webnovel

Chapter 21

Lei's Point of View

"Okay ka lang ba, hija? Kanina ka pa hindi mapakali sa kina-uupuan mo." napatingin ako kay Kuya Roger na siyang nagmamaneho ng sasakyan papunta sa hospital.

Tinanguan ko lang naman siya at binigyan ko siya ng isang matipid na ngiti.

Ang totoo kasi ay hindi talaga ako okay. Pagkatapos ko kasi sabihin kay Kuya Roger na ako ang gusto ni Triton ay hindi na ako mapakali. Para bang may nag-uudyok sa akin na sundan ko sila ni Shania sa sinasabi nilang tindahan.

Hindi ko alam kung bakit pero iba ang kutob ko. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakasakay ako sa kotse. Hindi ako mapakali na para ba akong kiti-kiti sa loob na naka-upo.

Susundan ko ba sila?

Pero, bakit ko naman sila susundan?

Anong sasabihin ko sa kanila pag nagkita-kita kami roon?

"Hintayin ko na lang kayo sa labas ng hospital, hija. Ikaw na lang ang pumasok sa loob..." napatingin naman ako sa harapan ng sasakyan.

Natatanaw ko na ang hospital kung saan doon in-admit si Lola.

Ano na Lei? Tutuloy ka ba ng hospital o susundan mo sina Triton at Shania?

"Kuya, ibalik mo po iyong sasakyan." gulat naman na napalingon sa akin si Kuya Roger?

"Malapit na tayo sa hospital..." Hindi ko siya pinatapos magsalita.

"Magpapaliwanag na lang po ako kay Lola mamaya. Please, sundan po natin sina Triton at Shania." buong tapang kong sinabi sa kanya.

Wala naman na akong narinig pa na sagot niya sa akin at tumango lang ito at sinimulang ibalik ang sasakyan at tinahak namin ang sinabi kong address sa kanya.

Habang tinatahak namin ang Daan papunta sa sinabi sa akin ni Shania na address noong nakaraang araw ay magkasalikop ang dalawang palad ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nagpapawis ng malamig ang buong katawan ko pati na ang magkasalikop kong dalawang kamay.

"Ano bang nangyayari sa akin?" mahinang bulong ko sa sarili ko at saka tumingin sa labas ng bintana.

Magta-takip-silim na kaya naman maganda ang kulay ng kalangitan. Nilalamon na ng dilim ang kaninang liwanag sa kalangitan.

"Malapit na tayo, hija." pahayag ni Kuya Roger kaya tumingin ako sa harapan.

Natatanaw ko na ang tindahan na sinasabi no Shania maski ang kulay puti na motor sa harapan nito. Iyon ang motor ni Triton.

"Dito na po ako baba." hininto naman ni kuay Roger ang sasakyan malapit sa tindahan. "Pakihintay na lang po ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito kaya naman bumaba na ako ng sasakyan at tinungo ang tindahan.

Nag-park si Kuya Roger two blocks away sa mismong tindahan na pupuntahan ko kung nasaan ngayon sina Triton at Shania. Ayaw ko kasing makita nila ako. Sinundan ko lang sila dahil gusto ko lang naman manigurado kung tama nga ba ang hinala ko.

Pero sana hindi tama ang hinala ko. Please...

Nang nasa harap na ako ng tindahan ay hindu agad ako pumasok. Tiningnan ko na muna ang harap nito. Maliit na tindahan ito at puro glass ito at transparent kaya naman kitang-kita sa labas kung ano ang mga nasa loob nito.

Hinakbang ko naman ang paa ko para buksan na ang pinto nang makita ko mula sa labas ang dalawang taong nag-uusap. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko sina Triton at Shania na masayang nag-uusap. May pinapakitang damit si Shania kay Triton na sa tingin ko ay tinatanong nito kung bagay ba sa kanya ang kulay rosas na bestida. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Triton at kung paano kumurba ang mga labi nito habang nakatingin ito sa kaibigan ko.

Ang mga ngiti at titig na iyon. Alam na alam ko kung anong ibig sabihin ng mga ngiti at titig niyang iyon.

Marahas naman akong napailing at mariin na napapikit dahil sa naisip ko.

"Friendly lang talaga si Triton, Lei kaya huwag kang masyadong paranoid." bulong ko at saka pinalo ang ulo ko. Kung ano-ano na naman kasi ang naiisip ko.

Bumuga naman ako nang marahas bago ako tumayo ng maayos at tumingin muli sa kanila. Nang mapatingin ako sa gawi nila ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko.

