Chapter 920: Bagay Silang Dalawa!
Sa kanyang pangangatwiran, sinabihan niya ang sarili niya na huwag masyadong magpahalata bilang fan, pero sa kabilang banda, hindi niya mapigilan ang pag-akit ng kagandahan sa harap niya...
Ah! Ano gagawin ko, ano gagawin ko? 'Di ako pwedeng magtaksil kay Senior...
"Mmm? 'Di ko siya kasing gwapo? Sigurado ka?" kuminang ang kaakit-akit na mga mata ni Jiang Muye habang patuloy siyang nagtatanong.
"Uh… Uh…" nabagabag ang dalaga, nababalisa at malapit nang maiyak...
Sa likod niya, kumibot ang bibig ni Ning Xi. Lumapit siya, ihinagis niya ang kamay niya at niyakap si Ji Yumeng at hinimas ang kanyang buhok, tapos hinila sa siya sa likod para sa proteksyon bago titigan si Jiang Muye ng masama. "Ganyan ka ba ka-immature?"
Agad naramdaman na parang may malamig na hangin na humaplos sa mukha niya habang nagtatago siya sa likod ni Ning Xi at nahilo siya sa saya. Ah, pinoprotektahan ako ni Senior!
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com