webnovel

Chapter 199

Editor: LiberReverieGroup

Bawat alaala mula sa nakaraan ay dumaan sa kanyang isip. Sa wakas, gumuho na ang kanyang kaluluwa mula sa lahat ng tensyon, nahampas sa maraming piraso at lumilap-lipad sa hangin, bawat piraso, tulad ng balahibo ng gansa.

Bigla, tumunog ang pang-hatingggabing orasan. Isang grupo ng bata ang tumakbo tungo sa kanya at bumangga sa kanya. Isang batang babae ang natumba sa lupa; ang hawak nitong hugis isdang parol ay napipi ng pagtama. Kulay puti ito at may pulang mata; mas mukha pa itong kuneho. May simbolo ito ng gintong barya na nakaukit sa tiyan nito. Pinulot ng batang babae ang napipi niyang parol at nagsimulang umiyak ng malakas, habang napatigil si Chu Qiao sa paglalakad niya. Paupong naningkayad si Chu Qiao at pinunasan ang luha sa pisngi ng bata, habang kumuha siya ng kumpol ng pilak at ibinigay dito.

Sa puntong iyon, isang nakakabinging tunog ng paputok ang umalingawngaw. Habang sinalubong ng buong bansa ang bagong taon, ang iba't-ibang sambahayan ang nagpakawala ng paputok sa kalangitan bilang selebrasyon. Nanigas ang bata at tumigil sa pag-iyak habang tinakpan niya ang kanyang tainga at sumigaw sa kagalakan. Gayumpaman, tila tinamaan si Chu Qiao ng hindi nakikitang higante, habang ang kulay ng kanyang mukha ang nawala.

"Kapag namatay ka, magpapakawala ako ng 100 hanay ng paputok para ipagdiwang ang katotohanan na hindi ko na kailangan ibalik ang pabor," saad niya dati sa lalaki. Ngumiti ang lalaki na hindi man lang itinatago ang kayabangan nito at sumagot, "Sa tingin ko ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon para gawin iyon."

Habang ang tunog ng mga paputok ay mas lumalakas at nagkakasabay-sabay, nagsimulang umiyak ng malakas si Chu Qiao. Iyong mga alaala na lubos niyang sinubukan kalimutan at pigilan ay nagsimulang ulitin ulit ang sarili nila, naging dahilan ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ng sakit na bumugso sa loob ng puso niya, tuluyang binura ang panglabas na kakalmahan at kahinahunan.

"Ano...anong problema?" nagitla ang bata. Habang nagpatuloy na sumabog ang mga paputok, sinabi niya, "Huwag ka umiyak. Hindi mo na ako kailangan bayaran…"

Ang tunog ng paputok ay may lumakas pa. Hindi na maitago pa ni Chu Qiao ang nararamdaman niya sa loob niya habang nakaupo siya sa gitna ng maingay na kalye, humahagulgol habang tinatakpan ang kanyang mukha.

Splash! Isang alon-alon ang nabuo nang may bumagsak sa maliit na lawa sa labas. Nagbukas ang ihip ng hangin ng panibagong bintana sa bahay ni Chu Qiao. Tumayo siya at binuksan ang bintana, nakita na ang halaman ng plum sa ilalim ng kanyang bahay ay kasing taas na ng gusali ang laki. Nanigas siya habang ang kanyang kamay ay natigil sa ere. Tumama ang sinag ng araw sa kanyang kamay, bumuo ng bakat-bakat na anino.

Sa isang iglap, dalawang taon ang lumipas. Ang buto ng plum na itinanim niya noon ay naging puno na na kasing taas ng kanyang bubong. Ang oras ang pinaka walang pakiramdam na bagay na nagbigay ng grasya sa ibabaw ng mundo. Hindi ito tumigil dahil sa kahit anong saya o pighati; ang kahit anong masidhing emosyon ay mapapalamig sa pagdaan nito.

Nang gabing iyon, umalis siya ng syudad ng Yunbi. Matapos maglakbay ng kalahating buwan, nakarating siya sa syudad ng Beishuo. Sa isang umaga, naglakad siya sa desyertong mga kalye ng Beishuo hanggang sa tarangkahan ng syudad. Nang tumapak siya sa labas ng tarangkahan ng syudad, nakakita siya ng maraming sibilyan ng Yan Bei.