Nakayakap ang kaibigan ko kay Triton habang hawak siya nito sa kanyang balikat.

Ganyan ba ang friendly, Lei? Magkayakap tapos naghalikan na? Wake up! Niloloko ka lang nila!

Mabilis ang paghinga ko habang nakatingin sa kanila. Bakit nila ginagawa sa akin 'to? May nagawa ba akong mali sa past life ko at ganito ang nangyayari sa akin?

Nakita ko na lamang ang sarili ko na binuksan ang pinto ng tindahan at pumasok dito. Pagpasok ko ay lalo akong natuod nang marinig ko ang usapan nila.

"I like you, Triton I really do." malambing na saad ni Shania kay Triton habang Nakayakap siya rito.

"I know."

Naumid ako sa narinig ko. Parang may sampong kamay na pumipiga sa puso ko habang nasa harap ko sila at magkayakap.

"Thank you for liking me, Shania..."

"Akala ko ba bibili kayo ng regalo?" sa wakas ay nakuha ko rin ang boses ko kaya nagawa ko silang tanungin.

Hindi agad sila nakagalaw sa kinatatayuan nila. Alam kong hindi sila makapaniwalang nasa harap nila ako ngayon.

"Bes..."

Napairap naman ako sa loob-loob ko nang kumalas si Shania sa pagkakayakp niya kay Triton at naglakad ito papunta sa akin.

"Ano meron? Bakit magkayakap kayo?" muli kong tanong sa kanila.

Gusto ko silang saktan na dalawa ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil maraming tao na ang nakatingin sa amin.

"Lei..." napalingon naman ako kay Triton na naglalakad papunta sa direksyon ko. "magpapaliwanag ako. Iyong nakita mo wala lang iyon..."

"Stop." pinigilan ko siya sa anumang sasabihin niya.

Ayaw ko ng makarinig pa ng isa na namang kasinungalingan mula sa kanya. Sawang-sawa na ako.

"Bes, magpapaliwanag ako. Walang kasalanan si Triton."

Bes? Bes-bes-in mo mukha mo! Gago! Wala akong kaibigan na ahas!

"I thought you were my best friend?" walang ka-emo-emosyon na tanong ko sa kanya at saka ko tiningnan ang lalaking katabi niya.

"And you..." matalim ko siyang tiningnan. "I trusted you, Triton but what did you do?"

Nang sabihin ko sa kanila iyon ay hindi ko na sila hinintay pa na magsalita kaya naman mabilis akong lumabas sa shop na iyon at pinuntahan si Kuya Roger kasama na ang sasakyan ni Lola.

Nang nasa tapat na ako ng sasakyan ay kinatok ko ang pintuan nito dahil nasa loob si Kuya Roger.

"Kuya, paki bukas iyong pintuan ng sasakyan." tumango lang naman si Kuya Roger kaya naman nagmadali akong lumapit sa pintuan at binuksan ito para pumasok. Papasok na sana ako sa sasakyan nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko at hinila niya ako palabas ng sasakyan at agad niya akong niyakap.

"I'm sorry." rinig kong sambit nito habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Iyan na naman iyong sorry niya! Rinding-rindi na ako sa kaka-sorry niya sa akin!

"Ano ba!" buong lakas ko siyang tinulak kaya naman napaatras ito.

"Lei..." pagsusumamo nito at akmang hahawakan niya ako pero winaksi ko lang ang kamay niya.

"Just stay there. Don't you dare come near me, Triton." natakot yata siya kaya naman hindi na ito lumapit pa sa akin. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para pumasok ng sasakyan at agad na sinarado ang pinto nito.

"Tara na po sa hospital, kuya." pinaandar naman na ni Kuya Roger ang sasakyan papalayo sa lugar na iyon.

"Hija, umiiyak ka ba?" rinig kong tanong sa akin ni Kuya Roger.

Mabilis ko namang pinunasan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko at umiling sa kanya.

"Hindi po, kuya." pagsisinungaling ko sa kanya habang sa labas ako nakatingin.

"May nangyari ba kanina sa pinuntahan mo?" muling tanong nito.

Muling bumagsak ang mga luha ko sa tanong ni Kuya Roger. Naalala ko na naman kasi sina Triton at Shania habang magkayakap kanina sa loob ng shop.

"Wala po." Hindi naman na muli nagtanong si Kuya Roger kaya nagpapasalamat ako dahil baka kung magtanong pa siya ulit at bibigay na ako at iiyak sa harapan niya.

