webnovel

Fierce Scar

Editor: LiberReverieGroup

Ngunit nang si Roland mismo ang gumamit nito, napagtanto niya na hindi ganoon ka simple ang aktwal na sitwasyon sa inaakala niya.

Pagkatapos maiging magtrabaho ng apat o limang araw sa bakuran niya, natapos niya din gawin ang mas matigas na mga drill bits. Sa pamamagitan ng mataas na temperatura ng apoy ni Anna, madali siyang nakakakuha ng molten iron na may init na higit sa 1,500 degree Celsius. Dahil walang anumang temperature constraint, mabilis siyang makakagawa ng kaunting steel sa pamamagitan ng conventional wrought-steel method. Sa pamamagitan ng paghalo ng molten iron gamit ang isang iron bar, ang labis na carbon at iba pang mga impurity sa pig iron ay mag-o-oxidize sa hangin, at pagkatapos ito ulitin ng ilang beses, lalabas ang premium steel habang lumalamig ang molten iron.

Ang problema ay ang unang steam engine.

Habang umaandar ang primitibong makinarya na ito, gumagawa ito ng napakalakas na ingay at high-frequency na vibration. Kaya ang resulta, hindi maayos na ma-drill ang buong solid iron. Sa mga rough labor, hindi mahalaga ang ganitong antas ng pagyanig, ngunit malinaw na hindi ito pwede sa pagproseso ng barrel.

Para mapabuti ang sitwasyong ito, kailangan niya kumaya ng isang centrifugal governor na magkokontrol ng output power ng steam engine, at pagkatapos ay gamitin ang gear assembly para mabawasan ang vibration, at mai-adjust ang rotation rate ng drill bit. Dagdag pa dito, kinailangan ng mga machining gears ng isang simpleng lathe. Sa mga nangyayari, napagtanto ni Roland na hindi niya magagawa ang mga goal niya bago dumating ang Months of Demons.

Sa kalaunan, maari niya lang i-apply ang makalumang paraan na tanungin ang mga blacksmith upang unti-unti itong martilyuhin hanggang humugis. Hindi naging matagumpay ang planong i-mass produce ang flintlock. Ayon sa bilang ng mga blacksmith shop sa Border Town, maari lamang makagawa ng tatlo o apat na barrel kada buwan, sa kondisyon na ititigil ang produksyon ng pangalawang steam engine.

Ang tanging konsolasyon lang ay hindi na kailangan alalahanin ang pass rate ng barrel. Kinailangan lang martilyuhin ng blacksmith ang tinatayang hugis ng bilog na mga tubo. Si Anna ang gagawa ng pipe linking. Ang epekto nito ay malapit sa seamless tube cut na gawa ng boring tool, at kaya tuluyang nawala ang banta ng gun-barrel explosion.

Walang ng nagawa si Roland kundi baguhin ang dati niyang plano. Plano niyang maghikayat ng mga mangangaso mula Border Town para makabuo ng isang Flintlock Squad—sila ay kadalasang dalubhasa sa archery at ang bow at crossbow ang kanilang kadalasang sandata. Maliban dito, hindi kailangan ng mahabang panahon sa pagsasanay ng paggamit ng baril, kaya maari silang agad maging combat ready.

Ngunit mula ngayon hanggang sa Months of Demons, apat na flintlock gun lang ang maaring magawa. Sa ganitong paraan, tanging ang pinakamagaling lang na mga mangangaso ang maaring makabuo ng isang elite team. Nagpasya si Roland na ipagkatiwala ang trabahong ito kay Iron Axe. 15 taon na siyang naninirahan sa Border Town, at siya din ang kinikilalang pinakamagaling na mangangaso.

*******************

Hindi naging masaya si Brian sa loob ng nagdaang kalahating buwan.

Lalo na nang nakasalubong niya ang militia team sa daan, dumoble ang lungkot na nararamdaman niya… Hindi niya magawang maunawaan ang mga nangyari.

Pakiramdam niya na nakalimutan na siya ng Prinsipe.

Nang ipatawag siya ng chief knight isang buwan na ang nakakalipas, punong-puno siya ng sabik. Ang pagiging malapit kay Prinsipe Roland at ang pagkwestyon sa kanya ng mismong Prinsipe ay isang napakapalad at marangal na bagay.

Nagmula siya sa isang odinaryong pamilyang mangangaso at lumaki siya sa Border Town. Sa pamamagitan ng kanyang sariling abilidad, siya ay isang naging isang Patrol Leader. Alam niyang hindi siya maaring umasa sa kanyang background para maging isang knight, tanging umaasa lang siya na magkaroon ng oportunidad para magkaron ng merit, at tanggapin ang conferral ng mga awtoridad.

