webnovel

Chapter 287

Editor: LiberReverieGroup

Bigla, kinabahan ng kaunti si Yan Xun. Umupo siya sa tabi ni Nalan Hongye, ngunit may balak na iwasan siya. Nakasimangot niyang saad, "Huwag mo akong tusukin."

Nagtaas ng kilay si Nalan Hongye bilang tugon. "Nakapunta ka sa digmaan dati. Natatakot ka ba sa isang maliit na karayom?"

Nanatiling tahimik at nagdududa si Yan Xun sa likhang-sining niya habang patuloy siyang nakasimangot. Gayunpaman, napagtanto niyang mahusay talaga siya sa pagbuburda habang ginamit niya ang kanyang mga daliri upang tila buhayin ang karayom.

Mahina siya. Mula sa pananaw ni Yan Xun, makakakita lamang siya ng isang makinis na puting leeg. Habang sumisinag ang sikat ng araw sa kanyang katawan, nagbibigay ng tahimik na awra, ang amoy ng mga halamang gamot ay nagtagal sa paligid ng silid. Ang buhangin sa palayok na orasan ay dumulas sa pundasyon nito, bawat butil. Ang kaluskos na tunog ng karayom na dumadaplos sa damit ay maririnig.

Bigla, nanginig ang mga kamay ni Nalan Hongye habang nagsimula siyang bahagyang umubo. Sa una, sinubukan niyang pigilan ang kanyang ubo. Gayunpaman, hindi nagtagal ay nawala ito sa kontrol habang lalong lumakas ang kanyang pag-ubo. Napasimangot si Yan Xun at inabot ang isa pang kamay upang tapikin ang likod niya habang tumatawag, "Magdala ng tubig dito, madali."

Nagmadaling lumapit si Wen Yuan. Tinanggap ni Yan Xun ang tasa ng tubig at pinainom siya. Nang ang kanyang paghinga ay umaayos, nanatiling pula ang kanyang mukha habang ang tingin ng kanyang mata ay lalong napagod.

"Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng manggagamot?"

Mahinang umiling si Nalan Hongye at sumagot, "Hindi na kailangan, ito ay isang karamdaman lamang. Magiging maayos ako pagkatapos ng kaunting pahinga."

"Huwag mo nang ayusin ang damit na ito. Maghintay ka hanggang sa bumuti ang pakiramdam mo."

Tumango si Nalan Hongye dahil nakaramdam siya ng pagod.

Inalis ni Yan Xun ang kanyang panlabas na kapa at ibinigay ito kay Wen Yuan tapos ay nag-utos, "Maghintay hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya. Huwag itong ibigay sa kanya sa mga susunod na araw."

Masayang tumango si Wen Yuan habang iniisip sa sarili: Limang taon. Sa wakas, binuksan ng langit ang kanilang mga mata. Sa wakas ay alam na ng Kamahalan kung paano kahalingan ang kanyang asawa.

Nagsuot si Yan Xun ng isa pang kapa at sinabi kay Nalan Hongye, "Aalis na ako. Magpahinga kang mabuti."

Tumango si Nalan Hongye. Tumalikod si Yan Xun upang maglakad palabas ng silid, inangat ang mga kurtina sa palasyo. Nang naglaho ang anino niya, biglang nagsimulang makaramdam ng pagkabalisa si Nalan Hongye. Malakas siyang sumigaw, "Kamahalan?"

Napatigil si Yan Xun tapos ay inilingon ang kanyang ulo.

Mula sa malayo, tumingin sila sa isa't-isa nang ganoon lang. Ang oras ay tila dumaan sa kanila. Isang taon, dalawang taon, tatlong taon, limang taon... Lahat ng hindi niya alam, sampung mga taon, maraming, maraming taon.

"Sasabihan ko ang kusina na maghanda ng maraming masarap na pagkain ngayong gabi. Kamahalan, darating ka ba?"

Tumayo si Yan Xun sa gitna ng palasyo at patuloy na tiningnan ang babae sa higaan, mula sa malayo. Iyon ang kanyang asawa, isang tao na hindi niya kinilala o binigyang pansin, ngunit tinulungan siya nang halos maraming paraan.

