webnovel

Ipapalit ang Isang Daang Milyon!

Editor: LiberReverieGroup

Kaya naman, ang empleyado ay marunong na ngumiti ng pilit. "Ilan ang ginto na gustong ipapalit ng mga ginoo at ginang? Kung mas higit pa ito sa isang daang libo, magbibigay kami ng ilang benepisyo bilang kapalit."

Tumingin si Sam kay Xinghe. Wala siyang alam kung gaano karami ang gusto niyang ipapalit. "Paano kung isang milyon?" Tanong ni Xinghe.

Nagulat ang tagapagsilbi pero magalang pa din siyang sumagot, "Natural lamang na magkakaroon ng mas magandang benepisyo. Sa isang milyon, maaari mong ipalit ang anim na raang libong halaga ng ginto."

"Paano kung sampung milyon?"

"Kung tama ang aking pagkakaalala, makakakuha ka ng pitong milyong halaga ng ginto."

"Paano kung isang daang milyon?"

Nanlaki sa pagkagulat ang mata ng tagapagsilbi, "Gusto mong ipapalit ang isang daang milyon?"

Imposible, hindi sila mukhang maraming pera.

"Nagtatanong lang," sumabad si Sam para magpaliwanag; hindi din niya iniisip na maraming pera si Xinghe.

Bumalik sa normal ang mukha ng empleyado. "Kung ito ay isang daang milyon, maaari kang makakuha ng walumpung milyong halaga ng ginto. Sa kahit anong kaso, kapag mas malaki ang halagang handa mong ipapalit, mas magiging maganda ang palitan. Ang pinakamalaking halaga na maaari naming ipapalit sa isang transaksiyon ay isang bilyon ngunit kailangan mong ipareserba iyon ng higit sa isang buwan bago ito mangyari. Sa iba pa, maaari kaming makipagpalitan sa araw na mismo pero may limitado kaming halaga ng ginto, magsasara kami kapag naabot na namin ang limitasyon."

"Kung gayon, tulungan mo kaming ipapalit ang isang daang milyon," mahinang sambit ni Xinghe pero sapat na iyon para magulat ang lahat ng nakarinig. Nakanganga na napatulalang nakatingin sa kanya ang grupo ni Ali. Ano ang sinasabi niya? Ipapalit ang isang daang milyon? Alam ba niya kung gaano kalaki ang halaga ng perang iyon?

Hindi rin makapaniwala na nakatingin sa kanya ang empleyado. Nauutal itong nagsalita, "Ikaw, gusto mo na ipapalit ang isang daang milyon?"

"May problema ba?" Tumingin sa kanya si Xinghe.

"Siyempre, siyempre hindi…" wala kaming problema pero ang problema ay… may ganoon kalaking halaga ka ba ng pera o wala?!

Gayunpaman, dahil sinabi na ni Xinghe, pinili ng empleyado na maniwala sa kanya.

Agad silang iginiya ng empleyado sa isang silid para sa mga VIP. Kinakabahang sumunod sa kanya si Ali at ang iba pa. Kung walang pera si Xinghe na ipapapalit, itatapon sila palabas. Sa madaling salita, inihahanda na nila ang kanilang sarili para maitapon palabas.

Gayunpaman, hindi maiiwasan na lumipad ang kanilang imahinasyon. Kung may ganoong kalaking halaga talaga si Xinghe, ano ang gagawin nila para mapigilan ang walumpung milyong halaga ng ginto para hindi manakaw o mapuntirya? Kung alam lamang nila na plano talaga ni Xinghe na magpapalit ng maraming pera, sana ay nagbalat-kayo sana sila. Tumingin din sila sa paligid ng may seryosong hitsura, natatakot na alam ng mundo na talagang literal na napatid sila sa isang palayok ng ginto.

Ang pinakakalmado ay si Xinghe. Tila ba ang pagpapalit ng ganitong halaga ng pera ay araw-araw na negosyo lamang sa kanya. Ang empleyado ay tumingin sa kanya at naniwala na ng lubusan na talagang mayaman siya. Tanging isang tao na maraming pera lamang ang mananatiling kalmado tulad nito.

"Miss, gusto mo bang pumasok nang mag-isa?" Binuksan ng empleyado ang pintuan ng silid ng VIP at pinaalalahanan siya. Sapagkat hindi naman talaga niya alam kung ano ang klase ng kasamahan mayroon ito.

"Ayos lang, papasok kaming lahat." Dumeretso na si Xinghe. Nag-alinlangan pa si Sam at ang iba pa bago sumunod ang mga ito sa kanya.

Magarbo ang mga dekorasyon sa loob ng VIP room. Sa isang magulo na pulitikang panahon na ito, may mga lugar pa ring mararangya na kalangitang maituturing. Mukhang ang nagmamay-ari ng ilegal na pribadong bangko na ito ay may kakaibang katauhan.

Naupo na sina Xinghe at ang iba pa sa mga upuang yari sa tunay na balat at ang mga waiter na nakasuot ng itim ay pumasok para pagsilbihan sila, handa para sundin ang bawat kahilingan nila.

Ang manager ay nakaupo sa katapat nila, pinagagana ang isang computer, at nagtanong kay Xinghe ng may lubos na paggalang, "Ikinagagalak kitang makilala, binibini. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

Próximo capítulo