webnovel

Chapter 148

Editor: LiberReverieGroup

Nang makitang hindi na makamulat si Chu Qiao, napatawa si Yan Xun. "Anong sinasang-ayon mo? Pagod na pagod ka na."

"Hindi… ah. Maingat akong nakikinig," may hikab na sagot ni Chu Qiao.

Tumayo si Yan Xun, at sa isang mabilis na galaw ay binuhat niya ito sa kanyang mga bisig tulad ng babaeng bagong kasal, at marahang bumulong, "Walang punto sa pag-aalala sa kanya. Alinman sa paraan, kung ano ang darating ay darating. Maghintay tayo at tignan kung sino ang unang kikilos."

Yumukyok sa yakap ni Yan Xun, nag-usal ng sagot si Chu Qiao. Ang mga kamay ay nakakapit sa leeg ni Yan Xun, nakatulog na siya ng mahimbing.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang tunog para sa pagpatay ng mga ilaw ay narinig sa malayong kampo ng hukbo. Sa libong mga ilaw na halos sabay na nangamatay, tunay na kamangha-mangha itong pagmasdan. Tinitignan ang babaeng nasa bisig niya, biglang napuno ng lakas at motibasyon si Yan Xun.

Sa gilid na bakuran ng pamilya Zhuge, ang Fourth Master ng pamilya Zhuge ay nagpapahinga at umiinom ng tsaa. Siya ang taong palaging aalagaan ang sarili. Kahit na nawala ang pabor sa kanya ng pamilya, hindi siya bumitaw sa sarili tulad ng inaasahan ng mundo. Bagkus, nagsimula siyang magpahinga, habang inumpisahan niya ang lahat ng klase ng paglilibangan, tulad ng pag-aalaga ng halaman, pagtikim ng tsaa, pagsulat ng kaligrapiya, at pagbabasa. Paminsan-minsan, tutungo pa siya sa kwadra para sumakay ng kabayo.

Kapag nakita ang kasalukuyan nitong estado, walang makakaisip na natalo siya sa agawan ng kapangyarihan sa loob ng pamilya niya, kung saan siya ay nakagawa ng seryosong pagkakamali na dahilan kung bakit napunta siya sa estado kung saan napaka imposible nang bumalik sa kapangyarihan. Ngayon, ni hindi siya malayang makakalakad sa labas ng pinto ng pamilya Zhuge at talagang nakaaresto sa bahay.

Pumasok si Yue Qi sa silid, at tahimik na sinabihan siya, "Master, nakabalik na ako."

"Sige." Tamad na tumingin si Zhuge Yue at tinanggap siya. Tapos ay nagpatuloy siyang maingat na sinuri ang dahon ng tsaa sa kanyang baso.

"Bumalik na sa kabisera ang ika-pitong prinsipe at patungo na sa palasyo ng Sheng Jin. Ang mga sundalo ng Shang Lü Court ay nasa tabi niya. Gayumpaman, ang Southwestern Army Officers ay hindi na siya sinusundan. Narinig ko na ang hukbong iyon ay pinamumunuan na ng ikatlong prinsipe."

Panandaliang bumagal ang galaw ni Zhuge Yue bago siya nagbigay ng kaunting ngiti. Imposibleng malaman ang iniisip niya.

"Ang ilang probinsya ng hilagang-kanlurang rehiyon ay gumawa na ng kailangang preparasyon para sa pagsuporta. Magpapadala ang pamilya Batuha ng 10,000 sa kanilang piling mga sundalo, at ang ika-14 na prinsipe ay susunod din sa hukbo. Ngayon, makakaipon ang imperyo ng 300,000 sundalo, at kinabibilangan karamihan ng piling kabalyera at mabigat na impanterya. Napakalakas na hanay nito."

Habang iniinom ang kanyang tsaa, marahang suminghal si si Zhuge Yue habang kaswal na sumagot, "Kahit na sabay na umatake ang grupo ng mga aso, hindi nila malalamangan ang leon. Siguro ay wala nang magawa ang imperyo ng Xia kung magpapadala kami ngayon ng walang kwentang mga tao."

Medyo nasindak si Yue Qi sa matulis na salitang binitawan ng amo niya, nagtanong siya, "Master, nagtapos ang ikatlong prinsipe mula sa Shang Wu Hall, at ang ika-14 na prinsipe ay bumalik na rin mula sa hilagang-kanluran matapos ang ilang matagumpay na maikling labanan sa hukbo ng Yan Bei. Ang mga sundalo ng pamilya ng Batuha ay napaka lakas at bangis. Paano sila magiging walang kwenta?"

