✿ Syden's POV ✿
Pagkamulat pa lang ng mga mata ko. Mabigat na ang pakiramdam ko na parang gusto ko na lang na matulog ng matulog. Kung pwede nga lang, ayaw ko ng magising. Magmula sa pagtulog ko hanggang sa magising ako, 'yun pa rin ang pilit na pumapasok sa isip ko. Lahat ng nangyari kagabi, lahat ng sakit na ibinigay ko sa grupo, sinisisi ko pa rin ang sarili ko, knowing na talagang nasaktan ko sila.
Dahan-dahan akong tumayo at napansin ko ang dalawang rosas na nakapatong sa table ko. Lanta na ang mga ito at hindi na ito katulad ng kahapon na maganda sa paningin. Tumayo ako para kunin 'yon at tuluyan ko na itong itinapon sa basura at tila nakaramdam ako ng kirot sa dibdib, sa ngayon tila bawat galaw ko, masakit. Pumunta ako sa banyo at pagkatapos maghilamos, lalabas na sana ako ng mapansin ko ang sarili ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko at pilit na pinipigilan ang mga luha na gusto nanamang bumagsak.
Inayos ko ang sarili ko dahil ayaw kong makita nila ako na ganito ang itsura. Bago ako makalabas, natigilan ako. Paano ako haharap sa mga taong ayaw akong makita o marinig kahit na ang boses ko? Paano ko ihaharap ang sarili ko sa kanila?
Tuluyan ko ng binuksan ng dahan-dahan ang pintuan at lumabas. Katulad ng kagabi, tahimik pa rin pero kahit papaano nakakarinig ako ng konting ingay sa kusina kaya doon ako dumiretso. Habang papalapit ako doon, hindi ko mapigilan na kabahan at manginig. Ang kapal nga naman ng mukha ko para magpakita pa sa kanila pagkatapos ng ginawa ko. Pero haharap pa rin ako, kahit na anong mangyari. Baka sakaling pwede pa kaming magkaayos at bumalik na sa dati ang lahat dahil hindi ako sanay na ganito sila.
Nang marating ko na ang kusina, natigilan lahat sila habang nakaupo at sabay-sabay na kumakain. Napatingin sila sa direksyon ko at tinignan ko sila isa-isa, their eyes became different. Hindi na katulad ng dati kung paano nila ako tignan. They are all mad at tanggap ko. I need to accept everything. It's my fault at kulang pa ba na ulit-ulitin ko na kasalanan ko ang lahat? Maybe, regretting your mistakes many times is still not enough.
I was about to move pero isa-isa silang nagtayuan at dinaanan ako na parang hangin lang. Wala man lang natira sa kanila na naiwan sa lamesa para samahan o kausapin ako. Even my twin-brother na inaasahan kong sasamahan ako, dinaanan lang ako nito. Since he became a part of this group, nagbago siya. Hindi na siya yung kakambal na kilala at nakasama ko.
Just because of what happened, nawalan ako ng gana para kumain. Seeing the whole place, napakabigat ng temperatura at hindi ko muna kakayaning mag-stay dito. Imbes na mag-almusal ako, lumabas na lang ako ng Black house para magpahangin. Baka sakaling gumaan ang pakiramdama ko at mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Naglakad-lakad ako sa maingay na campus dahil marami nanamang nagkakagulo and I think for the mean time, mas makakabuti kung ipagpapatuloy ko muna ang paglalakad. Habang inoobserbahan ko ang paligid, nararamdaman ko pa rin ang sakit. At hinihiling na sana, mawala at matapos na rin ito.
Sa buong campus, patagal ng patagal, mas nagiging malala ang sitwasyon nito kumpara dati. Habang naglalakad ako, biglang may humila sa akin at sisigaw sana ako pero tinakpan nito ang bibig ko. Nakita ko ang itsura nito at nagulat ako sa kanya. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa bibig ko at irita akong tumingin sa kanya, "Pwede ba Blake?! Tumigil ka na! Tigilan mo na ako!" sambit ko dito at alam kong kitang-kita niya na naiinis na ako. Nasa bandang sulok kami kaya wala gaanong nakakakita sa amin, "Let's make it clear. Since we didn't have a serious break-up, dito na natin tapusin 'to. Let's end our relationship here!" pahayag ko dito.
