CLAIRE >>>
"Yan. Andito na tayo Manong, pakihintay na lang po ako."
"Sige."
Nanabik akong bumaba.
Palubog na ang araw. Yung sinag tumatama sa boung lugar.
Tulad namin ni Zhio...
Palubog na nga rin siguro ang araw namin.
Huminga ako ng malalim.
Pakiramdam ko, sa sobrang sakit na nararamdaman ko...parang unti-unti nang nagiging manhid ang puso ko.
Ngunit sa tuwing naalala ko si Zhio...at ang anak ko... kinakaawaan ko ang sarili ko.
Ngumiti ako sa araw na papalubog...
Sabay ng mga luhang pilit kong pinipigilan.
Hinayaan ko ang mga tuhod ko na bumagsak sa damo...
At nagtatanong sa sarili ko at sa lahat...
Kung bakit nangyayari ito sa amin...
Bakit kailangan ko masaktan...
Mas masakit palang magsakripisyo ng taong mahal mo kaysa magsakripisyong mabuhay.
Dati rati...
Iniisip ko lang noon ang gastusin namin...
Hangang sa di ko namalayan...
Nakarating ako sa baitang na ito na kaligayahan mismo ang hinahanap.
Tama si Zhio...
Kahit nasa isang tao na ang lahat...
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください