Dangerous Kiss Ano ang gagawin ni Katherine kung sa isang simpleng halik lamang ay magbabago ang kanyang tahimik na buhay? Na tila gumulo ang lahat nang nangyari ang gabing iyon.
Parang gusto na niyang mamatay noong malaman niyang nagpakasal ang lalaking mahal plus Bestfriend niya sa kanyang maarteng Kapatid.
Nabuntis ito ng Bestfriend niya at syempre, hindi naman papayag ang mga Magulang niyang takbuhan iyon ng Bestfriend niya, nasisi pa nga siya dahil siya daw ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon, e hindi naman siya ang nagpakalunod sa alak.
Gusto niyang sumbatan ang mga Magulang niya dahil mas mahal na mahal pa ng mga ito ang Kapatid niya kaysa sa kanya na halos magpakahirap na, mapag-aral lang ang Kapatid, samantalang parehas naman silang Anak ng mga Magulang nila.
Dahil sa pinaghalong-halong problema ay imbis na maglasing tulad ng ibang babae na nagpapakalunod ay kumuha siya ng part time job, para naman mas mawalan na siya ng oras at makalimutan niya ang problema, pamilya at taong mahal niya na Bestfriend niya.
Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa Kapatid niya, pero ang part time job na iyon pala ang magpapahamak sa kanya dahil hinalikan lang naman siya ng isang lalaki na hindi niya kilala habang nasa kalagitnaan siya ng trabaho.
At doon nagsimulang gumulo ang mundo niya dahil sa simpleng halik na iyon ay naging Fiance na siya ng isang bilyonaryo.
Lady_ROXIE23 · Adolescente
Classificações insuficientes