webnovel

Bakit hindi mo lawakan ang iyong pag-iisip?

Editor: LiberReverieGroup

"Para sabihin ko sayo. Kung sa tingin mo na hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, at sa tingin mo na siya ang mundo mo, ngunit ang totoo ay masyadong sarado ang iyong pag iisip at nililimitahan mo ang iyong sarili! Napakalaki ng mundo, bakit hindi mo lawakan ang iyong pag-iisip, sa halip na nakakapit ka lang kay Song Zi Hang?"

Galing sa mabait na pamilya si Chu Feng. Masipag siyang mag-aral at magaling pati na rin sa sports. Mas may itsura din siya kesa kay Song Zi Hang na sapat para ikagalit ni Song Zi Hang.

Sa isang banda, sinabihan ni Ye Wan Wan na kamuhian ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang, ngunit sa kabilang banda, hindi niya parin maiwasang mag alala Song Zi Hang.

Base sa pag uugali ni Jiang Yan Ran, kahit na nagpasya siya na hindi mag pakamatay, ang insidenteng ito ay nagresulta ng matinding trauma sa kaniya. At dahil sa kaniyang pagiging paranoid, hindi na ito kahit kailan nag titiwala sa mga lalaki.

Mas mabuti kung si Jiang Yan Ran at Chu Feng ang magkakatuluyan, pero kung hindi, mas mabuti na kung malihis sa ibang bagay ang atensyon niya.

Sa totoo lang, hindi ganoon karami ang nagkakagusto kay Jiang Yan Ran. Si Chu Feng lamang ang kaniyang naalala dahil sa dati niyang buhay, matapos kitilin ni Jiang Yan Ran ang sariling buhay, agad agad na namuhunan si Song Zi Hang sa isang malaking produksyon at siya mismo ang humiling na gawing bidang babae si Shen Meng Qi. Sa unang pagpapakita ng kanilang movie, galit na galit na tumakbo paakyat sa entablado si Chu Feng at binugbog si Song Zi Hang. Ang insidenteng iyon ay napaka seryoso at ngayon ay pinag uusapan ng lahat ng tao.

Ayon sa mga sabi-sabi, si Song Zi Hang ay nagsampa ng kaso laban sa kanila ngunit dahil sa malakas na kaakibat ng pamilya nila ang pamilya ni Chu Feng kaya nakipag ayos na lang sila.

Naalala niya pa rin ang galit at pagluluksa sa mukha ni Chu Feng hanggang ngayon.

Sa puntong iyon, ilang taon narin ang nagdaan matapos ikasal si Jiang Yan Ran ngunit patuloy pa ding inaalala ng lalaking ito ang tungkol sa kanya.

Gayun pa man, naramdaman ni Ye Wan Wan na hindi naman masama ang lalaking ito at puwedeng pang pagbigyan.

Sa sandaling marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan, masaklap ang ngiti ni Jiang Yan Ran nang asarin ang sarili niya, "Paanong mapipikon si Song Zi Hang…"

Bagamat yun ang kaniyang sinabi, sa huli, nakinig parin siya kay Ye Wan Wan.

Baka nga tama si Ye Wan Wan. Kailangan ko nga siguro lawakan ang aking pag-iisip.

Nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan matapos niyang makitang ipinadala ni Jiang Yan Ran ang mensahe. Saka niya tinignan ito mula ulo hanggang paa at sumimangot, "Wag mong sabihin sakin na susuotin mo ito ngayong araw?"

"Anong problema? Ito ang pinakamagandang damit na meron ako! Pinili ko talaga ito para sa araw na ito!" sabi ni Jiang Yan Ran.

Napabuntong-hiniga si Ye Wan Wan, Mukhang siya ang may problema sa kaniyang aesthetic taste… meron pa bang ilalala sa kaniyang fashion sense?

"Ito'y simpleng puti at parang lumang basahan na hindi magandang tignan, paano naging maganda iyan?"

"Ito ang pinaka usong damit ngayon...:"

"Maarte-at-nakakatakot ang tipong istilo, ba?" Inirap ni Ye wawan ang kaniyang mga mata at hinalukay ang damitan ni Jiang Yan Ran. sa unang tingin, kinuha niya ang bulaklaking bestida, "Palitan mo nito!"

Meron itong malaking antigong bulaklak na naka imprenta ngunit hindi naman ito nangingibabaw. Kaakit-akit ito at, nakakabatang tignan ang kulay, bagay para sa kaniyang istilo at edad.

Sa ibang tao, siya ay mukhang malamya ngunit para kay Jiang Yan Ran, kaya niyang dalhin ito.

Tumingin si Jiang Yan Ran sa bestida, at medyo nagulat" Alam mo talaga kung alin ang pipiliin sa kanila, ito ang pinaka mahal kong bestida. Binigay sakin ito ni mama noong kaarawan ko. Ito'y Brand C limited edition set. Ngunit masyado itong makulay kaya hindi ko pa ito nasusuot kahit kailan…"

"Subukan mo, subukan mo! Gusto kong makita!" nakatingin si Ye Wan Wan ng may pagka-ningning sa kaniyang mga mata at puno ng pagasa.

Tumawa si Jiang Yan Ran ng may pag ka inis, "Sige!"

Kahit gaano pa siya kahirap kumbinsihin ng kaniyang ina na suotin ito noon, hindi niya kahit kailan sinubukan gawin ang mga ayaw ni Song Zi Hang. Pero para kay Ye Wan Wan, kahit na alam niya na hindi siya marunong pumili, meron naman itong hindi maipaliwanag na tiwala kay Ye Wan Wan.

Próximo capítulo