webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · 若者
レビュー数が足りません
80 Chs

♥ CHAPTER 72 ♥

✿ Syden's POV ✿

Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa clinic habang kausap ko si Leigh. Kahit ano naman kasing gawin ko, hindi ko magawang iwanan siya. Naaawa lang talaga kaya ayaw kong siyang iwanan dito. Sigurado namang nag-aalala na yung mga lalaking 'yon kung saan ako napadpad kaya sigurado akong magagalit nanaman ang mga 'yon kapag nakita nila ako dito. But nevermind, I'll just explain everything. Wala namang nangyaring masama sa akin after all. 

"Leigh, nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" tanong ko dito.

"No, thanks" agad namang sagot nito sa akin, "Basta kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin" pahayag ko sa kanya but of course, ngiti niya lang ang natanggap kong sagot. May mga tao talagang mahilig na magbigay ng sagot gamit ang ngiti.

Bigla ko na lang narinig ang malakas na pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako doon. Hindi na ako magtataka kung bakit nandyan nanaman sila pero syempre, nagulat pa rin naman ako. Kahit saan naman ata sila pumunta, sadyang napakabigat ng presensya nila, "Dito ka lang pala namin mahahanap" sambit ng magaling kong kakambal habang nakasandal sa may entrance ng clinic. 

Hindi ko na lang ako nagsalita kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Napatingin na lang ako kay Dave at napansin kong sinenyasan niya ako. Mula sa kanya, tinignan ko ulit si Raven at sinenyasan din ako nito na para bang sinasabing sumama na ako sa kanila. Una sa lahat, gusto ko naman talagang umalis pero walang kasama si Leigh dito, kawawa naman kung iiwan ko. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Leigh ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya, "I can handle myself. Masyado na kitang naabala and it's enough" pahayag nito sa akin bago niya ako binitawan. Para bang sinasabi nito na sumama na ako kina Dave.

Nagdalawang-isip muna ako pero tumayo na rin naman ako, "Sige. Babalik na lang ulit ako" sambit ko sa kanya, "Thanks" sagot niya sa akin. Bago ako lumabas ng clinic, nginitian ko siya ulit at naglakad na kami. Pero napansin kong hindi pumasok sa clinic ang magaling nilang leader at si Nash kaya nakakapagtaka lang, "New friend huh?" tanong ni Dustin sa akin kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad sa napakatahimik na hallway, "Tinulungan ko lang naman siya" sagot ko.

Pagkatapos non, hindi na sila nagtanong pa kaya nakakapagtaka lang talaga dahil hindi nila ako sinesermunan ngayong araw na 'to. Habang naglalakad kami, inoobserbahan ko ang paligid at sadyang napakatahimik lang talaga, at dahil 'yon sa mga nangyaring pagsabog kanina na ikinatakot ng lahat. Alam kong hindi normal na masyadong tahimik ang campus, but I just need to act normally dahil sa mga kasama ko na parang normal na lang sa kanila ang mga ganitong bagay, well bakit pa ba ako magtataka? They are Black Vipers, they rule everything. 

Binigyan ko rin pala ng pangalan ang lugar kung saan kami nagiistay, I call it the Black house, dahil nga 'Black' Vipers ang nakatira doon at ako naman, saling pusa lang sa kanila. Sabi nga ng iba, I must be really lucky being with them. 

Nang makabalik na kami, pumasok kami sa loob at tinignan ko silang lahat, "Where are they?" tanong ko habang tumitingin sa likuran nila. Ni hindi ko nga alam kung bakit hinahanap ko yung mga wala sa grupo. Napatingin sina Dave sa likuran nila at napansin din nila na wala si Dean at Nash na kasama lang nila kanina, "Well, hayaan mo na yung dalawang 'yon, baka may pinuntahan lang" sagot nito sa akin na parang normal lang sa grupo nila na biglaang may nawawala, pero bakit pa nga ba ako magtataka?