Marahang inangat ang ulo, tumingin si Zhuge Yue kay Yue Qi at dahan-dahan na nagpaliwanag, "Sa papel, mukha silang magaling. Pero sa reyalidad, malawak ang pagkakaiba ng mga bagay. Kung ang laban na ito ay pinamumunuan ni Zhao Qi, o ni Zhao Yang, o kahit sino, mayroong 50 porsyento ng panalo. Subalit ngayon, ang hukbo ay pagsasama ng tatlong pwersa na lahat ay pinamumunuan ng mga kumander na masyadong mataas ang tingin sa mga sarili. Anong resulta ang sa tingin mo ay patutunguhan noon?"

Nang marinig iyon, natigalgal si Yue Qi.

Bahagyang napasimangot si Zhuge Yue habang pinagpatuloy niya ang monologo niya, "Sa isang hukbo, isang boses ng namumuno lang ang kailangan. Sisiguruhin noon ang epektibong komunikasyon ng istratehiya at utos. Ngayon, sa tatlong magkakaibang boses na hinahadlangan ang isa't-isa, kung hindi malalamangan ni Yan Xun ang kahinaan natin, isa talaga siyang tanga."

Marahang tumayo, naglakad si Zhuge Yue tungo sa loob na silid ng gusali. Habang naglalakad, nagtagubilin siya, "Sabihan si Zhu Cheng na iatras lahat ng negosyo at pag-aari mula sa kanluran. Magiging mahaba at mahirap ang labanan na ito. Hindi na tayo kikita sa kanluran."

Sa sinag ng araw na maliwanag na sumisikat, ang maluwag na kasuotan ng lalaki ay nawala sa patong-patong ng halaman. Nakatingin sa anino ng kanyang batang amo, napaisip si Yue Qi ng tanong na hindi niya papangahasang itanong. Talagang nauusisa siya. Master, sino talaga ang gusto mong manalo?

Ika-anim ng Oktubre, mahangin na araw ito.

Ang pagsasanib ng hilagang-kanlurang hukbo na pinangungunahan ng ika-14 na prinsipe, ang timog-kanlurang hukbo na pinangungunahan ng ikatlong prinsipe, at ang Jinri Regiment na pinangungunahan ng pinakamatandang anak na lalaki ng pamilya Batuha, si Tuba Guli, kasama ang mga pwersang pinadala ng ilang probinsya ng hilagang-kanlurang rehiyon ay nagtungo sa hilagang-kanluran. Ang timog-kanlurang hukbo at ang Jinri Regiment ay naatasan ng buong harapang pag-atake, habang ang hilagang-kanlurang hukbo ay gigilidan ang kalaban. Ang simula ng digmaan ay mas matulis pa kaysa dati habang ang mga mandirigma ay may kabuuang 500 libo. Kung isasama ang mga tauhan na humahawak ng lohistika at transportasyon, ang kabuuang tauhan na kasama ay hihigit sa isang milyon. Ang gahiganteng pwersa ay lumilitaw sa hinaharap ng Yan Bei na parang isang unos.

Ang pinaka landas ng imperyo ng Xia patungo sa hilagang-kanlurang rehiyon ang binabaha ng mga sundalo at karwaheng may dalang pantustos sa digmaan. Ang tila walang hanggang rasyon, sundalo, kabayo at iba pang pantustos ay patuloy na pumapasok sa kampo. Matapos mag-ipon ng mga sundalo ng maraming buwan, ang galit ng imperyo ng Xia ay mailalabas na sa wakas sa mga rebelde. Sa harap ng siklab ng digmaan, walang atrasan. Ang hukbo ng Yan Bei ay nagtipon sa hangganang syudad ng Beishuo, taimtim na hinihintay ang pagsalakay ng nakatakda nilang kalaban. Isang makasaysayang labanan ang malapit nang mangyari.

Oktubre ika-13, ang unang nyebe ng taglamig na ito ay bumagsak sa kabundukan ng Yan Bei. Ang mabagsik na pag-ulan ng nyebe ay nagtagal ng tatlong araw at tatlong gabi, gumawa ng kumot ng nyebe na halos isang talampakan ang lalim. Ang malamig na harap ay nilamon ang buong hilagang-kanlurang rehiyon habang mabilis na bumagsak ang temperatura. Kahit na tanghaling tapat sa maaliwalas na araw, hindi masyadong makita ang araw bukod sa kaunting dilaw na mas maliwanag kaysa sa kalangitan.

Ang ganoong pagnyebe ay bibihira at iilan sa kasaysayan ng Yan Bei, at nahuli ang ilang hindi handa. Maraming mga hayop ang namatay sa lamig, at maraming mga gusali ang bumagsak mula sa mabigat na pag-ulan ng nyebe at malakas na hangin. Hindi mabilang na mga sibilyan ang nawalan ng tirahan. Sa magandang banda, ang mabilis na pagmartsa ng hukbo ng Xia ay napatigil, nagtayo sila ng kampo sa probinsya ng Bailin para maghintay na matapos ang bagyo. Bilang resulta, dalawang hukbo na nakaamba sa isang makayanig lupang labanan ay lumubog sa katahimikan, hinihintay na kumilos ang isa.