Noong una, hindi ako sinagot nito habang nakatingin siya sa akin pero hindi rin nagtagal ay nagsalita na ito, "No! Hindi ako papayag sa gusto mo" sambit nito. Sinamaan ko siya ng tingin bago siya ulit nagsalita, "Sige, pag-usapan natin ngayon. But not here" hinawakan nito ang kamay ko at hinila papalayo sa lugar kung saan kami nakatayo kanina pero sinubukan kong tumigil sa paglalakad kahit na hinihila ako nito kaya napatingin siya sa akin at natigilan siya sa paglalakad, "Hindi na natin kailangang mag-usap. Tapusin na natin 'to ngayon!" sigaw ko sa kanya.
"Simple lang naman d'ba? Gusto ko pag-usapan natin ng maayos pero hindi dito" sambit nito habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
"Bitawan mo na ako!"
"Kapag ba binitawan kita sasama ka sa akin?" tanong nito kaya mas lalo pang sumama ang tingin ko sa kanya. Binitawan nito ang kamay ko at para matapos na rin ang usapang 'to, sumunod ako sa kanya. Total ito naman ang gusto niya.
Sa pagsunod ko sa kanya, napunta kami sa isang building kaya napatingin ako doon lalo na't mataas rin ang building na 'yon. Pagpasok namin sa loob, katulad rin ito ng dorm na tinitirhan namin ni Raven noon, noong kasama pa namin sina Icah.
Binuksan ni Blake ang pintuan ng isang kwarto at pinapasok ako doon. Maliit lang ang kwartong 'yon at nakita kong nandoon ang mga gamit ni Blake at Max kaya napatingin ako sa kanya, "Sa iisang kwarto lang ba kayo ni Max?" tanong ko dito.
"This was the only room left kaya wala kaming choice ni Max kundi magsama sa iisang kwarto. But 'we're trying to find another room dahil hindi rin namin kami komportable na magkasama sa iisang kwarto" pahayag nito habang tinitignan din ang buong kwarto. Pero napansin kong wala si Max kaya muli akong nagsalita, "Where is she?"
Tinignan niyang muli ang paligid at alam niyang hinahanap ko ang kaibigan ko,"At the club. Inimbita siya ng mga kaibigan niyang bago. At dahil sila ang tumulong sa amin para makahanap ng kwarto, hindi niya sila natanggihan kaya sumama siya" sagot nito kaya nakaramdam ako ng pag-aalala.
"But you know what? Since nawala ka sa Heaven's Ward High, palagi ko siyang naririnig na ikinekwento ka sa iba" dagdag pa nito kaya napaupo na lang ako. At least nalaman ko na kahit wala ako sa tabi ni Max, hindi niya pa rin ako nakalimutan.
Napansin niya na tahimik lang akong nakaupo kaya kumuha siya ng upuan at umupo sa harapan ko, "So, anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong nito kaya tinignan ko lang siya. I told him about our relationship, but here we are again. Parang wala akong sinabi sa kanya.
Lalo pa itong lumapit sa akin kaya napayuko ako, "Don't you miss me?" tanong nito kaya kinabahan nanaman ako.
Hindi pa rin ako nagsalita kaya muli niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya umiwas na ako, "Pwede ba tumigil ka na!?" sigaw ko dito pero nginitian lang ako nito ng masama at hinawakan ang labi ko.
"We did not break up. Remember?" sagot nito na mas lalo ko pang ikinagalit. Pagkatapos niyang sabihin 'yon he suddenly kissed me again kaya tinulak ko siya at tumayo na ako para makaiwas sa kanya. Nabigla ito sa ginawa ko at napangiti na lang siya habang nakayuko at nakaupo pero unti-unti rin siyang tumingala kaya nagtama ang mga mata namin.
"Why? Is it because may bago ka na?" tanong nito kaya nag-umpisa na kaming magkasagutan.
"Wala akong bago! Gusto ko lang tigilan muna ako!"
"Then what are you doing in the Vipers?!" dahil sa sinabi nito nanatili lang akong nakatingin sa kanya, "I heard all about them"
"They are my friends" mahina kong sabi dito.