Isa-isa silang nag-alisan at pumasok sa mga kwarto nila, "Mabuti pa at magpahinga ka na. At eto ang tatandaan mo ah? Huwag na huwag kang aalis mag-isa. Masyadong ng delikado sa labas" sambit ni Raven, "Bakit naman? Anong bang pinagbago ng campus?" aalis na sana ito pero natigilan siya dahil sa tanong ko. Huminga muna ito ng malalim at dahan-dahan akong niyakap kaya nagtaka nanaman ako sa ikinikilos ng kakambal ko, "Syempre ayaw ko lang na may mangyaring masama sa'yo" sambit nito habang yakap ako. Napangiti na lang ako at niyakap ko din siya. Ang tagal ko na rin kasi siyang hindi nayayakap, kaya kahit papaano, nakakamiss, "Thank you" pagkasabi ko noon ay lumayo na siya sa akin at kinurot niya na lang ang pisngi ko at umalis. Bumalik na rin ako sa kwarto ko para matulog.

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

Flashback!

Dean Carson's POV

Bago pa man nila makita ang kutsilyong hawak ko, kaagad ko itong itinago dahil hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin sa kanila ang nangyari. Hindi na rin naman kami nagtagal sa pagsundo kay Syden dahil sumama naman siya agad sa amin. Pagkalabas nila sa clinic kasama si Syden, sumunod na rin ako pero iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko, natigilan ako habang tinitignan siya sa paglalakad, inoobserbahan ko rin naman ang paligid kung may nakasunod ba sa amin. Walang nakapansin sa ginawa ko maliban kay Nash kaya natigilan din siya sa paglalakad at naiwan kaming dalawa, at alam kong nagtataka siya kung bakit ako napatigil sa paglalakad. 

"Those eyes, yung mga titig na yan Dean. Nakita ko na yan before. Ganyan din ang mga tingin mo kay Roxanne. You should tell her" sambit nito kaya nagtaka ako. 

"What do you mean?" 

"Ikaw  na rin ang nagsabi, wala ng oras na dapat sayangin dahil mas marami pang bagay ang mangyayari sa campus. Then, bakit hindi mo pa gawin ang mga bagay na ngayon pa lang, pwede mo ng gawin hangga't hindi pa huli ang lahat" pahayag nito sa akin kaya natahimik na lang ako. Napasandal ako sa pader at bahagyang napangiti na parang hindi makapaniwala.

"Things are still confusing me. How will I know if it is true or not?"

Inayos na rin naman nito ang tayo niya, "Just  seeing you like that. Dean Carson, the leader of the most powerful group Black Vipers is inlove, again. But this time, I think it's better than your past" sambit nito kaya lalo pa akong nagtaka. 

"Stop it. I'm not inlove" deny ko sa kanya.

"Not inlove? Maybe. If you're not inlove, bakit ka concern sa kalagayan niya? That's why many things are confussing you, because you don't even realize your true feelings. Takot kang ma-inlove ulit, kasi ayaw mong masaktan ulit. That's why you're denying it, you're denying your true feelings" napayuko na lang ako sa sinabi niya. I don't know, pero nasasaktan ako sa isang rason na hindi ko alam kung ano. Am I really inlove again? 

"But do you think they are the same? She's different, Dean. Why don't you give yourself another chance to love someone again? Yung mga titig mo sa kanya, the way you got mad when someone threw a knife towards her" napatingin ako dito and I think it's time to let him know. At masabi ko din sa sarili ko, kung ano talagang gusto at hinahangad ko.

"I'm afraid to have a deeper feelings towards her because I don't want to lose her, I don't want someone to know how much I love her because you know how dangerous it will be. Lahat ng importanteng tao sa grupong 'to, nawawala sa atin. Ayaw kong mapahamak siya at handa akong itago ang nararamdaman ko para lang hindi siya mapahamak" there, I said it.

"Finally, umamin ka din. Is it love kung hindi mo kayang ipagsigawan sa mundo kung anong nararamdaman mo para sa kanya? So mas pipiliin mong itago na lang ang nararamdaman mo? What if makuha siya ng iba? Kaya mo ba?" tanong nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"It's love, Nash. Kasi kaya kong itago ang nararamdaman ko. Kaya kong masaktan ng paulit-ulit para lang hindi siya masaktan. You know me, Nash. Kung aamin ako sa kanya, no doubt na magiging makasarili nanaman ako para hindi siya makuha ng iba. I don't want to force her na sumama sa akin at manatili sa tabi ko, ayaw kong maramdaman niya na kinukulong ko siya that's why I'm trying to stop this feeling" And I can do anything para lang hindi siya masaktan.

"What you are saying now is different sa mga sinasabi mo dati kay Roxanne. Takot kang masaktan mo si Syden physically and emotionally, pero noon hindi ka natakot na saktan si Roxanne. You're totally inlove" sabay ngiti nito ng masama sa akin. 

