webnovel

Papaniwalain si Xi Mubai Na Siya Si Xia Xinghe

Editor: LiberReverieGroup

Ano'ng klaseng layunin ba ang mayroon ang lalaking ito na handa siyang umabuso ng pisikal para makuha ang bagay na iyon kay Xia Meng?

May alam kaya siya tungkol sa Project Galaxy? Isa kaya siya sa mga ito?

Lumingon si Xinghe para tingnan ito. "May tanong ako. Bakit ba gusto mong makuha ang mga gamit ng tatay ko? Paano ka makikinabang doon?" Direktang tanong ni Xinghe.

Sumagot ng may magiliw na ngiti si Ye Shen, "Hindi mo na kailangan pang malaman kung bakit ko ito gusto, nakita ko ang bagay na ito minsan at alam ko na may halaga ito. Isa pa, wala itong halaga sa iyo, kaya bakit hindi mo na lang ito ibigay sa akin? Pangako itatrato kitang muli tulad ng isang prinsesa kapag ginawa mo."

Nanghilakbot si Xinghe sa pangakong iyon. Halatang nagsisinungaling ang lalaki.

Tumango si Xinghe, "Pwede mo ba akong hayaang mag-isa sa gabing ito? Kailangan ko ng kaunting katahimikan para makapag-isip."

Nagningning ang mga mata ni Ye Shen sa kasabikan, pinigilan niya ang halatang kasiyahan niya at sinabi, "Kung ganoon, iiwanan na kita. Babalik na lamang ako bukas ng umaga. Sweet dreams at magandang gabi."

Umalis na agad si Ye Shen matapos noon. Naging maalalahanin din ito na nagawa pa nitong isara ang pintuan pag-alis niya.

Mabilis na tumayo si Xinghe para ikandado ang pinto!

May bakas ng takot sa kanyang mukha. Hindi ako maaaring manatili sa lugar na ito ng matagal!

Masyadong mapanganib si Ye Shen. Sino ang makakapagsabi nang gagawin niya kung pilitin niya ako.

Gayunpaman, ang pagtakas ay hindi kasama sa kanyang pagpili. Nasa katawan siya na legal na asawa ni Ye Shen.

May karapatan itong tumawag ng pulis sa kanya kung napagpasyahan niyang tumakbo at isisi ito sa mahina niyang kalusugan sa pag-iisip.

Ang tanging solusyon ay bigyan siya nito ng diborsyo. Ito, sa paniniwala ni Xinghe, ang hiling ni Xia Meng. Tutulungan niya ito na mangyari ito.

Nang may magawang plano, naupo si Xinghe para kainin ang noodles. Hindi siya makakatrabaho ng walang laman ang sikmura.

Bumuti na ang pakiramdam niya ng malagyan ng kaunting pagkain ang katawan pero mahina pa din siya kung ikukunsidera na kakagising pa lamang niya mula sa isang mahabang karamdaman.

Pero naniniwala siya na mind over body. Pinatigas niya ang kanyang pasya at nagsimula ng gawin ang kanyang plano.

Ang unang hakbang ay alamin ang lahat tungkol sa lalaking ito, si Ye Shen.

Si Ye Shen ang iyong halimbawa ng pangalawang henerasyon ng mga biglang yumaman na tao.

Minana niya ang negosyong red wine ng kanyang pamilya pero unti-unting bumabagsak ang kumpanya sa kanyang mga kamay.

Ilang taon na ang nakakaraan, kahit na nakaharap ang banta ng pagkalugi ito, nakatanggap sila ng pinansiyal na tulong mula sa isang internasyonal na kumpanya sa huling minuto.

Gayunpaman, wala naman itong nagawa na mabuhay muli ang negosyo iya. Kaya naman sinubukan ni Ye Shen na palakihin ang merkado at sa tulong ng World Wide Web, ang sumunod na lohikal na hakbang ay ang online platform. Nito lamang ay maraming nagamit na asset ng kumpanya si Ye Shen para magpokus sa brand awareness at improvement dahil sinusubukan niyang makipagkumpentensiya para makipagtulungan sa internet empire ng Xi Empire.

Ang bid ay nasa kalagitnaan ng negosasyon. Ang mga labi ni Xinghe ay kumurba na naging ngiti nang makita ang impormasyong ito.

Nakakita siya ng paraan para matapos ang marital status nila Ye Shen at Xia Meng!

Ngunit ang paraang ito ay may mga peligro.

Una, kailangang makumbinsi niya si Mubai na siya si Xia Xinghe.

Matapos niyang makuha ang tiwala nito, ang lahat ay magiging maganda na ang takbo.

Nang iyon ang naiisip, nagsimula ng i-hack ni Xinghe ang server ng Xi Family, umaasa na makita agad ang personal na computer ni Mubai…

Nasa study si Mubai, tinitingnan ang kanyang mga email.

Matapos na mailayo si Xinghe mula sa ospital, sumunod siya dito at lumipat sa lumang mansiyon ng Xi Family.

Dahil sa kondisyon ni Old Madame Xi, malapit sa kanila ang mga doktor at nars kaya maibibigay nila ang pinakamainam na suporta para tumulong sa paggaling ni Xinghe.

Gayunpaman, wala pa ding malay si Xinghe kahit na kalahating buwan na ang nagdaan.

Próximo capítulo