webnovel

Tama si Guro

Editor: LiberReverieGroup

Umigting ang galit ng lahat ng bodyguard kay Ye Wan Wan dahil hanggang ngayon, pino-protektahan pa rin ni Qin Ruo Xi si master kahit malala na ang sitwasyon.

"Ngayon, Kailangan nang linisin ang Dark Team 1 dahil ginagawa nilang kanlungan si Ye Wan Wan." Humarap si Liu Ying kay Yuan Sheng. "Yuan Sheng, matagal ka nang nagsasanay sa ialim ng pagtuturo ni Miss Ruo Xi. 'Wag mo siyang bibiguin ngayon, Yuan Sheng; kailangan mong maging lider ng Dark Team 1."

Tumango si Yuan Sheng nang marinig niya iyon at siya ay nangutya. "'Wag kang mag-alala, Kapitan. Walang kwenta si Eleven. Madali lang siyang matumbahin."

"Mabuti." tumango si Liu Ying, bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa bintana. Dumungaw siya sa bintana at tiningnan niya ang training room ng Dark Team 1 sabay ngumisi siya. "Eleven… sa tingin mo, tatanggalin ni master ang posisyon ko bilang kapitan dahil lang sa babaeng yan? Mawawala rin ang posisyon mo bilang lider ng Dark Team 1, lalo na't kinuha mo si Ye Wan Wan bilang trainer mo… Sabik akong makita kung ano ang tinuro sayo ng baliw na yan!"

...

Sa kaparehas na oras, sa loob ng Dark Team 1 training room:

*Pow!*

*Pow!* *Wapak*!

May dalawang tao na nakikipaglaban na mabilis ang mga kilos hanggang sa humampas sila sa lapag.

"Ulitin natin guro!" Muling pumasok sa ring si Eleven kahit puno na siya ng sugat at maga na ang kanyang mukha.

"Gu… gu… guro… guro… gus… gusto… gusto… ko… sanang… magpahinga… muna…" pagkatapos tumayo ng bugbog saradong lalaki, tumayo siya sa may gilid ng ring at pa-bulol siyang nagsalita.

"Tama na… Bulol, sinabi mo na gusto mo nang magpahinga 'di ba?" pinunasan ni Ye Wan Wan ang tumutulong pawis sa kanyang noo.

"Ooo-opo… opo opo… guro… tama… tama ka!" tumango ang bulol.

'Bulol' ang hindi niya tunay na pangalan; ito na kasi ang tinawag sa kanya ng mga bodyguards ng Si family simula noong pumasok siya dito. Walang sino man ang nagtangkang tanungin ang tunay niyang pangalan.

"Pahinga ka muna, Bulol." gusto na ring magpahinga ni Eleven.

Sa lumipas na ilang araw, maliban sa pagkain at tulog, ginawa nang bahay nila Eleven at bulol ang training room at kahit si Ye Wan Wan ay hindi na rin umalis dito.

Okay lang naman ito kay Ye Wan Wan. Nung una, hindi pa siya interesado noong nagsimula siyang matuto tungkol sa martial arts at pakikipaglaban. Matapos ang ilang panahon, naging interesado na siya kaya hindi siya komportable kapag hindi siya nagsasanay sa loob ng isang araw.

Ayaw niyang payagan sila Eleven at Bulol na magpahinga dahil gustong-gusto na niya ang pag eensayo ng pakikipaglaban.

Gayunpaman, humusay rin sila Eleven at Bulol sa pagsasanay nila araw araw - iba na ang pagkatao nila kumpara noong una silang sinanay ni Ye Wan Wan.

"Guro, panoorin mo ang mga galaw ko!"

Sumigaw si Eleven. Alerto na parang ahas na lumalangoy sa hangin ang kanan niyang braso. Binaluktot siya ang kanyang kamay at naging claw ito at tinutok niya ito sa leeg ni Ye Wan Wan.

Sa pagkakataon na iyon, nakatayo lamang si Ye Wan Wan sa hindi kalayuan at hindi siya gumagalaw.

"Tagumpay!"

Nang papalapit nang humampas ang kanyang suntok, biglang natuwa si Eleven.

Gayunpaman, pintado sa mukha ni Eleven ang maliit na ngiti lamang. Umiwas patagilid si Ye Wan Wan kaya hindi tumama ang atake ni Eleven sa kanya.

"ANO!"

Nabigla si Eleven.

Ginamit ni Ye Wan Wan ang oportunidad, habang gulat si Eleven, para dapain ang kaliwang paa ni Eleven na parang buntot ng dragon.

*Pow!*

"Hala!"

Umungol si Eleven sa sakit na natamo niyang atake. Pito ang walang metro ang layo ng pagtalsik niya galing sa sipa ni Ye Wan Wan.

"Anong ginagawa mo Eleven?!" Sumimangot at sumabad si Ye Wan Wan.

"Guro… ah…" napahiya si Eleven.

"Sinabi ko na sayo noon pa man - kailangan mong ituon ang isip mo sa assessment. 'Wag kang magpapadala sa emosyon mo. Galit, tuwa o kahit anong emosyon pa yan, kailangan mo itong itago at sa assessment mo lang ito ilalabas. Kung hindi, nakasalalay ako buhay mo kapag nagkamali ka ng isang beses lang!" seryoso siyang inabisuhan ni Ye Wan Wan.

Tinuturuan niya si Eleven ayon sa paraan niya ng pag-iisip sa tuwing nakikipaglaban siya.

Malinaw at blanko ang isip ni Ye Wan Wan sa tuwing sinasanay niya sila Bulol at Eleven at dahil doon, may abilidad siya na malinaw at kalmado niyang nararamdaman ang susunod na iisipin at gagalawin ng kalaban niya.

Próximo capítulo