NAKAHANDA na ang mga kagamitan nila Raphael. Bitbit niya ang iba't-ibang devices na galing kay Ton. Si Kuya Maki naman ay inihahanda ang kanyang mga baril at armas, hindi naman siya papatay ng tao dahil ayaw ni Raphael yon. Self-defense lang at for emergency purposes.
"Ayos to ah!" tuwang-tuwa si Kuya Maki habang kinakasa ang mga baril.
"Hoy tuwang-tuwa ka diyan! Siguraduhin mo lang na hindi ka papatay diyan ah!"
"Wala ka bang tiwala sakin Ton? Kayang-kaya ko to! Dati akong gangster kaya."
"Bakit mo pa kailangan ng mga ganyan, eh ikaw pa lang ang lakas na ng kapangyarihan mo." sambit ni Ton kay Raphael na nag-aayos ng mga device niya.
"Malaking tulong pa rin to kahit na abot ng isang barangay ang vision ng mata ko."
"Ano?! Edi nakikita mo yung mga naliligong chix diyan sa may 4th floor?"
"Oo nakikita ko sila. Bakit? Gusto mo rin nito?"
"Kuya Maki ginagamit niya yan sa mabuti, eh kung ikaw pinang-manyak mo lang yan!"
"Hindi na ngayon no! Matino na ko, may kaharap tayong anghel, parusahan pa ko nito. Ano nga meron sa langit sabihin mo na?!" pangungulit ni Kuya Maki.
"Ughhh. Bawal ngang sabihin yon, malalaman mo lang kung mapupunta ka sa langit, kung lang pero kapag hindi, kaya kong idescribe ang impyerno. Ano?"
"Ha ha ha sige dibale na lang basta papakabait na lang ako."
"Tara na?" yaya ni Raphael
"Let's go!" mabilis na humarurot ang sasakyan nila. Habang na sa daan ay hindi maiwasan na maging kwela ni Kuya Maki kahit na alam na niyang anghel ang kaharap niya. Ito ay sa kadahilanang natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Hindi niya yata makakaya na mawala si Raphael dahil napamahal na sakanya ito na parang tunay na kapatid.
"Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala. Siguro kung lilipad ka ngayon gamit ang pakpak mo baka kanina ka pa nakapunta sa building nila Don Joaquin."
"Tsaka na ko mag-uubos ng lakas kapag kailangan."
"Basta kung sakaling mababaril kami nito ni Ton, pagalingin mo agad kami ah?"
"Oo naman! Oh nandito na pala tayo. Pano?"
"Iwan ka na namin master! Mag-iingat ka diyan!" mabilis na ibinaba ng dalawa si Raphael sa building nila Don Joaquin. Handa na siya na pasukin ang kuta ng kalaban. Sa gagawin niyang ito ay para na niyang hinukay ang sarili niyang libingan.
Bago pa man siya pumasok sa may building ay biglang lumabas ang dalawang anghel, si Azrael at Lala.
"Hindi namin talaga alam kung ano nang pumapasok diyan sa utak mo Raphael." bungad ni Azrael.
"Tumabi kayo." dinaanan lang niya ang dalawa na parang wala lang.
"Walong-araw na lang ang natitira sa mortal Raphael." paalala ni Lala.
"Huwag na huwag niyong gagalawin si Faye!"
"Raphael, oras na niya~"
"Wala akong pakialam! Kung kinakailangang kalabanin ko kayo gagawin ko." papunta na siya sa pinto ng building.
"Nabulag na sa mundo ng tao si Raphael tsk tsk tsk."
"Halika na Lala!" at tuluyan ng umalis ang dalawang anghel sa mata ni Raphael.
Na sa lobby na ngayon si Raphael at tinawag na siya ng receptionist papunta kay Don Joaquin. Napakalaki ng building ng Don, dito nila ginagawa ang mga gamot at malamang nandito na rin ngayon ang mga pinag-eeksperimentuhang mga katawan.
Hinatid siya ng bantay patungo sa sikretong pintuan, sa may underground. Hindi na bago ang kanyang nasasaksihan ngayon dahil dati pa niya ito nakikita. Bumungad sakanya ang Don, si Doc Krystal, at ang ilang doctor sa PH. Busy sila sa pagpapatakbo ng illegal nilang gawain.
"Oh hindi ka naman siguro pumunta dito para magpakamatay diba?" sambit ni Don Joaquin.
"Oops. Nandiyan pala ang baby ko!" lumapit si Krystal para yakapin si Raphael pero tinulak siya nito palayo. Kinapkapan muna siya pero wala silang nakitang kahit na ano.
"Hmmm." pinaalis muna ni Don Raphael ang mga alalay niya para kausapin si Raphael. "Kung susunod ka sakin, maaari kong ipamana sayo lahat ng to"
"Malaking halaga ba to para pagka-abalahan ko? Nga pala nasaan na yung anak mo? Yung asawa mo?"
"Sila? Ano bang ginagawa sa mga taong walang pakinabang?"
"Hindi ko akalain na aabot kayo sa ganyan. Hindi bale, hindi ako naparito para makipag-usap lang sa ganitong bagay."
"Anong pakay mo?"
"Tutulungan kita sa negosyo mo. Ipopromote ko ang gamot."
"Hmmm. Ang kapalit? Yung babae? Pera?"
"Sabihin na natin na pareho." nakangiting sagot ni Raphael.
"Bwahaha hindi ko alam na ganyan pala talaga ang ugali mo!" "Sige, pagbibigyan kita pero sa oras na lokohin mo ko. Magkikita tayo sa impyerno."
Tumawa lang si Raphael at ipinahanda lahat ng kailangan niya. Ilang minuto na lang kasi ay magli-live na siya sa national tv. Isang announcement na handa na ang gamot sa nasabing sakit.
"Three, two, one, action!"
"Magandang araw po sa bawat-isa. Ako po si Doctor Raphael ng PH, nandito sa harapan niyo para ibalitang nagawa na po ang lunas sa kumakalat na sakit. Nakipag-usap sa akin ang kilalang doctor na si Don Joaquin na may ari ng Joaquin Company na kilala sa paggawa ng mga mabibisang gamot na nagawa na po nila ang lunas at bukas na bukas din ay ipagbibili na sa bawat ospital na may kailangan nito. Ngayong kumalat na nga po ito sa buong bansa ay inaasahan namin na bilhin niyo agad ang gamot dahil subok ko na po ito. Hanggang sa muli po, maraming salamat!" at biglang natapos ang live niya sa national tv.
Nabuhayan ng loob ang mga tao, pero saan sila kukuha ng malaking pera para bilhin ang ganong kamahal na bakuna.
Sa bahay nila Faye ay seryosong nanonood ang pamilya. Ilang araw na kasing may sakit si Faye at pinangangambahan na nakuha nito ang kumakalat na sakit dahil sa mga sintomas.
"Tay, tawagan na kaya natin si Doc?" tanong ni Mama Lisa kay Tatay Ricardo.
"Mama, siguradong magagalit yan kapag nalaman niya na pupunta yang si Doc."
"Pero tatay, hahayaan na lang ba natin na ganyan si Faye?"
"Sabagay. Naaawa na ko kay Faye puro kamalasan na nga nangyari sakanya tapos ngayon may sakit pa, kawawang bata."
Hindi na pinag-isipan pa ng mag-asawa dahil tumawag na agad sila kay Raphael para humingi ng tulong.
Thank you for supporting my novel readers! Stay updated till the end dahil ilang chapters na lang ay matatapos na po ang novel :(