Born to be Assassin
Halina’t pumasok sa mundo ng mga assassin. Kung saan masasaksihan ang mga malalagim na krimeng gawa ng mga taong nagtatago sa dilim at palaging handang sumalakay sa kanilang mga bibiktimahin. Kung saan ang kanilang trabaho at pinagkakikitaan ay ang pagpaslang at pagkitil ng buhay. Bata pa lang sila ay ito na ang kinamulatan nila. Kaya para sa kanila ang pagkuha ng buhay ay isang ordinaryong gawain gaya ng paghuhugas ng pinggan.
Ngunit mayroong natatanging tatlong tao ang nangingibabaw sa mga tagapaslang na ito. Sila ay mas kilala sa katawagang 3 Diablos. Sila ang mga highest paid professional assassins. Malinis trumabaho ngunit brutal kung pumatay. Sa kanilang tatlo magsisimula ang malaking pagbabagong magaganap sa mundong kanilang ginagalawan.
Ano ang magiging papel nina Leonardo de Silva, Jewel Villadarez at Shayne Lucas sa mga pagbabagong magaganap? What will happen if an assassin who was trained to control his feelings fall inlove? But what’s the most devastating fact is…falling in this kind of world is a mortal sin. Where the punishments of this unlawful act is death. What sacrifices will be made? What’s the feelings of being born to be an assassin?
Bespeaks · General