webnovel

TILL DEATH DO US PART

作者: Strongberry
ファンタジー
連載中 · 13.7K ビュー
  • 3 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Nagmahal, Binigay ang lahat ngunit sa huli ay iniwan parin. Iyan ang kapalaran ni Celina Eunice Concillado. Babalikan niya pa ba ulit si Ashton Mondragon, ang lalakeng minahal niya ng mahigit 11 years o mahuhulog siya kay Theo Jaillory de Asis, na isang lalakeng hindi niya aakalaing mamahalin siya ng buo at kailanman hindi sasadyain na saktan siya.

Chapter 1Kabanata 1

"Aray" napainda ako sa sakit dahil may bumangga saakin galing likuran ko.

Tiningnan ko ang auto na humarurot ng takbo palayo saakin at iniwan akong mag isa. Ang sakit ng pagkakabangga ko sa sasakyan niya pero buti nalang at hindi gaanong malala, ang braso at binti ko lamang ang masakit ngunit may kaunting kirot ito dahil sa mga sugat. Lumingon lingon ako para makapag hanap sana ng tulong ngunit wala ni isang tao ang dumadaan dito.

"Shit" napamura nalang ako sa naisip na wala na akong choice kundi ang tumayo ng magisa.

Kada galaw ko ay sumasakit ito kaya kinuha ko na ang cellphone ko at idinial ang number ng kaibigan ko.

"Hello Eunice?" sagot sa kabilang linya

"Hello Ry! nasaan ka? Tulungan mo ako." Mabilisan kong sagot sakanya dahil malolowbatt na pala ang cellphone ko.

"Nasa bahay, bakit?. Nasaan ka?."

"Nandito ako malapit sa... school puntahan mo ako...ahh... nabangga ako ng sasakyan" Hindi ko maitago ang sakit at hapdi ng braso at binti ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na sila.

"Ano! Teka papunta na ako ja-" Biglang nawala si Ryry sa kabilang linya dahil nalowbatt na ang cellphone ko.

Sa dinami dami ng panahon bakit ngayon pa 'to nangyari saakin. Ang malas ko naman ngayong araw. Habang hinihintay ko si Ryry ay naghanap ako sa bag ng kahit anong pwede na makabawas ng sakit. Medyo nawala ito dahilan kung bakit nakatayo ako pero nakahawak ako sa mga dingding na nadadaanan ko. Sa di kalayuan ay may nakikita na akong sasakyan na paparating, hindi ko maaninag kung sino ang sakay pero sana si Ryry na ito. Habang naglalakad ako para salubungin sana ang motor na paparating ay bigla akong natumba dahil sa isang bato na naapakan ko. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit ng pag kakabagsak ko at sa mga sugat ko pero hindi ko nagawa. Huminto na ang sasakyan at siguro ay nakababa na ang sakay nito.

"Miss, anong nangyari sayo?" isang malamig na boses ang narinig ko, napakunot noo ako dahil parang wala namang pake ang pagtanong niya at nadismaya ako dahil hindi pala kaibigan ko ang dumating, tumingala ako para tingnan ang kung sinong nandun.

Napaawang nalang ang bibig ko dahil sa nakita ko, ang gwapo niya. Ang buhok niya ay buhaghag dahil sa hangin habang siya'y nagmamaneho, medyo malaki ang kanyang katawan paniguradong may abs 'to. Ang ganda ng mga mata niya, matangos ang ilong, makapal ang kilay na mas nagpapagwapo sa mukha niya. Basta ang gwapo niya. Tinitingnan ko siya ng may mga luha pa sa gilid ng aking mata dahil sa sakit na naramdaman ko kanina nung bumagsak ako.

Nag lahad siya ng kamay para iguide ako sa pag tayo ko ngunit ang sakit lang talaga ng kamay at binti ko kaya hindi ko talaga kaya.

"Araay!" napainda ako sa sakit dahil sa pag tayo niya saakin.

