webnovel

Buhay Pa Siya

Editor: LiberReverieGroup

Pero ngayon, dahil din sa kanila, ang mundo ay nasa banta ng pagkagunaw. Gayunpaman, hindi naman sila talagang mapanganib, pero ito ay dahil sa paraan ng trato ng mga tao dito.

Ngayong gabi, tutulungan ni Xinghe na maalis ang pinakamalaking banta sa mundo. Ang lahat sa mundo ay masasaksihan ang makasaysayang sandali na ito. Ang lahat ay sabik dito, at isang malaking karangalan sa kanila na maging bahagi ng isang marangal na proyektong ito, na maging kabahagi ng isang malaki at makasaysayang pangyayari na ito.

Siyempre, bago iyon, kinakailangan nilang maghintay para lumitaw muna si He Lan Yuan. Mahalaga ito sa kanilang plano. Gusto nilang makita ang reaksiyon nito kapag nalaman nitong ang plano niya ay nabigo, kaya nanamnamin nila ang bawat isa nito.

Hindi naman sila binigo ni He Lan Yuan, dahil hindi nagtagal ay nagpakita na ito. Kung may isang bagay na mabuti dito, ito ay ang pagdating nito sa tamang oras. Lumitaw ito eksaktong 72 oras matapos ng nauna nitong paglitaw.

Ang mga screen sa Galaxy Control Centre at sa lahat sa buong mundo ay napuno na naman ng mukha nito. Katulad ng dati, nakaayos na naman si He Lan Yuan at ang ngiti nito ay nakaayos sa anggulong may pagkatabingi. Ang mga natatakot sa kanya ay wala sa loob na nakakaramdam ng kilabot mula ulo hanggang talampakan at ang mga humahanga dito ay hinihimatay at nagsasaya.

Gayunpaman, ang atensiyon ni He Lan Yuan ay nakatutok lamang sa grupo ni Xinghe. Kaharap ang camera, bahagya itong ngumiti. "Mga binibini at ginoo, napakatagal ng panahon. Kumusta kayo sa nakalipas na tatlong araw? Iniisip ko kung buhay pa kaya sina Miss Xia at Mr. Xi na pinangalanan ko. Kung patay na sila, pakiusap ay itaas ninyo ang inyong mga kamay para makita ko ang sagot ninyo. Kung buhay pa sila, ako ay malulungkot dahil pinaplano kong bigyan ang daigdig ng isang satellite bilang regalo."

Nagsimula ng mag-alala ang mundo ng marinig ito. Wala silang ideya kung sina Xinghe at Mubai ay buhay pa o hindi na. Kahit na kung buhay pa ang mga ito, tila nababaliw na si He Lan Yuan para maglaglag ng bomba sa kanila!

Nang nagkakagulo na ang lahat, ang mga screen sa buong mundo ay nagbagong muli. Pasensiyosong nakaupo sa harap ng mga screen si Xinghe, pinanonood ang mundo sa kanyang klarong tingin.

"He Lan Yuan, ikinalulungkot kong sabihin na buhay pa kami," malinaw niyang sinabi. Walang bahid ng takot sa kanyang tinig. Nang makita siya ng buong mundo, lalong nadagdagan ang kanilang pagkataranta. Buhay pa ang p*ta na ito, ang ibig sabihin nito ang parte ng mundo ay magugunaw!

 Nagulat si He Lan Yuan dahil may kakayahan si Xinghe na kumontrol ng napakaraming signal. Talagang minaliit niya ito. Mukhang may kakayahan talaga ang babaeng ito, ang hayaan itong mabuhay pa ay magiging banta sa hinaharap.

Malamig na ngumiti si He Lan Yuan at muling pinagharian ang lahat ng mga signal. Gayunpaman, sa parehong oras na ito, silang dalawa ni Xinghe ay lumitaw na sa screen. Mas madali para sa kanila na mag-usap at mas madali para sa mundo na marinig kung ano ang sasabihin niya.

"Hindi na masama, buhay pa din kayong dalawa, mukhang minaliit ko kayo ng husto. Inisip ko na ang buong mundo na magkakatulong ay sapat na para durugin kayong dalawa. Napili ng United Nations na protektahan kayo, hindi ba?" Sabi ni He Lan Yuan sa karaniwan niyang tono, pero ang mga bagay na sinabi niya ay nakakatindig-balahibo. Ang galit at inis nito ay nakikita at tila handa na itong ipataw ang kanyang parusa.

Sa sandaling iyon, ang galit ng buong mundo kina Xinghe at Mubai ay lalong tumindi.

Próximo capítulo