webnovel

Chapter 13

Sophia P.O.V

Nakakapanibago bakit lahat nakatingin sakin?

May dumi ba ako sa mukha?

Baka hindi bagay sa akin ang damit ko.

Ang Ikli naman kasi nito, hindi ako sanay.

"Pia, ano kaba wag mong hila hilain ang damit mo. Kahit anong hila ko dyan hindi yan hahaba." Bulong ni Ria sakin.

"Ang ikli kasi."

"Sakto lang yang suot mo. kesa sa mga yun." Turo nya sa kanila Wendy na nakataas ng kilay sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko kay Ria. Habang nag lalakad kami pa punta sa Canteen. Mag mula ng pumasok ako sa Room kanina palagi na akong tinitingnan ng lahat.

"Wala naman.. bakit? Ahh.. wag mong nalang silang pansinin." Masayang bulong sa akin ni Ria. "Narealize lang nila kung gano sila ka bobo na sabihan kang Panget. Eh ng ganda mo kaya."

nginitian ko na lang sya dahil hindi lang ako sanay. at kinurot nya naman ang pisngi ko.

Pag kapasok ko sa Canteen narinig ko ang sipol at hiyawan ng mga boys.

"Witwew ang ganda mo naman baby."

"Uy ikaw ba yan Hopia?"

"Si hopia bayan!?"

"Hi gorgeous."

"Tch well mas okay na ng mukha nya ngayon kesa dati. Siguro nag paretoke sya."

Narinig kong sabi ng iba na hindi ko nalang din pinansin.

Nagulat ako ng tumigil si Ria at tiningnan ang babaeng nang sabi nun.

"Gusto mo sabunutan ko ang isang yun Pia ng tumigil na sya sa kakadaldal?" Nang gagalaiti nyang sabi habang tinatarayan lang sya ng mga yun.

"Ano ka ba Ria hayaan mo nalang sila. Tara na kumain na tayo."

Umorder na kami ng pagkain ni Ria at naupo na sa bakanteng upuan. Nang May biglang tumabi sa akin at inakbayan ako. at yun ay..

"Uy hopia tapos ko ng basahin itong libro ANG GANDA NYA." Sabi nya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Bakit simula ng makilala ko ito. Napaka wired nya at may kung anong wierd na tingin sakin.

At alam ko sa mga oras na ito dahil sa inakbayan ako ni Dylan. Maraming matatalim na mata ang nakatingin sakin. Tulad nalang ni Beverly mula sa malayo na Naka kumot ang noong nakatingin samin.

Kaagad ko namang tinanggal ang pag kakaakbay sakin ni Dylan at umusog palayo sa kanya.

"Uy galit ka na naman?" Napatingin naman sya sa paligid. "Ahh.. okay, okay naiintindihan ko na. Wag mo nalang silang pansinin." Natatawang sabi nya at inakbayan ulit ako na tinanggal ko naman. At tiningnan sya ng masama.

"Dylan kailan ka naging ganyan?" Naiintrigang tanong ni Ria sa kanya.

"Ang alin?" Nakangiti paring tanong nito.

Sabog ba ito?

"Hi guys~-ehem! Hi guys nandito pala kayo. Pati narin ikaw Dylan." Biglang napabago ng boses si Kuya ng makita si Dylan na kasama namin. At dahan dahang umuupo habang hindi nya tinatanggal ang tingin kay Dylan na tahimik ng kumakain.

"Saktong Sakto at nandito kayo." Sabi ni Dylan.

"Bakit?"

"Iimbitahan ko kayo sa Birthday ni Kyle bukas. At ang venue ay sa beach!"

"Wow maganda yan." Excited na sabi ni kuya. Na mukhang alam ko na kung ano nasa isip nya. 'boys'

"Actually sasabihin ko rin yan sainyo kaso na unahan mo ako. At sasama ka Sophia right?" Sabi ni Ria.

"Ahm.. hindi ko alam."

"Sige na sumama ka na." Sabi ni Dylan. Pansin ko lang bakit ang saya nya?

"Oo nga Sophia maganda ito para makapag bonding tayong tatlo sa beach at maipakilala narin natin si Jaz sa kanila."

"Wait sino si Jaz?" Tanong ni kuya.