Tumayo siya doon, nakatingin sa babae, habang sinusubukan niyang isipin kung anong hitsura niya dati. Gayunman, maliban sa kanyang mamahaling alahas at nakasisilaw na kasuotan, wala na siyang maalala pa. Sa kasalukuyan, nakabihis siya ng isang simpleng puting kasuotan na walang mga aksesorya sa kanyang ulo, walang kolorete sa kanyang mukha. Ang kanyang labi ay maputla, ang kanyang pigura ay mukhang mahina, at hindi sigurado kung hanggang kailan siya magpapatuloy na mabuhay.

Kalimutan mo na... bumuntong-hininga si Yan Xun sa kanyang sarili. Kahit na minopolisa niya ang kapangyarihang militar ni Xuan Mo, bagaman maaaring nalaman niya ang tungkol sa kaugnayan niya kay Xuan Mo, bagaman maaaring sinira niya ang huling liham ni Xuan Mo para sa kanya habang buhay pa siya...

Kalimutan mo na. Mula sa malayo, tumango si Yan Xun at sinabi, "Magpahinga ka muna. Bibisitahin kita mamaya."

Umihip ang nakakapreskong hangin sa palasyo habang ang mga pintuan ay nabuksan.

Umupo si Nalan Hongye sa kanyang higaan habang pinagmamasdang maglaho ang kanyang anino. Ang kanyang ekspresyon ay banayad at mahinahon.

"Ginang..." Napangiti si Wen Yuan sa tuwa, hindi alam ang sasabihin. Sa wakas, sinabi niya, "Aalis ako at ihahanda ang mga kinakailangan."

Huminga ng malalim si Nalan Hongye habang nakasandal sa kanyang malambot na kumot. Bigla, naalala niya ang tungkol sa gabing iyon maraming taon na ang nakalilipas. Nakasakay ito sa kanyang kabayo, humabol sa kanya. Sa wakas, tumayo ito sa kabilang panig ng tulay at humarap sa kanya habang sumisigaw, "Naglibing ako ng isang garapon ng mainam na alak sa ilalim ng puno ng peras. Darating ka ba sa susunod na taon?"

Darating ka ba sa susunod na taon?

Darating ka ba sa susunod na taon?

Darating ka ba?

Maraming taon na rin, ngunit naririnig niya pa rin ang tinig nito tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. Parang kahapon lang ito nangyari.

"Oo! Hintayin mo ako!" inilabas niya ang kanyang ulo sa labas ng karwahe ng kabayo at sumigaw pabalik bilang tugon habang ang anino nito ay dahan-dahang nawala sa isang maliit na itim na tuldok.

Oo! Hintayin mo ako!

Gayunpaman, hindi na siya bumalik.

Matapos ang pagkamatay ng kanyang ama, naiwan siya kasama ang kanyang may sakit na ina, kapatid na may kapansanang intelektwal, at iba pang mga kamag-anak ng maharlikang pamilya na naghahangad ng kanyang kapangyarihan. Ang responsibilidad ng pagtataguyod ng kanyang imperyo ay bumagsak sa kanyang mga balikat lamang.

Para sa lalaki, nawala ang kanyang pamilya at tahanan. Ang laki sa layaw na anak na nabuhay sa luho ay naging isang bilanggo sa magdamag.

Pagkaraan ng sampung taon, nakabalik sila sa wakas sa lugar kung saan sila ay unang nagkakilala. Sa kasamaang palad, nagbago na ang lahat; hindi na nila nakikilala ang bawat isa.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ngumiti.

Bago magdapit-hapon, abala si Wen Yuan sa pagpili ng kasuotan para sa kanya, at tinulungan siyang maligo. Ang mga tagasilbi sa kusina, alam na bibisita ang emperador, ay nagpatuloy sa kanilang mga gawain na may bagong lakas. Bagaman ayaw niyang magtrabaho sila ng ganito, hindi siya tumutol dahil nakita niya kung gaano sila kaligaya.

