"MY EYES F*CK!!" napatingin na lang kami kina Stephen at Caleb na nakaupo pa rin at tinatakpan ang mga mata nila gamit ang kamay nila, "What happened?" nagtatakang tanong ni Dave sa kanilang dalawa na pilit tinitignan ang mata nila pero ayaw nilang ipakita.
"Nabulag ba sila?" tanong ni Dave sa akin.
"No, temporary lang 'yan dahil namatay kayong nakabukas ang mata at ilang minuto kayong hindi kumurap kaya't normal lang na mahapdi talaga ang maramdaman niyo" sabi ko kaya tinanggal ni Caleb ang pagkakatakip niya sa mata niya. Nakita kong namumula ang mga mata at mahapdi habang nakatingin sa akin, "Namatay ako na nakabukas ang mata?" hindi makapaniwalang tanong nito kaya mas napangiti pa ako at tumango.
"Bro, hindi mo man lang sinara ang mata ko kung namatay pala akong nakabukas ang mata? Respeto naman sa namatay kong katawan" saad nito kaya natawa na lang ako, "I'm really...really sorry, Black Vipers" sambit ko sa kanilang lahat.
"Tell me, bakit mo ba ginawa at pinlano 'yon?" tanong ni Dean sa akin at nakita kong tinulungan ni Sean at Dave sina Stephen at Caleb na tumayo, "Fine, I'll tell you the reason. The day na dinala tayong lahat sa kwarto kung saan kayo ikinulong ni Syden, kami ni Nash ang pinakahuling kinuha nila, nagawa naming labanan ang dalawang Venom dahil nagawang luwangan ni Nash ang tali sa kamay ko. Nagpanggap kaming Venom para matulungan namin kayong makatakas. Habang nasa hallway kami, pinag-usapan na namin ang magiging plano. Kapag nakalabas na kayong lahat at nakatakas, sasadyain naming magpahuli sa kanila. Para hindi nila kami patayin, nangako kami kay Claude na isusuko namin kayong lahat at naniwala naman siya. Kaya pinakuha ko kayo sa Young Rebels at ininject na namin sa inyo ang gamot. Noong una, ayaw pumayag ng Young Rebels dahil tapat pa rin sila sa'yo, pero sinabi ko sa kanila ang plano namin kaya napapayag ko sila. Sinabi ko kay Claude na ininject ko kayo para hindi niyo sila malabanan pero ang totoo, gamot ang binigay namin ni Nash para hindi kayo mamatay sa poison na itutusok niya sa inyo. Gusto naming maniwala siya na patay na kayo, para makampante siya...at susugurin natin siya ng hindi nila nalalaman dahil ang nasa isip nila, patay na kayo" pahayag ko sa kanila kaya nagkatinginan sila at napangiti ng masama.
"Great idea! But where is he now?" tanong ni Dean.
"He's with Syden" sagot ni Nash kaya nabigla si Dean at tinignan si Nash, "What?!"
"We also surrendered Syden to him" sagot ko at alam kong nagalit siya, "What did you just say?! Alam kong may plano ka, pero ayaw na ayaw kong dinadamay mo siya sa mga plano mo!" galit na sabi nito, "We used her as Claude's distraction. Kung walang magdidistract kay Claude, siguradong iginuguyod na niya ang mga katawan niyo ngayon sa buong campus para ipakitang pinatay niya kayo. Ginamit namin si Syden para sa kanya lang ang atensyon ni Claude ngayon lalo na't alam niyang patay na kayo" paliwanag ko kay Dean.
"Fine! Where are they now?!" tanong nito kay Nash.
"Nasa classroom malapit sa exit ng building"
"Did he hurt or torture her?" nag-aalalang tanong ni Dean. Matagal silang nagkatinginan ni Nash bago nagsalita si Nash, "She has been drugged" bigla na lang hinawakan ni Dean ng mahigpit ang damit ni Nash habang galit na galit siya, "Why didn't you save her?!" tanong nito.
Itinulak ni Nash si Dean kaya napalayo ito sa kanya at seryoso silang nagtinginan, "It is you who should save her dahil ikaw lang naman ang hinihintay niya. Follow me" saad nito at naglakad papalabas ng kwarto.