Sa loob ng walang hanggang manyebeng kapatagan, isang grupo ng lalaki ang mabilis na dumadaan sa pinaka landas patungo sa syudad ng Beishuo. Ang mga kabayo nila ay malaki at maskulado, at sa kabila na nababalutan lang ng leather na baluti, hindi sila napipigilan ng lamig habang tumatakbo sila sa makapal na nyebe. Di nagtagal, nakalapit ang grupo sa syudad, at isang grupo ng tagamanman ang lumapit at tinanong ang kanilang intensyon, "Sino kayo?"

Ang mabilis na papalapit na grupo ay hindi nagbigay ng berbal na sagot, ngunit ang nangungunang kabalyera ay nagtaas ng maliit na pulang bandila. Ang grupo ng tagamanman ay nagulat sa bandila at umatras. Wala nang tanong-tanong pa, hinayaan nilang makalagpas ang grupo. Patuloy na nagmamadali ang grupo tungo sa kanilang pupuntahan, madaling naglaho sa malawak na kapatagan na puno ng nyebe.

"Kuya Xun, sino sila? Bakit pinalagpas lang sila ng lahat?" Tanong ng isa sa mga nakababatang tagamanman sa grupo. Nakasuot ng sumbrerong gawa sa balat ng oso, ang kanyang mukha ay namumula sa lamig.

"Huwag kang madaming tanong!" kinagalitan ito ng pinuno bago maingat na lumingon-lingon, para bang takot siya na agad na babalik ang mga taong iyon kung marinig ang pag-uusap na ito. Tapos ay bumulong siya, "Iyon ang bandila ng pagpatay, sinisimbolo ang pangalawang hukbo." Napakahina ng boses ng pinuno, ngunit malinaw at malakas siyang narinig ng buong pangkat. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam ng ginaw na bumaba sa likod nila ang buong pangkat, habang sabay-sabay silang tumingin sa mga pigurang naglalaho na sa malawak na kaputian.

Ikinokonsidera ang katotohanan na ang imperyo ng Xia ay nagpadala ng kakila-kilabot na pwersa, ang bagong hari ng Yan ay nagpadala ng utos ng pagpupulong para ipunin ang mga sundalo sa buong bansa. Noon lang, ang huling mga sundalo na mula sa malayong Meilin Pass ay dumating na.

Sa kabila ng papalapit na labanan, mayroong mga kumpol ng biktima sa harap ng gate ng syudad ng Bei Shuo. Sa bagyo ng nyebe, maraming tirahan ng sibilyan ang nasira, at ang mga hayop nila ay namatay sa lamig. Sa tatlong araw lang, daan-daang sibilyan ang namatay mula sa nagyeyelong temperatura o gutom. Ngayon, nagtipon sila sa gate ng syudad, umaasang makapasok sa syudad para takasan ang sakunang ito. Gayumpaman, matagal nang pumasok sa mataas na alerto ang syudad ng Beishuo. Sa kabila ng papalaking bilang ng mga biktima na nagtitipon sa gate ng syudad, ipinag-utos ni Yan Xun na mahigpit na isara ang gate para maiwasan ang maaaring pagpuslit ng mga espiya, na may libong mga sundalo na nagbabantay sa lahat ng oras. Sa harap ng malaking pader ng Beishuo, ang pagdaing at pag ngawa ng mga sibilyan ay maririnig kahit saan.

"Magparaan!" Isang magulong yabag ng mga kabayo ay maririnig. Sa gitna ng tunog, maririnig din ang tunog ng latigo na humahampas sa mga sibilyan na pinipilit silang tumabi. Ang pangunang hanay ng pangalawang hukbo ay mabilis na dumating sa harap ng gate ng syudad ng Beishuo. Isang heneral na nakasuot ng maroon na roba ang nagwagayway ng pulang bandila sa mga gwardya habang sumisigaw, "Kami ang pangunang hanay ng pangalawang hukbo! Ako si Xue Zhiyuan. Buksan ang tarangkahan!"

Hindi nagtagal, isang linya ng sulo ang nakita sa pader ng syudad. Isa sa kanila ang malakas na nagtanong, "Dala ba ni General Xue ang sulat ni General Cao?"

Sumagot si Xue Zhiyuan, "Nandito ang sulat!"

Isang kawayang basket ang ibinaba mula sa pader ng syudad. Isang kabalyero na katabi ni Xue Zhiyuan ang lumapit at inilagay ang mga sulat sa basket. Hindi nagtagal, ang mga sulo sa gate ng syudad ay inilawan, at may langitngit, nagbukas ang gate na walang unang pahiwatig.

