Chapter 874: Type Ko Siya
Pero sa tingin ni Ning Xi ay lahat ng babae ay may kanya kanyang cute side. Iyon nga lang, kailangan mo itong madiskubre at desisyon mo kung ipapakita mo ito sa iba.
Nang makita niyang ngumiti si Ning Xi noong pinuri siya nito, bumilis ang tibok ng puso ni Zhuang Keer.
"T...talaga?"
"Oo naman! Miss Zhuang, ikaw ang…"
"Ang alin?" bumaling ang ulo ni Zhuang Keer dahil sa kuryusidad.
"Wala…" agad na umiling si Ning Xi. Muntik niya nang sabihin na "Type kita"! Mukha siyang malamig at malakas sa labas pero marahan at maalaga siya sa loob, isang typical na mayabang at mahiyain na tipo!
Isa sa mga paborito niyang tipo ng babae...
"Oh, mayroon ka bang bagong palabas? Gusto kong panoorin!" sambit ni Zhuang Keer.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com