"Really? Kaibigan mo sila? Kung ganon ipaliwanag mo nga sa akin kung anong nangyari diyan?" saad nito kaya napatingin ako sa kamay ko na itinuri niya. May pasa ako which I got yesterday night dahil sa pagkakahawak sa akin ni Dustin. Tinakpan ko na lang ito gamit ang isa kong kamay dahil nakatingin pa rin siya sa pasa na nakuha ko.
"Are they hurting you?" tanong niya.
"Pwede ba, huwag mong ibahin ang usapan?!" irita kong sabi.
"Kung nahihirapan ka na..." tumayo siya at nilapitan ako. Napayuko na lang ako sa ginawa nito, "You can escape from them and let's start again" ng marinig ko 'yon, tumingala ako para tignan siya.
"N-no. I can't" kahit na nasaktan ako, hindi pa rin pumasok sa isip ko na umalis sa Black house.
"Bakit? Hindi mo na ba ako mahal?" tanong nito. Lahat ng galit at inis na nararamdaman ko para sa kanya, unti-unting nawawala. Naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko. But I know, that I still have feelings for him.
"You can't trust them. Mas gusto mo ba doon? Kinukulong ka lang nila" kahit pa anong sabihin niya, hindi ako aalis sa Black house.
"Hindi nila ako kinukulong!" pagpupumilit ko.
"They were. Masyado ka lang nilang napaniwala and you believed them?" tanong nito at napangiti na parang hindi makapaniwala.
"And why would I believe you?"
"Cause I care for you" sagot nito na nakapagpatahimik sa akin habang nakatingin ako sa kanya. Pagkalipas ng ilang segundo, pinilit kong magsalita, "But they care for me too"
"But soon, baka masaktan ka din nila and worst, mapatay ka nila. Look at yourself.." napatingin ako sa sarili ko at sa pasa na nakuha ko kagabi dahil sa mahigpit na pagkahawak ni Dustin sa kamay ko para lang pigilan akong kumatok muli sa pintuan ni Dean. Napayuko na lang ako habang iniisip ang mga bagay-bagay na nangyayari sa akin, I don't know but I think he has a point. Yes they care for me, but what if makagawa nanaman ako ng hindi nila gusto at masaktan nila ako ulit kagaya ng ginagawa nila ngayon?
"Look, if you want to escape, I will always be here para samahan ka..." tumingala ako para tignan siya at itinuloy nito ang pagsasalita, "That way we can start again" sambit nito sa akin habang naguguluhan pa rin ako. Hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong gawin.
Sinamaan ko na lang ito ng tingin bago ako tuluyang lumabas sa kwartong 'yon at naglakad papalabas ng building. Buti naman at hindi niya ako pinigilan o hinabol. I need more time alone dahil gulung-gulo na ako.
Pagkalabas na pagkalabas ko, diretso lang akong naglakad ng hindi iniisip kung saan ako patungo. Basta ang kailangan ko lang, oras. Oras na ako lang mag-isa para makapagisip-isip. Pinilit kong burahin sa isipan ko lahat ng hindi magandang sinasabi ni Blake tungkol sa grupo. Oo nasasaktan ako dahil sa ginawa ko sa kanila, but I still trust them at ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa kanila.
Habang patuloy pa rin ako sa paglalakad, naisipan kong bumalik na lang sa Black house para magpahingang muli. Kung pwede lang na matulog ng matulog at hindi na magising, gagawin ko. Para lang hindi ko na maramdaman kung gaano kabigat sa loob lahat ng nangyari kagabi.
"So nandito pala talaga siya?" bago pa man ako makadaan sa maliit na daanan papunta sa Black house, nagulat ako ng may magsalita. Tinignan ko ito at nakasandal siya sa pader habang nakangising nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Raven ng may pagtataka.
"Following you" maikling sagot nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya.
"Kailangan ba talaga kahit saan ako pumunta dapat alam mo? Can't you give me some privacy?!" alam kong dumadating na ako sa punto na nagagalit na ako. But do they need to follow me everytime na aalis ako? Hindi ba ako pwedeng magpalakad-lakad ng ako lang ang nakakaalam? Hindi ko ba pwedeng gawin ang isang bagay na ako lang ang may alam?