"Kaya mo bang maglakad?" parang mas gumanda ang boses niya ngayong medyo may pag aalala ang pagkakatanong niya saakin.

Sinubukan kong humakbang pero hindi ko talaga kayang maglakad. Umiling lang ako para sa sagot na hindi ko kaya. Nagulat ako nung binahat niya ako na parang bagong kasal at pinasampa sa motor niya saka siya sumakay. Napapikit ako dahil medyo sumakit ito at tumama ng bahagya ang paa ko sa upuan nito. At pinaharurot niya na ang motor niya.

Kikiligin na sana ako pero naisip kong hindi ko siya kilala at sinabi ko sa bestfriend na nandito ako sa may eskwelahan at nabangga. Hindi ko na maimagine kung anong reaksyon niya pag nakitang wala ako doon. Patay!

"Ahm.. Salamat sa pagtulong" pagbasag ko ng katahimikan namin. Tumango lang siya.

Kinabahan ako dahil baka kung saan niya ako dalhin dahil hindi ko naman siya kilala at ngayon pa na wala akong lakas lumaban. Nang makarating sa hospital ay napa buntong hininga nalang ako, ano ba itong mga iniisip ko, tinulungan na nga ako ano ano pang masasama ang naiisip ko.

Pinaupo na ako sa isa sa mga higaan sa emergency room, mabuti naman at minor injuries lang natamo ko at gagaling din daw agad ito. Nilingon ko ang lalakeng nag dala saakin sa hospital, nakatingin siya saakin kaya nag iwas ako ng tingin sakanya. Nahihiya ako dahil sa kagwapuhan niya baka pag mas tumitig pa ako sakanya eh matutunaw na ako.

Lumapit siya saakin at tinanong kung ano ang mga sinabi ng doktor saakin, sinabi ko naman sakanya ang lahat dahil siya naman din ang nag bayad ng gastos ko dito sa hospital.

"Makakauwi na rin daw ako ngayon sabi ng doktor" tumango lang siya saakin.

"May susundo ba sayo dito?" sa wakas at nagsalita rin siya. Nakakainlove ang boses niya. Shet!

"Nasabihan ko ang kaibigan ko tungkol dito pero hindi niya alam na nandito na ako sa hospital, di ko siya macontact dahil lowbatt na ang cellphone ko."

"Gamitin mo muna ang cellphone ko, memorize mo ba ang number niya?" ang bait niya, nakakakilig, pakiramdam ko boyfriend ko siya pero kakakilala lang namin. Nahihibang na nanaman ako.

Kinuha ko ang cellphone niya at nag tipa ng number dun. Naka ika limang ring bago sumagot ang may ari ng cellphone.

"Hello? Who's this?" pamilyar ang boses niya pero hindi ito si Berry. Tiningnan ko ang number para ikumpirma na ito ang number ni Ryry pero nang makita ko ito ay lumaki ang mata ko at dali dalikong binabaan siya.

"Tangina" napamura ako sa katangahan ko, naalala kong hindi ko nga pala kabisado ang numero ni Berry.

"Bakit?" tanong niya saakin dahil sa ata mura ko.

"Ha? Ah...Eh..Di ko pala kabisado number ng kaibigan ko eh" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa katangahan ko.

Ilang taon na ang lumipas Eunice hanggang ngayon kabisadong kabisado mo parin ba ang numero ng lalakeng yun? 5 years na pero siguro hanggang ngayon siya parin. Siya lang naman ang minahal ko wala ng iba.

Naalala ko noong araw na sinaktan niya ako, nag makaawa ako pero wala. Iba na ang mahal niya, nagsawa na siya sa ugali ko. Di na niya kayang tiisin ako kaya nag give up na siya sa 6 years relationship namin. Dahil na rin siguro sa long distance ito kaya nakahanap siya ng iba. Yung mas malapit, yung mayayakap niya, mahahalikan niya, yung makikita niya kung kailan niya gustong makita. Sobrang okay kame non pero isang araw tumawag siya.

