"Edi gagawa na lang tayo ng bago para may kapatid siya." Nakangiti niyang sabi. Pinangningkitan ko siya ng mata. Tinulak ko na siya papasok para buksan ang pinto, tawa naman siya ng tawa. Ewan ko ba, naiinis ako sa kanya pero may side na natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya. Parang ang sweet ba. Ang landi ko.
Pagdating sa bahay, inumpisahan kong lunurin ang sarili ko sa alak. Gusto kong makalimot, gusto kong makalimutan na siya, gusto kong tapusin na ang lahat ng ito. Gusto ko ng tigilan ang nararamdaman ko, pero bakit ganun? Hindi ko magawa. Nakakainis.