"Where are they?" tanong ko sa kanila habang tinitignan ang paligid. Nagtaka na lang ako na parang nagulat sila sa biglaang pagdating ko kaya nagtitinginan sila at parang hindi na makapagsalita. Pero alam kong alam na nila kung sino ang hinahanap ko.
"M-main members are not here. Hindi pa sila pumupunta dito at hindi namin alam kung nasaan sila" sambit ng isang lalaking may dala-dalang isang sako ng armas na galing sa Rebel's House.
Tignan mo nga naman, sabi niya pupunta siya sa Rebel's house pero ngayon wala pala sila dito. He lied. Humanda talaga siya sa akin kapag nagkita kami.
Muli na lang akong napatingin sa ibang members dahil hindi lang naman iisang lalaki ang may hawak ng saku-sakong armas, "Saan niyo dadalhin 'yan?" tanong ko sa kanila.
"A-ahhh. Eto ba?" tinignan niya ang hawak niya bago ako muling tinignan, "Pinapakuha nila" saad nito na mas lalo ko pang ipinagtaka.
"Sinong nagpapakuha?" napansin ko na lang na nagtitinginan silang lahat na parang hindi alam ang isasagot hanggang sa may magsalita, "Stephen and Caleb. Pinapahakot sa amin ang mga armas" sagot nito. Pero base sa inaasal nila, alam kong may mali at hindi tama dito.
"But only a real Viper can use that" napatingin na lang ako sa kanilang lahat at napangiti ng masama. I'm right. Traydor sila.
"W-what do you mean?" tanong nito at sinamaan ko silang lahat ng tingin.
"Vipers would never do something like that. That things should be kept only in this place. Tell me, saan niyo ba talaga balak na dalhin yan?" sarcastic kong tanong sa mga ito. Sinabi na sa akin ni Dave ng minsan, na ang mga armas ng dating Blood Rebels ay sa Rebel's house lang makikita at doon lang ilalagay. Kaya imposibleng magbibigay sila ng ganoong utos. I knew it! They are planning to steal all weapons of Blood Rebels.
"W-wala kaming alam sa sinasabi mo basta sumusunod kami sa utos" bigla na lang itong naglakad at bago pa man niya ako malampasan ay itinulak ko ito kaya napaatras siya at nabigla sa ginawa ko, "No! you won't leave here bringing that things. I saw you, talking with another group. You're a traitor and you can't stop me because I'll tell Vipers the truth" saad ko dito. Oo namukhaan ko siya at alam kong may balak siyang hindi maganda ngayon. Isa siya sa mga lalaking nakita ko kaninang may kausap na ibang grupo.
"Yeah right, he's a spy but it's too late now" napatingin na lang ako sa pintuan ng makita kong nakasandal dito sina Stephen at Caleb na parang nagbabantay habang nakangiti ng masama at nakatingin sa akin.
"Kayo rin ba kasabwat ng mga 'to?" tanong ko sa kanilang dalawa ngunit hindi sila nagsalita, "Sabagay, bakit ko pa ba tinatanong kung sila mismo ang nagsabi sa akin na kayong dalawa ang nag-utos sa kanila para gawin 'to" masama kong sabi sa mga ito.
"But you can't leave here. I won't let you" sinamaan ko sila ng tingin at matapang na nagsalita.
"Masyado mo ng pinapalakas at pinoprotektahan ang grupong 'yon"
Napangiti na lang ako ng masama dahil sa sinabi ng lalaking may hawak na armas, "Hindi niyo alam...kung ano ang kaya kong gawin para sa kanila"
"You're becoming one of them, kaya uunahin ka na namin" nakita ko na lang na dahan-dahan nilang ibinaba ang mga armas na hawak nila at naglabas sila ng kutsilyo. Nilusob ako ng lalaki kaya tumakbo ako para iwasan siya dahil nakabantay pa rin sina Stephen at Caleb sa pintuan.
Sa dinaanan ko ay may napansin akong kutsilyo na nakakalat sa sahig kaya pinulot ko agad 'yon. Pero dahil wala na akong matakbuhan ay nacorner nila ako at pito silang nakapalibot sa akin. Lahat kami ay may hawak na kutsilyo at napansin kong nakabantay pa rin sina Stephen at Caleb sa may pintuan habang nakangiti ng masama at nakatingin sa amin.
Isa-isa nila akong nilusob kaya't isa-isa ko rin silang nilabanan. Pero dahil sa training na ginawa ko noon, nakuha kong iwasan ang mga atake nila lalo na't baguhan pa lang sila. Medyo natuto na rin ako dahil nakalaban ko na noon sa training lahat ng main members at sadyang mahirap silang talunin. Pero sa mga kalaban ko ngayon, hindi ako mahihirapan na talunin sila. Ilang beses na akong muntik na madaplusan ng kutsilyo ngunit nagawa kong maiwasan 'yon at kahit papaano, nagagawa ko silang sugatan sa paa at 'yon ang target ko para mahirapan silang tumakas. Hindi ko hahayaang makaalis sila sa lugar na 'to na dala-dala ang mga armas na hindi naman sa kanila.
