webnovel

Nagsimula na ang Plano

Editor: LiberReverieGroup

Mabagal at maliwanag na ipinaliwanag ito ni Xinghe. Nagulat sina Sam at ang iba pa dito.

Naningkit ang mga mata ni Sam. "Ang ibig mong sabihin ay hindi nila hahayaang manalo si Philip kahit na nagdesisyon siya na makipagtulungan sa kanila?"

"Tama iyon. Ilagay mo ang sarili mo sa lugar ng IV Syndicate, sino ang mas madaling makontrol? Si Philip o si Aliyah?" Itinanong ito sa kanila ni Xinghe.

Natigilan sila. Siyempre, ang sagot ay si Aliyah na sa simula pa lamang ay nakikipagtulungan na sa kanila.

"Mukhang kailangan na nating sagipin si Kelly," bulong ni Wolf.

Si Ali, ay may ibang itinatakbo ang kanyang isip. Sabik na sinabi nito na, "Sino ang mag-aakala na ang mga maliliit na taong tulad natin ay makakaimpluwensiya sa eleksiyon ng bansa? Kailan pa tayo naging mahalaga?"

Naapektuhan si Sam ng mga salita niya, "Ang ibig bang sabihin nito ay magiging malaki ang ating kontribusyon kapag nagtagumpay si Philip?"

"Sa tingin mo ba ay nangangahulugan din nito na tataas ang posisyon natin kasunod nito?" Hindi rin maiwasan ni Cairn na itanong.

"Siguradong hindi na tayo mga maliliit na tao," sagot ni Wolf nang nakangiti.

Masaya pang sinabi ni Ali na, "Yayaman na tayo!"

Tiningnan ni Xinghe ang mga sabik na mukha ng mga ito at pinaalalahanan sila ng nakangiti, "Huwag muna kayong mag-isip ng ganoon kalayo; kailangan pa nating iligtas muna si Kelly."

Tumango si Sam. "Tama ka! Kailangan nating iligtas si Kelly, para sa kinabukasan natin at ng bansang ito!"

"Tama, kailangang iligtas na natin si Kelly!" Sabay-sabay na sambit ng lahat. Kung dati ay tumutulong sila dahil sa responsibilidad, ngayon ay ginagawa na nila ito para sa kanilang mga sarili. Dahil ito lamang ang kanilang pagkakataon na magkaroon ng panibagong buhay; kailangang siguraduhin nila ito.

Naaalala pa din nila Sam at ng mga lalaki kung ano ang sinabi ni Ali: Walang pera, walang pagniniig. Hindi nila gustong maging single sa buong buhay nila.

Tumango si Xinghe ng nakangiti matapos na makita na makita ang kanilang determinasyon at tiwala sa sarili. Bumalik na siya sa kanyang pagtatrabaho, hindi na gusto pang mag-aksaya ng oras. Kailangan niyang ayusin ang surveillance at defense system bago pa pasukin ni Mubai at ng iba pa ang kuta.

Sa ganitong paraan, ang misyon ni Xinghe ang pinakaimportante. Kailangan niyang magtagumpay bago pa nila magawa ang iba pang plano…

Sa ikalawang araw ng eleksiyon, si Philip at ang iba pang kandidato ay abala pa din sa pagtatalumpati para humingi ng suporta. Sa mga nakaraang araw bago ang eleksiyon, ang mga kandidato ay hindi umaalis sa state hall sa takot ng mga misteryosong 'aksidente'.

Ito ay lalong totoo para kay Philip na may pinakamalaking tsansa ng pagkapanalo. Nangangahulugan ito na maraming mga tao ang humahadlang na magtagumpay siya. Ang isa sa mga ito ay halatang ang IV Syndicate.

Gayunpaman, nakapaghanda na si Philip dito, ang mga tauhan niya ay nakapaligid na sa pinakakuta ng IV Syndicate. Matapos na masagip si Kelly at siya ang naging presidente, ang una niyang gagawin ay ang wasakin ang IV Syndicate!

Gayunpaman, kapag pumalya ang plano, alam niyang mabibigo din siya.

Wala nang iba pa maliban sa grupo ni Xinghe ang tungkol sa mga pwersang kumikilos sa dilim, na nagdudulot ng ibayong panggigipit kay Philip.

Bumulong si Xinghe sa ear-mic, "Done, maaari na kayong pumasok ngayon."

Si Mubai at ang iba pa na nakapagbalat-kayo ay nakatayo na sa harap ng mekanikal na pintuan. Ang electronic scanner ay binasa ang kanilang mga mukha at binuksan ang pintuan matapos na ang auto-sensor ay naging matagumpay na.

Kalmadong pumasok ang grupo ni Mubai, ang plano nila ngayon ay magsisimula na!

Si Xinghe na nakaupo sa harap ng computer, ay tumutulong sa kanila na pabagsakin ang mga electronic surveillance na nakahadlang sa kanilang daan.

Kinakabahang nakatutok ang grupo ni Sam sa screen, natatakot na baka mabuko sina Mubai at ang mga tauhan nito. Salamat na lamang, dahil sa laki ng kuta, ay may mga pasilyong walang naiiwanang guwardiya.

Ang electronic surveillance ay hindi isyu dahil kakampi nila si Xinghe.

Próximo capítulo