Ang pagkwekwestyon ng Prinsipe ay ang naging oportunidad niya. Tila ayaw isuko ni Prinsipe Roland ang kanyang lupain at sinusubukan maghanap ng paraan para malabanan ang mga demonic beasts. Sa kalaunan, ang napakalaking konstruksyon ng city wall ay nagpatunay na sa kanila na dito sa Border Town sila magpapalipas ng Months of Demons.

Kung balak ng Prinsipe na pigilan ang pagsugod ng mga demonic beasts dito, kailangan niyang magtayo ng isang platoon na may sapat na lakas ng loob upang harap-harapan makipaglaban. Inisip ni Brian na siya ang pinakamainam para sa role na ito, dahil may kasanayan siya sa pagiimbestiga, sa swordmanship at equestrian o pangangabayo na skill. Kada taon, mananatili siya hanggang sa sindihan ng garrison duty ang beacon-fire upang patunayan ang kanyang katapangan. Ngunit hindi niya kailanman inasahan na pipili ang Prinsipe ng isang platoon na mula sa mga mamamayan para labanan ang mga demonic beasts!

Oo, isang platoon ng mga sibilyan. Bukod pa dito, ang buong patrol team na sampung katao, kabilang siya, ay hindi pumasa sa pagsusuri na ginawa ng chief knight. Hindi ito kapani-paniwala. Sa tingin ba ng Prinsepe na ang mga sibilyan na ito na kailanman hindi pa nakahawak ng espada ay magiging mas mabuti sa kanyan sa pakikipaglaban? Sa malamang ay tatakbo ang mga ito kapag nakita nila ang mga katakut-takot na itsura ng mga demonic beasts.

Ngunit tila seryoso ang Prinsipe… Hindi lang niya sinasanay ang grupo ng sibilyan na mga ito, kundi binigyan niya din sila ng mga uniporme. Tuwing hapon, nakikita ni Brian ang grupong ito na nakasuot ng brown and gray leather armor, na nakapila sa dalawang hanay habang tumatakbo sa kalye. Sa simula, napakagulo ng platoon, ngunit sa kalaunan kunti-konti itong nagiging maayos.

Ngunit araw-araw tanging mga walang kwentang gawain lang ang ginagawa niya, at walang pag-asa na ma-promote.

Nang kinagabihan, habang paikot-ikot siya sa kanyang kama, may isang malakas na ingay sa kabilang bahay. Biglang bumukas ang pinto, at may isang taong tahimik na pumasok.

"Hoy, bumangon kayo! Lahat kayo," bulong ng tao. Nakilala ni Brian ang boses ng tao, siya ay isang miyembro ng patrol team at tinatawag na Fierce Scar.

May limang tao sa loob ng kanyang silid. Maliban kay Greyhound at sa kanyang sarili, mabilis na tumayo ang tatlo, na para bang matagal na silang handa para dito dahil natulog sila na suot ang kanilang mga coat.

"Kapitan, bangon na bilis. May sasabihin akong importante sa'yo."

Merong kamag-anak na noble si Fierce Scar sa Longsong Stronghold, na sinasabing isang malakas na noble. Dahil dito kaya mataas ang posisyon niya sa team. Hindi siya magawang hindi pansinin ni Brian, kaya bumangon siya at tinanong, "Anong nangyari?"

Nagising din si Greyhound. "Gabing-gabi na, hindi ba kayo matutulog?"

"Meron akong isang magandang trabaho para sa'yo, gusto mo ba na ma-confer bilang isang knight?"

"A-a-ano? Isang knight?" Laking gulat ni Greyhound.

Halos napatigil ang puso ni Brian at agad niyang tinanong, "Tungkol saan ba ang trabaho?"

"Kilala niyo ang Tiyo Hirte ko. Siya ang earl na kinonfer ng duke, at isa din siyang katiwala ng duke. Personal niyang sinabi sakin 'to." Hininaan ni Fierce Scar ang kanyang boses. "Itataboy na ng Prinsipe ROland ang Longsong Stronghold at hindi ito kinatuwa ng duke. Nakapagpasya na ang duke na ipaalam sa Prinsipe ang tanging siya lamang ang master ng Western Region."

"H-H-Huwag mo sabihin sakin… balak niyong… balak niyong i-assasinate…" nagsimulang mautal si Greyhound dahil sa niyerbyos, at hindi niya nagawang tapusin ang kanyang sasabihin.

