webnovel

Luring the Tiger Away From Its Mountain

Editor: LiberReverieGroup

Matibay ang istruktura ng Moss Prison. Hindi lang maganda ang Variant Moss sa pagkulong ng mga preso, parte rin ang mga ito ng Underworld. Mga nilalang rin ito na mayroong kamalayan.

Mataas ang Perception ng mga ito sa mga hindi Evil Spirit na nilalang.

Kahit na makapangyarihan ang Disguise ni Marvin, hindi ito sapat para magtago mula sa Moss.

Kaya naman tumigil siya isang kilometro ang layo mula sa Moss Prison.

Gumapang siya sa ilalim ng halamanan. Sa harap niya ay isang sira-sirang maliit na daan at sa bandang kanluran naman ay ang hangganan ng Moss Prison.

May isang Evil Spirit Knight na sakay ng Evil Warhorse ang dumaan. Ang mga ito ang bahala sa seguridad ng lugar na ito.

Naroon lang sila para siguruhing hindi makatakas ang mga nakakulong.

Mga taga-labas? Walang nag-aakala sa kanilang may bibisita sa Underworld.

Ang lahat ng pwersa ng Undeworld ay nailipat kay Diggles para harapin ang grupo nang anim na Legend. Ang tanging naiwan lang ay ang mga nagbabantay sa Moss Prison.

Tuso si Diggles. Kahit na mataas ang seguridad ng Moss Prison, marami pa ring paraan para makapasok.

Ang White Deer Holy Spirit na si Lorant ay hindi ang tipo nang taon basta-basta na lang susukuan ang kanyang mga anak, kaya naman kumbinsido si Diggles na mayroong magtatangkang iligtas ang mga ito.

Pero hindi pa lang ito dumarating.

Nanatili siyang listo, kaya naman nag-iwan ito ng mga bantay sa Moss Prison, at pinadala pa nito ang isang grupo ng mga Evil Spirit Knight mula sa isang bayan na malapit rito para bantayan ito.

Magiging mas mahirap na ang pagpasok sa kulungan dahil dito.

'Tuso talaga si Diggles…' tahimik na sabi ni Marvin sa sarili.

Pero pinaghandaan niya na ito!

Walang mas nakakaintindi kay Diggles bukod kay Marvin. Tunay nga na tuso si Diggles pero masyado rin itong Arognte!

Kapag may napansin ito, siguradong kikilos siya.

Ganito siya sa lahat nang bagay.

Habang iniisip ito, inilabas ni Marvin ang Thousand Paper Crane.

Sa loob ng Thousand Paper Crane ay isang bangkay ng Dragon!

Pero may isa pa itong gamit bukod sa lagayan ng mga kagamitan.

"Kayo nang bahala, Sir Owl," tahimik na bulong ni Marvin.

Feinan Owl lang ang tanging Legend sa kanilang pito ang hindi pumasok sa Rainbow Tunnel.

Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na siya kasama sa misyon laban sa Underworld.

Base sa plano ni Marvin, Hindi niya na kailangan sumama pa kina Lorant.

Sapat na ang anim na Legend para panatilihing abala si Diggles. Ang Shadow Thief na si Owl naman ang bahala kumuha ng natitirang atensyon nito.

Naka-upo lang ito sa bato at bagot na bagot na nilalaro ang Thousand Paper Crane.

Nang biglang lumabas ang boses ni Marvin mula rito.

Nag-inat si Owl, at biglang nawala ang Thousand Paper Crane mula sa palad nito.

'Kaparehong-kapareho talaga ng batang si Marvin ang lolo niya noon, ang daming ginagawang kabaliwan…'

"Wala pang isang taon ang lumilipas, kailangan ko namang labanan ang isang Evil Spirit Overlord. Minamalas naman talaga ang Legend Thief na 'to!" Bulong nito sa kanyang sarili at bigla itong nawala!

Isang Shadow Thief Legend Ability, ang [Shadow Travel]!

Ang ability na ito ay iba mula sa [Shadow Dodge]. Ang Shadow Dodge ay panandalian lang magagamit ang Shadow Plane para mapunta sa ibang lugar sa Feinan, Habang ang Shadow Travel naman ay nagbibigay kakayahan na maging isa sa Shadow Plane.

Kaya naman, naglakbay ang Shadow Thief na si Owl sa Shadow Plane.

Sa katunayan, siya lang sa pitong Legend ang may kakayahang pumunta sa Underworld na walang ginagamit na kagamitan!

Maraming lugar sa Shadow Plane na karugtong ng Underworld.

Gamit ang Shadow Travel, nagawang makahanap ni Owl ng isang bitak na patungo sa Decaying Plateau at pumasok!