Alam kong napansin na niya na nagagalit na ako kaya tumayo ito ng maayos at galit ding tumingin sa akin, "Nagkakaganyan ka nanaman dahil sa kanya?" tanong nito. Hindi ko na lang siya binigyan ng sagot at mas mabuti pang umalis na lang ako ngayon sa harapan niya lalo na't alam ko naman na pati ang kakambal ko, mainit ang dugo sa akin dahil sa nangyari.
Galit ko itong tinignan at nagmadaling bumalik sa Black house. Pabagsak kong binuksan ang pintuan kaya gumawa ito ng napakalakas na ingay sa buong Black house. Alam kong sinundan niya ako kaya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, hinawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya, "Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" sambit nito na mas lalo ko pang ikinagalit.
"Bakit?! Kailangan ba kahit saan ako pumunta dapat alam mo?!" sigaw ko dito. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi nila ako bigyan ng privacy sa mga bagay na gusto kong gawin. Kahit saan ako pumunta, alam nila at nakasunod sila sa akin. Hindi ko na ba magagawa ang mga gustong kong gawin ng ako lang ang nakakaalam?!
"I'm just protecting you- "
"Protecting me from what?!" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil hindi ko na kayang kimkimin ang galit at sakit na nararamdaman ko. Sila lang ba ang pwedeng magalit? How about me?!
"From him! Akala ko kung sinong lalaki ang kasama mo kagabi, pero yung ex mo lang pala! It's Blake right?! Tell me, gusto mo pa ba siya?!" sigaw nito na ikinagulat ko. How did he know?
"H-how did you know- " this time ako naman ang hindi nito pinatapos sa pagsasalita.
"I'm asking you kung gusto mo pa siya because Dean...saw you and him kissing at the club last night. The reason kung bakit hindi ka nakapunta!" pahayag nito na mas lalo ko pang ikinatahimik. Is this the reason kung bakit galit na galit sila sa akin?
Natulala ako habang nakatingin kay Raven dahil sa mga sinabi niya at napansin kong dumating ang buong grupo at napansin nila ang pag-aaway namin, "What is this all about?" tanong ni Dean kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nag-umpisa nanaman akong manginig dahil sa kaba.
Napansin ako nito at muli kong nakita ang mga mata nito. Still using those cold eyes Dean Carson?
"You..saw us...kissing. I-it was just an accident" pinilit kong magsalita habang nakatingin sa kanya kahit na nahihirapan akong huminga at patuloy pa rin sa panginginig ang katawan ko.
"Accidentally, you kissed each other. Wow, I'm impressed" pahayag nito. I've tried my best last night, even now para kausapin sila at humingi ng tawad dahil hindi ako nakapunta kagabi. But here we are again. I couldn't control my temper and emotions now.
"So what are you saying now?! I did not want to kiss him. He kissed me first- "
"But you kissed him back. Tapos sasabihin mo, aksidente lang ang nangyari. I saw it! Nakita ko kung paano kayo maghalikan. Looks like you enjoyed it!"
"Hindi ko ginusto 'yon! I couldn't leave them dahil bago pa lang sila dito- "
"Okay lang sa akin kung sinamahan mo sila kaya hindi ka nakapunta. Okay lang sa akin na ayaw mong pumunta. Pero alam mo kung anong hindi okay?! Yung hindi ka nakapunta just because you were busy flirting with him. And that's what hurts the most!"
"Then sorry! I know it's my fault!" I said it.
"Yesterday was supposed to be a special day for us both but you ruined it" sambit nito kaya sinagot ko ulit siya. Nagsorry na ako, ano pa bang problema niya?!
"Special day for the both of us?" tanong ko dito. Lahat sila, nakikinig sa usapan namin dahil dumating na sa punto na nagsisigawan na kami, "Bakit? Sinabi ko bang gawin mong espesyal ang gabing 'yon para sa akin? Para sa atin? Kung hindi man ako nakapunta then sorry" unti-unti itong napayuko at hindi ko alam kung bakit halos hindi ko na makita ang itsura nito.
When this attitude hits me, wala ng kontrol ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Nasasaktan din naman ako. But because of what I have said, napansin kong natahimik kaming lahat at ilang segundo ang lumipas, tahimik pa rin.
