Chapter 1101: Siya Ang Mapapangasawa Ko…
Awkward...
Hindi siya matatrato ng ganito kasama kung hindi lang kaagad nagka-girlfriend si Lu Tingxiao.
Kaibigan pa rin niya ito at maaari niyang gamitin si Lu Tingxiao bilang panangga!
Pero hindi na ngayon!
Kailangan niya na talagang magmadali para maging malapit kay Ziyao…
Hahanapin niya na sana si Guan Ziyao nang may isang lalaki na hinila siya papunta sa tabi at sabik na nagtanong, "Master Mok, kaibigan mo ba iyong babae sa sulok? Anong pangalan niya? Taga-saan siya?"
"Anong gusto mo?" mapagsuspetsa ang titig sa kanya ni Mo Lingtian.
KIlala ang lalaking ito bilang isang Casanova sa Imperial at kasing dalas niya magpalit ng girlfriend ang pagpapalit niya ng damit. Ang masaklap pa, mahilig siyang manulot ng girlfriend ng ibang tao.
Tumaas ang kilay ni Wang Shengzhe. "Siyempre interesado ako! Alam mo naman na ganyan ang tipo kong babae!"
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com