"Ms. Zia pinapatawag po kayo ni SM Ong" si Yumeng.
"Ok thank you Ms. Yumeng!" Sabay kuha ng report.
Knock...knock..knock!
"Come in!"
"Good morning Senior Manager!"
"Hmm..." Ni hindi man lang siya tinignan habang nakatutuko pa din sa computer ang manager. "The reversal report" simpleng sabi nito.
Agad namang ibinigay ni Zia ang isang buong folder. "Isinama ko na rin po ang para sa J&L Shipping Lines".
"Hmm... You may go now".
"Thank you Senior Manager". Pag ka labas na pag kalabas ay nakahinga siya ng maliwag at napangiti. Hindi niya nabigo ang sarili.
Pag ka upo ni Zia agad namang may lumabas na mensahe galing sa kanilang IP Chat.
From: Kaye Ramos@ip*****
To: Zaccheia Aguillar@ip*****
Beh!!! I'm back!!! Sabay tayong mag lunch. 😄😄😄
From: Zaccheia Aguillar@ip*****
To: Kaye Ramos@ip*****
Ok. Buti buhay kana.
From: Kaye Ramos@ip*****
To: Zaccheia Aguillar@ip*****
Yeah... Back to life.... New boyfriend!!!!
Chika ko sayo later!!! I'm sure this is it!!! Sya na ang future hubby ko!!! 😘😘😘
Hindi alam ni Zia kung matutuwa ba siya o ma iiyak. Eto nanaman po ang best friend nya laging na bibigo sa love life pero hindi pa rin sumusuko. 'Haizt! Saan nanaman kayang lupalop ng mundo nito nakuha ang new creature na iyon '.
Late Night at Bar 8
Malakas ang tugtog ng musika kasabay sa indayog. Ang loob ng Bar ang punong puno ng malalakas na hiyawan, sayawan at mga nag iinuman na animo'y ang iba ay walang ng katapusan.
Ang loob ng bar ang malawak at may tatlong palapag. Ang ibaba ay para sa mga nag sasayawan meron ding kantahan habang ang mga upuan ay nakaharap rito, sa kanang gilid naman ay may malaking Bar counter. At sa pangalawang palapag naman ay mga pribadong kuwarto may sarili itong musika at may malaking bintana kung saang maari mong makita ang mga nag sasayawan sa baba subalit hindi ka nito makikita. Ito ay ang isa sa mga pribelehiyong nakukuha ng mga parokyano.
Sa loob ng isang pribadong kuwarto na may magarang disenyo may limang kalalakihan ang nag uusap at ng kakasiyahan.
"Bro balita ko puputa ngayon si Lie" ang nag salita ay si Raymond Tan ang tagapag mana ng isang Air line company, isang half chinese half filipino.
"Hahaha....! Ray dapat siguro mag order tayo ng chicks pa welcome party kay Lie" Siya naman si Charles Hawston tagapag mana ng isang malaking Financial company na may base sa ibat ibang parte ng mundo. Isa siyang British American.
"Ha.. baka gusto 'yong mabugbog tayo agad. Kailan niyo ba nakitang nag pa table si Lie" Eto naman si Ethan Nan isang Korean Chinese at tagapag mana ng isang Oil and Energy company. "Ikaw Aki? May ma isasuggest ka ba?".
Ang pinag tanungan naman niya ay si Akira Mituzaki isang Taiwanese Japanese. Ang kanya namang pamilya ay nag mamay ari ng isang car ang medical manufacturing. Siyempre siya din ang taga pag mana pero hindi siya katulad ng mga kaibigan na puro negosyo at pam babae ang inaatupag. Mas nais niyang maging guro at lawyer katunayan isang propersor sa isang pam publikong unibersidad ang Philippines University bilang History and law professor. "Hmm?" Marahang siyang napatingin sa kaibigan at napangiti.
"My God! Aki! Stop it!" Pasigaw ni Ethan na bilang na patayo habang hinihimas ang braso, kina kalibutan habang nakatingin sa kaibigan "Tigilan mo nga yan! Alam kong guwapo ka at sikat ka sa mga istudyante mo , pero wag na wag mong magagamit sakin yan!" Pag babanta ni Ethan.
Napatawa naman ni Aki at ibang mga kaibigan. Lahat sila ay nag kakilala ng dahil sa mga negosyo ng kanilang pamilya, at lahat sila ay napag kalooban ng magagandang mukha matiponong mangangatawan at di mabilang na kayaman. Sila na yata ang pinaka kina iingitan ng lahat at kinababaliwan ng mga babae.
Habang abala ang mag kakaibigan maya maya pang bumukas ang pinto. Ang una ni lang nakita ay ang mahabang kamay at ang itsura ng pumasok. Isang matangkad na lalaki na may katam-tamang pangangatawan, ang mukha nito ay animoy inukit ng diyos ng may pag ka mitikolosa, ang lalaking ito na tila nang galing sa loob ng isang painting at nag bibigay ng malamig na prisyensya at tindig na nang gagaling lamang sa mga makapang yarihang tao.
Ang lima ay natulala at hindi ka agad nakapag salita.
"L..Lie?!" Si Ray na nauutal-utal pa habang nakatingin sa lalaki.
"My... God! Lie Quing Lu?! Is that you?!" Kahit na alam ni Ethan na sigurado siyang eto ang kaibigan ay ng dalawang isip pa rin siya dahil sa prisyensya nito.
Ang lalaki ay marahang pinag masdan ang lima bago pumasok ng tuluyan. "Hmm.."
Agad na napatayo si Aki, tuwang tuwa habang kinamayan si Lie "Long time no see Lie! Grabe hindi ka na namin nakilala!"
"Akala ko ng kamali ako ng nakita hahaha...! Lie! Welcome back!" Si charles naman hindi rin maitatago ang sobrang tuwa.
Masayang masaya ang mag kakaibigan sa bagong dumating. 'Dalawa na lang at tiyak na mabubuo na sila '
Authors Note:
IP Messenge or IP chat ito ay kadalasan ginagamit sa mga opisina. isang uri ng chat para sa buong empleyado bukod sa email.