"Fine, if that's what you want, so be it" tumingala ito at nagtama ang mga mata namin. Pareho kaming galit na nakatingin sa isa't-isa and I don't care. Mas sinamaan ko ito ng tingin at iniwan silang lahat para pumunta sa kwarto ko. I can't live like this anymore! He's right! Blake is right! I should escape. Ayaw ko na dito because I am just like a prisoner. It's better to leave here and start again somewhere where I have the freedom and will to do anything I want.
Pagkapasok ko sa kwarto, kinuha ko lahat ng importanteng gamit na kailangan ko at nag-impake. Alam ko naman na hindi ko kayang dalhin lahat ng ito kaya pipiliin ko na lang lahat ng kailangan at importanteng dalhin. Sa iba pang gamit na natira dito, bahala na sila kung anong gagawin nila, kahit sunugin man nila ang mga natira kong gamit, I don't care! What's important is makaalis na ako dito!
Inilagay ko lahat ng importanteng damit at gamit sa iisang bag at lumabas ng kwarto. Hahakbang pa lang sana ako para makalabas ng bigla akong harangin ni Raven, "Lalayas ka? Bakit? Don't tell me sasama ka sa kanya?" tanong nito na parang hindi makapaniwala habang tinitignan ang dala kong bag. Sinamaan ko ito ng tingin bago nagsalita, "I have my choices. You can't just decide how I will spend my life!" saad ko dito. Lahat sila, napatingin sa amin ni Raven pero wala akong pakielam. Makapal na kung makapal ang mukha ko but I will do this for myself.
"Remember what he did to you. Niloloko ka lang niya! Hindi ka pa ba nagtanda!?"
hanggang sa pag-alis ko ba naman, ito na lang ang pag-aawayan namin.
"I know. But he offered me freedom to live my life and he deserves second chance because he won't control my life like what you are doing now!"
"So you believed him?! He deceived you once but I won't let it twice- "
"Shut up! Since you became a Viper, naging ganyan ka na. Nagbago ka!"
"I'm just protecting you! Kung ayaw mong protektahan ka namin. Sige!" bigla niya akong hinawakan and worst, kinaladkad niya ako papalabas ng Black house at itinulak papalabas, "Umalis ka na dito at huwag na huwag kang aasang tutulungan ka namin. Even if they kill you, I don't care. Gusto mong sumama sa kanya?! GO ON! I WON'T STOP YOU! Pero huwag na huwag kang magsisisi sa desisyon mo!" sambit nito at tuluyang isinara ang pintuan ng pabagsak.
Tumayo ako kaagad at galit na tinignan ang buong Black house bago ako tuluyang umalis. I won't ever regret my decision because it's the right to do. Tuluyan ko ng nilisan ang lugar na 'yon habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak habang naalala ko yung pagsasagutan namin ni Raven. It never happened before. Never kaming nag-away ng ganon, pero ngayon parang napakadali na lang sa kanya na palayasin at kaladkarin ako, 'yon ang pinakamasakit na bagay na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak habang naglalakad ako sa kalagitnaan ng campus hanggang sa makita ako nina Blake at Max. Agad nila akong nilapitan at halatang nag-aalala sila, "What happened to you? Bakit may dala kang gamit?" tanong ni Max kaya napatingin ako kay Blake na nag-aalala rin habang nakatingin sa akin, "You're right. I should escape from them" sambit ko at pinilit kong ngumiti.
"Ang mabuti pa pumunta muna tayo sa kwarto namin at doon tayo mag-usap" sambit ni Max habang inaalalayan ako at nakaakbay sa akin. Si Blake naman, kinuha ang dala kong bag.
Habang papunta kami sa dorm nila, hindi ko pa rin mapigilan na hindi umiyak. Maybe, tama nga ang desisyon ko. Masyado na akong nasaktan at masyado ko na silang nasaktan, it's fair now.
Pagkarating namin sa building, agad kaming pumasok sa kwarto na tinutulugan nila. Ipinatong ni Blake sa may lamesa ang dala kong bag. Naupo ako sa may kama at tumabi sa akin si Max. Si Blake naman umupo ulit sa harapan ko kaya tinignan ko silang dalawa, "So tell us what happened? Bakit ka umalis? Samantalang kanina, kung ipagtanggol mo sila sa akin, ayaw na ayaw mo silang iwan" saad ni Blake.