Dahil okupado ang isip sa mga pangyayari kanina ay hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng hospital. Hindi na ako pumasok sa hospital at sinabihan ko na lamang si kuya Roger na siya na lamang ang sumundo kina Lola sa loob at sila na rin ang magtanong tungkol sa kondisyon ng Lola ko.

Ayaw pa sana niyang pumayag kanina dahik dapat sa kamag-anak sasabihin ng doctor ang tungkol sa Lola ko pero nagmakaawa ako sa kanya. Sinabi ko sa kanyang hindi maganda ang pakiramdam ko na totoo naman dahil sa pangyayari kanina ay biglang sumama ang pakiramdam ko.

"Sige, hintayin mo na lamang kami rito." Sabi ni Kuya Roger pagka labas niya ng sasakyan at naglakad na ito papasok ng hospital.

Lumingon naman ako sa likuran ko at nagbabakasakali na baka sumunod si Triton sa amin at magpapaliwanag ito dahil sa nakita ko. Ilang minuto pa akong naghintay pero walang Triton na sumunod. Walang Triton na gustong magpaliwanag sa nangyari.

"Bakit ba kasi ako umaasa na susunod siya e, wala namang kami. Hindi naman niya ako girlfriend para magpaliwanag siya sa akin." mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang sabihin ko iyon.

Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang gusto ko na lamang matulog oara hindi maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Inayos ko naman ang mukha ko dahil mapansin ni Lola na umiyak ako. Pagkalabas ko ng sasakyan ay isang ngiti ang ibinigay ko sa Lola ko nang makalapit ito sa akin.

"Are you, okay? Sabi ni Roger masama raw ang pakiramdam mo. Halika muna sa loob at i-papa-check-up kita." hinawakan ako sa kamay ni Lola at iginaya sa loob ng hospital pero pinigilan ko siya.

"Hindi na po kailangan, Lola. Tubig at mahaba-habang pahinga lang po ang katapat nito."

"Sigurado ka, Francheska?"

Tumango lang naman ako sa kanya at saka ko siya pinapasok sa sasakyan bago ako sumunod sa kanya.

Habang nasa biyahe kami ay tinatanong ko siya tungkol sa kalagayan niya kung anong sinabi sa kanya ng doctor.

"Ano palang sabi ng doctor niyo?" tanong ko kay Lola.

"Hindi pa raw naman ako mamamatay." biro nito sa akin.

"Lola naman..." tiningnan ko siya ng masama. Iyan na naman siya sa mga biro niyang hindi nakakatuwa.

"I'm just joking around, Francheska. Masyado ka namang seryoso." hinawakan niya ako sa kamay ko. "I'm fine, okay?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Lola, alam kong okay ka na ngayon. Ang gusto kong malaman ay kung anong klaseng sakit sa puso ang meron ka. Kung maaagapan pa ba ito o hindi na." seryoso ko siyang tiningnan.

"Enlargement of the heart. Iyan ang sabi sa akin ng doctor sa kalagayan ko ngayon."

"Maaagapan pa naman iyan 'di po ba?" kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Tumango lang naman siya.

"May mga reseta ng gamot naman ang ibinigay niya sa akin para inumin ko kaya, huwag ka na masyadong mag-alala diyan, apo. Gagaling pa naman ako. Masamang dami nga ako hindi ba?" natatawang sambit nito.

"Lola talaga!" sigaw ko sa kanya habang may ngiti sa mga labi ko at saka ko siya niyakap.

Dahil sa pag-uusap namin ni Lola ay hindi namin namalayan na papasok na pala kami ng mansion.

"Ako na po ang magdadala nito sa kwarto niyo." Sabi ko at saka binuhat ang gamit ni Lola kung saan nakalagay doon ang mga hindi nito nagamit na damit niya sa hospital.

Nauna na akong pumasok sa mansion at tinungo ang kwarto ng Lola ko na nasa ikalawang palapag. Pagpasok ko sa kwarto niya ay wala masyadong gamit. Halos puti ang nasa loob ng kwarto.

Inilapag ko naman sa kama niya ang dala-dala kong gamit niya at saka naupo ako rito. Habang nakaupo ako ay napatingin ako sa sidetable ni Lola malapit sa kama. May litrato roon. Isang litrato iyon ng mag-asawa at may buhat silang batang lalaki.

"Siya siguro ang asawa ni Lola at ito naman siguro si papa noong baby siya." wika ko habang habang hawak ko ang picture frame.