Habang patuloy pa rin sila sa pag-atake sa akin ay nakakaramdam na rin ako ng pagod lalo na't mag-isa lang ako. Nakuha kong masaksak sa binti ang dalawa kaya't hindi na sila nakalaban at napaupo na lang sa sahig. Pero lima pa silang kalaban ko, kaya kahit nakakapagod, nilabanan ko pa rin sila. Sabay-sabay akong nilusob ng tatlo at nagawa ko rin naman silang patumbahin. Dalawa na lang ang kailangan kong patumbahin kaya't tinignan ko ang kutsilyong hawak ko. Hindi ko alam kung magagalit ba si Dean sa ginawa ko pero hindi naman 'to para sa akin, kundi para sa grupo at hindi naman ako pumatay, pinatumba ko lang sila. Nakita ko na lang na tumalikod ang isa sa kanila at kinuha yung mga armas para tumakas, nakita kong tumabi sina Stephen at Caleb sa pintuan para patakasin ang isang 'yon. Habang tumatakbo siya papalabas ay tinignan ko ang hawak kong kutsilyo at ibinato 'yon papunta sa direksyon niya ngunit hindi 'yon nangyari dahil may ibinato rin na kutsilyo sa direksyon ng kutsilyo na inihagis ko kaya hindi ko natamaan ang lalaking tumatakas.
Napatingin na lang ako sa naghagis ng kutsilyong 'yon at masama siyang nakangiti sa akin. Lumuhod na lang ito habang nakatingin pa rin sa akin at nakita kong may pinulot siyang panibagong kutsilyo sa sahig. Pero ako, wala na akong makitang kutsilyo sa paligid kaya napaatras na lang ako habang lumalapit siya sa akin. Sa pag-atras ko, may naapakan akong isang malaking bato kaya napaupo ako sa sahig habang nakatingin pa rin doon sa lalaki. Papalapit siya ng papalapit sa akin at aktong ihahagis niya papunta sa akin yung kutsilyo ay nakita kong napaluhod na lang ito. Nakita ko ang tuhod niyang may saksak ng kutsilyo at tinignan ko ang may gawa noon at laking gulat ko na lang ng makita kong si Stephen ang naghagis noon. Si Caleb naman ay hawak-hawak ang lalaking tumayakas kanina at may sugat rin iyon sa paanan niya.
Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan sila dahil sa gulat at pagtataka, "Why did you do that?! Pati ba mga kakampi niyo tinraydor niyo na rin?"
"Do you think we're traitors like these bastards?" nakita ko na lang na napangiti si Caleb habang nakatingin doon sa lalaking nakahiga sa sahig dahil sa sugat nito, "Bago pa man namin magawa 'yon, napatay na kami ni Dean" sambit nila.
"So all this time, hindi niyo kasabwat ang mga 'to?" sabay turo ko sa mga lalaking 'yon na hindi na makatayo.
"We're very sorry about that. Nakita namin ang pagtakas mo kaya sinundan ka namin. Total nandito na rin naman tayo, gusto lang naming makita ang gagawin nila para malaman namin kung traydor ba talaga sila o hindi kaya pinaniwala namin sila na kasabwat din nila kami" pahayag ni Stephen kaya inirapan ko na lang sila para umalis na. Hinayaan nila akong makipaglaban ng mag-isa?! What the hell?!
Bago ko pa man mabuksan ang pintuan, ay kusa ng bumukas ito at natigilan na lang ako ng makita ko sila. Nagulat na lang sila at nagtaka ng makita nila ako.
"What are you doing here?!" tanong ni Dean sa akin. Hindi na lang ako nakapagsalita at nakita kong napatingin siya kina Stephen at Caleb, "I told you bawal siyang umalis sa Black house! Bakit nandito kayo?!" alam kong nag-uumpisa na siyang magalit kaya hinarapan ko siya para tignan niya ako.
"Muffin, just listen to me. Sa akin ka lang muna makinig okay?" saad ko dito at napabuntong-hininga siya. Alam ko naman kasing hindi niya ako matitiis.
"Tinakasan ko silang dalawa. Just because I saw your new members na may kausap na ibang grupo kanina. I worried kaya pumunta ako dito but I did not know that they notice me kaya ngayon nandito silang dalawa. They followed me so don't be mad" pahayag ko dito. These two should thank me dahil iniligtas ko ang buhay nila kahit na hinayaan nila akong makipaglaban ng mag-isa.