"Magmi-meet dapat kami ni Dean sa rooftop yesterday night. But I...wasn't able to meet him dahil nakita ko kayo. I couldn't leave you there in the club all alone hanggang sa nakalimutan ko yung oras. Nakatulog pa nga ako hindi ba?" napayuko ako at tinignan na lang ang mga palad ko, "They got mad because of that. I know it's my fault, nagsorry ako sa kanila pero parang ang hirap para sa kanila na tanggapin yung apology ko" napatingin ako kay Max at muling napaiyak dahil gusto ko ng ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Napakasama naman nila para hindi ka patawarin sa nagawa mo. Of course tao ka, nagkakamali ka din naman paminsan-minsan" sambit nito kaya muli akong nagsalita.
"But you know what's worst? Yung akala ko kakampi ko si Raven at siya ang pinakaunang iintindi sa akin kasi kakambal ko siya, but I was wrong. Parang napakadali nga sa kanya na kaladkarin at palayasin ako sa Black house kanina. Since he became a Viper, nagbago siya" patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang nakikinig silang dalawa sa mga sinasabi ko.
"Dba sabi ko naman sa'yo? Hindi mo sila mapagkakatiwalaan. Pinapaikot ka lang nila. Ang sabi mo sa akin kaibigan mo sila, pero kaibigan ba ang trato nila sa'yo? Tignan mo nga.." muling itinuro sa akin ni Blake ang kamay ko na may pasa kaya napatingin ako dito, "Kung talagang kaibigan sila, hindi nila gagawin sa'yo 'yan" dagdag pa niya.
He has a point. Hindi lang nila nagustuhan ang ginawa ko, nasaktan na nila ako. What if magkamali pa ako ng maraming beses? Ibig sabihin ba noon, sasaktan din nila ako ng paulit-ulit?
"I told you. Ngayon pa lang, layuan mo na sila hangga't pwede pa. Dahil baka sa susunod, hindi mo na sila matakasan" napatingin na lang ako kay Blake. At alam ko, that he really and still cares for me kahit na matagal kaming nawalan ng koneksyon sa isa't-isa.
Bigla na lang itong tumayo at nakita kong kumuha ito ng bandage sa cabinet at muling umupo sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay kong may pasa at ibinalot ito gamit yung bandage na kinuha niya at nakita ko ang pamamaga ng kamay ko. Hindi na rin naman gaanong masakit kaya magiging ok na din ako.
"Sa ngayon, dito ka na muna Syden" saad ni Max bago ito tumayo at tumingin sa akin.
"Ha? Bakit naman?" pagtataka ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit? May matutulugan ka ba?" at pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Paano kayo ni Blake? Dba nga pinagkakasya niyo ang sarili niyo sa napakaliit na kwartong 'to? Tapos idadagdag ko pa ba ang sarili ko?" sagot ko sa kanya.
"Hmmm, total katabing kwarto lang naman natin ang nakilala namin ni Blake kahapon lang or should I say, our new friends. Kakapalan ko nalang ang mukha ko at doon muna ako makikitulog sa kanila. Ano ayos ba?" pahayag nito kaya napangiti ako ng konti.
"Seryoso ka ba?" tanong ko habang nakangiti kahit naluluha pa rin at pinupunasan ko ang mukha ko.
"As if namang hindi mo ako kilala. Excuse me? Dba nga, madalas akong makitulog sa mga kaibigan ko dati nung hindi pa tayo magkakilala kapag ayaw kong umuwi sa amin? Trust me" sagot nito kaya mas lalo pa akong napangiti.
"Fine" sambit ko dito at saktong natapos naman si Blake na gamutin at balutin ang kamay ko kaya tinignan ko ito ng maayos.
Habang nakatayo naman si Max sa gilid ni Blake, may kumatok sa pintuan kaya napatingin kami dito at nilapitan 'yon ni Max para buksan, "Maxine, pwede mo ba kaming samahan?" sambit ng babaeng pinagbuksan ng pintuan ni Max. Nakita kong ngumiti si Max at nagsalita muna ito bago tuluyang lumabas, "Alam ko naman na may mas mahalaga pa kayong pag-uusapan. May mahalaga rin naman akong gagawin kaya maiwan ko muna kayo diyan"
Isinara na nito ang pinto at hindi na sinabi sa amin kung saan siya pupunta. Sandali kaming natahimik kaya tinignan ko siya at nakatingin din naman siya sa akin.
