webnovel

Huli na Para Magsisi

Editor: LiberReverieGroup

"Sa tingin mo ba ay isa ka talagang young master ng He Lan family? Para sabihin ko sa iyo ang totoo, hindi ka kailanman trinato ni Ama na anak niya, isa ka lamang aso na pinalaki niya dahil sa awa! At ngayon, gusto na niyang mawala ka, kaya wala ka nang karapatang mabuhay! Ito ang nakukuha mo dahil sa pagtatraydor sa amin!"

Nanlaki sa pagkabigla ang mga mata ni He Bin. "Ano ang sinabi mo? Siya ba ang…"

"Tama iyon, si Ama ang pumirma ng kamatayan mo dahil sa pagtatraydor mo. Gayunpaman, huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong mabubuhay ka para ipaunawa sa iyo ang totoong kahulugan ng torture…" Masayang tumawa si He Lan Qi at may kalupitan pero ang mukha ni He Bin ay kasing puti ng papel; ang mundo niya ay gumuguho. Hindi talaga niya inaasahan na ang kanyang ama, na siyang pinagkakatiwalaan niya ng lubusan, na handa siyang maniwala na wala itong kinalaman sa kamatayan ng kanyang ina, ay tatratuhin siya ng ganito.

Sinabi na niya sa kanila ang lahat ng buong katapatan, pero pinagdudahan pa din siya ng mga ito. Hindi man lamang siya binigyan ng mga ito ng pagkakataong magpaliwanag. Hinatulan siya agad ng mga ito na hindi man lamang pinakikinggan ang panig niya.

So, wala naman pala akong halaga sa kanya kundi isa lamang akong aso… ang maraming taon na nagpakaalila ako para lamang makuha ang atensiyon niya at inisip niya na isa lamang akong aso na tumatahol para makuha ang kanyang atensiyon.

Kinamumuhian ni He Bin ang sarili niya nito, kinasuklaman ang sarili sa hindi pagsunod sa paalala ni Xinghe. Hayagan na nitong sinabi sa kanya, na ito ang magiging katapusan niya, pero matigas ang ulo niya at hindi ayaw niyang makita ang katotohanan. Si He Lan Chang ang kanyang bayolohikal na ama; hindi siya pagmamalupitan nito. Gayunpaman, ang realidad ay nagbigay sa kanya ng matunog na sampal.

Taon na mula nang magtrabaho si He Bin sa ilalim ni He Lan Chang; dapat ay alam na niya kung gaano kawalang-puso ang kanyang ama kung gugustuhin nito, kaya paanong hindi niya nakita ang katotohanan na nasa harapan na ng kanyang mukha?

Kahit ang isang tagalabas na tulad ni Xinghe ay nakikita ang realidad na kaharap niya. Masyadong nabulag si He Bin sa sarili niyang katapatan at paniniwala; wala na siyang dapat pang sisihin kundi ang sarili sa kanyang katapusan. Gayunpaman, huli na para magsisi pa…

Dahil hindi siya basta-basta pakakawalan ni He Lan Qi, pahihirapan siya nito hanggang kamatayan. Sumuko na si He Bin sa kanyang kapalaran, hindi na niya makikita pa ang sikat ng araw.

Sinusundan ni Xinghe ang sitwasyon ni He Bin. Mula ng umalis ito sa airport, sinusubaybayan na niya ito gamit ang road surveillance. Kahit na dinala na siya sa He Lan Villa, ang surveillance niya dito ay hindi tumigil.

Walang masyadong surveillance camera ang He Lan family, pero kumpleto sila, ginagamit ang mga ito para maiwasan ang mga tagalabas na makapasok sa lugar ng kanilang pamilya. Kahit na wala si Xinghe sa loob ng villa ng personal, sa pamamamagitan ng mga camera ay nakikita niya ang bawat sulok ng bahay ng malinaw.

Kaya naman, hindi pa masyadong nagtatagal, nakita niyang umalis sa pinakapangunahing mansiyon si He Bin at naglakad patungo sa mas maliit na mansiyon na nasa tabi ng compound. Hindi nagtagal, nakita naman niya si He Lan Qi na may kasamang grupo ng mga lalaki na patungo sa silid ni He Bin…

Sa wakas, nakita niya ang duguang si He Bin na kinakarga palabas ng silid nito at dinala patungo sa basement ng isang gusali na natatago sa tanawin.

"Pinuntirya din pala siya ni He Lan Chang," sabi ni Mubai na nasa tabi niya, na nag-oobserba.

Tumango si Xinghe. "Inaasahan na ito. Ang katotohanan na hinayaan ko siyang bumalik ng walang galos ay maaaring nagdala ng pagdududa kay He Lan Chang. Gayunpaman, ang inasahan kong pagdududa niya ay titindi sa mga araw at hindi ko inaasahan na agad siyang kikilos."

"Ang He Lan family ay isang pamilyang paranoid, kahit si Chui Qian ay hindi makakakita ng dumi sa kanila, ito ay ipinapakita kung gaano sila kaingat at kaduda-duda. Tanging sa pagiging paranoid ay saka nila magagawang hawakan ang napakalinis na anyo sa publiko," malinaw na pag-aanalisa ni Mubai.

Tumango bilang pagsang-ayon si Xinghe dahil mayroon din siyang ugali na ganito. Palagi siyang maingat, kaya naman naiintindihan niya si He Lan Chang sa ilang pagkakataon. Pero, mayroong malaking pagkakaiba sa kanilang dalawa. Hindi tulad ni He Lan Chang, si Xinghe ay hindi malupit na wala sa katwiran.

Próximo capítulo