webnovel

Anak ni He Lan Chang

Editor: LiberReverieGroup

Sa madaling salita, ang lahat ng malalaman tungkol sa kanya ay nadiskubre na!

Kahit ang records ng kanyang telepono kay He Lan Chang ay naibunyag. Kahit ang mga pulis ay kakailanganin ang maraming oras para makuha ang maraming impormasyon na nagawa nitong makuha, pero ang kinailangan lamang nito ay napakailing oras lang.

Hindi makapagsalita sa sobrang gulat si He Bin. Nakatingin siya kay Xinghe ng nakanganga na tila nakatingin siya sa isang halimaw.

"Alam mo ba kung bakit nagawa kong madiskubre ang maraming bagay tungkol sa iyo ng ganoon kabilis?"

Hindi ba dahil sa nakakatakot ang husay mo sa computer?

"Ang lahat ng ito ay kinuha ko mula sa intelligence agency ng Country R. Sinusubukan ko lamang ang swerte ko doon, pero ang lahat ng impormasyon mo ay nandoon lamang na naghihintay na makuha ko."

"Imposible iyan!" Hindi sinasadyang kontra ni He Bin. Ang intelligence agency ng Country R ay minamanmanan ang mga importante o mapanganib na indibidwal lamang. Bakit naman nila mamanmanan ang hindi naman mahalagang tao na tulad niya?

Hindi naman nila malalaman na siya ay anak ni He Lan Chang dahil ang ama niya ay hindi siya ilalaglag, dahil sa lubos siyang tapat dito at ang paglantad sa kanya ay nangangahulugang inilantad nito ang sarili.

"Inisip ko din na nakakapagtaka naman ito, pero dahil ikaw ang anak sa labas ni He Lan Chang, may saysay na din ito." Inilipat ni Xinghe ang pahina at ipinakita nito ang lahat ng impormasyon kay He Bin. Kung ang naunang pahina ay naglalaman ng lahat ng publikong impormasyon na maaaring ibunyag, ang sumunod na pahina ay ang mas madilim na parte ng buhay niya.

Hindi lamang impormasyon ng kanyang mga nakaraang kriminal na gawain, ngunit nandoon din ang relasyon niya kay He Lan Chang. Gayunpaman, ang pinaka nakakapagtakang parte ay ang impormasyon sa kamatayan ng kanyang ina.

Namatay ang kanyang ina noong siya ay bata pa dahil sa biglaang sakit. Ang impormasyong nakalagay bilang pinaka suspek sa mga panahong iyon ay si He Lan Chang…

Natigilan si He Bin habang binabasa niya ang balita. Ang taong pumatay sa aking ina ay si Ama? Paano iyon naging posible?

"Huwag mong subukan na pekein ito para makakuha ng impormasyon mula sa akin!" Biglang nagalit si He Bin. "Sa tingin mo ay mahuhulog ako sa ganitong klase ng panloloko? Huwag mo nga akong patawanin!"

"Pero ang halos lahat nang narito ay tama, hindi ba?" Tanong ni Xinghe.

Hindi ito maikakaila ni He Bin. Ang lahat ng naroon ay halos tama, kaya naman pati na rin sigurado ang kamatayan ng kanyang ina. Dumilim ang mukha niya dahil nakita niya ang sarili na nagsisimula nang maniwala dito, taliwas sa nauna niyang pinaniniwalaan.

"Bakit magtatala ang intelligence agency ng mga bagay na ganito…" hindi makapaniwalang tanong niya, kahit na siya mismo ay hindi napansin na tinatanong niya si Xinghe, na nagmamakaawa sa kanya ng tulong.

"Tama siya, bakit nga naman magkakaroon ang intelligence agency ng mga impormasyon niya at sa ganitong pagkadetalyado?" Naguluhan din si Ali.

Kumislap ang mga mata ni Xinghe at nagpaliwanag, "Kung hindi ako nagkakamali, ang paliwanag na ito ay ang presidente ng Country R ay kinokolekta ang lahat ng impormasyong ito para dumepensa laban sa He Lan family. Ang pakikipagtulungan nila ay sa pakitang-tao lamang. Gusto na din niyang burahin ang He Lan family kung hindi ay bakit naman niya uutusan ang mga tauhan niya na maghalungkat ng mga ganitong impormasyon? Gumamit pa siya ng napakalakas na encryption device para i-lock ang impormasyon na ito, pero ang nakakapagtaka naman, ang password na nagse-secure ng impormasyon mo ay katulad ng din nang nagla-lock sa impormasyon ni Chui Ying."

Natigilan si He Bin. Natural, kilala niya si Chui Ying, siya ang pamangkin ng presidente. Gayunpaman, ang impormasyon nilang dalawa ay naka-lock gamit ang iisang password, ano ang ibig sabihin nito?

Tumingin si Xinghe sa kanya at sinabi, "Bakit hindi mo ako bigyan ng panibagong tao na kasalukuyang nagtatrabaho para sa He Lan family at ipapakita ko sa iyo ang parehong resulta. Ang kanilang impormasyon ay naka-lock sa likod ng kaparehong password at naglalaman ito ng maraming detalye din."

Próximo capítulo