'Bang!'
Ang balikong saber sa kamay ni Zuo Yue ay mayroong sinag ng saber na nabuo ng tuluyan ng berdeng enerhiya. Kasindak-sindak itong patungo kay Duan Ling Tian at pinayanig ang enerhiya sa ispada ni Duan Ling Tian.
'Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!'
…
Ang sinag ng saber na naglalaman ng higit sa 1,620 ancient horned dragons ay walang tigil ang paghampas. Para itong mga alon sa likuran na humahampas sa alon sa harap dahil dinadaig nito ang ispada ni Duan Ling Tian na nagtataglay ng lakas ng 1,600 ancient horned dragon.
Isang sunod-sunod na pagsabog ang narinig, malalakas na bugso ng hangin ang mabagsik na humampas sa lahat ng direksyon.
"Whoosh!
Hawak-hawak ni Duan Ling Tian ang ispada sa kaniyang kamay habang umaatras ng ilang hakbang mula sa atake ni Zuo Ye. Bumugso ang dugo sa kaniyang katawan. Namukha siyang mahina, at naging maputla ang kaniyang mukha.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください