webnovel

Till Tomorrow

Exclusivebabyuhh · 若者
レビュー数が足りません
1 Chs

Una

Third Person's POV

Pitong taong gulang lamang si Almira ng namatay ang kanyang ina at ama. Ang kanyang ina ay namatay dahil sa sakit at ang kanyang ama naman ay nagpakamatay tatlong buwan kasunod ng kanyang ina.

Nabuhay si Almira ng walang kasangga sa buhay, naging mailap ito sa mga tao. Hindi ito nakikipag kaibigan na kahit na sino, malayo ang kanyang loob maging sakanyang mga kamag anak.

ALMIRA's POV

Pinunasan ko ang pawis na pumapatak sa aking noo habang hinihimas ang harina para sa tinapay.

"Almira pinatatawag ka ni Ma'am" sabi ng katrabaho ko, ang tinatawag niyang ma'am ay ang may ari ng bakery na pinagtratrabahuan ko.

Kumatok ako sa opisina ni Ma'am Lorena.

"Pasok" sabi nito na parang inaasahan niya na kung sino ang papasok.

Binababa nito ang kanyang reading glass sa lamesa at pinatong ang mukha niya sakanyang kamay.

"Pinatatawag niyo daw po ako"

"Almira, isa ka sa masipag at magaling na trabahador sa aming panaderya" pag sisimula nito, mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

"Pasensya ka na at kailangan kong magtanggal ng obrero, sana maintindihan mo" para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko, mawawalan na naman ako ng trabaho hindi ko na naman alam kung saan ako pupulutin.

"Ayos lang ma'am naiintindihan ko po" tumalikod na ako bago pa niya makita ang mga luhang gustong bumagsak sa mga mata ko.

Alas dos palamang ng hapon, umuwi muna ako sa bahay na aking inuupahan, ang bahay na iniwan saakin ng mga magulang ko ay binenta ko na. Sinubukan ko itong igapang pero hindi ko kaya ang gastusin, kaya't ibinenta ko nalang. Maayos naman ang tinitirhan kong bahay ngayon wala namang kahit anong hindi magandang nangyari.

Labing-anim na taon na akong nakikipag sapalaran mag isa sa buhay, kaya sanay na ako sa hirap kaso minsan talagang nawawalan na ako ng pag-asa. Dahil unang una, wala na akong pamilya, wala ng manghihinayang mawala ako sa mundong ito.

Dito na mag umpisang magkarerahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan napaka malas ko talaga, saakin nalang napunta lahat ng kamalasan sa buhay.

Kinabukasan, agad akong nagbihis para maghanap ng trabaho, lahat na nga ata ng marangal na trabaho na pwedeng trabahuin nagawa ko na.

Malas ko lang at walang nagtatagal na trabaho saakin. Maayos at masaya mag trabaho sa panaderyang dati kong pinag tratrabahuan kahit na wala akong masyadong nakaka usap doon. Yun nga ang dahilan kung bakit ako masaya sa trabaho doon dahil walang gumugulo saakin. Yun nga lang agad din akong natanggal.

Napahinga ako ng malalim at tumigil muna sa isang tindahan para bumili ng tubig, ginamit ko ang folder na naglalaman ng resume ko pamaypay, sobrang nag aalab ang araw ngayon na para bang hinihigop ang aking lakas. Wala pa akong kain mula kaninang umaga kaya hindi na ako mag tataka kung bigla nalang akong matumba dito at mahimatay.

Nang maiabot saakin ang tubig ko umalis na ako doon at nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho.

"May college diploma ka ba?" tanong ng isang matangkad na babae saakin habang naka taas ang kilay.

"W-wala kaso pwede bang magtrabaho dito kahit hindi ako nakapag tapos ng kolehiyo?" pinaningkitan niya ako ng mata at tinaasan pa lalo ng kilay.

"Hindi ka naman pala nakapag college, kailangan mo ng college diploma para maka pasok dito anong tingin mo sa hotel na ito? Tumatanggap ng walang pinag aralan?" sabi nito at pinag ikutan ako ng mata.

"Ah ganun ba, sige di bale nalang, salamat"

Sobra ang galit ko sakanya dahil sa panliliit nito saakin, kahit wala akong pinag aralan marunong akong rumespeto, at kung siya meron mang diploma na tinatawag pwes ako may respeto.

"Mom, Dad. Alam niyo po ba meron akong nakilala, isang babae na sobrang taas ng tingin sa sarili. Oo, dapat lang na mataas ang tingin niya sa kanyang sarili dahil nakapag tapos siya at may pinag aralan, kaso tama po ba na maliitin niya ako ng ganon? Ang swerte po nila ano, nakapag tapos sila ng pag aaral samantalang ako inaahon ko ang aking sarili sa hirap, ano kayang pakiramdam niya ng maliitin niya ako, ano po?" napatawa ako sa sariling sinabi. Ganito ako kinakausap ko sila pag may problema ako, sakanila lang ako nakapag lalabas ng ganitong saluobin.

"Parang ang sarap maging paru-paro" wala sa sariling sabi ko, dahil umaagos narin lahat ng mga luha ko.

