webnovel

Chapter 133 But I guarantee

(Sena POV)

"Accidente lang kung bakit nagkaroon kayo ng kapatid, sa ibang ina nga lang." positive ko namang sabi na may ngiti sa aking labi. Ipinapakita ko lang para di maalarma ang mga bata. 

Kung ano man ang nasa pagitan ngayon namin ni Sean, na di namin maintindihan. Hindi maaring madamay ang mga bata. 

"Ahhh. So may kapatid kami?"

"Worst. Yung naka-away natin sa Quiz bee." 

"Di tayo nakipag-away sa kanya. Siya nauna. Pero para maging okey tayo, at tayo naman ang mas marami sa kanya. Let's give him a new friendly start!" si Sheena. 

Ngumiti sa kanila si Sean. Ako din, na hindi nga mahirap pa-intindihin ang mga bata. Napasenyas si Sean sa isang katulong na siyang ikinalapit nito.

"Get Rence down here." 

Agad naman ikina-kilos nito. 

"Sana di siya maging awkward. Kapatid niya pala kami." Si Sheena na always madaldal sa magkakapatid. Ngunit meron nga namang kaba sa aking dibdib. 

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