webnovel

Prologue

"Raine, ano yun? narinig mo ba yun? nakakatakot"

Sabi ni Sabrina na mas lalong kumapit sa kanya at iniyakap pa nito ang isang kamay sa bewang niya. Natuod si Raine sa posiyung iyon. Kung alam lang ng babeng ito na mas kinikilabutan siya sa puwesto nilang dalawa kesa sa narinig nila.

"Tama ka nga may multo pa. Malakas ang multo" Sabi ni Sabrina.

"Dont worry,hindi ka masasaktan ng multong yan.I'm here, hindi ko hahayaang saktan ka nila" yun ang lumabas sa bibig ni Raine.

Pero patuloy ang nakakailabot ng pagtangis na sa dulo ay parang naging galit.

"Raine...." nanginginig sa takot si Sabrina.

"Raine, natatakot ako.Paano kung magpakita yan.Paano kung kunin niya ako paano kung kunin ka?" Sabi ni Sabrina.

"Hush..... Close your eyes para relax ka. Don't worry, I won't let that happen" sabi ni Raine.

Dumausdos ang binata to lower his body dahil halos yukot na siya dahil yakap ni Sabrina ang braso niya.Pagdausdos ng binata ay tinakpan niya ang tenga ni Sabrina para hindi na nito marinig pa ang nakakakilabot na palahaw.

Pero lalo lamang lumakas ang palahaw. Mas naging galit at mas nakakakilabot.Maging ang hangin ay lumakas. Napasigaw sa takot si Sabrina at napayakap ng mas mahigpit kay Raine. Nakaramdam na din ng takot ang binata kaya nayakap niya si Sabrina.

"Close your eyes Sab, just close your eyes" Sabi ni Raine.

Maging siya kase ay hindi na din alam ang gagawin. This is the very first moment na na encounter niya ang bagay na iyon. It was the first time na nakita at narinig niya ang galit na iyon.

"Is it not yet over?

"Hindi pa rin ba sapat ang mahabang Panahon" Bulong ni Raine.

"Stop it! Stop it!" sigaw ni Raine.

次の章へ