webnovel

Katapangan at Linaw ng Isipan

Editor: LiberReverieGroup

"Ang tinutukoy mo ba ay si Ye Shen?" pagak na tumawa si Xinghe. "Hindi ko siya asawa."

"Alam ko na kayong dalawa ay diborsyado na pero ang relasyon mo sa kanya ay hindi maikakaila. Magsalita ka, nasaan na ang bagay na ibinigay niya sa iyo?" tinatamad na tanong ng lalaki. Ang tono nito ay punung-puno ng tiwala sa sarili na tila isang hari.

Marahil sa mga mata nito, ang mga babae ay para lamang mga maliit at cute na kuneho. Mahihinang suntok lamang ang kaya nilang ibato at madaling sakalin kahit anong sandali.

"Ano'ng bagay?" itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay ngunit sa pagkakataon na nabitiwan niya ang mga salita, naunawaan na niya. Dinukot siya ng mga ito para sa mga enerhiyang kristal.

Sino ang mga taong ito at bakit sila interesado sa mga kristal?

"Sino ang nagsabi sa iyo na ang bagay na tinutukoy mo ay nasa akin?" ganting tanong ni Xinghe, hindi natatakot na alam niya kung ano ang tinutukoy nito.

Tumawa ang lalaki. "Ang dati mong asawa ang nagsabi."

"At naniwala kayo sa kanya? Isa ka bang tanga o hangal?" walang awang sawata sa kanya ni Xinghe, tila hindi isang tao na dinukot at ginawang hostage.

Nanigas ang mukha ng lalaki. "So, ang ibig mong sabihin, wala ito sa iyo?"

"Nasaan si Ye Shen?" tanong ni Xinghe imbes na sumagot.

"Patay na siya!"

Inaasahan na ito ni Xinghe ngunit ang marinig ito bilang kumpirmasyon ay bahagyang nagpanginig sa kanya.

"So ang huling impormasyon na ibinigay niya sa iyo bago siya namatay ay ang bagay ay nasa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Xinghe na parang nagulat siya sa pagiging utu-uto ng lalaking ito.

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ng lalaki ay nagagalit sa kanya ito at siya lamang ang dapat sisihin sa ganitong sitwasyon.

"Ikaw ang dating asawa niya, kahit na wala sa iyo ang bagay na iyon, siguradong alam mo kung nasaan ito. Dahil alam mo naman kung ano ang katauhan ng bagay na iyon, hindi ba?"

Tumawa si Xinghe sa mukha nito. "Maaaring totoo nga iyan pero napakahirap paniwalaan kung gaano kayo kahangal. Hindi ba kayo muna nagsaliksik bago kayo nagdesisyon na dukutin ang isang tao? Kami ni Ye Shen ay tila apoy at tubig! Kaya, paano niya ibibigay sa akin ang bagay na iyon o kahit sabihin sa akin kung saan niya ito itinago?!"

Lalong dumilim ang mukha ng lalaki.

Mula sa impormasyong nakalap nila, mukhang totoo na hilig gamitin ni Ye Chen ang asawa bilang punching bag. Gayunpaman, inamin ni Ye Shen na ibinigay nito ang bagay sa kanya at ang taong halos patay na, sa kanilang karanasan, ay hindi nagsisinungaling. Kaya naman, naniniwala ang lalaki na ang bagay ay nasa kanya o alam ni Xinghe kung saan itinago ni Ye Chen ang bagay na iyon.

Sa anumang kaso, wala na silang ibang palatandaan para maghanap maliban na lamang sa kanya.

Ang ina at kapatid ni Ye Shen ay wala ng mas tatanga pa. Kaunting panunubok lamang at halata namang wala silang alam sa mga nangyayari. Kung ikukumpara naman, ang babae sa kanyang harapan ay matapang at may matalinong ulo sa kanyang mga balikat. Siya na lamang ang pinakamainam na pusta nila.

"Miss Xia, bibigyan kita ng isang huling pagkakataon. Kapag sinabi mo sa akin kung nasaan ang bagay na iyon, pakakawalan kita. Kung hindi, ang katapusan mo ay maitutulad sa katapusan ni Ye Shen," babala ng lalaki. Walang emosyon ang tono nito ngunit nagbigay lamang ito ng karagdagang panganib sa mga salita nito. Ang kahit sinong babae marahil ay matatakot at maiihi sa kanilang salawal.

Pero hindi man lamang kumurap si Xinghe. "Patay na si Ye Shen, kaya paano kapani-paniwala ang mga salita mo?"

Ngumiti ang lalaki. "May iba ka pa bang pagpipilian?"

Sa anumang paraan, mamamatay siya.

"Kaya naman, sinasabi ko na sa iyo sa huling pagkakataon, wala akong ideya kung nasaan ang bagay na iyon. Nakita ko lamang ito minsan at wala na akong alam kung saan ito itinago ni Ye Shen."

"Miss Xia, mukhang pinili mo na huwag makipagtulungan," mahinang sambit ng lalaki, ngunit ang atmospera sa loob ng silid ay bumaba ng ilang antas.

Papatayin siya nito!

Naramdaman na ito ni Xinghe pero hindi siya natinag.

"Hindi sa hindi ako nakikipagtulungan pero hindi ko magagawa. Ilang beses k na ba sinabi sa inyo na wala akong alam kung nasaan ang bagay na iyon. Ibibigay ko sa inyo ang impormasyon kung alam ko. Hindi ako tanga tulad ni Ye Shen para ibigay ang buhay ko para lamang sa isang bagay na hindi malaman kung ano." 

Próximo capítulo