Syempre, ngayon lang nila pinlano ito, dahil mahirap hanapin ang mga ganitong bitak. Lalo pa at mapanganib sa loob ng Shadow Plane.

Pero ibang-iba ito para kay Owl. Ang taong ito ay may karanasan sa paglalakbay mula Norte hanggang sa katimugan. Ilang beses na rin siyang naglakabay sa Shadow Plane.

Alam niyang mayroong higit sa labing-tatlong bitak na nagdudugtong sa mga lower plane!

Kaya naman simple lang ang pagpunta sa Decaying Plateau.

Lalo pa at ang paglalakbay mula Feinan patungo sa mga lower plane ay may simple kesa sa paglalakbay mula lower plane pabalik sa Feinan.

"Woosh!" Ang kanyang anino ay biglang nawala.

Ang nag-aabang naman sa kanya ay ang nabubulok na amoy!

'Mayroon ngang isa pang isang Legend! Isang Shadow Thief!'

Sa gitna ng laban, ang dalawangdoppleganger lang ni Diggles ang ginagamit niya sa pakikipaglaban sa mga Legend.

Ang pangunahing katawan naman niya ay nakatuon ang atensyon sa buong plane.

Nang biglang lumitaw ang Shadow Thief na si Owl, agad niya itong napansin.

Isang mapagmalaking ngiti ang gumihit sa kanyang mga labi. Mayroong limitasyon ang oras na maaari niyang ituon nag kanyang atensyon sa buong plane.

Sigurado si Diggles na puro lang mga Legend ang grupong ito. Lalo pa at sino pa nga ba, bukod sa mga Legend ang mangangahas na pumasok sa Decaying Plateau?

Kaya naman itninuon niya lang ang atensyon niya sa mga awra na nasa Legend rank pataas noong nagmamasid siya sa buong plane.

Ito na ang pinaka epektibong gawin.

At tulad nang inaasahan, nakumpirma nang paglitaw ng Shadow Thief Owl ang kanyang iniisip.

'Siguradong ang Shadow Thief na ito ang magtatangkang magligtas sa mga White Deer, hehe..'

'Mangmang.'

Bahagyang itinaas ni Diggles ang kanyang kamay at isa na namang dopple ganger ang lumabas!

Mas mahina ang awra ng dopleganger na ito kumpara sa naunang dalawa, pero sapat na ang lakas nito para harapin ang Shadow Thief.

Kasabay nito, ang Evil Spirit Envoy na nagbabantay sa Moss Prison ay nakatanggap ng utos mula kay Diggles.

"Isama mo ang karamihan sa mga Evil Sprit Knight at palibutan ang shadow Thief!"

Nakakasindak ang boses ni Diggles.

At walang ibang nasabi ang Evil Spirit Envoy kundi, "Opo!"

Pagkatapos noon, isang malaking grupo ng mga Evil Spirit Knight ang umalis para puntahan ang Shadow Thief!

Nagtaka naman si Diggles sa susunod na ginawa ni Owl.

Hindi ito nagtungo sa direksyon ng Moss Prison, sa halip, sa ibang direksyon ito dumeretso.

Takang-taka si Diggles, 'Hindi ba siya nandito para ililigtas ang mga White Deer?'

'Teka… ang direksyong iyon… ang lihim na imbakan ko nang kayamanan!'

'Paano niya nalaman?! Pucha! Nandito pala siya para magnakaw!'

Biglang itong napagtanto ni Diggles. Nagngalit ang ngipin nito at inutusan ang kanyang doppleganger na bilisan nag kilos.

Ang pangunahing katawan nito ay nakatuon pa rin ang atensyon sa pakikiramdam ng awra ng mga Legend sa Underworld.

Sa dami nang Legend na dumating ngayon, hindi na siya magugulat kung may dumating pang iba. Nasabik lang siya lalo sa mga kaganapan!

Dahil alam niyang walang pag-asang manalo ang mga Legend na ito sa loob ng kanyang Plane!

Ang kanyang trono ang may hawak ng lahat ng kanpangyarihan sa plane, mayroong pang [that thing] na patuloy na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanya. Kaya siguradong hindi siya kakayanin ng mga taong ito!

Habang iniisip ito, gusto niyang tumawa nang napakalakas!

Sa Shadow Plane. Dalawang kakaibang anino ang tahimik na lumitaw.

"Tsk tsk, sadyang maliit talaga ang mundo."

"Mukhang mababawi mon a ang dignidad mo ngayong araw," malumanay na sabi ng lalaking tila isang babae.

Puno nang galit ang mata ni Glynos.

