Kasunod ng biglang pagtutol, lumingon ang lahat kay Ye Wan Wan.
Tuluyan ng natahimik ang magulong silid.
Itong babae na naman!
May bahid ng kadiliman ang mga mata ni Si Ming Li.
Nang nakita ni Si Ming Rong at ng ibang matatanda na sumabad bigla si Ye Wan Wan sa ganitong oras, napasimangot ang lahat.
Bahagyang nagbago ang mga mata ni Si Ye Han nang nagsalita siya. Tumingin siya kay Ye Wan Wan.
Ginamit ni Feng Yi Ping ang takip ng tasa niya para hagurin ang mga dahon ng tsaa at nangutya sa tono na para bang kausap niya ang isang karaniwang tao, "Tsk, tumututol ka? Sino ka para tumutol?"
Malamyang tumingin si Ye Wan Wan kay Feng Yi Ping, "Mukhang makakalimutin si Director Feng tulad ng anak niya - tumatakbo ba yan sa pamilya?"
"Ikaw…" gustong sumigaw ni Feng Yi Ping pero nang mapansin niya si Si Ye Han sa gilid ng mata niya, hindi na siya nagtangkang magsalita pa.
Tutal, may estado pa din ang babae bilang future mistress ng bahay.
Hinayaan na lang ni Ye Wan Wan si Feng Yi Ping. Tumayo siya, at hindi pinansin ang mga mapoot at mapangutyang mga tingin sa kanya at sabi, "Kung matutulungan ng organ transplant si Ah-Jiu para mamuhay ng maayos, wala akong tutol doon! Pero hindi mareresolba ng transplant ang pinaka-ugat ng problema. Mamumuhay nga siya ng ilang mga taon pero hindi 'yon ang pinakamagandang solusyon!"
Nangutya si Si Ming Li, "Ano bang alam ng batang katulad mo, kalokohan ba 'yang pinagsasabi mo? Sinabi na ni Dr. Sun na mayroon na lang anim na buwan para mabuhay ang master. Kapag hindi siya pumunta sa operasyon, ang kaya niya lang gawin ay mag-antay sa kamatayan. Talagang tumutol sa operasyon sa ganitong oras - anong malisosyong intensyon ang mayroon ka?"
Matapos magsalita ni Si Ming Li, nagsalita din ang ibang matatanda at sinuportahan siya.
Walang bakas ng takot ang itsura ni Ye Wan Wan habang hinarap ang pagpupuna ng lahat. "Kayang gumaling ng katawan ni Ah-Jiu basta iniingatan niya itong maigi at sinusunod ang mga gamot ni Dr. Sun at sa acupunture treatments. Inalagaan ko si Ah-Jiu ng kalahating buwan at nagpakita ng mga senyales ng paggaling ng katawan niya - kaya itong patunayan ni Dr. Sun."
Tumango si Sun Bai Cao. "Totoo nga ito, pero… hindi kayang habulin ng paggaling niya ang lumalang kalusugan ng 9th young master, kaya ko nirekomenda ang operasyon. Syempre, posible na maalagaan ang kalusugan niya sa normal, mas mainam iyon. Mas hahaba pa ang buhay ng 9th master tulad ng ordinaryong tao."
Nang marinig iyon ni Ye Wan Wan, may bahid ng pagbanta ang malinaw niyang mata habang pinasadahan ng tingin ang lahat. "Kaya pakiusap, bigyan mo 'ko ng tatlong buwan para ipagpatuloy ang pagtulong sa paggaling ni Ah-Jiu. Kung napagpasya pa din ni Dr. Sun na kailngan ni Ah-Jiu ang operasyon, wala na 'kong sasabihin pa."
Agad namang sinalubong ng mga pagtutol ng mga matatanda ang sinabi ni Ye Wan Wan.
"Kalokohan! Bigyan ka ng tatlong buwan?! Alam mo ba kung gaano kapanganib kay master 'yan sa loob ng tatlong buwan?"
"Tingin ko kung hindi ka ignorante at bobo baka sinusubukan mo lang mapahamak ang master! May mga magagaling na doktor na kasama ang master - nandito din ang dakilang si Dr. Sun. Kapag kayang bumalik sa normal ang kalusugan niya kapag inalaagan, sana ginawa na 'yon ng mas maaga pa. Sino ka para magpuna at utusan kami?!"
"Hindi nga! Kalokohan kung ibibigay natin ang buhay ng master sa mga kamay ng ignoranteng babaeng 'yan! Kapag may nangyari sa master sa loob ng tatlong buwan, kaya niya bang dalhin ang responsibilidad?"
...
——"Hindi niya talagang…"
Sa gitna ng kaguluhan sa silid, isang malamig na boses ang nanggaling sa may malaking upuan.
Hindi naman malakas ang paos na boses ng lalaki pero natahimik ang lahat agad at sabay nito ang pagtingin nila kay Si Ye Han.
Bahagyang maputla ang mukha ni Si Ye Han, pero kita ang galit sa mga mata niya na sinasakop ang buong silid.
Matapos ang tahimik na sandali, nagpatuloy si Si Ye Han, "Kung ganon, ako ang magdadala ng responsibilidad."