"Paano mangyayari 'yon. Siyempre hindi," sabi ni Fierce Scar habang tumawa ng napaka-ikli. "Isa parin siyang prinsipe. Kung mamatay siya, kahit ang duke hindi tayo magagawang protektahan. Sabi ko nga sa inyo, isa itong magandang trabaho."

Biglang napagtanto ni Brian na hindi talaga simple ang trabaho katulad ng sinasabi niya. Pero napakatindi ng tukso ng pagiging isang knight na hindi niya nagawang mapigilan na sumagot, "Paki-paliwanag ng mabuti."

"Grain. Kung walang pagkain, wala siyang magagawa kundi bumaling sa Longsong Stronghold. Pinangako ng duke na hangga't magagawa nating sunugin ang mga grain na binili ng Prinsipe Roland, gagawin niya tayong mga knight. At bibigyan niya din tayo ng lupain sa eastern Longsong Stronghold. Isa itong napakagandang pagkakataon. Kapitan, ano sa tingin mo?"

"Isa kang baliw. Sinabi na ng Prinsipe na ngayong taon, hihigit pa sa apat na buwan ang Months of Demons. Kung susunugin mo ang grain, anong kakainin natin!" Paulit-ulit na tinanong ni Greyhound ang kanyang ulo. "Nakalimutan niyo na ba kung anong nangyari dalawang, dalawang taon na ang nakakalipas?"

"Anong kinalaman nun sa atin?" Biglang sagot ng isa pang lalaki na may halong pangungutya. "Wala akong balak manatili dito. Pagkatapos gawin ang utos ni Duke Ryan, maari na akong mamuhay ng maayos sa Longsong Stronghold."

"Tama 'yon. Gusto mo bang manatili sa lugar na 'to at kumain ng furnace slag habang-buhay?" Dagdag pa ng iba pang mga lalaki.

"D*mn, magkakasama pala sila." Di mapigilan ni Brian na bumigat ang pakiramdam niya. Tanging siya at si Greyhound lang ang lumaki sa Border Town, at ang lahat ng iba ay nagmula sa iba't-ibang parte ng bansa at walang kahit na anong espesyal na ugnayan sa lugar na ito. Dahil naramdaman niyang wala ng saysay na pigilan sila, binago niya ang pinag-uusapan. "Pero nailipat ang ang wheat sa kastilyo ng Prinsipe. Paano mo papasukin 'yon kung binabantay ang pasukan ng kanyang mga personal knights?"

"Kaya nga tinatanong kita kung gusto mo sumama," kampanteng tumawa si Fierce Scar, "Matagal ka ng naninirahan sa walang kwentang lugar na 'to kaya wala nang iba pang mas nakakaalam dito kaysa sa'yo. Naaalala ko na sinabi mo dati na ang balon sa likod ng bundon ay konektado sa waterway sa ilalim ng kastilyo. Sa papamagitan nun, maari mong pasikretong mapasok ang hardin ng kastilyo. Nagawa mo pang gumapang doon nung bata ka pa. Kaya kung sasama ka, maari ka maging isang knight sa hinaharap—at mismo ang duke ang ang magcoconfer sa'yo.

Hindi… Dapat na matapang at tumanggi sa hindi patas na laban ang mga kabalyero. Hindi sila dapat matakot sa lakas ng pamimilit, bagkus dapat protektahan ang mga mahihina! Dahil lang sa pansariling kagustuhan ng duke, bakit nila i-e-expose ang mga residente ng bayan sa gutom at kamatayan? Ang ganitong uri ng knight ay isang latang walang laman, tunay na walang karangalan!

Nang tatanggi na sana siya, biglang sumigaw si Greyhound.

"Isang grupo ng mga baliw! Talagang susubukan niyo sungin ang mga grain. Hindi ko hahayaan na makaalis kayo d-dito! Ire-report ko…" Nasa kalagitnaan pa ng pagsasalita si Greyhound ng biglang may tumunog. Tumalikod siya at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita, isang dating teammate ang nakatayo sa likod niya na nakangisi. Isang black dagger ang nakatusok sa kanyang likod at tuluyang bumaon sa kanyang katawan. Nanginig siya ng dalawang beses, pagkatapos ay binuksan ang kanyang bibig para magsalita, ngunit ang tanging lumabas lang ay ang namamalat na paghinga.

Mabilis na ginalaw ng umatake ang kutsilyo ng dalawang beses, at bigla itong hinatak pabalik. Biglang nawala ang support kay Greyhound na parang isang walang buhay na manika, at dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig.

"Ano na?" Lumapit si Fierce Scar kay Brian, at naramdaman niya ang baho na nagmula sa bibig ng lalaki. "Sa tingin ko nakapagpasya ka na. Tama ba, Kapitan?"

Próximo capítulo