Parehong hindi ko nakita ang Lolo at papa ko dahil baby pa lang ako ay namatay na ang mga ito. Ang kwento sa akin ni Lola ay namatay si Lolo tatlong araw pa lang ang nakakalipas nang ipanganak niya si papa. Hindi ko alam kung anong ikinamatay niya basta iyon lamang ang kwento niya sa akin kaya hindi na lamang ako nagtanong pa.

Tumayo na ako at lalabas na sana ng kwarto ni Lola nang makasalubong ko siya sa may pintuan.

"Magpahinga na po kayo." tumango naman siya kaya pinauna ko muna siyang makapasok bago ako lumabas ng kwarto niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay siya namang pagtawag sa akin ni manang Felly na ngayon ay papalapit ito sa direksiyon ko.

"Bakit po manang?"

"Hija, may bisita ka."

"Sino po? Iyong anak po ba ni Mr. Sy?" tanong ko kay manang habang naglalakad na kami pababa ng hagdan.

Nasa may living room daw kasi ang bisita ko na nag-aantay sa akin kaya naman naglakad na kami ni manang papunta roon.

Nang malapit na kami sa living room ay iniwan na ako ni manang dahil titingnan pa raw nito ang niluluto niya.

"Hoy, chinese ano na naman ang ginagawa mo rito sa mansion—What are you doing here?" nagkasalubong ang dalawang makakapal na kilay ko nang makita ko kung sino ang sinasabi ni manang Felly na bisita ko.

Bakit hindi naman agad sinabi ni manang na hindi pala si Damon ang bisita ko kundi isang ahas.

"Bes, sorry."

"Huwag mo akong tawaging bes dahil wala akong kaibigang ahas." matalim ko siyang tiningnan kaya napayuko ito. "Ay, meron pala. Ikaw iyon 'di ba?"

Umangat naman ang tingin nito sa akin.

"Lei, mali ka naman ng iniisip e. It's just a misunderstanding! Walang malisya iyong yakap namin ni Triton kanina! Una't huling yakap ko na iyon sa kanya." paliwanag nito sa akin.

"Talaga?" may halong pang-aasar sa boses ko nang tanungin ko siya.

"Yes, it's just a friendly hug, Lei. Kilala naman natin si Triton na clingy..."

"Then, is this a friendly kiss also?" ibinato ko sa kanya ang cellphone ko kung saan naka-play doon ang video nilang dalawa habang naghahalikan.

Nakita ko naman siya kung paano siya namutla habang pinapanood ang video nila ni Triton na naghahalikan.

"Ang friendly naman ni Triton sa'yo, Shania. May kiss ka na nga mula sa kanya, may pa-hug pang kasama." saad ko kaya napatingin ito sa akin at saka nito inilapag sa mesa ang cellphone ko.

"Lei, let me explain."

"Okay, I give you three minutes to explain." tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya at ganoon din siya sa akin.

"I admit, Lei. I like Triton..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili ko na hindi masabunutan ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Pero hanggang doon na lang iyon. Iyong nakita mo kanina sa shop na magkayakap kami? Walang ibig sabihin iyon, Lei dahil iyon na ang una't huling yakap ko sa kanya at pakikipag-usap. Pinuputol ko na ang ugnayan namin at ang pagkagusto ko sa kanya, Lei. Dahil kahit anong gawin kong pagpapapansin sa kanya ay ikaw pa rin ang gusto niya, Lei." mahabang litanya nito.

"Okay, pwede ka ng umalis." tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinalikuran ko na siya.

Hindi pa ako nakakahakbang papalayo sa kanya nang maramdaman ko ang kamay niya sa may pulsuhan ko kaya nilingon ko siya.

"Pinapatawad mo na ba ako?" tanong nito at saka niya ako hinawakan sa mga kamay ko.

Umiling lang naman ako at saka ko kinuha sa kanya ang mga kamay ko at nagsimula na muli akong naglakad.

"Lei, please forgive me." huminto naman ako sa paglalakad at nagsalita habang nakatalikod ako sa kanya.

Ayaw ko siyang tingnan at harapin dahil baka sa sobrang inis ko ay masugod ko siya at masabunutan.

"Kahit ilang beses ka pang humingi ng sorry sa akin, Shania hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Kahit lumuha ka pa ng ginto hinding-hindi kita patatawarin." pagkasabi ko iyon ay tuluyan na akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Napasandal naman ako sa pintuan ng kwarto ko nang makapasok ako rito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dahil siguro ito sa pakikipag-usap ko kay Shania. Huminga naman ako ng malalim bago ko tinungo ang kama ko at pabagsak akong nahiga rito.