Kitang-kita nila sa harapan nila ang pagtakbo ng Shadow Thief, at sa isang kisapmata, bigla itong nawala mula sa Shadow Plane.

Kahit na pinapanuod nila ito, hindi nila ito maaaring habulin dahil magulo ang Shadow Plane. Hindi nila maaaring kalabanin ang space-time kahit pa mga god ang mga ito.

Sa katunayan, magulo ang lahat ng bagay sa Shadow Plane. Kahit pa saksakin moa ng isang kalaban dito, maaaring buhay pa rin ito sa material plane.

Isa ito sa mga rason kung bakit walang ginawa ang Shadow Prince.

"Hindi pa tayo kikilos?"

Nabuburyong tanogn ni Glynos nang makitang pumasok si Owl sa bitak ngDecaying Plateau.

Ngumiti naman ang kanyang katabi at nakangiting sinabi. "Assassin ka hindi ba? Bakit parang umikli na ang pasensya mo mula nang maging god ka."

"Wag mong kalimutan ang pinagmulan mo."

"Para hindi mo malimutan kung sino ka talaga."

Tahimik na suminghal ang Shadow Prince pero hindi ito sumagot.

Tama ang sinabi ng kanyang kasama. Matapos niyang mag-ascend, umikli na ang pasensya niya.

Hindi na katulad ng dati ang kanyang pagpapasensya. Napatilan ito ng baliw at maka-agaw pansing mga pagpatay. Hindi na ito problema ng istilo kundi problema na sa pag-uugali.

Dahil sa pagiging god niya ay naging salawahan na siya at umikli pa ang pasensya.

Umabot na ito sa puntong nakagawa siya nang malaking pagkakamali mula nang maging tampulan ng pansin ng God Assembly sa God Realms.

"Tama ka," amin ni Glynos. "Karapat-dapat lang sayo ang pagiging Ancient God. Kahit na hindi ka mas malakas kesa sa akin, wala akong laban sayo pagdating sa kaalaman mo sa mundong ito."

Pilit na tumawa naman ang kasama nito at makikita ang pagkayamot sa mga mata nito.

Sa Moss Prison.

Nang makita niyang umalis na ang mga Evil Spirit Knight, nakahinga na nang maluwag si Marvin!

Gumana ang plano niya!

Ang una ay ang anim na Legend na umatake, at pagkatapos naman ay ang Shadow Thief na magnanakaw ng kayaman. Nakuha na ang atensyon ni Diggles dahil sa dalawang kaganapang iyon!

Humina na ang seguridad ng Moss Prison.

Oras na para kumilos siya.

'Kailangan kong magmadali.'

Tiningnan ni Marvin nag mga Evil Spirit Knight na lumalakad-lakad sa hangganan ng Moss Prison at saglit na nag-sip bago tuluyang nag-stealth at dahan-dahang pumasok.

Agad namang naubos ang distansya sa pagitan ng magkabilang panig.

Ang natirang pitong Evi Spirit Knight ay dedikado at nanatili sa pwesto nila.

Nang biglang naging kulay pula ang Variant Moss!

May maliliit na butyl sa hangin ang nagpaikot-ikot sa moss hanggang sa tinuro nito ang isang lokasyon.

Nagkatinginan nag mga Knight at agad na nagtungo sa direksyong iyon!

Napakabilis nang mga ito at hindi nagtagal ay bahagyang napalibutan na nila ang lugar.

Itinaas ng mga Evil Spirit Knight ang kanilang mga sibat at itinutok sa isang lugar saka sabay-sabay na sinaksak ito.

Hindi nila inasahang biglang magugulo ang pwestong iyon, at makikita ang isang maliit at inosenteng Fairy!

Wind Fairy!

Krash! Isang malakas na bugso ng hangin ang umihip, umitsa ang mga sibat ng mga Knight at halos magkabanggaan ang mga ito.

Pagkatapos nito, biglang lumipas ang Wind Fairy pataas.

Bago pa man may magawa ang mga Knight, isang malakas na pagputok ang narinig labing-limang metro ang layo!

Matapos ang pagputok, lumitaw na rin ang anino ni Marvin.

Maliliwanag na apoy ang lumabas mula sa shotgun at nabalot nito ang pitong Knight!

'#4Holy Water at isang shotgun, ngayon lang ata ito nagawa.'

Ngumiti si Marvin at tiningnan ang mga Evil Spirit Knight na natutumba dahil sa epekto na holy water, saka nito muli itinago ang kanyang shotgun.

Saka niya nilampasan ang pitong Knight na naghihingalo sa lupa, hawak ang kanyang dagger, dumeretso na siya papasok sa Moss Prison!

Próximo capítulo