webnovel

Hindi Ko Talaga…

Editor: LiberReverieGroup

Desperadong nagpaliwanag si Kai Li, "Hindi ko talaga ginawa iyon, hindi ko din intensiyon na gawin iyon, maniwala kayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit iyon nangyari, pero hindi ko talaga intensiyon na mangyari iyon!"

"Hindi mo intensiyon?" Tuya ni Sam. "Kung hindi dahil sa akin, lahat tayo ay namatay na dahil sa iyo! Sa tingin mo ba ang pagpapanggap na nawala ka sa katinuan ang magsasalba sa iyo ngayon?"

"Pero hindi ko talaga…" nagmamadaling nagpaliwanag si Kai Li, "Pero wala din akong ideya kung ano ang nangyari sa akin, hindi ko naman talaga gustong gawin iyon, hindi ko talaga nais na gawin iyon."

"Kung ganoon ano ang bagay na nagpagawa sa iyong gawin iyon?" Marahas na tanong ni Sam.

"Wala, wala akong clue…" Nahihirapang ipaliwanag ni Kai Li ang sarili, pero tila lahat ng bagay ay walang lohika sa kanya.

Biglang pumailanlang ang maliwanag na tinig ni Xinghe, "May ginawa ba si He Lan Yuan sa iyo?"

Itinaas ni Kai Li ang kanyang ulo para tumingin kay Xinghe. Sa paalala nito, agad niyang naalala kung ano ang nangyari.

"Oo!" Tumango si Kai Li, agad nitong sinabi sa kanila kung ano ang nangyari. "Nang naitalaga sa akin na bantayan siya, nakatitig siya palagi sa akin, bumubulong ng mga bagay na hindi maintindihan. Naiirita nga ako, pero hindi ko siya pinigilan. Pagkatapos, hindi ko masabi kung ano ang nangyari, tumigin ako sa kanya at iyon na nga ang nangyari…"

Napagtanto ng lahat na may kakaiba nang marinig nila ang paliwanag ni Kai Li. May mas malalang kasamaan na nandoon. Lumingon silang lahat para tingnan si Xinghe, inaasahan ito na magbibigay sa kanila ng isang maayos na paliwanag.

Lumingon si Xinghe kay Mubai at direktang sinabi ng huli, "Siguro ay isang klase ng hipnotismo, hinipnotismo niya si Kai Li, na siyang maaaring magpaliwanag sa mga nangyari sa ngayon."

"Hipnotismo?" Nagulat si Shi Jian.

Kumurba ang mga labi ni Sam para sa isang malamig na ngiti. "Ang matandang hukluban na iyon, kung gusto niyang mamatay ng husto, pupunta ako para patayin siya!"

"Kailangang panatilihin siyang buhay, kailangan nating isuko siya sa United Nations," mahinang paalala sa kanya ni Xinghe.

Alam ni Sam iyon, pero hindi niya palalagpasin ng ganoon kadali si He Lan Yuan.

"Kung gayon, gagawin kong halos naghihingalo na siya!" Nagmamadaling pumunta si Sam sa silid na pinagkulungan kay He Lan Yuan ng may nag-aalab na galit. Ang unang ginawa nito ay magpakawala ng suntok kay He Lan Yuan. Sa katandaan ni He Lan Yuan, hindi na nito nagawa pang ilagan ang suntok. Ilang ngipin ang agad na lumipad mula sa bibig nito at nagsimula itong umubo na tila mamamatay na ito.

"Ikaw… nangahas na suntukin ako?!" Mabalasik na tinitigan ni He Lan Yuan si Sam na tila isang demonyo mula sa impiyerno. Ang dugong tumutulo mula sa gilid ng bibig nito ay nagpadagdag lamang sa mabalasik nitong anyo.

Napasimangot ng may pandidiri si Sam. "Hindi lamang ako nangahas na suntukin ka, nangangahas din akong patayin ka. Tanda, kapag may ginawa ka na namang kalokohan, ako ang unang-unang tatapos sa buhay mo!"

Pagkatapos ay kumuha si Sam ng ilang tape para takpan ang bibig at mata ni He Lan Yuan. Ito ang pinakamalaking kahihiyan na naranasan ni He Lan Yuan sa buhay niya. Galit na nagpupumiglas ito, pero tila isa siyang tupa na naghihintay na makatay, wala na siyang magagawa pa.

Nakatingin sina Shi Jian at ang iba pa sa kung paano bumagsak ang dating matayog at may kumplikadong pakiramdam na nararamdaman sa kanilang mga dibdib. Gayunpaman, walang awa silang nararamdaman. Sa ibang kadahilanan, kailanman ay hindi sila nakaramdam ng respeto kay He Lan Yuan; ang tanging nararamdaman nila ay takot. Kaya naman, hindi sila nakakaramdam ng awa dito.

Sa labas, patuloy na humihingi ng paumanhin si Kai Li. Kahit na nahipnotismo siya, sinisisi niya ang sarili dahil halos muntikan na siyang maging dahilan ng kamatayan ng lahat.

Mahinang sambit ni Xinghe, "Huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo ito kasalanan. Mukhang inosente din ang lalaki sa base; siguro ay nahulog din siya sa hipnotismo ni He Lan Yuan."

Próximo capítulo