webnovel

Ang Nakakasuklam, at Walang Kabuluhang Pandaraya

Editor: LiberReverieGroup

Bigla, nagmamadaling lumapit si Xia Zhi sa tabi ni Xinghe at may natatakot na ekspresyon, ay may sinabi sa kanya. Napatayo bigla si Xinghe kung kaya natumba ang kanyang upuan sa kanyang likuran!

Bang!

Ang biglaang komosyon ay nagbigay hudyat sa lahat.

Napatingin silang bigla sa kakaibang inasal ni Xinghe.

"Ano ang sinabi mo?" Mahigpit na tanong ni Xinghe kay Xia Zhi.

Isang nahihintakutang Xia Zhi ang nagmamadaling nagsabi sa kanya, "Ate, ang sabi ng lalaki ay dinukot nila si Dad. Kung hindi ka titigil sa pakikipagkumpetesiya, papatayin nila ito…"

Ilang sandali lamang ang nakalipas, nakatanggap mula sa hindi kilalang numero si Xia Zhi. Ang inisyal niyang inisip ay huwag na lamang itong pansinin pero dahil tuluy-tuloy ang pag-ring nito, naglakad siya patungo sa isang tahimik na sulok at sinagot ito.

Hindi niya akalain na isa pala itong ransom call!

Ang lakas ng loob nila na dukutin ang tatay niya para pilitin si Xinghe na huwag magpatuloy sa kompetisyon.

May agam-agam si Xia Zhi sa katotohanan ng tawag na ito kaya lumapit siya para tanungin ang opinyon ng kanyang kapatid.

"Ate, sa tingin mo ba ay totoo ito?"nagdududang tanong ni Xia Zhi.

Kumunot ang noo ni Xiao Mo at nagbigay ng akusasyon, "Siguradong gawa ito ni Chui Ming!"

Si Chui Ming lamang ang makikinabang sa kakaibang kahilingang ito at siya lamang ang kasuklam-suklam na gagawa ng bagay na ganito!

Chui Ming—

Hinanap ng mga mata ni Xinghe na puno ng paghihiganti si Chui Ming mula sa publiko.

Ginantihan naman siya ni Chui Ming ng isang malamig at nakakalokong ngiti.

Walang ibang nakakaalam kung ano ang nangyayari. Lahat sila ay nag-uusisa kung bakit biglang tumigil si Xinghe sa paligsahan at nakikipagtitigan kay Chui Ming. Mayroon nga kayang nangyari?

"May ginawa kaya si Chui Ming na hindi natin alam?" Agad na itinanong ni Junting ng maisip ito.

Nanlamig ang mukha ni Mubai. Tumalikod siya at sinabihan ang isa sa kanyang mga bodyguards, "Tingnan mo at…"

Tumigil siya sa gitna ng kanyang pagsasalita.

Tatanungin sana niya ang kanyang bodyguard na mag-imbestiga kung ano ang nangyari pero sa kanyang pagkagulat, naupong muli si Xinghe at itinuloy ang pakikipagkumpetisyon.

Parehong nasorpresa si Xia Zhi at Xiao Mo.

Naguluhan si Xia Zhi. "Ate, ano ang ginagawa mo?"

Hindi ba't binalaan sila ng mga kidnapper na tumigil sa pakikipagpaligsahan?

Naguluhan din si Xiao Mo. Talaga bang itutuloy niya ang pakikipagkumpetisyon?

Nalaglag ang hitsura ni Chui Ming, si Xia Xinghe… ay hindi natinag ng kanyang pagbabanta!

"Ate, hindi ka ba nag-aalala na gagawin talaga nila na…" nag-aalalang tanong ni Xia Zhi pero bago pa siya matapos magsalita, narinig niya ang matigas na sagot ni Xinghe, "Peke iyon!"

Tinitigan ni Xia Zhi si Xinghe, at nagtanong, "Paano ka nakakasigurado?"

"Nasa bahay pa si Xiao Lin," sagot ni Xinghe bilang paliwanag.

Agad na naunawaan ni Xia Zhi at Xiao Mo ang pakahulugang ito.

Tama naman, si Xiao Lin ay nasa bahay. Para makasigurado, walang rason para sa kanila na dumukot lamang ng isang tao at hindi dalawa.

Hindi naman alam ni Chui Ming na sina Xiao Lin at Xiao Mo ay nanunuluyan sa kanila kung kaya ang kasinungalingang ginawa niya ay madaling nakita.

Isa pa, sampung minuto pa lamang ang nakakaraan mula ng magpakita si Xinghe. Kaya naman paano nila agad na madudukot ang isang tao sa napakaikling oras?!

At, ang pandurukot na ito ay nangyari matapos matukoy ni Chui Ming na isang banta si Xinghe. Nangangahulugan ito na ang pagdukot ay kailangang mangyari sa mas maikling panahon ng hindi hihigit sa sampung minuto.

Kaya naman ang biglaang tawag na iyon ay pekeng pagbabanta para pigilan si Xinghe, para magkaroon pa ng oras si ET na manalo sa kompetisyon.

At tanging si Chui Ming lamang ang makakaisip ng isang nakakasuklam at napakawalang kwentang plano tulad nito!

Kung natatakot siyang matalo ng husto, nangako si Xinghe na ipapatikim niya dito ang pagkatalo!

Gagawin niya ang lahat para magsisi ito na pinagbantaan siya nito.

Kinolekta ni Xinghe ang kanyang sarili at ang kanyang anyo ay naging seryoso at determinado para mapatumba si Chui Ming.

Próximo capítulo