Ang pangkat ay binubuo ng naninirahan sa syudad, pati na rin ang iba pang sibilyan na naglakbay ng mahaba pababa mula sa pangloob na lupain. Kasama nito ang mga mamamayan mula sa mga syudad ng Shangshen, kabundukan ng Louri, Lan, Chidu, kabundukan ng Huihui at Meilin. Nang mabalitaan ng mga mamamayan ang kanyang pag-alis, nagtipon sila sa Beishuo na hindi na nagsasalita pa. Sa paglalakbay niya dito, marami siyang nakitang ganoong pangkat. Hindi niya kilala ang mga ito, o inistorbo siya ng mga ito. Sinundan siya ng mga ito dito, hanggang sa tarangkahan ng syudad ng Beishuo. Tahimik na tumingin ang mga ito sa kanya habang naghahanda ang mga ito na ihatid siya sa huli niyang paglalakbay.

Ang mga tao mula sa lahat ng klase ng pamumuhay ay naroroon, mula sa matanda hanggang sa bata, mula sa mga banyaga sa labas ng landas hanggang sa mga mangangalakal mula sa silangang lupain. ang mga pinilit magsundalo ng Chidu, na kasama niyang lumaban sa mga sundalo ng Xia; ang mga sibilyan ng Beishuo, na pinrotektahan niya mula sa tiyak na kamatayan; ang mga mamamayan ng Shangshen, na nagpartisipa sa pagsasaayos ng syudad; ang mga pastol sa ilalim ng kabundukan ng Huihui...lahat sila ay naroon. Ang mga taong ito ay nagtipon sa labas ng tarangkahan ng syudad mula umagang-umaga, gumawa ng dadaanan sa parehong gilid para daanan niya. Habang naglalakad siya palabas, lahat sila ay tumingin sa kanya.

Hindi makakalimutan ni Chu Qiao ang kanilang tingin. Ang ilan sa kanila ay nagpapakita ng hindi pagpayag, kalungkutan, pag-aalala, at takot. Gayumpaman, nagsama ang mga emosyon na ito para bumuo ng nakakailang na pakiramdam ng katahimikan na nanatili sa hangin. Kahit ang mga bata ay hindi nagsalita, habang tahimik na nakatingin ang mga ito sa kanya, sobrang napakatahimik, Sa iglap na iyon, nakaramdam siya ng lubos na kalungkutan.

Alam niya ang mga responsibilidad na kailangan niyang pasanin. Sa nakalipas na taon, nilakbay niya ang lupain ng Yan Bei, ikinakalat ang paniniwala niya ng kapayapaan sa bawat sulok at butas ng bansa. Pinangunahan niya ang mga ito sa pagsaayos ng kanilang bayan, para buhayin muli produktibidad ng ekonomiya matapos ang digmaan, habang ibinigay ng mga ito sa kanya ang buong puso nilang suporta. Ang mga mamamayan ng bansang ito, kung saan ay daan-taon nang naapi, ay inilagay ang kanilang pag-asa ng kalayaan at magandang buhay sa kanya ng buo. Gayumpaman, ngayon, paalis na siya, sinira niya ang pangako niya sa mga ito. Iiwanan na niya ang mga ito at aabandunahin ang mga pangarap niya na lubos niyang pinaghirapang makuha.

Pinangunahan ni He Xiao ang daanan, kasama ang 9,000 sundalo mula sa hukbo ng Xiuli. Nakabihis sila ng kasuotang panglaban at nakaimpake ang kanilang kagamitan, para bang susundan siya ng mga ito sa mahaba niyang paglalakbay. Wala nang kailangan pang sabihin. Tulala siyang tumayo doon, tulad ng batong istatwa.

Bigla, isang maliit na malambot na kamay ang humawak sa bewang niya. Tumungo siya at nakakita ng batang babae, na nasa sampung taong gulang. Nanatili itong tahimik habang nakatingin sa kanya, matigas ang ulong nakatingala sa kanya. Namuo ang luha sa mata ng bata, pero hindi sila bumagsak. Tumakbo tungo sa kanila si Pingan mula sa likod at sinubukang ihiwalay ang bata niyang kapatid mula kay Chu Qiao, ngunit walang pinatunguhan ito.

Isang sundalo ng hukbo si Pingan dati. Nang ipinadala siya sa loob na malaking lupain ni Yan Xun nang unang beses, ang batang kapatid niyang babae, si Jingjing, ay sinundan si Chu Qiao ng higit isang taon.