"Are you okay now?" tanong nito kaya tumango na lang ako at ngumiti. I need to be okay para naman kahit papaano, gumaan ang pakiramdama ko.
But I can't stop thinking na ang totoong dahilan kung bakit galit ang grupo sa akin, is because of that kiss. 'Yon lang naman ang parati nilang pinupunto. I wasn't able to attend and they saw us kissing. That's the main reason kung bakit sobrang galit sila sa akin.
"About what happened last night, I'm so sorry" sambit nito kaya nagtaka ako, "For what?"
"Just because of what happened, hindi ka nakapunta. Kaya ngayon, pinalayas ka nila"
Umiling ako bago nagsalita, "It's not your fault. I had the chance to choose kung pupuntahan ko ba kayo o itutuloy ko ang pagpunta sa rooftop. But I chose you, na samahan kayo and I forgot the time" napayuko na lang ito at patuloy pa rin ako sa pagtingin sa kanya.
"Then..." muli itong tumingala at nagtama ang mga nata namin, "Why did you choose us?" tanong nito.
"Because you're both special to me. I can't just leave you at hayaan kayo knowing na delikado dito sa campus" pahayag ko dito.
"Special in what way?" nagsalubong ang mga kilay ko sa tinanong nito, "What?"
"We're both special to you because Maxine is your bestfriend. But what about me? Am I just a friend to you?" tanong nito kaya hindi ako nakasagot, "Tell me, hindi mo na ba ako mahal?" tanong nito at unti-unting hinawakan ang kamay ko. Pero hindi pa rin ako nakapagsalita.
"Do we really need to end everything here? Hindi na ba tayo pwedeng mag-umpisa ulit?" nang marinig ko ang mga salitang 'yon, unti-unti akong napayuko habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon, dahil hindi ko alam kung ano ang totoo at hindi sa nararamdaman ko.
"About the kiss. I won't say sorry. I kissed you because I still love you. At kahit hindi mo sabihin, alam kong mahal mo pa rin ako" unti-unti akong tumingala para tignan siya.
And that time I knew. Alam ko na, na kasalanan ko talaga. I forgot the time yesterday night because of him, nawala ako sa konsentrasyon dahil sa kanya. Because I still love him. Dean Carson is right. It wasn't an accident. Blake kissed me, bumigay ako because of my feelings that's why I kissed him back.
"Can you give me another chance?" tanong nito at hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Should I or should I not?
"Let's start again" dagdag pa nito at hinawakan ng isa niyang kamay ang pisngi ko. I think this is it. We lost connection but now, nagkita pa rin kami sa iisang lugar na hindi namin ine-expect. Maybe he's right and I can give him another chance.
Tumango ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak pa rin sa pisngi ko, "Fine. Let's start again" bulong ko dito kaya't pareho kaming napangiti.
"Thank you. I'll promise that I will never hurt you again" at dahil don, mas lalo pa kaming napangiti.
Ibinaba na namin ang mga kamay namin at muli niyang hinawakan ang kamay ko at tumayo ito, "Alam kong gutom ka na. Kaya kumain na tayo" pahayag nito kaya tumayo na rin ako at naglakad kami palabas ng building.
Habang magkahawak ang kamay namin na papunta sa cafeteria, nagtaka na lang ako dahil pinagtitinginan kami. Kitang-kita ko sa itsura ng mga estudyante na nagtataka sila at parang hindi makapaniwala kaya iba na ang naging pakiramdam ko. Parang may mali.
Pagkapasok namin sa cafeteria, pinagtitinginan pa rin kami pero mas pinili kong hindi na lang sila pansinin. Kumuha kami ng pagkain sa gitna kung saan nakahapag ang mga pagkain ngunit ang mga mata nila, tila nakasunod at sinusubaybayan kaming dalawa. Nang makakuha na kami ng pagkain ni Blake, aalis na sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko, "Syden?" napatingin ako dito at natuwa ako ng makita ko sina Icah.
Tinignan ko si Blake at sinenyasan ito para mauna na siyang maupo at susunod na lang ako. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya muli kong hinarapan sina Icah.
"Kamusta na kayo?" masaya kong tanong sa kanila. Pare-pareho kaming may hawak na plato kaya hindi ko rin naman sila mayakap kahit gusto ko.
