webnovel

Ang Paggawa ay Mas Matimbang Kaysa sa Mga Salita

Editor: LiberReverieGroup

Walang ideya si Yan Lu sa nangyayari, pero humahanga siya sa gawa ni Xinghe. "Gu Li, ano ang ginagawa niya na sobrang bilis?"

"Wala din akong ideya," sagot din ng mula sa madla.

Tumango si Yan Lu. "Ganoon din ako, hindi kaya at puro kalokohan lang ang ginagawa niya?"

"Done." Sa sandaling sinabi niya ito, tumigil si Xinghe at sumandal pabalik sa upuan. Nagulat si Gu Li dahil ang computer ay matagumpay na na-hack!

Nanlaki ang mata ng lahat sa pagkabigla. Marahil ay hindi nila masyadong maiintindihan kung naka-lock pa din ang computer o hindi, at ang katotohanan ay hindi na nakasara ang computer ni Xinghe. Ang mas malaking isyu dito ay kung gaano katagal niya nagawa ito?

Ang buong proseso ay inabot lamang ng hindi bababa sa kalahating minuto! Inabot lamang siya ng kalahating minuto para i-hack ang computer ng militar. Kahit si Gu Li ay hindi ito magagawa.

Nabigla din si Munan, wala siyang ideya na ang kanyang sister-in-law ay ganito kagaling! Sa ibang kadahilanan, nakaramdam siya ng pagmamalaki. Tiningnan niya ang mga tauhan niya na tila sinasabi, Nakita ninyo, kayong mga tao na kayo ay dapat nagtiwala sa akin.

"Ano ang ikalawang pagsubok?" Mahinang tanong ni Xinghe kay Gu Li, na nagpa-alis sa pagkagulat ng huli.

Hindi makapaniwalang-tanong ni Gu Li, "Ikaw talaga ang nang-hack sa computer?"

Hindi sumagot si Xinghe. Imbes ay pinaikot nito ang mga mata sa tanong nitong nakakatanga. Sino pa ba kung hindi ako? Isang multo?

Napagtanto din ni Gu Li kung gaano nakakatanga ang kanyang tanong bandang huli. Napapahiyang napaubo ito at namuri na, "Miss Xia, hindi ko inaasahan na napakahusay mo pala dito. Kakaunting oras lamang ang ginamit mo para lampasan ang unang pagsubok."

"Wala iyon, bigyan mo ako ng mas mahirap," direktang sambit ni Xinghe.

Natahimik ang madla. Kung sasabihin ang totoo, ang mga lalaki sa silid ay inisip na masyado siyang mayabang pero sila ang unang nagduda dito. Isa pa ideya nila ito sa simula pa lamang.

"Ibigay sa kanya ang pinakamahirap na pagsubok!" Sabik na hiyaw ni Yan Lu, "Gu Li, ibigay mo sa kanya ang pinakamahirap na pagsubok na mayroon ka, gusto kong makita kung malalampasan niya ito o hindi!"

Naiinis na pinandilatanMunan si Yan Lu. Maaari bang hindi pwedeng madaling sulsulan ng taong ito ang grupo, paano kung magawa mong ipahiya ang sister-in-law ko?

Pero alam niyang hindi ito maiiwasan. Hindi sila makakapampante at magiging kakampi ni Xinghe kung hindi nito malalampasan ang pinakamahirap na pagsubok.

Maraming taon na ang nakalipas, hinamon na din niya ang grupo ng mga lalaking ito ng maraming beses, at ang bawat oras na pagkapanalo niya ng husto ang naging daan upang tanggapin ng mga ito ang kanyang awtoridad ng lubusan.

Ang grupo ng mga lalaking ito ay mapapahinuhod lamang sa ilalim ng tunay na talento. Naintindihan ito ni Xinghe kaya naman hindi ito tumanggi na masubok ng pinakamahirap na pagsusulit. Hindi na nagpigil pa si Gu Li, gusto din niyang makita kung gaano talaga kahusay si Xinghe.

"Kung ganoon, ibibigay ko sa iyo ang ipinakamahirap na pagsusulit!" Pumayag si Gu Li at may inutusan na ikuha siya ng isang bungkos ng mga impormasyon. "Ang narito ay ang programming detail para sa isang mini-sandbox software. Kung matatapos mo ito bago matapos ang araw, nakapasa ka sa pagsubok."

Ang pinaka dahilan kung bakit nandoon si Xinghe ay para makatulong na gumawa ng mga high-end software, kaya natural lamang na ang pagsubok na ibibigay sa kanya ay ang hamunin ang kanyang kakayahan sa programming. Ang software na gusto ni Gu Li mula sa kanya ay simple lamang pero normal na aabutin siya ng higit sa isang araw para tapusin ito.

Kung matatapos niya ang gawain sa loob ng itinakdang oras, mapapatunayan nito na isa talaga siyang henyo sa computer science. Kung hindi, kailangan niyang umalis. Sa militar, mas nananaig ang paggawa at pagkilos kaysa sa mga salita. Ang mga taong walang silbi ay inaalis, ito ang natural na paraan ng mga bagay.

Kaya naman, ang kanyang kapalaran na manatili o hindi ay nakadepende ng lubusan sa sarili ni Xinghe.

Próximo capítulo