I just realized, matagal ko na siyang gusto. First, I was trying to stop this feeling because I don't want to lose her. They will take her away from me.. Because she's my weakness.

Second, kapag umamin ako sa kanya, aasa ako that she feels the same and I'm afraid na ikulong siya sa mga palad ko.

Tinapatan ko si Nash at alam kong hindi niya expect na gagawin ko 'yon, "Why do you think I let her stay in the Black house at hinayaan ko siyang sumali sa grupo?" 

"Because it's a promise that you agreed with Sean Raven" sagot niya. All this time, they believe na ginawa ko 'yon dahil lang sa pangako, but they were all wrong. 

"No, you were wrong all this time" alam kong nagtaka siya but I think, it's time to let him know, "Because I want to keep her and no one can take her away from me unless I die" here I am again, being so selfish but what can I do? Pagkatapos noon, I left him pero alam kong sumunod din siya sa akin. 

I just did not even realize, na hindi pa man siya napupunta sa akin...inaangkin ko na siya.

End of Flashback!

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

✿ Syden's POV ✿

Mula sa himbing ng pagkakatulog, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagising. Sinubukan kong pumikit ulit pero hindi na talaga ako makatulog kaya kinuha ko na lang ang relo ko para tignan kung ano ng oras. 2:34 am pa lang. And what the hell will I do sa ganitong oras para antukin? Of course, walking around in the campus at this hour is not safe anymore. As if namang papayagan ako ng mga lalaking 'yon.

"Makapagpahangin na nga lang" bulong ko sa sarili ko bago tumayo. Bago ako lumabas ng kwarto, itinali ko muna ang buhok ko para walang sagabal.

Tahimik kong isinara ang pintuan ng kwarto para naman hindi ako makaabala. Tuluyan na sana akong lalabas ng may natanaw akong may tao sa kusina, kaya sumilip ako doon. What is he doing? Problemado ba 'tong lalaking 'to at umiinom ng ganitong oras, mag-isa.

Suddenly, nakita niya ako at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit, pero ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin. Pero para saan pa ba? I know I'm deeply inlove. Pero bakit sa lahat ng tao dito, sa kanya pa? Sa taong hindi pwede. I'm trying to stop this feeling. Kasi natatakot ako, at maraming rason kung bakit. Pinili ko na lang na umiwas kaya tuluyan na akong lumabas at naghanap ng mauupuan. Tinignan ko na lang ng maigi ang mga bituin habang humahangin ng malakas. If I could just tell him, pero hanggang 'sana' na lang lahat ng 'yon.

Kung wala kaya kami ni Raven sa eskwelang 'to, ano kayang ginagawa namin ngayon?

Kay Jarred kaya, ano ng nangyari sa kanya? Kamusta na kaya siya?

Kay mama at papa, ok lang ba sila?

Sa ngayon, maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta alam ko lang, naguguluhan ako.

"Sana, panaginip na lang ang lahat" sandali akong napapikit para alalahanin ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko habang wala pa ring tigil ang paghangin ng malakas.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" nabigla na lang ako sa nagsalita at napatingin kay Dave na umupo sa tabi ko habang nagyoyosi.

"Nagpapahangin lang. Hindi na kasi ako makatulog" sambit ko dito.

"Is there something wrong?" tinapon niya ang sigarilyong hawak niya at inapakan ito.

"No. I'm fine"

"If something is bothering you, don't hesitate to tell us. Remember, we're your friends and you don't have to be alone all the time. Parang hindi ka naman talaga okay? Come on, I'll listen" pahayag nito kaya napatingin ako sa kanya at nginitian ko siya bago ulit tumingin sa kalangitan.

"Thanks. Have you ever been inlove?" tanong ko dito.

Napatingin na lang ako sa kanya dahil hindi ito agad nakapagsalita, "Yes. Of course. But we chose not to"

"Bakit?" napansin ko rin naman na parang wala silang pinagkakaabalahan kundi ang grupo lang.

"We're the most powerful group. We have many and unseen enemies. Once na itinuloy namin ang pagmamahal namin sa isang tao, that person we love might die. We're afraid to lose our love ones, at para hindi sila mapahamak, we chose not to love and to stop loving them. All students believe that we are not afraid of everything, pero marami kaming kinakatakutan. We just choose not to show it because we don't want anyone to see our weaknesses" pahayag nito habang nakatingin din sa mga bituin, "Gaano kahirap pigilan ang sariling pagmamahal?" tanong ko at tinignan ko siya kaya ganon rin naman ang ginawa niya.

