webnovel

A Shameless Weasel

Editor: LiberReverieGroup

Gayunpaman, kung talagang nangyari iyon… magiging katapusan na ng lahat para kay Ye Shen dahil hindi na niya makukuha pa ang bagay na iyon mula sa mga kamay ni Xi Mubai.

Pero bakit nga ba gugustuhin ni Xi Mubai ang bagay na iyon? Wala naman itong halaga dito.

Ngunit kahit ano pa man, hindi mapakali na nakaupo lamang doon si Ye Shen kaya nagmamadali itong pinuntahan si Xia Meng.

Alam ni Xinghe na lilitaw ito hindi magtatagal kaya nang marinig niya mula sa guwardiya na dumating na ito, malumanay niyang sinabi, "Papasukin mo siya."

"Opo."

Akala ni Ye Shen ay hindi siya haharapin ni Xia Meng kaya naman nasorpresa siya nang madali siyang nakapasok.

Nang marating niya ang sala, hindi niya maiwasan na hindi matigilan sa nakikitang pagbabago kay Xia Meng kahit na isang linggo pa lamang ang nakakalipas.

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya na ang Xia Meng na nasa kanyang harapan ay mas maganda kaysa sa nakasama niya sa iisang bubong sa mga nakalipas na taon.

Mayroon siyang nakakapagpakalmang awra na halatang wala sa dating Xia Meng sa kanyang mga alaala.

Humahanga si Ye Shen sa bagong Xia Meng na ito. Kaya naman ang mga pagbabagong ito ay inakala niyang dahil sa pagbabago ng katauhan nito. Dahil ang pagtaas ng antas sa buhay ay nagbibigay din ng resulta sa pagbabago ng pag-uugali.

"Xia Meng, mayroon akong ilang katanungan para sa iyo," pilit ni Ye Shen, desperado na silang malaman kung ibinenta niya ang bagay na iyon kay Mubai. "Paalisin mo ang mga lalaking ito dito, gusto kitang makausap ng sarilinan!"

Ngumiti si Xinghe sa kanya, "Bakit sa tingin mo gagawin ko iyon?"

"Seryoso ako." Sumimangot si Ye Shen. "Huwag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng kahit ano na makakasakit sa iyo."

"Ang oras na maibibigay ko sa iyo ay limang minuto lamang, kaya simulan mo na. Kung hindi, ang pintuan ay nasa likuran mo," direktang anunsiyo ni Xinghe, ni hindi binigyan ng respeto si Ye Shen.

Nagtangis ang mga ngipin ni Ye Shen sa galit.

Akala ng b*tch na ito ay importante siya dahil sa pinagpaparausan niya ang bastardong Xi Mubai na iyon? Maghintay lamang sila hanggang sa makuha ko ang bagay na kailangan ko at pagbabayaran ito ng b*tch na ito!

"Salamat, kung ganoon ay sasabihin ko na ang tanong ko. Ano ang relasyon mo kay XI Mubai? Kung hindi mo ito ipapaliwanag ng mainam, kalimutan mo na ang tungkol sa diborsyo!" Pagbabanta ni Ye Shen.

Ang diborsyo ang tanging bagay na hawak niya laban kay Xia Meng kaya naman, gagamitin niya ito para makakuha ng benepisyo.

Tulad ng inaasahan niya, tahimik si Xinghe bago ito mahinang sumagot, "Wala kaming relasyong dalawa."

"Walang relasyon?" Hindi makapaniwalang pang-uuyam ni Ye Shen. "Handa siyang tulungan ka dahil wala kayong relasyon?"

"Ang ama ko noon ay ang tagapagligtas ng mga Xi kaya naman inaani ko ang kabutihan niya ngayon. Ibinibigay nila ang lahat ng gusto ko," sabi ni Xinghe ng may pormal na mukha.

May bahid katotohanan naman ang sinasabi niya pero si Xia Chengwen ang dati na tumulong sa Xi Family at hindi ang ama ni Xia Meng.

Nasorpresa si Ye Shen sa rebelasyong ito. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ni Xia Meng at nagdesisyon na hindi ito nagsisinungaling at ang rason naman ay kapani-paniwala.

"Totoo?" Tanong nito ng may may duda.

Humagikgik si Xinghe. "Ano naman ang kinalaman nito sa iyo kung totoo man ito o hindi?"

Tumawa din si Ye Shen dahil nakahinga na siya ng maluwag na hindi ibinigay ni Xia Meng ang bagay na iyon kay Xi Mubai.

Naupo ng kumportable ang hindi balisa na si Ye Shen na tila ba pag-aari niya ang lugar. Walang hiyag ngumisi ito na tila isang sanggano. "Xia Meng, dahil pinagkakautangan ka ng mga Xi, paano na 2,000,000 lamang ang maibibigay mo sa akin?"

Tinitigan siya ni Xinghe ng may pagkalito. "Ano ang ibig mong sabihin diyan?"

Tumawa ng husto si Ye Shen at tiningnan siya ng may interes. "Huwag ka nang magmaang-maangan sa akin. Ang diborsyo ay mas higit pa sa 2,000,000 RMB. Kung itataas mo ng kaunti ang mga numerong iyan, baka ikunsidera ko ito."

Tumawa ng malakas si Xinghe. Hindi pa siya nakakatagpo dati ng isang taong kasing sama tulad ni Ye Shen.

Próximo capítulo