Gayunpaman, habang dahan-dahang dumilim ang kalangitan, lumipas ang oras ng hapunan. Hindi pa rin siya nakikita. Ang lahat ng mga tagasilbi ay natataranta. Nagpadala si Wen Yuan ng ilan sa kanila upang mangalap ng balita sa labas habang paulit-ulit na inaalo si Nalan Hongye.

Biglang natauhan si Nalan Hongye. Hindi siya nakaramdam ng kalungkutan, bagkus ay hungkag. Tama si Yushu—masyadong malaki ang Palasyong Dongnan, kaya't lagi itong mukhang malamig at malungkot.

Maya-maya pa, dumating ang personal na eunuch ni Yan Xun dala ang balita na may kagyat na nangyari malapit sa Meilin Pass. Ang emperador ay abala sa mga usaping militar, kung kaya't hindi siya makakapunta.

Nang sandaling iyon, tila narinig ni Nalan Hongye ang mga buntong-hininga na nagmula sa buong palasyo ng mga tagasilbi. Binigyan niya ng gantimpala ang eunuch, lumingon kay Wen Yuan, at nag-utos, "Sige. Ilatag mo ang mesa."

Napatigil si Wen Yuan. "Ah?"

Tumawa si Nalan Hongye. "Kakain ako. Huwag mong sabihin na hindi ko kailangan kumain kapag wala ang Kamahalan dito?" napagtanto ni Wen Yuan ang puntong ito tapos ay pinangunahan niya ang mga tagasilbi upang maghanda ng hapunan.

Kumain si Nalan Hongye ng higit sa 20 pinggan nang sarili niya lang. Ang kanyang gana ay hindi pangkaraniwan. Matapos kumain nang matagal, sinabihan niya ang mga tagasilbi na dalhin ang sabaw.

Sa sumunod na tatlong araw, naging abala si Yan Xun sa mga bagay sa militar. Matapos matalo sa digmaan ng taon na iyon, ang Prinsesa ng Jingan, si Zhao Chun'er, ay umatras sa timog na hangganan. Sa kabila ng napapaligiran ni Zhuge Yue ng ilang beses, nakatakas siya ng may kaunting swerte. Si Zhuge Yue, dahil kay Zhao Che at nakita na hindi na niya inatake ang Tang, ay hindi na siya hinabol pa. Gayunpaman, ang mga kamakailang ulat mula sa hilagang-kanluran ay nagsabing ang kanyang mga sundalo, kasama ang mga mamamayan ng Quanrong, ay hindi pangkaraniwang aktibo sa labas ng daanan. Hindi nagtagal, maraming mga salungat na ulat ang kumalat sa buong kabisera. Ang korte ng Yan ay bumagsak sa tensyonadong estado.

Nitong tatlong araw na ito, ang kondisyon ni Nalan Hongye ay ilang beses nabinat. Ang Palasyong Dongnan ay mukhang malamig at mapanglaw.

Nang gabing iyon, si Nalan Hongye, na tatlong araw na nakahiga sa higaan, ay biglang umupo at sinabi kay Wen Yuan na kunin ang kotong kahon na itinago niya sa aparador. Noong una ay nais ni Wen Yuan na payuhan siyang huwag mag-alala nang labis, ngunit hindi niya ginawa, dahil sa determinadong itsura sa kanyang mukha.

Ito ay kotong kahon na may kulay ng sandalwood. Mukha itong luma, ngunit hindi mabigat. Nakakandaduhan ito ng tatlong kandado na parang may mahalagang bagay na inilagay sa loob.

Ginamit ni Wen Yuan ang kanyang panyo upang punasan ang alikabok sa ibabaw at umubo. Hindi alam kung gaano katagal hinayaang maipon ang alikabok doon. Kinuha ni Nalan Hongye ang kahon at tiningnan ito sandali, bago kinuha ang tatlong susi na nakatago sa ilalim ng kanyang unan upang buksan ang kahon.

Inunat ni Wen Yuan ang kanyang leeg at nakakita ng makapal na tumpok ng mga liham sa kahon. Maraming piraso ng papel ang naging dilaw; mukhang matagal na silang itinabi. Bigo, sumimangot siya sa pagkayamot.

