ang simple at maliksing suntok na ito ay nababalot ng kapangyarihan ng Unbreakable Diamond at ng 6th layer Fate Power, direkta itong tumagos sa nakakatakot na anino!

May gusto sanang sabihin ang projection ng Black Dragon God, pero may kakaibang pagbabago sa space-time na lumabas sa bibig nito. Mabilis itong naging isang puyo.

Napira-piraso ni Marvin ang projection ng Black Dragon God!

Tahimik ang Hope City.

Bumilis ang tibok ng puso ng marami at namumutla ang mukha ng mga ito. Pero walang ni isa sa kanila ang sumugaw!

Masyado nang maraming hindi inaasahang kaganapan ngayong araw.

Natanggap ni Sir Robin ang tulong ni Lady Jessica at muling naging isang matapang at magiting na bayani.

Pero walang makakapagsabi kung biglang mabago muli ang sitwasyon!

Lalo pa at muli pang nabuhay ang Black Dragon matapos itong mamatay.

Matinding pagdarasal ang ginagawa ng mga ito: Kailangan manalo ni Sir Robin!

Kailangan mong Manalo Sir Robin!

Ang pag-iisip na ito ay naging isang matinding daloy ng impormasyon na pumasok sa ulo ni Marvin!

'Ito ang… perception ng Fate Power?'

Tila nauunawaan na ni Marvin.

Dahil sa Fate Power ni Jessica, nagagawa niyang marinig ang iniisip ng mga tao sa Hope City.

Marahil masyadong matindi ang pagnanais na ito.

'Kailangan kong mapatay ang Black Dragon!'

Lumingon is Marvin at napansin na nanghihina na si Ding at Jessica, lalong-lalo na si Ding. Yakap-yakap ito ni Lorie, at unti-unti nang nawawalan ng malay!

5 Luck! Mabigat na pasanin ito para sa mga Fortune Fairy.

'Kailangan kong manalo!'

Paulit-ulit na pumasok sa ulo ni Marvin ito. Mabagsik niyang tinitigan ang Black Dragon na mataas na lumilipad sa ere.

13 segundo pa lang ang lumilipas!

Pagkatapos ng 27 na segundo, mawawala na ang epekto ng Diamond-shape at muli nang manghihina si Marvin.

Noong mga oras na iyon, tanging Fate Power na lang ang maaari niyang asahan para mapatay ang Black Dragon.

Walang pag-aalinlangan na lumipad si Marvin pataas!

Binigyan siya ng kakayahang lumipad nang mabilis ng 6th layer ng Fate Power!

Matapos makita na tinalo ni Marvin ang projection sa isang suntok, agad na natakot ang Black Dragon.

Mataas ang perception nito kaya naman nararamdaman niyang sapat na ang lakas ni Marvin para pira-pirasuhin siya!

'Paano naging ganito kalakas ang isang hamak na tao!'

'Hindi, nararamdaman kong nanggaling sa iba ang lakas na ito. At nauubos ito!'

'Tama, dapat muna akong tumakas, mananalo ako kapag pinatagal ko ang laban na ito.'

Patuloy na nag-iisip si Clarkson, at sa harap ng lahat, pinagaspas niya ang kanyang mga pakpak at mas lalong lumipad paitaas!

Nagulat silang lahat.

Ngayon lang sila nakakita ng Dragon na tumatakas sa isang laban.

Taliwas ito sa kumpiyansa ng mga Dragon.

Kung si Clarke ito, marahil sumugod na ito at ibinuwis ang buhay para atakihin si Marvin.

Pero iba si Clarkson, mahusay ang kanyang mga nagiging desisyon.

Lalo niyang ibinuka ang kanyang pakpak at tinodo ang bilis ng kanyang paglipad!

Sa isang iglap, naging tuldok na lang sa kanyang paningin ang mga tao sa Hope City.

Hindi maiwasang magmalaki ni Clarkson.

Pero sa sumunod na sandali, isang malakas na nilalang ang nakahuli sa kanyang buntot at hinila siya pababa!

Sa sobrang lakas nito, walang nagawa si Clarkson at bumagsak ito hanggang sa lupa!

"Blag!"

Bumagsak mula sa kalangitan nag Black Dragon, nagdulot ito ng napakalaking butas sa lupa!

Sa loob ng butas, si Marvin na may Unbreakable Diamond na katawan na naglalabas ng liwanag na may iba't ibang kulay ay tinitigan ang Black Dragon na nasa ilalim niya!

Hindi biro ang 6th layer Fate Power!

"Sinabi kong hindi na ako magkakamali, kaya sisiguraduhin ko 'yon!"

"Ding, manuod kang mabuti, dahil alam kong gusto mong makitang pira-pirasuhin ko ang Black Dragon!"

Nang marinig ang boses ni Marvin, ang nanginginig na Black Dragon ay napasigaw!

Biglang dumanak ang dugo ng Dragon!

Hinawakan ni Marvin ang pakpak nito at binunot!

Pilit na lumalaban si Marvin pero bawat hakbang ni Marvin ay tila libo-libong tonelada na nakadagan sa kanya.

Para siyang asong mamatay, hindi makagalaw.

Nakatitig naman ang lahat ng tao sa Hope City sa eksenang ito.

Talagang pinipira-piraso niya ang Dragon gamit ang kanyang mga kamay?

"Plak!"

Kasunod ng nakakatakot na tunog, malawak na bahagi ng kaliskis ni Clarkson ang walang awing binunot ni Marvin!

Sumirit ang dugo, kasabay ng pag-atungal ng Black Dragon.

Labing-anim na segundo na lang ang natitira!

Binilisan ni Marvin at patuloy na pinira-piraso ang Dragon.

Hahawakan niya ang buntot nito at muling ibabalibg o kaya naman ay muling bubunot ng isang tadyang!

Sa loob ng sampung segundo, malaking bahagi ng Black Dragon na ang lasog-lasog!

Patuloy ang pagkibot ng mga laman-loob nito kasabay ng pagkalat ng amoy ng dugo sa hangin.

Hindi na nakayanan ng iba ang eksena at nasuka ang mga ito.

At mas dumami pa ang nagulat at natakot sa lakas ni Marvin.

Pagkatapos, dinakma ni Marvin ang puso ni Clarkson!

"Wag!" kaawa-awang sabi ng Black Dragon, "Handa akong maging alipin mo! Wag mo lang akong patayin!"

"Pasensya na. Hindi ko kailangan ng alipin." Bahagyang ngumiti si Marvin.

Dahil tatlong segundo na lang ang natitira, dinurog niya ang puso ng Black Dragon!

Kasabay ng pagputok nito, biglang may pumasok kay Marvin!

'Ayos!'

Napuno ng saya at ligaya si Marvin.

Próximo capítulo