"So much. And I know that you feel the same" sagot niya kaya nagtaka ako,

"What?"

"You like him, don't you?" dahil sa sinabi nito, natigilan ako at nanatili lang na nakatingin kay Dave.

"Sinusubukan mong pigilan" dagdag pa nito. Right, pinipigilan ko. I know I shouldn't ask this, pero gusto kong malaman. Kahit masakit. Binuksan niya ang topic na 'to, so it's better to talk about it.

"Do you think he still loves her?" I asked.

Muli itong napatingin sa malayo at handa akong marinig ang kahit na anong sagot habang nakatingin sa kanya "He really, really loves her, but the situation now is different so I think you should ask him" sabay tingin niya sa akin.

"I am just a normal girl. Without strengh, courage or power to show him" sino ba ako para mahalin siya? At sino ba siya para mahalin ang isang katulad ko?

"You're strong. Believe me" sambit ni Dave kaya napangiti ako.

"Why did you say so?"

"You are just afraid to show your strength" lalo pa akong napangiti dahil don, "Oo na, ang dami mong alam" napangiti na rin siya dahil sa sinabi ko. But I think, I need more time, alone.

"Maybe you're right. I still need to think about it so, I better get some rest" tumayo na ako at pumasok sa loob, naisip kong kahit hindi pa ako inaantok, magiistay na lang ako sa kwarto ko, siguradong aantukin din naman ako.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon habang papunta ako sa kwarto ko, he's still there. Drinking alone. Gusto ko siyang lapitan pero naisip ko na huwag na lang. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at umupo sa may kama para mag-isip ng kung anu-anong bagay. Pero sa totoo lang, nakakainip talaga. Bakit kasi biglaan na lang akong nagising ng ganitong oras? Nalipasan tuloy ako ng antok at tulala ngayon, nakatingin sa kawalan.

Saktong hihiga na sana ako pero biglang may kumatok kaya napatingin ako sa pintuan. Kung kailan magbabalak na matulog, tsaka naman may mang-iistorbo? Malas naman ng araw na 'to.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan sabay sabing, "Ano bang kailanga mo- " natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko kung sinong nasa harapan ko. Anong ginagawa niya dito?!

"What are you doing here?" tanong ko dito na biglaang pumasok sa kwarto ko. Ipinatong niya rin sa 'small table ko beside my bed' yung dala niyang bote ng alak at umupo sa kama ko. Huh?! Ilang case ba ng alak ang nainom nito, mukha yatang tuluyan na siyang nalasing?

"I couldn't sleep. So I went here. Bakit bawal ba?" saad nito. Base sa pagsagot niya, mukhang hindi naman siya lasing.

"Mukha bang tambayan ang kwarto ko?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang door knob ng pintuan.

"This is mine, I just let you borrow it" so should I thank him? Kahit kailan naman hindi naging magandang kausap ang nilalang na 'to eh!

"Ewan ko sayo!" sinara ko na lang ang pinto at iritang humiga. Bahala siya sa buhay niya! Baka sabihin niyang makapal pa ang mukha ko para palayasin ko siya sa 'pagmamay-ari niya'.

Pinalupot ko na lang ang sarili ko sa kumot para hindi ko siya makita pero hindi ko rin nagawa 'yon ng bigla niya akong hilain para mapatayo ako sa kama at ngayon, nakatayo kaming pareho at nakaharap sa isa't-isa, "So tutulugan mo ako?" tanong nito. What? Ano bang gusto niyang gawin ko?

"Ano bang gusto mong gawin ko? Bantayan kita?" saad ko dito. Dahan-dahan na lang siyang humakbang papalapit sa akin kaya napaatras ako at inilapit niya ang mukha niya sa akin, "Kapag ba sinabi kong oo, gagawin mo?" sambit nito. Nababaliw na ba siya?! Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik na ako sa pwesto ko kanina pero nakakainis na talaga kasi hinila niya ulit ako. Ano bang problema ng taong 'to?

"Hindi ka pwedeng matulog hangga't nandito ako" saad niya.

"Ano ba kasing kailangan mo at nandito ka? You have your own room Dean Carson- "

"But this is also my room Bliss Syden" harang nito sa akin kaya natahimik nanaman ako. Lagi naman dba?