Nakatingin lamang ako sa puting kisame at wala sa sariling nakatitig dito. Napabangon lamang ako sa kama nang marinig ko sa labas ng kwarto ko si manang Felly.

"Hija, nasa labas daw ng mansion si Triton at gusto kang kausapin. Papapasukin daw ba ni Roger?"

"Huwag niyo po siyang papasukin. Sabihin niyong nagpapahinga po ang Lola." sagot ko sa matanda.

"Sige, hija."

Narinig ko naman ang papalayong yabag nito kaya naman nahiga na muli ako sa kama. Pagkahiga ko naman ay agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at pinatay ito. Alam kong tatawag ang sinungaling na iyon kapag nalaman niyang hindi ko siya pwedeng papasukin dito sa mansion.

Kinabukasan ay nagising ako nang kumulo ang tiyan ko kaya napabangon ako sa kama.

Napatingin naman ako sa suot ko. Naka-uniform pa rin ako.

Eww. Hindi ako nakapag-shower kagabi.

Nakatulog pala ako kakatitig sa kisame at hindi man lang ako nakapagpalit ng damit at hindi ako nakakain.

Bumango naman ako sa kama at dumeretso ng banyo para maligo at mag-ayos na ng katawan dahil papasok pa ako ng eskwelahan.

Matapos akong naligo ay lumabas na ako ng banyo. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ng towel ay napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa sidetable. Hindi ko pa rin ito binubuksan at wala akong balak na buksan ito at idala sa eskwelahan.

Nang matuyo ko na ang buhok ko at nakapag-ayos na ay lumabas na ako ng kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto ay siya rin namang labas ni Lola sa kanyang solid.

"Good morning, Lola." bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Ang aga mo ngayon a." tumango lang naman ako.

"Kayo po ba? Papasok na rin po ba kayo ngayon?"

Umiling lang naman ito at sabay kaming naglakad pababa ng hagdan.

"Baka next week na ako pumasok. Kailangan ko pa magpahinga sabi doctor. At ikaw naman..." nilingon ko siya. "huwag kang gagawa ng kalokohan sa eskwelahan habang wala ako. Huwag makikipag-away sa mga gyro at estudyate." paalala nito sa akin kaya tumango lang naman ako.

"Sige, alis na po ako." paalam ko sa kanya nang makababa na kami ng hagdan.

"Hindi ka pa nag-breakfast, Francheska."

"Sa school na lang po." hinalikan ko na siya sa pisngi niya bago ako tuluyang lumabas ng mansion.

Pagkalabas ko naman ay nandoon na si Kuya Roger sa harapan ng gate habang hinihintay ako.

"Tara na po."

Nginitian lang naman ako ni Kuya Roger.

Habang nasa biyahe kami ay napatingin ako sa gawi ni Kuya Roger nang marinig ko ang sinabi niya.

Napapadalas yata ang pagiging madaldal ni Kuya Roger?

"Hija, alam mo bang halos isang oras na naghintay sa'yo sa labas ng gate kagabi iyong lalaking ayaw mo papasukin?"

Nag-tengang kawali lang naman ako sa sinabi ni Kuya Roger. Wala akong paki alam sa lalaking iyon. Kahit hanggang madaling araw pa siyang maghintay doon at manigas siya wala ay wala akong pakialam dahil hindi ko naman sinabi sa kanya na hintayin niya ako.

Pumasok naman agad ako sa school gate pagkababa ko ng sasakyan. Tinungo ko agad ang canteen para bumili ng kape dahil nga hindi pa ako kumakain ng agahan.

"Hey," inirapan ko lang naman siya nang makita ko siyang nakatayo ngayon sa harapan ng vendo machine.

"Tumabi ka nga." sa inis ko ay tinulak ko siya dahilan para tumawa siya ng mahina.

"Sungit mo naman. May dalaw ka?" biro nito sa akin pero inirapan ko lang naman siya.

Ang tagal namang lumabas ng baso na may kasamang mainit na kape. Gusto ko ng buhusan ng mainit na kape itong Chinese na katabi kong daldal nang daldal.

"Bukas na pala iyong punta namin ng family ko sa bahay niyo." napalingon naman ako sa kanya.

Oo nga pala bukas na iyong araw kung saan pag-uusapan nila ang tungkol sa engagement party raw namin ng Chinese na ito.

"Sigurado ka talaga na pupunta ka bukas sa mansion?"