"Fine, you should worry about yourself. Ang tigas talaga ng ulo mo" sagot naman niya sa akin.
"But what happened here?" napatingin siya sa likuran namin kung saan nakahiga ang iba sa sahig habang ang iba naman, nakaluhod. Nahihirapan pa rin silang gumalaw dahil sa mga sugat na natamo nila.
Napatingin kaming lahat doon bago nagsalita, "Ahh 'yan ba? Well..." muli ko silang hinarapan kaya tinignan nila ako, "Those traitors planned to take out your weapons kaya pinatumba lang naman namin sila" sambit ko at sinamaan ng tingin sina Stephen at Caleb na nananahimik kaya napatingin sila sa akin.
"Really? Sabi ko na nga ba, hindi talaga mawawalan ng traydor sa mundo" saad ni Dustin na naglabas ng kutsilyo at inihagis 'yon pabalik-balik sa kanya.
Napangiti na lang si Dean ng masama at napailing kaya hinarapan niya ang mga members niya, "Alam niyo na kung anong gagawin niyo sa mga 'yan"
"What about these two?" nakita kong pumasok si Raven na may hawak na dalawang new members din.
"Do whatever you want" hinila na lang niya ako papalabas at napatingin ako kay Raven na masamang nakangiti, "Such a careless twin sister" saad nito kaya napangiti na lang ako at naiwan silang lahat doon.
"I told you to wait for me yet you did not listen and remember, you promised. Ang tigas talaga ng ulo mo" sambit nito pagkalabas namin sa Rebel's house habang hawak niya ang kamay ko.
"You should be thankful muffin. Kung hindi ko ginawa yon, tinangay na nila ang mga armas niyo!" saad ko dito. Natigilan siya sa paglalakad at hinarapan ako pero hindi siya nakapagsalita, "Sabi mo pupunta ka sa Rebel's house pero hindi kita dinatnan doon. You lied!" tumingin na lang ako sa ibang direksyon habang nakatingin siya sa akin.
"I didn't lie to you sweetie. Hinuli namin yung mga tumakas kaya hindi kami nakapunta agad doon. And one thing, alam kong traydor silang lahat" muli ko siyang tinignan dahil sa narinig ko, "But why did you let them enter your group?" tanong ko. Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa Black House habang nag-uusap pa rin sa madilim na paligid.
"Since sumali sila sa grupo, alam na namin. But we gave them chance dahil baka magbago pa ang isip nila. Pero hindi pa rin sila nagbago so we think it's better na tinanggap namin sila sa grupo, para tapusin sila ng minsanan" pahayag nito.
"What about the two? Stephen and Caleb?"
"It won't be a problem. They proven enough. Marami na rin silang nagawa sa grupo and it only proves that they are loyal"
"That's good to hear" saad ko.
....
Pagkarating namin sa Black House. Isinara niya ang pintuan at inihatid niya ako sa harapan ng kwarto ko, "Just rest now if you want sweetie" saad nito kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, "And what about you?"
"Don't worry. I'll rest too" sagot niya.
"Sabi mo babawi ka sa akin pagkabalik mo. Tapos ngayon, pinapagpahinga muna ako? Fine, magpahinga na lang tayo" pabagsak kong isinara ang pinto at hindi ko alam kung anong gagawin niya. Basta galit ako!
Ramdam ko ang init sa kwarto ko kaya nagtaka na lang ako kung bakit mainit. Pero mukhang wala ata siyang balak na katukin ako?! Naisipan kong magpalit ng damit total gabi naman at matutulog lang naman ako. Nagsuot ako ng maikling short at medyo mahabang t-shirt kaya mukha akong walang suot na short. Pero okay na 'yon at least presko sa pakiramdam.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay humiga na ako pero hindi ko maramdaman ang antok kaya hindi rin ako makatulog. Tumingin ako sa pintuan at hindi talaga siya kumatok. Seriously?! Tumayo na lang ulit ako at nagpasyang lumabas sa kwarto ko at kumain na lang sa kusina. Nang mapadaan ako sa kwarto niya ay bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako doon kahit galit pa din ako para tignan siya, "You miss me?" nagulat na lang ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Binuksan niya ang pintuan kaya pumasok ako sa kwarto niya at umupo sa kama habang nakatingin siya sa akin at hawak ang door knob ng pinto.
"I thought you're mad at me, sweetie?" tanong nito kaya muli ko siyang pinagtaasan ng kilay at nagkibit-balikat, "Oo, galit nga ako! Imbes na lapitan mo ako, bumalik ka sa kwarto mo! I can't believe you!" saad ko dito. But something is not right about him. Parang matamlay siya.