"Okay lang kami. Ikaw?" tanong nito.
"Okay lang din naman" nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi nila ng sabihin ko 'yon. At higit sa lahat, napansin ko rin na napatingin sila kay Blake kaya tinignan ko ito.
"Tell me, sino ba yung kasama mo?" tanong ni Hadlee bago tinignan si Blake.
"Well, he's my boyfriend and... I don't need to explain it. Mahabang kwento" lubos nilang ikinagulat ang sinabi ko pero nagsalita ulit ako, "Gutom na ako guys , mag-usap na lang ulit tayo next time para makapagkwentuhan tayo okay? But for now..." tinignan ko sila ng maayos, " Ang saya ko na makitang okay kayo" sabay ngiti sa kanila at tinalikuran ko na sila para makakain na ako. Hindi ko rin naman alam kung anong naging ekspresyon nila sa sinabi ko.
Habang naglalakad ako papunta sa table kung saan kumakain si Blake, nadapa ako at hindi sinasadyang naitapon ko ang dala kong pagkain sa babaeng nasa harapan ko. Agad namang ako nakatayo at napatingin sa babaeng natapunan ko, "What?!" sambit nito habang nakatingin sa damit niyang kulay pula. Tinignan niya ako at pareho kaming nabigla at dahil ako ang kaharap niya mas lalo pa itong nainis, "Bulag ka ba?!" tanong ni Roxanne sa akin.
"H-hindi ko naman sinasadya" sambit ko dito at halatang nagalit siya sa nangyari.
"Hindi mo sinasadya? Pang-ilang beses muna ba itong ginawa sa akin?! Tapos sasabihin mo hindi mo sinasadya?!" lahat ng estudyante, natahimik habang nakatingin sa amin. Nakita kong kumuha ito ng platong puno ng pagkain sa lamesang nasa tapat namin at nilapitan niya ako. Muli kong narinig ang pagbubulungan ng mga estudyante ng ilapat niya sa mukha ko ang hawak niyang plato dahilan para madungisan ako. Sinamaan ko siya ng tingin bago siya nagsalita, "Pwes, hindi ko rin sinasadya!" sambit nito na mas ikinainis ko pa.
Pinunasan ko ang mukha ko at bago niya ako tinalikuran, tinignan niya muna ako ng masama. But I won't let her na ipahiya ulit ako. Hindi pa man ito nakakalayo, hinabol ko na siya at sinabunutan ito dahilan para mapasigaw siya, "Hindi pa tayo tapos!" sambit ko dito at nagawa niyang humarap sa akin kaya nagsabunutan kaming dalawa.
Walang pumigil sa amin kaya hindi kami tumigil hanggang sa maitulak niya ako sa sahig. Lalapitan niya pa sana ako ng gumawa ng ingay ang pabiglang pagbukas ng pintuan kaya napatingin kami doon.
Vipers group is there. Pumasok sila sa loob ng cafeteria habang nakatingin lang kami sa kanila. Nakita ko ang takot sa mukha ni Roxane lalo na nung napansin namin na papunta sila sa direksyon namin.
Lalo pa itong nanginig ng malapit na sila sa amin. Tinignan ko sila-isa habang nasa sahig pa rin ako pero hindi nila ako tinignan , lalo na si Raven. I thought they would finally forgive me but I was wrong.
"But don't ever think na ililigtas ka pa namin. Even if they kill you, I don't care!" muling pumasok sa isipan ko lahat ng sinabi ni Raven. Oo nga pala, mas pinili kong sumama kay Blake so bakit pa ako nag-aassume na magiging okay ako at ang grupo?
Dinaanan lang nila kami na parang walang nangyari. Pinilit ko na lang na tumayo pero bigla akong inalalayan ni Blake kaya nginitian ko siya. Lalabas na sana kami pero bago pa man namin malagpasan si Roxanne, hinarangan na kami nito, "Looks like there's something wrong between you and the Vipers" muli kong nakita ang masamang pagngiti nito habang tinitignan kami ni Blake, "Our game will just start Bliss Syden. Humanda ka sa akin!" pagkatapos ay tinalikuran na niya kami.
Well then, let the game begin...
Roxanne.
To be continued...