"Syempre, naman. In-invite ako ng Lola mo. Ikaw lang naman ang may ayaw na pumunta ako e." inirapan ko lang naman siya.

"Hey, Triton right?" natigilan naman ako sa pagkuha ko ng kape sa vendo machine at napatingin sa lalaking papasok ng canteen.

Ang aga-aga mukha niya agad angnakita ko. Mukha ng isang sinungaling.

"Let's go, Damon." pag-aaya ko kay Damon nang makuha ko na ang kape ko at nilagpasan namin siya.

"May nangyari ba? Bakit ang lamig ng tingin mo kay Triton..." Hindi natapos ni Damon ang sasabihin niya nang tawagin ako ni Triton.

"Lei, can we talk?"

"Hoy, usap daw kayo. Ano, bingi lang ang peg mo?" inirapan ko lang si Damon.

Kung babae siguro ito, chismosa itong lalaking ito.

"Okay." maiksing sagot ko sa kanya nang lingunin ko siya.

"Akala ko mag-uusap tayo? Bakit nakatayo ka pa rin diyan?" tanong ko muli sa kanya.

Papaano kasi nakatayo lang siya at nakatingin sa akin. Nataranta yata siya kaya naman naglakad na ito palapit sa akin.Parang timang.

"Damon, mamaya na lang tayo mag-usap. Kakausapin ko pa kasi itong sinungaling na ito." paalam ko sa Chinese na kasama ko bago ako nagsimulang naglakad patungong rooftop.

Hindi ko na hinintay pa si Triton dahil alam ko namang nakasunod lang ito sa akin.

"Anong pag-uusapan natin?" nilingon ko siya habang nasa harap ng dibdib ko ang mga braso ko.

Nasa rooftop na kasi kaming dalawa.

"About yesterday, I'm sorry, I don't want to hurt you, Lei." sambit nito at tiningnan niya ako sa mga mata ko.

Hindi naman ako nagpatalo at nakipagtitigan din ako sa kanya.

"You already did, Triton."

"I'm sorry, Lei. Kilala mo ako, hindi ko kayang gawin iyong bagay na iyon sa'yo. Ilang taon na tayong magkasama kaya hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Si Shania ang yumakap sa akin, hindi ako. Nakita mo naman na hindi ko siya yakap-yakap kahapon noong nakita mo kaming magkasama 'di ba?" lumapit ito sa akin at hahawakan niya sana ako pero tinabig ko lamang ang kamay niya.

"Hindi kita kilala, Triton. Dahil kung kilala talaga kita, dapat noon palang alam ko ng sinungaling ka! Iyong yakap na tinutukoy mo? Wala akong pakialam kung maglampungan pa kayo! Ang gusto ko lang malaman ay bakit nagsinungaling ka sa akin noong araw na iyon!"

"Anong sinasabi mo, Lei? Hindi kita maintindihan."

Napamura naman ako sa isipan ko sa sinabi niya. Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi ko? Kung ganoon, ipapaintindi ko sa kanya.

"Don't fool me, Triton." matalim ko siyang tiningnan. Kung nakakamatah lang siguro ang pagtitig ay tiyak na kanina pa siya namatay dahil sa paraan nang pagtitig ko sa kanya. "Triton, binigyan kita ng pagkakataon para sabihin sa akin noong araw na iyon ang totoo. Kung totoo bang umuwi ka kaagad sa bahay niyo. Dahil iyong araw na tinanong kita tungkol doon ay alam ko na ang totoo. Ang totoong nakipagkita ka sa kaibigan ko tungkol sa pakikipaghalikan mo sa kanya sa loob ng computer laboratory."

Alam.kong nagulat siya sa mga narinig niya mula sa akin dahil halos lumabas na ang mga eyeballs nito sa sobrang gulat.

"I'm sorry." iyon lang ang tanging salita na lumabas sa bibig niya.

Tanginang sorry iyan! Lagi na lang sorry!

"Ang gusto ko lang naman malaman noong araw na iyon ay ang katotohanan. Ang laki ng tiwala ko sa'yo, pero sinira mo. Hindi ka lang nagsinungaling sa akin kundi naglihim ka pa sa akin, Triton." pagkasabi ko iyon sa kanya ay lumabas na ako ng rooftop.

Hindi ko kayang umiyak sa harapan niya. Ayaw kong maging mahina sa harapan niya dahil lamang sa ginawa nila ng kaibigan ko.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop ay nagulat ako nang makita ko roon ang isang lalaking nakatayo habang nakatingin ito sa akin.

"D-Damon..."