"Bagong friend natin. Sya ang nag ligtas kay Sophia nung nakaraan na muntikang na syang makidnap." Nang marinig yun ni Dylan nakita ko naman ang pagkawala ng ngiti nya. "At siguro bukas di ko sure pero tatawagan ko sya kung kailan na sya makakapasok."

"Mukhang okay yan sama nyo narin para makilala ko na sya." Sabi ni kuya.

"Kaya sumama ka na Sophia." Pamimilit na Sabi ni Ria.

"Okay. Sasama na ako." Masayang sabi ko.

"Uy Dylan nandito ka pala kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala kasama sila Ria at.." napatingin naman sya sa akin. "Sino sya parang ngayon ko lang sya nakita dito sa school. Transferee?"

"Baliw! Kahit kailan bulag ka talaga Kyle." Batok sa kanya ni Jiero. "Si Hopia yan. Tama ako diba?" Tumango naman ako sa kanya na ikinagulat nila.

"Wow ganyan ka nalang Sophia, bagay na bagay talaga sayo ang itsura mo ngayon." Sabi ni Jiero.

"Ang laki ng pinagbago mo." Sabi ni Kyle.

"Panget ba talaga ang itsura ko noon?" Tanong ko na mukhang namang ikinakaba nila.

"Naku Sophia wag mo nalang intindihin ang mga sinasabi ng dalawang yan. Para sa akin maganda ka parin kahit hindi ka mag ayos." Napalingon naman ang lahat sa sinabi ni Dylan.

"Bro Dylan ikaw ba yan?" Gulat na gulat na sabi ni Kyle at Jiero.

"Bakit? May masama ba akong nasabi?" Confused na tanong ni Dylan.

"Wala naman actually tama si Dylan Pia." Sabi ni Ria

"Yup"- leo.

"So.. iimbitahan ko kayo sa birthday ko." Biglang sabi ni Kyle.

"Nasabihan ko na sila." Sabi ni Dylan.

"Wow ikaw ba Mag bi-birthday Dylan?" Pilosopong sabi ni Kyle na ikinatuwa namin

"HAHAHAHA"

"Mas excited pa sa May birthday ah." Sabi ulit ni Kyle.

"Hey mga bro!" Bigla namang sumulpot si Zhian at inakbayan si Dylan at bigla syang napatingin sa akin. "Hi Sophia."

"Hi." naiilang sabi ko.

Zhian P.O.V

Nang makita ko sila Dylan pumunta agad ako at ng bigla kong makita sya naalala ko si Chin-chin. Dahil sa itsura nya ngayon lalo kung naalala ang first love ko.

"Hi Sophia." Bati ko. Alam kong sya si Sophia pero hindi ko maiwasang akita si Chin chin sa kanya. Kung naabutan ko lang sya bago sila umalis papuntang states siguro kasama ko sya ngayon.

"Hi." Maikli nyang sabi sakin na ikinangiti ko naman.

"So.. sasama rin ba kayo sa birthday ni Kyle?"

"Yup" -Ria

"Sama-sama ako dyan." -Jiero.

"Syempre naman." Galit na tono na Sabi ni Dylan. Anong problema nya?

"Siguraduhin mo lang Kyle na mag eenjoy kami doon ah!" Sabi ni Leo.

"Naku syempre naman. Ako pa!" Mayabang na sabi nya.

"Si Beverly sasama ba yun?" Tanong ni Kyle. Na ikinalungkot ko.

"Hindi ko alam." Yun lang sabi ko at nanahimik na. "Sige alis na ko tinatawag kasi ako ni Coach May uutos sakin." Sabi ko at umalis na doon. Ayokong makita nila akong malungkot kaya mas pipiliin kong lumayo muna pag malungkot ako.

Author P.O.V

Nang umalis na si Zhian lahat naman ay masamang napatingin kay Kyle. Nang dahil sa tanong nya ay umalis ito.

"Tch. Ano ka ba kyle kita mong problemado yung tao tinanong mo pa yun." Sabi ni Dylan.

"Wala ka ng pag asa Kyle. pa mental ka na kaya." Mataray na sabi ni Ria. Habang umiiling silang dalawa ni Jiero.

"Ay Sorry." Sabi ni Kyle habang tinakpan ang bibig nya.