webnovel

Ipinapahayag ang kanyang Pagsuko

Editor: LiberReverieGroup

Ang kanyang boses ay nangggaling sa pinakailalim ng impyerno. "HIndi ba't binalaan na kita na huwag siyang sasaktan?! Aliyah, kung kamatayan ang hanap mo, kung gayon ay ibibigay ko sa iyo ang hinahanap mo!"

Handa na siyang sakalin ito hanggang sa mamatay.

"Kapag namatay ako, mamamatay din si Kelly!" Angil ni Aliyah sa pagitan ng kanyang mga ngipin, "Philip, kung mangangahas ka, patayin mo na ako."

Nanlaki ang mga mata ni Philip at ginamit ang kanyang pagtitimpi para luwagan ang pagkakahawak niya.

"Ano ang gusto mo?" Tanong niya, ang mga mata nito ay nag-aalab pa din sa kagustuhang maghiganti.

Tiningnan ni Aliyah ang kawalan ng magagawa nito at nasisiyahang ngumiti. "Ano ang gusto namin? Halata naman na gusto naming magkusang loob ka na huwag nang tumakbo sa pagkapresidente. Inihanda ko pa nga ang dahilan para sa iyo. Sabihin mo na lamang na may nararamdaman kang hindi maganda sa iyong katawan at sa tingin mo ay hindi mo kayang pangatawanan ang responsibilidad ng pagiging presidente. Ganoon kasimple."

Alam ni Philip na darating ang oras na ito. "Mukhang pinaghandaan na ninyong ito lahat laban sa akin at hindi talaga sinsero na makipagtulungan sa akin."

"Inaasam talaga namin ang pakikipagtulungan mo, pero hindi ibig sabihin nito na hahayaan ka naming manalo sa pagkapresidente."

"Paano ko pagkakatiwalaan ang mga taong tulad mo kung hindi ninyo tinutupag ng paulit-ulit ang mga pangako ninyo?"

Ngumiti si Aliyah. "May pagpipilian ka pa bang iba?'

Tama iyon, nasukol na siya. Nasa kanila si Kelly at ngayon ay pinipilit ng mga ito na sumuko siya sa pamamagitan ng pagbabanta sa buhay nito. Wala na siyang pagpipilian pa kundi ang sumunod. Kahit na gustuhin ng mga ito ang buhay niya, sa tingin niya ay wala na siyang magagawa pa para tumanggi. Gayunpaman, hindi pa talaga siya payag na sumuko agad, talaga bang wala na siyang ibang pagpipilian pa?

Bakit hindi pa nasasagip ni Mubai si Kelly?

Ibinigay ni Philip ang lahat ng pag-asa niya sa mga ito at mukhang nakagawa siya ng maling desisyon…

Tiningnan siya ni Aliyah at alam na nakapili na ito na makipagkompromiso. "Philip, huwag kang mag-alala dahil mahal pa din kita at pipigilan ko silang saktan ka. Kahit na hindi ka maging presidente, gagawin kitang bise ko; magkakaroon ka pa din ng kontrol sa bansang ito." Malapit na humilig si Aliyah sa katawan nito. "Sige na, huwag ka nang magalit. Kailangan mo nang umalis at maghanda, halos oras na para magtalumpati ka."

Malamig siyang tiningnan ni Philip at nagbabala, "Aliyah, isang araw, mamamatay ka din sa aking mga kamay."

Ngumiti si Aliyah na parang isang babaeng walang kahiya-hiya. "Kung magawa mo, mapapatay mo lamang si Kelly at sa tingin ko ay hindi mo ito gugustuhin."

"..."

"Honey, oras na para ipakita mo ang sarili mo sa publiko. Naniniwala akong alam mo na kung ano ang dapat gawin, tama?" Binigyan siya ni Aliyah ng halik pero mayroong banta sa mga mata nito. Huminga ng malalim si Philip at itinulak ito ng malakas palayo, pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.

Matagumpay na ngumiti si Aliyah habang pinapanood ang likuran nito bago sumunod din dito na lumabas.

Hindi nagtagal at nakita na ni Philip ang sarili sa speech hall. Ilang libong botante ang nakitang dumating siya at masigasig ang mga itong nagbunyi. Halos pitumpung porsyento ng mga botante ang nagtipon doon ay mga tagasuporta niya. Ang ilan sa mga ito ay nagsimula nang lumuha sa kagalakan nang makita siya ng mga ito, at ang pagbanggit ng pangalan niya ay biglang binibigkas na ng mga madla.

Maliban sa ilang nagtipon doon, mayroon ding mga nagtipon sa harap ng kanilang mga TV set na sinusuportahan din siya. Ang lahat ay nasasabik at nagagalak, dahil naniniwala sila na ang bayani ng kanilang bansa ay sa wakas ay maipapatigil na ang walang katapusang digmaan.

Nainiwala sila na ibibigay nito ang kasiyahan at pag-asa sa bansang ito na desperadong nangangailangan ng mga ito.

Gayunpaman, lingid sa kanilang kaalaman, masakit para kay Philip na isipin na inihahanda na nito ang talumpati ng kanyang pag-atras!

Próximo capítulo