Isinara nito ang pinto at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingala ako habang nakayuko naman siya dahil nakaupo ako at nakatayo siya sa harapan ko, "Why don't you just sleep here?" tanong nito kaya nagtaka na lang ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Hindi ngayon" sagot ko dito, "Hindi ka ba babalik doon?" dagdag ko pa habang nagsusungit pa rin. I mean sa Rebel's House.
"Nandoon naman lahat sila. Isa pa mas mahalaga ka kaysa sa mga traydor na 'yon kayo sasamahan kita dito. I promised remember?" pahayag nito.
"You're just saying that dahil galit ako!"
"I'm sorry, sweetie. Palagi kang naiiwan dito and I wasn't able to ask you kung anu-anong gusto mong gawin. Am I already making you a prisoner? Nasasakal ka na ba sa akin?" pahayag nito at alam kong malungkot siya. Kahit na galit ako sa kanya, masakit para sa akin na makitang ganon siya at nagtatanong siya ng ganitong klasing tanong.
Napahigpit na lang ako ng hawak sa kamay niya dahil doon, "No, you're not. You're making me happy. I'm just too sensitive. Don't worry about it" kahit kailan talaga hindi ko siya matitiis, kaya fine hindi ko na siya susungitan.
"Are you still mad?" tanong nito kaya bahagya akong ngumiti, "Don't worry about me. I'm just really worried kaya naging masungit ako" saad ko dito kaya muli kong nakita ang ngiti niya pero parang may mali sa kanya. But I still want to ask him a question.
"Can I ask something?"
"What is it?"
"If you will choose...is it me or your group?" sandaling naging tahimik habang nakatingin kami sa isa't-isa hanggang sa magsalita siya, "I can sacrifice the group just for you" bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko 'yon. Seryoso siya habang sinasabi 'yon kaya hindi ko masasabing nagsisinungaling siya.
Nagkatitigan kami at napatingin na lang ako sa kamay ko ng may inilagay siya dito, "Keep it. That's yours sweetie" nagandahan na lang ako sa isang kutsilyong mukhang Viper. It has blue eyes which symbolizes Vipers at mas maganda ito kumpara sa unang kutsilyo na ipinahiram niya sa akin.
"Are you sure?" tanong ko dito.
Nakita kong naglabas ito ng isa pang kutsilyo mula sa bulsa niya at napansin kong magkapareho kami, "I have the same knife as yours. Use it to defend yourself and defend yourself for me" muli kong tinignan yung kutsilyo at sadyang napakaganda nito. Unti-unti niyang inialis ang kamay niyang nakahawak sa akin kaya tumayo ako at ipinatong ko muna ang kutsilyo sa lamesa na nasa gilid din ng kama niya dahil wala naman akong bulsa.
Pagkatalikod ko ay nakita kong tumayo ito at humarap sa salamin na parang malalim ang iniisip niya, "I want to show you something" sambit nito at nakita kong tinanggal niya ang suot niyang t-shirt kaya nanlaki ang mata ko, "W-what are you doing?!" tumalikod na lang ako habang kinakabahan at aalis sana ako pero bigla niya akong niyakap habang nakatalikod ako sa kanya.
Ang mga kamay niya ay nakapalibot sa baywang ko at ramdam ko ang paghinga nito. Nakita kong pawis na pawis ang braso nito at alam kong wala siyang suot na damit pang-itaas. Habang nakayakap siya sa akin ay nababasa na rin ang likod ko dahil sa pawis niya kaya naiinitan na rin ako.
"Don't leave yet. Look at me sweetie, I want to show you something" sambit nito and his voice is slowly seducing me.
"What is it?" napalunok na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Just look at me, sweetie"his husky voice is really turning me crazy.
Dahan-dahan akong humarap dito kaya't ibinaba niya ang kamay niya. Habang nakatitig ako sa mga mata niya, nakita kong pawis na pawis ito. Napalunok na lang ako at napatingin sa katawan niya na tumutulo rin ang pawis.
Napatingin ako sa gilid nito at tila natigilan ako ng makita ko 'yon. Medyo malaki ang sugat nito at kitang-kita ko na may lumalabas na kaunting dugo mula rito kaya napatingin ako sa kanya at nabigla ako, "What happened?!" nag-aalala kong tanong at kulang na lang maluha ako sa nakikita ko.
Kitang-kita ko sa mga mata niya na matamlay siya ngunit nakatitig pa rin sa akin. But he has a wound, and it's bleeding. Kitang-kita ko na malalim ang sugat nito.
Hinawakan niya na lang ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako bago ko siya ulit tinignan, "Listen to me and don't cry" nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
Kaya pala matamlay siya dahil sa sugat niyang dumudugo.
Next...