"Ate," iyak sa wakas ni Jingjing habang tumutulo sa mukha niya ang mga luha. "Ayaw mo na sa akin? Ayaw mo na ba sa akin?"

Nagsimulang umiyak ang bata. Tumayo ang mga sibilyan sa maayos na hanay habang may isa sa kumpol ng mga tao ang lumuhod sa lupa. Dahan-dahan, ang lahat ng mga tao ay sumunod; ang mga matatanda ay nagsimulang sumigaw at nagtanong, "Heneral, ayaw mo na ba sa amin?"

"Heneral, kapag wala ka, mahuhuli ulit ako bilang alipin."

"Heneral, saan ka pupunta? Pwede ba kitang sundan?"

...

Umihip ang hanging sa nyebe sa lupa. Binitawan ni Chu Qiao ang renda ng kanyang kabayo at tumingala sa araw. Tumulo ang luha sa kanyang mukha, tungo sa buhok niya sa ilalim. Ang mabigat na mga responsibilidad ay nagpabigat sa kanyang mga balikat, na nagpapahirap sa kanya huminga. Kilala niya ang may pakana ng planong ito, ngunit wala siyang magawa tungkol doon. Kilalang-kilala siya nito. Sa maliit na pangdadayang ito, mahuhuli siya sa mahigpit nitong hawak.

Nang araw na iyon, natuyo ang luha niya. Habang nakatayo siya sa manyebeng lupa, pakiramdam niya ay isa siyang saranggola na walang tali na pumipigil. Kahit na gusto niyang tumakas, hindi niya alam kung saan pupunta. Katulad nito, nanatili siya sa Yan Bei at nanirahan sa lugar ng kabundukan ng Huihui ng dalawang taon. Sa mga taon na ito, nanood siya habang pinalalakas ng lalaki ang posisyon nito bilang namumuno sa Yan Bei, habang naglilista siya ng pinilit na mag sundalo sa hukbo, nagbuwis sa mga syudad, inatake ang ilang mga lupain, nilipol ang mga tauhan niya, at pinatupad ang kamay na bakal niya sa pwersang militar niya. Paminsan-minsan, pakiramdam niya na nakakaintriga ang buhay. Sa oras ng desperasyon, ang ilaw sa dulo ng lagusan ay magpapakita, hinahayaan na makapagpursigi ang isang tao. Sa oras na nalalapit na ang isa sa pag-asa, papatayin nito ang mga pag-asa ng isang palanggana ng malamig na tubig.

Sa huli, nagtagumpay si Yan Xun sa mga motibo niya. Sa ilalim ng kanyang saklaw, nasupil niya ang imperyo ng Xia. Matapos ang kamatayan ni Zhuge Yue, sinubukan ng pamilya Zhuge na linisin ang kanilang pangalan sa pagtakwil sa kanya. Hindi nila inilibing ang katawan niya sa musoleo ng pamilya nila. Gayumpaman, sa kabila nito, nadawit pa rin sila. Ang katayuan nila sa Elder Clan ay lumiit, habang paulit-ulit na iniwasan si Zhuge Huai. Ang pagsisikap ni Zhuge Muqing na isalba ang sitwasyon sa pagsuporta sa ibang parte ng pamilya ay wala din pinatunguhan.

Bilang direktang pinuno ni Zhuge Yue, hindi rin napatawad si Zhao Che. Ang prinsipe, na nakaranas ng ilang hirap ng buhay, ay ipinatapon ulit sa isang malayong hilagang-silangang hangganan para pangasiwaan ang hindi naman kailangang proyekto ng pagsasaayos ng militar, tinapos ang pagkakasama sa pulitika ng imperyo ng Xia.

Ang pinaka hindi inaasahan ay ang ika-14 na prinsipe, si Zhao Yang, ay bumuo ng alyansa sa pamilya ng Wei. Sa ilalim ng suporta ni Wei Guang, si Zhao Yang ang naging likas na tagapagmana ng trono ng hari, nakamit ang titulo bilang hari ng Zhou. Tumaas din ang ranggo ni Wei Shuye, nang nakuha niya ang lahat ng kontrol ng pwersa sa Yanming Pass.