"Wenyuan, umalis ka at kumuha ng painitan at dalhin mo rito."

"Ginang, bakit mo kailangan ng painitan?"

Itinuro ni Nalan Hongye ang mga liham at sinabi, "Upang sunugin ang mga ito."

"Ah? Sunugin sila?" napatigil si Wen Yuan habang nagtatanong. Bagaman hindi niya alam kung sino ang sumulat ng mga liham na iyon, hinulaan niya na may mahalagang kahulugan ang mga ito sa kanya, batay sa paraang itinabi niya ang mga liham na iyon. Nagtataka siyang nagtanong, "Bakit, Ginang? Bakit mo gustong sunugin ang mga ito?"

Nag-isip sandali si Nalan Hongye bago siya malumanay na sumagot, "Sa halip na sunugin sila, iiwanan ko ba sila dito upang malungkot at magsisi ang isang tao?"

Bagaman hindi nakuha ni Wen Yuan ang sinabi niya, sumunod siya at naglakad palabas ng silid upang kumuha ng painitan. Sa isang iglap, ang sunog ay nasindihan.

"Wenyuan, lumabas ka muna."

Tumango si Wenyuan at sumagot, "Masusunod, Ginang. Kung may kailangan ka, tandaan na tawagin ako."

Nagpatuloy ang katahimikan habang nagsarado ang pintuan ng palasyo. Kinuha ni Nalan Hongye ang tumpok ng mga liham, na binasa niya nang hindi mabilang na beses, habang ang kanyang maputlang mga daliri ay humaplos sa kanila. Ang hitsura sa kanyang mga mata ay paunti-unting naging malumanay.

Oo, tama si Tiya. Isa siyang matatakutin.

Ang dignidad ng panganay na prinsesa, ang imperyo ng Song, ang pamilya Nalan... lahat ay peke. Ang lahat ng mga ito ay kasinungalingan na ginawa niya upang linlangin ang kanyang sarili. Natatakot lamang siyang gawin ang unang hakbang.

Wala itong alam. Nang makita niya kung paano nito namiss si Xuan Mo, kung paano nito pinangalagaan sina Yushu at Yong'er, makakaramdam siya ng saya sa loob, alam na mataas pa rin ang tingin nito kay Xuan Mo. Alam niya na mayroon pa rin siyang puwang sa puso nito. Gayunpaman, anong gagawin niya kung hindi siya mahalin nito, pagkatapos malaman ang lahat?

Natatakot siya. Wala siyang lakas ng loob. Natatakot siya bahagya lamang itong mabibigla matapos malaman ang lahat, hindi ibabalik ang kanyang nararamdaman tulad ng inaasahan niya.

Natatakot siya na hindi niya maiaalis ang taong iyon sa puso nito kahit na gawin niya ang lahat. Natatakot siya na nakatadhana siyang mabigo, kahit na malaman ang katotohanan. Kung gayon, ni hindi siya magkakaroon ng karapatang mangarap; Sa ngayon, maaari pa rin niyang kumbinsihin ang sarili na importante siya sa lalaki, kumpara sa taong iyon.

Talagang isa siyang matatakuting tao. Sa kabila ng pagkaalam na niloloko niya ang kanyang sarili, nagpapatuloy pa rin siya sa kanyang paniniwala.

Ano pa ang magagawa niya? Ang kanyang damdamin ay tulad ng isang puno na hindi namunga. Natatakot siya sa pagdating ng taglagas, kung kaya matigas ang ulo niyang nanatili sa tagsibol at tag-init. Sa ganitong paraan, hindi niya kailanman haharapin ang malagim na pagtatapos na kinatatakutan niya.

Kinuha niya ang isang piraso ng dilaw na papel at itinaas ito nang mataas. Ang piraso ng papel, na matagal na, ay manipis at marupok na habang nagpapakawala ito ng malutong na tunog. Bigla, niluwagan ni Nalan Hongye ang kanyang pagkakahawak, dahilan upang mahulog ang piraso ng papel sa sahig. Ang apoy sa painitan ay nilamon ang papel kung saan lubos niyang pinapahalagahan, ginawa itong abo agad.

Próximo capítulo