"Kasi buhay nila panandalian lang, parang hindi sila nabubuhay para maghirap ng matagal, di bale po onti nalang at susunod narin ako sainyo, pagod na pagod na po akong mabuhay, dahil hirap na hirap na po akong igapang ang sarili sa kahirapan, at tyaka wala narin namang maghihinayang mawala ako dito"

Halos araw-araw ganito ang sinasabi ko sakanila, na susunod na ako sakanila,na magkikita kita na kaming tatlo. "Kung bakit kasi hindi niyo pa ako sinama eh, di niyo sinabing may bonding pala kayo sa heaven, iniwan iwan niyo ako sa mundong ito, ang daya po ninyo"

Sobrang daming beses na akong nagtangkang magpakamatay at walang kahit isang naging tagumpay dahil parating nauudlot. Oo, sobrang mahina ako dahil hindi ko kayang ilaban ang buhay ko at nagpapatalo ako saaking mga pinagdadaanan, ang gusto ko lang naman ay makapag pahinga at makapiling ang aking mga magulang.

Nakaramdam ako nang patak ng ulan, kaya napatingala ako sa madilim at malungkot na kalangitan. "Nakikisabay ka ata" bumuhos ang sobrang lakas na ulan kasabay ng luhang hindi nauubos. Ang resume kong dala ay nagkanda basa basa na, pero wala na akong pakialam. Tutal hindi naman ako nakapag tapos bakit pa ako aasang may kukuha saakin. Ang ganda ng panahon, ang ganda para sa isang katulad kong nag iisa.

Nasa labas na ako ng sementeryo at hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking paa. Parang nararamdaman ko ng magiging tagumpay ito, dahil sa wala na akong naiisip na uudlot.

Naglakad ako sa gitna ng kalsada kung saan may rumaragasang truck.

Lumililiwanag na..

Parating na ang truck...

Ito na...

Walang truck, walang truck na naka bundol saakin.. Walang dugo.. Buhay pa ako..

Bakit buhay pa ako? Dapat patay na ako...Napansin ko ang truck na medyo malayo layo sa kinatatayuan ko kanina, nasa ilalim parin ako ng ulan, at basang basa na ako.

"Kung magpapakamatay ka siguraduhin mong walang madadamay" hinanap ko ang lalaking nagsalita na ngayo'y pinapagpagan ang kanyang suot na kulay itim na tshirt at may tatak na NIRVANA na pinaresan ng kulay itim na ripped jeans at vans na sapatos.

"B-bakit mo ako iniligtas? Sino ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot kung saan?"

Umiling lang ito nilahad ang kamay saakin para tulungan akong tumayo. Hindi ko ito pinansin at tumayo mag isa pero bigla ko nalang naramdaman ang kirot ng aking kaliwang paa kaya natumba ako.

Nagkibit balikat ito at nilahad ulit ang kanyang kamay. Hindi ko parin ito kinuha at tumayo mag isa kahit sobrang sumasakit ang aking paa.

Bakit kailangan pa niya akong iligtas? Marunong ba siyang hindi mangialam ng buhay ng iba?

"Like what I have said earlier, if you are trying to commit suicide do it your own, don't risk innocents lives"

"Wala naman akong papatayin, ako yung mamatay hindi sila"

"Are you serious?" kunot noong tanong niya

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"My point is.. ughh, wag kang magpapakamatay kung may inosente kang idadamay"

Inirapan ko siya at iniwan sa pwesto namin at pa ika ikang naglakad palayo. Nagulat ako ng may lalakeng tumatakbo palapit saakin.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Pasensya ka na at hindi kita napansing tumatawid, pasensya na" sabi nito at paulit ulit tumungo.

"A-ayos lang ako, pasensya na sa abala" sagot ko.

"Kailangan mo bang magpunta ng hospital? Basang basa ka narin baka mapaano ka. Sumabay ka na, ako na ang magbabayad sa mga ga—"

"Wag na po kayong mag aalala kaya ko na po ito"

"Salamat sa diyos at walang nangyari sayo, mauna na ako neng dahil hinihintay na ako ng mag ina ko"

Sabi nito at naglakad na siya palayo "Manong!" sigaw ko kaya napahinto ito.

"Bakit?" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya napayuko ako, tama nga siya...May pamilya din siya, madadamay lang siya pag natuluyan ako, kawawa ang pamilya nito pag namatay ako.

"A-alagaan mo po ang iyong pamilya" sabi ko at tumalikod sakanya.

May pamilya siya ako wala, tama nga yung lalakeng nagligtas saakin kanina, naging makitid na naman ang aking utak.

Naglalakad ako ngayon sa ulan, walang dalang kahit ano, tanging susi lang ng bahay ang nasa bulsa ko. Nasan na kaya yung lalakeng nagligtas saakin kanina? Hindi pa ako nakakapag pasalamat sakanya, kahit na masungit siya malaki parin ang natulong niya saakin.

"Looking for me?"

Napairap nalang ako sa boses ng nasa likod ko. "Sinusundan mo ba ako?" tanong ko at humarap sakanya.

"Obviously"

"Nakakainis ka!" sabi ko at pinagpapalo siya. Hinawakan niya ang aking magkabilaang braso para patigilin ako sa pagpalo sakanya.

"You're welcome" napa sandal ako sakanyang dibdib at nagumpisa na namang bumagsak ang luha. Asar na mga luha to di nauubos.

"Tao ka, kaya napapagod ka din. Kailangan mo lang magpahinga saglit para bukas may lakas ka na ulit. Hi, I'm Blake Lopez, and you are?"

Sa bawat patak ng ulan pinagdarasal kong sana patalim nalang ang mga ito, kaso naalala ko yung sinabi niya kanina "Kung magpapakamatay ka siguraduhin mong walang madadamay". Tama nga naman siya, dahil unang una ako lang naman yung mag-isa, ako lang naman yung wala ng pag asa, at higit sa lahat ako lang naman yung hindi masaya.

"Almira, Almira Guazon"

Kaya nang makilala ko siya... Lahat ay nagbago. Ang akala kong hindi ko kayang abutin, ay aking na abot.