"So what do you want now?" pagtataray ko dito. Umupo siya sa kama ko, sumandal at kinuha yung bote ng alak para uminom. Bakit ba kasi nandito siya? Tignan mo nga naman, feeling hari talaga. Tsk. Ayoko pa naman sa amoy ng alak, nahihilo ako. Kaya habang umiinom siya, hinablot ko yung bote. Bahala na kung matapunan siya or what!

Ganon ang plano ko pero hindi rin nangyari 'yon dahil pagkahawak ko sa bote, bago ko pa man hilain, ako na ang nahila niya kaya nagkalapit nanaman ang mga mukha namin. What the hell is happening?! I'm in state of shock at nanatili lang akong nakatitig sa kanya, ganon rin naman siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko and I can't help it. Looks like every minute, pwedeng tumigil ang tibok ng puso ko sa sobrang bilis nito. This feeling is becoming deeper just by looking at his eyes. Walang umiwas. At pareho kaming nakatingin sa isa't-isa.

Ilang segundo ang lumipas pero ganon pa rin ang posisyon namin habang nakatingin sa isa't-isa. Noong mga oras na 'yon, tila tumigil ang paligid, tumigil ang oras at tumigil ang lahat, "I've figured it out. Why I feel this way" nagtaka ako sa sinabi nito ngunit hindi pa rin ako nakaalis sa pwesto ko, "W-what?" tanong ko. Hindi na siya nagsalita pa at nanatili lang na nakatitig sa akin, hindi na ako komportable sa mga titig niya kaya sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinilit kong gawin 'yon habang nakatingin sa kanya. Pero sa tuwing susubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin, mas lalo niya itong hinihigpitan at mas lalong lumalapit ang mukha namin sa isa't-isa hanggang sa tuluyan na akong hindi nakagalaw dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa dahil sa mga titig niya.

Pero habang nasa ganon kaming posisyon, hindi ko maiwasang masaktan. Masaktan dahil hindi ko masabi ang totoong nararamdaman ko. Ang masaktan dahil matagal ko ng nararamdaman pero pilit kong pinipigilan dahil ayaw kong masaktan. Pero bakit mas nasasaktan ako dahil sa ginagawa ko? Gusto ko siyang kausapin ng maayos pero hindi ko magawa. Gusto kong sabihin sa kanya, pero hindi ko magawa. Marami akong gustong gawin, pero walang akong magawa. Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa? Sa maling tao pa?

Naisip kong hindi maganda ang desisyong 'to, pero ito na lang ang natitirang pag-asa ko. I must be ready to hear it. I just want the truth. Kahit masakit, tatanggapin ko.

Kahit mahirap, pipilitin ko. Pipilitin kong magsalita...kahit masakit sa pakiramdam, "D-do you...still...love her?" tanong ko at hindi pa rin nabago non ang pagkakatitig niya sa akin na parang hindi siya naapektuhan sa tanong ko. I must be strong, to hear the truth.

"Yes" mahinang sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin, "She will always be. No one knows how much I love her. If I could just tell her how much I really, really love her...gagawin ko"

It hurts. Really hurts. But I need to be strong, to act normally. Nakita ko ang bawat pagkislap ng mata niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon, how I wish na sana ako na lang ang babaeng 'yon. I wanted to cry, pero yumuko na lang ako at pinigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Naramdaman ko na lang na unti-unti itong bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin, tumayo siya ng ilang segundo pero hindi ko siya tinignan. Tahimik itong naglakad palabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung anong reaksyon o itsura niya habang naglalakad palabas ng kwarto dahil  hindi ko binalak na tignan siya. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. At sa paglakataong 'yon, tuluyan ng tumulo ang mga luha na pilit kong pinipigilan. Kahit na walang nakakakita, pinunasan ko na lang agad ang mukha ko.

Mas magandang magpahinga na ako, baka sakaling paggising ko, mabawasan at mawala na ang sakit. Pero alam kong hindi mangyayari 'yon.

Bago ako humiga, napansin kong may isang maliit na papel sa kama ko kaya kinuha ko ito, "Saturday night, 8 pm at the rooftop of Building 003" nagtaka na lang ako dahil sa nakasulat mula sa papel at tinignan ko ang kabilang side ng papel na 'yon,

"I need to tell you something. Promise me you'll come"

To be continued...