webnovel

Nag-iisang Tao Lamang

Editor: LiberReverieGroup

Hindi niya nabola si Xinghe. Mahina nitong sinabi, "Sabihin mo sa akin, bakit mo ako gustong makita?"

Nagbigay ng pilyong ngisi si Saohuang, "Dahil alam kong gusto mo akong makita."

"..." Nahulaan ni Saohuang na kakailanganin namin ang kanyang tulong.

"Ang totoo, mayroong tanong na natuon sa isip ko, pero hindi ko makuha ang sagot ng sarili ko, kaya gusto kitang tanungin ng harapan," sabi ni Saohuang.

Sumakay si Xinghe, "Ano'ng tanong?"

"Kilala mo ba si Xia Meng?" Direktang tanong ni Saohuang. Nabigla ng kaunti si Xinghe sa katanungang ito.

"Ano naman kung kilala ko?"

"Ayon sa nalaman ko, walang kinalaman si Xia Meng sa buhay mo, pero sa ilang kadahilanan, biglang may kinalaman siya kay Xi Mubai, na kahit sa maikling panahon ng buhay niya, kaya naman nagtataka ako. Isa pa, kayong dalawa ay pareho ang apelyido at pareho ang awra ninyong dalawa," sabi ni Saohuang habang masusing tinitignan niya si Xinghe, na tila ba sinusubukan nitong basahin ang kanyang hindi inaasahang galaw.

Ngumisi si Xinghe. "Nagtataka ka? Nagtataka din ako kung bakit marami kang alam tungkol kay Xia Meng. Ang buhay niya wala ding kaugnayan sa iyo."

"Hindi mo na kailangan pang malaman kung bakit pamilyar ako sa kanya, ang tanging kailangan mong sagutin ay ang tanong ko." Matapos ang maikling katahimikan, ang labi ni Saohuang ay kumurba para ngumiti. "Siyempre, bilang kapalit, ibibigay ko sa iyo ang kriminal na ebidensiyang mayroon ako kay Lin Yun."

Ang lalaking ito ay hindi tanga; hindi na nakakapagtaka na nagawa nitong masukol ang Xi family. Mayroon itong magandang kaisipan sa sitwasyon at nahuhulaan ang susunod na galaw ng kanyang kaaway; sayang nga lamang, natalo pa din ito sa kanila.

"Nagpunta siya sa akin dati para humingi ng tulong," sabi ni Xinghe nang hindi nagbabago ang mukha. "Sigurado akong alam mo ang tungkol sa kanyang kapansanan, kaya naman nagpunta siya sa akin na humihiling ng isang artipisyal na binti para tulungan siyang maibalik ang dating ayos ng kanyang lakad. Iyon ang dahilan kung paano kami nagkita at naging magkaibigan."

"Pero tila mas malalim pa sa kaibigan ang trato sa kanya ni Xi Mubai." Hindi makapaniwalang sambit ni Saohuang. "Kaya naman, ang relasyon inyo ay maaaring mas malalim pa kaysa sa iyong sinasabi. Xia Xinghe, kapag hindi mo sinabi sa akin ang katotohanan, sa tingin ko ay hindi natin magagawang magkatulungan."

Ngumiti si Xinghe. "Ano bang klase ng katotohanan ang gusto mo? Diretsahin mo na ako."

"Kilala mo si Ye Shen?"

"Siya ang asawa ni Xia Meng."

"Pinaplano ba ninyong kuhanin ang isang bagay mula kay Ye Shen?" Direktang tanong ni Saohuang.

Ngayon ay naiintindihan na ni Xinghe kung ano ang plano ni Saohuang. Hindi pa din ito tumitigil sa enerhiyang kristal. Ang bagay na ito ay may importansiya sa kanya ay hindi niya tinatantanan kahit na nasa death row na ito.

"Ano naman kaya ang bagay na mayroon siya para pagkaisahan namin siya?" Ganting tanong ni Xinghe. Ang mukha niya ay walang ekspresyon, lubos na walang mababasa dito. Kahit sa isang taong matalino tulad ni Saohuag, isa siyang saradong aklat.

"Napakahirap mo talagang basahin," nakangiting komento ni Saohuang. "Napakahirap makakuha ng impormasyon mula sa iyo."

"Ano pa ba ang gusto mong malaman? Magtanong ka at sasagutin ko kung kaya ko," mapagbigay na sambit ni Xinghe. At tulad na lamang nito, siya na ang nanguna sa kanilang negosasyon.

Inisip ni Saohuang na ang inisyatibo ay sa kanya, pero halata naman na hindi niya ito katapat. Masyado itong espesyal; kahit na ano ang gawin nito, mas nauuna pa din ito kaysa sa iba pa. Ang walang siglang tono nito at malinaw na mga mata ay kakaiba din sa lahat.

Napabuntung-hiningang muli si Saohuang, "Talagang kapareha mo si Xia Meng, sobra kaya naman aakalain ko na iisang tao lamang kayo."

"Huwag kang basta-basta gumawa ng sarili mong opinyon, gaano ba talaga ang alam mo ay Xia Meng at sa akin?" Direktang balik ni Xinghe.

Tumango si Saohuang. "Tama ka, ang lahat ng mayroon ako ay kutob ko lang."

"Kaya ngayon, sabihin mo na, ano ba talaga ang gusto mong malaman?" Tanong ni Xinghe.

Próximo capítulo