Kahit na sumailalim ang imperyo ng Xia sa pagpapalit ng pulitika, madaling makita na wala na ang mapagdominang hangin na mayroon sila dati. Kaharap ang malakas na mga pwersa ng Yan Bei, nagkagulo sila. Kahit na magaling si Wei Shuye sa sining ng pakikidigma, hindi siya kapantay ni Yan Xun. Nasasamahan ng loob na kaguluhan ng pulitika ng Xia, kinailangan niyang gumamit ng mas pangdepensang pormasyon ukol sa digmaan. Sa nakalipas na taon, nagsimula na silang magpakita ng senyales ng sobrang pagod.

Sa kasalukuyan, ang kontinente ng West Meng ay nahahati sa apat na parte. Sa Tang, umupo na si Li Ce sa posisyon ng emperor; sa Song, ang pinakamatandang prinsesa, si Nalan Hongye, ay pinamunuan ang gawain sa bansa; sa Yan Bei, may lubos na kontrol si Yan Xun. Wala nang dominanteng pinakamalakas sa West Meng.

Gayumpaman, sa kabila nito, hindi nangahas na padalos-dalos na direktang atakihin ni Yan Xun ang Xia. Tungo sa timog-kanluran ng kabundukan ng Helan, isang panibagong pwersa ng pulitika ang dumating sa ilalim ng paningin ng lahat. Walang nakakaalam sa pinagmulan ng pwersa ng pulitika, o ang bilang ng taong mayroon sila. Ang tanging alam nila ay ang pinuno ng pwersang ito ay tinatawag ang sarili bilang "Hari ng Qinghai", mula sa mga mangangalakal na dumaan at sa mga tagamanman na ipinadala para sumagap ng impormasyon.

Ang Qinghai ay piraso ng lupa na matatagpuan sa timog ng kabundukan ng Helan, at sa kanluran ng kabundukan ng Cuiwei. Bali-balitang tigang, walang tao, at may malupit na klima. Nagpapagala-gala ang mabangis na mga hayop sa lupain na walang mga damo. Higit 2,000 taon ang nakakalipas, mga bilanggo mula sa iba't-ibang imperyo ay ipinatapon sa piraso ng lupain na ito; kilala na wala sa mga taong itinapon doon ang nakaligtas. Maaaring nakain sila ng buhay ng mga hayop o napatay ng misteryosong mga sakit. Ang parilalang "pinatapon sa Qinghai", ay naging hindi direktang slang na ipinalagay ang ibig sabihin na siguradong kamatayan. Napakalabis nito sa puntong mas gugustuhin pa ng mga tao na mamatay sa West Meng kaysa tumapak sa Qinghai. Sa mga taon, hindi mabilang na mga bilanggo sa Cuiwei Pass ang nagpakamatay.

Gayumpaman, isang bagong pwersa ng pulitika ang ipinanganak bigla sa piraso ng lupang ito, na pinamumunuan ng makamandag na mga insekto at mabangis na mga hayop, na walang bakas ng nabubuhay na tao.

Ika-17 na araw ng ika-pitong buwan sa taon 778. 70,000 sundalo, pinamunuan mismo ni Yan Xun, ang inatake ang timog na tarangkahan ng Yanming Pass. Nang magtatagumpay na sila, bigla nalang nakita ang kalaban sa timog-kanlurang parte ng kanilang likod na pwersa. Maliksi sila at bihasa sa pakikipaglaban; ang kanilang galaw ay mabilis at malupit. Walang sikap silang humiwa sa kaliwang parte ng pwersa ng Yan Bei, sinisira ang pormasyon nila. Gayumpaman, nang nakabalik sa likod si Yan Xun para gumanti, naglaho na sila na parang bula. Hindi katagalan nang nadiskubre ng mga tagamanman na nasa Cuiwei Pass sila, at ang lalaking ito, ay kilala bilang Hari ng Qinghai, ay kinokontrol ang lugar na iyon.

Isa itong nakahihindik na bangungot sa Yan Bei. Dahil matatagpuan ang Cuiwei Pass malapit sa kabundukan ng Helan, kanluran ng mga ilog, ibig sabihin nito ay may panibagong kaaway ang Yan Bei na kailangan kaharapin, bukod sa mga taga Quanrong na nasa labas ng Meilin Pass. Ang mas malala pa ay nasa mga kamay ng Yan Bei ang Meilin Pass habang ang Cuiwei Pass ay pag-aari ng hari ng Qinghai.

Próximo capítulo