"Ah! Bukas na ang tarangkahan!" Isang alon ng kasiyahan ang umalingawngaw nang ang libong mga biktima ay sabay-sabay na nagalak, at ginalaw ang nagyelong mga kamay, tumakbo sila tungo sa gate ng syudad. Tulad ng baha na binusaksak ang pampang, ang mga biktima ay agad na sinira ang pormasyon ng pangunang hanay ng pangalawang hukbo.

"Hangal!" Mura ng heneral na nakasuot ng maroon na kapa bago bumaba ng kabayo.

"Madali! Pigilan sila!" noon lang na si Commander Cui, na nakatalaga sa pagbantay ng gate, ay napagtanto ang kanyang kahangalan. Ang mga sundalo niya ay nagsilabasan, at tumayo sa harap ng gate habang sumisigaw, "Kung sino man ang gumawa ng gulo at papatayin! Balik! Balik!"

Sa umuungol na hangin, ang kanilang boses ay napakaliit tulad ng paghiging ng lamok. Ang manatili sa labas ng gate ng syudad ay siguradong kamatayan ang ibig sabihin, at ang mga biktima ay sumugod sa tanging tsansa ng kanilang kaligtasan na mapula ang mga mata. Habang sumusugod, sumigaw sila, "Papasukin niyo kami. Mamamayan kami ng Yan Bei! Papasukin niyo kami!"

"General Xue! General Xue!" Nag-aalala si Commander Cui na ang kakamping pwersa ay nasasaktan sa gulo, habang natataranta siyang sumigaw.

Sa oras na ito, isang linya ng dugo ang tumilamsik sa ere, habang isang batang opisyales ang naglabas ng kanyang sandata at hiniwa ang isa sa mga biktima. Ang matalas na sandata kasama ang lakas ng paghiwa ay agad na pinatumba ang lalaki, habang ang dugo niya ay umagos sa malinis na puting lupa at gumawa ng lawa ng pula. Ang mga biktima na ito, kahit na desperado, ay mapagpakumbabang mga sibilyan na hindi pa nakakakita ng pagdanak ng dugo at pagpatay. Nang makita ang duguang sandata ng sundalo, napatili sila sa takot at agad na lumayo mula sa batang opisyal.

Natigilan si Commander Cui dahil hindi niya naisip na may mangangahas na gumamit ng nakamamatay na kapangyarihan. Nang magsasalita na siya, lumapit ang batang opisyal na iyon at kalmadong sinabi, "Ako si Xue Zhiyuan."

Nang babatiin na ni Commander Cui ang opisyal na ito, bigla siyang nakarinig ng makabagbag-damdaming iyak. Isang babae ang buong lakas na umiiyak, "Mahal! Mahal! Gising!"

"May namatay! May pinatay ang hukbo!"

Ang iyak ng babae ay parang bato na tinapon sa ibabaw ng tubig, habang ang alon ng pagkabalisa ay kumalat sa mga biktima. Isang matandang lalaki na tila nasa pitumpung taon ay tumayo sa harap ng mga tao. "Anong karapatan niyong patayin kami? Anong nagbibigay sa inyo ng karapatan? Ang tatlo kong anak na lalaki ay nasa hukbo at sinunod kayo para labanan ang mga aso ng Xia. Ngayon, bakit hindi niyo ako pinapapasok? Hayaan niyo akong makapasok sa syudad!"

Sa kabila ng malamig na panahon, puno ng malamig na pawis ang noo ni Commander Cui, habang hindi niya alam kung anong susunod niyang gagawin.

Ang batang heneral na si Xue Zhiyuan ay napasimangot at matatag na pinahayag, "Wala na tayong oras. Magdesisyon na kayo kung anong gagawin, madali."

"Ano?" Tanong ni Commander Cui na natigalgal. Pinanganak siya sa isang panday at tumaas lang ang ranggo dahil nagpakita siya ng pambihirang kagalingan habang labanan. Matapos patayin ang isang dosenang kalaban, tumaas ang ranggo niya bilang maliit na kumander. Nasakto lang ngayon na siya ang gwardyang nagbabantay, at lubos na naguguluhan sa takbo ng pangyayari. Tumingin lang siya sa bata at kalmadong lalaking nasa harap niya at nagtanong, "Anong sinabi mo?"

Sa maiksing sandaling iyon, sumugod na ang mga biktima. Ang mga gwardya ng syudad siguro ay lubos na walang kakayahan dahil halos isang dosenang mga sundalo ang madaling napigilan ng mga biktima. Nang makitang nawawalan ng kontrol ang mga gwardya sa gate ng syudad, isang bahid ng pagkaseryoso ang kumislap sa mga mata ni Xue Zhiyuan tapos ay pumalahaw siya, "Mamamana! Maghanda!"

Próximo capítulo