"Ice" ramdam ko ang lamig sa boses niya ng tinawag niya ulit ang pangalan ko.

Napatanong ako sa sarili ko kung may nagawa ba akong mali, may nasabi ba ako, pero wala akong makita na kung anong pagkakamali ko para tawagin niya ulit ako sa pangalan ko at hindi gamit ang tawagan namin.

"Babe may problema ba?" tanong ko pero matagal siya bago nagsalita, tanging hininga niya lang ang dinig ko. Kinabahan ako nang nagsalita na siya.

"I think let's stop"

Natulala ako sa sinabi niya, kirot sa puso ko ang naramdaman ko sa mga salitang yun. Kahit na alam ko na ang ibiga niyang sabihin pero nagtanong parin ako.

"Ha? Anong ititigil babe? Nagluluto ako ng paburito mo ngayon dahil anniversary natin diba?" masaya kong tanong pero naluluha na ako dahil gusto na nga niyang makipag hiwalay saakin.

"Let's break up, Eunice. Ayoko na, nakakapagod na." bumuhos na ang luha ko sa sinabi niya.

"Babe, why? Did I do something wrong? Nasasakal nanaman ba kita?" sunod sunod na tanong ko, hindi matigil ang luha ko sa pag buhos. Humihikbi na ako.

"No."

"Then why are you breaking up with me? Ash please don't do this to me"

"I'll hang up" nataranta ako dahil sa sinabi niya.

"No, Ash. Magusap tayo please. Please. Please" pagmamakaawa ko sakanya.

"Look, wala na tayong dapat pag usapan pa Eunice. We're done. Tama na, nasasaktan na natin ang isa't isa dahil sa relasyon na 'to"

"No no no. Ash, Let's make this work again please." hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon pero wala na akong pakealam dun. Sobra ang sakit ng nararamdaman ko ngayon para mapansin pa yun.

"May iba na ako"

At tumigil ang mundo ko sa mga salita na binaggit niya saakin. Fuck! am I not enough? Ano pa bang kulang saakin? Sobra sobra ang binibigay kong pag mamahal sakanya at ganun din naman siya saakin ah pero bakit biglang ganito.

Binaba ko na ang telepono at mas umiyak ng umiyak. Ang sakit, sobrang sakit. Long distance relationship is hard and only few relationship can survived on it. And hindi kame kasali dun. Siguro nga kulang parin ang binibigay ko na pagmamahal sakanya at nakita niya yun sa iba. Ang sakit isipin na kahit sobra sobra na ang binigay mo na pagmamahal, binigay mo ang lahat ng makakaya mo para sa mahal mo pero pag nakahanap siya ng bagay na wala sayo at meron sa iba ay iiwan ka parin. Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't isa.

Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita ang katabi ko, oo nga pala at hindi ko pa pala alam ang pangalan ng lalakeng nagdala dito saakin sa hospital.

"Are you okay? Why are you crying?" nagulat ako sa tanong niya at hinawakan ko ang pisngi ko, di ko namalayan na naluha pala ako sa naisip ko kanina, ganito parin pala ako ka apektado sa break up namin kahit matagal na panahon na iyon.

"Nothing. Napuwing lang ako" nginitian ko nalang siya.

"By the way anong pangal-"

"What's your nam-"

sabay kameng nagsalita kaya napatigil nalang kame at tumawa.

"You first" aniya

"I'm Eunice" I gave him my sweetest smile. Ehe..siempre kilig ako eh.

"TJ" sabay lahad niya ng kamay, kinuha ko naman iyon. Nakakahiya naman kung hindi eh.

あなたも好きかも

レビュー結果

  • 総合レビュー
  • テキストの品質
  • リリース頻度安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界観設定
レビュー
ワウ!今レビューすると、最初のレビュアーになれる!

応援