Wala ng iba pang makakapigil sa pagguho ng panahon.
Mula sa mga planeta sa kalawakan hanggang sa mga relasyon ng tao, pagkakaibigan, pagmamahalan, ang lahat ay mawawala sa paglipas ng oras…
Gayunpaman, nakakita ng anomalya si Mubai, isang kalooban na hindi mababali.
Habang may natitira pang hininga si Xinghe sa kanya, ang kanyang kalooban ay patuloy na magliliwanag tulad ng isang kaakit-akit na perlas.
At tulad ng isang perlas, ito ay dapat na pahalagahan. Para kay Mubai, ito ang pinakamahalagang bagay na nakita niya sa kanyang buhay, ang isang bagay na matagal na niyang hinahanap…
Kahit na alam niya na ang saloobin ni Xinghe sa ngayon ay walang pakialam masyado sa kanya, handa siyang gamitin ang buong buhay niya para protektahan ito.
Nakita na niya ang layunin sa buhay niya, at ito ay ang maging tagapagtanggol nto.
Alam niyang hindi nito kailangan ito pero hindi siya nito mapipigilang gawin ang lahat ng magagawa niya…
Sa mga mata ni Mubai, si Xinghe ay kaakit-akit na kumikinang; ang iba naman ay kapiraso ang kung ano ang nakikita ni Mubai. Napahanga sila sa kagandahan ni Xinghe na animo'y nagmumula sa kalooban nito.
Kahit si Ginang Xi ay napahanga ni Xinghe. Nakaramdam siya ng panghihinayang sa kanyang puso. Marahil ang ginawa niya noon ay isang pagkakamali…
Habang mas kumikinang si Xinghe, mas lalong lumalalim ang selos ni Tianxin.
Ang paraan kung paano tingnan ni Mubai si Xinghe ay habambuhay ng natatak sa kanyang isipan.
Nakita niya ang malalim na pagmamahal sa mga mata nito. Siya ay sigurado na sa katotohanang mahal niya ito!
Hindi isang puppy-love crush kung hindi isa na parang sa soul mates!
Ang realisasyon na ito ang sumira sa natitira niyang katinuan. Nakuha ni Xia Xinghe ang isang bagay na matagal na niyang inaasam sa kanyang buhay.
Ang selos ay tulad ng mga tinik at baging, tinatakpan nito ang pangit at madilim na puso ni Tianxin.
Nagsisimula ng magising muli ang kanyang inner demon…
Mabilis na gumuhit ang psychotic murderous intent sa mga mata niya habang galit na pinandilatan niya si Xinghe.
Tila ba nararamdaman niya ang malisyosong tingin sa kanya, pansamantalang napako ang tingin ni Xinghe kay Tianxin. Tinapos na din niya ang paliwanag doon, "Sa pagtatapos, ang problema ay nasa neural center. Kung hindi kayo naniniwala sa akin, malaya kayo na ipasuri ang katotohanan ng paliwanag ko. Siyempre, kung kailangan pa ninyo ng ibang pruweba na sa akin ang disenyo, maaaari kong isa-isahin ang mga theoretical na detalye ng bawat bahagi ng disenyo. Isa pa, mayroon akong mas detalyadong design paper sa aking computer."
"Hindi na iyon kailangan, naniniwala ako sa iyo!" Matiim na anunsiyo ni Elder Xi, "Naniniwala akong sa iyo ang disenyo at gusto kong humingi ng paumanhin dahil hindi ako naniwala sa iyo kanina."
"Lolo Xi—" hiyaw ni Ruobing sa pagkagulat at takot, "Paano mo nagawang maniwala sa isang tagalabas ng ganoon na lang? Hindi ko ninakaw ang disenyo niya, hindi ko talaga…"
"Tama na!" Biglang putol sa kanya ni Elder Xi, at tumingin ito kay Ruobing na puno ng disgusto, "Naniwala ako sa iyo dati dahil ikinunsidera kitang kapamilya; hindi ko na hahayaan pang magkamali ng hatol! Para maging patas, bibigyan kita ng huling pagkakataon para makabawi. Kung maipapaliwanag mo ang theoretical basis sa likod ng bawat bahagi ng iyong disenyo tulad ng alok ni Xinghe, maniniwala ako na ang disenyo ay talagang sa iyo!"
"…" tahimik si Ruobing dahil halatang hindi niya ito magagawa.
Ang pananahimik niya ang perpektong pruweba na ang disenyo ay hindi kanya.
Nagngangalit na pinagalitan siya ni Elder Xi, "So totoo pala. Paano mong nagawa na magsinungaling kay Old Madami Xi na siyang nagpalaki sa iyo? Hindi mo ba inisip kung ano ang mga kahihinatnan bago mo ginawa ang mga ito?!"
"Ipinapakita lamang ito na maaring alam natin ang panlabas na anyo ng isang tao pero hindi ang kanyang puso!" Nagkaisa ang madla laban sa kanya dahil sa nasira niyang tiwala ng mga ito.
"Bakit ka nagsinungaling sa amin at kay mother? Wala ka bang puso?!" Galit na tanong ni Ginang Xi. Maaaring matagalan pa bago niya tanggapin si Xinghe, pero sa bandang huli, isa pa din siyang Xi.
Hindi niya mapapatawad si Ruobing sa pagsisinungaling sa kanila at sa pagiging dahilan kung bakit sugatan si Old Madam Xi.
Galit din ang kanyang asawa. "Yun Ruobing, naging mabuti sa iyo ang nanay ko at inalagaan ka ng buong buhay niya, kaya paano mo nagawa sa kanyang gamitin bilang test subject na alam mong ang disenyong ninakaw mo ay peke? Sana ay nagsabi ka na ng totoo noong binalaan tayo ni Xinghe ng panganib dito! Nagkamali kami ng kinampihang tao!"