"Vipers, this will be the last. Can I still join you in this fight?" tanong ko sa kanila. Parang lahat sila ay nagdadalawang-isip. Napansin ko na lang na bahagya silang ngumiti hanggang sa magsalita si Dean, "Let's finish this together" saad nito kaya napangiti ako. Sumunod kami kay Nash pero hindi pa man ito nakakalabas ay nakita naming nagmadali si Dean na habulin siya. Hinila niya ito papaharap sa kanya at sinuntok niya ng malakas si Nash kaya nabigla kami. Nagulat din si Nash dito kaya napatingin siya kay Dean, "What was that for?!"
"Thank you but sorry, Nash. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang naginject sa akin, gusto ko lang bumawi" saad nito kaya natawa na lang kami. Hinawakan ko na lang si Nash para makalabas na kami sa classroom na 'yon habang nakahawak pa rin siya sa pisngi niya, "Pagpasensyahan mo na siya" saad ko kay Nash. Nakita ko rin na nakasunod silang lahat sa amin habang masamang nakangiti si Dean na tinitignan si Nash.
.............................
✿ Dean Carson's POV ✿
Naglalakad kami ngayon at nakasunod lang kami kay Nash. Alam ko naman na nabigla siya sa ginawa ko pero pinlano ko na talagang gantihan siya ng suntok kahit na ayaw ko. Ang akala ko, mamamatay na talaga kami pero bigla na lang kaming nagising at kahit anong galit pa ang nararamdaman namin kina Nash at Zorren, unti-unti na rin namin silang napapatawad dahil sa mga plano nila na hindi nila sinabi sa amin, "Alam niyo bang kinabahan pa kami ni Nash habang pinapatay kayo ni Claude?" pagsasalita ni Zorren kaya habang mabilis kaming naglalakad ay napatingin kami sa kanya, "Bakit naman?" tanong ko.
"Dahil baka sa sobrang galit niyo sa amin, bigla niyong sabihin kay Claude na buhay pa ako" saad nito habang nakatingin lang sa harapan niya at napaisip na lang ako, "Good to know na hindi ko rin naalalang hilain ka pababa kagaya ng ginawa mo sa amin. Siguro nakatadhana lang talaga na mangyari lahat ng plano mo. Isa pa, masyado na kaming nagfocus kung ano ang kahihinatnan namin kaya nawala na rin siguro sa isip namin ang tungkol sa ginawa niyo sa amin" pahayag ko sa kanya.
"I'm really sorry about it, Dean" saad nito na bahagyang ngumiti at nakita kong himihingi talaga siya ng dispensa.
"Bakit hindi niyo na lang sinabi sa amin ang plano niyo? Tutulong namin kami" tanong ko sa kanya kaya tinignan na niya ako.
"Mas maganda pa ring magmukhang totoo ang lahat ng mangyayari para mapaniwala natin si Claude, to be realistic" sagot naman niya kaya hindi na lang ako nagsalita. Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin sila kagaya ng inaasahan namin. Nabigla ang mga members ni Claude na makitang buhay kami kaya masama namin silang nginitian. Napaatras sila habang hindi makapaniwalang nakatingin sa amin pero hindi na namin pinalagpas ang pagkakataong 'to dahil ngayon at dito na namin tatapusin ang lahat.
Nilusob namin sila at napansing tumatakas ang iba para magtawag ng kasama pero hindi na namin hinayaang mangyari 'yon. Dahil wala na ang mga kutsilyo sa bulsa namin ay kinuha na lang namin ang kutsilyong nakalagay sa bulsa nila. Pero hindi pa rin talaga mapipigilang maglabas sila ng injection kaya't imbes na itusok nila sa amin 'yon ay inuunahan na namin sila at sa kanila namin itinutusok 'yon hanggang sa bumagsak sila sa sahig.
Marami pang nagbalak na tumakas pero hinahagis namin sa kanila ang kutsilyo kaya't namamatay rin sila. Sa kabilang banda ay may limang Venom na tumatakbo papalayo, hahabulin sana namin sila pero pinigilan kami ni Zorren kaya napaatras kami. Nakita na lang namin na inilabas niya ang blade na nasa bulsa niya at hinawakan niya 'yon ng maayos. Inihagis niya 'yon papunta sa kanilang lima kaya't mabilis 'yong umikot papunta sa direksyon nila at natamaan silang lahat. Isa-isa silang tumumba sa sahig at tuluyang nalalagutan ng hininga dahil sa lalim ng sugat na natamo nila.
Bahagyang yumuko si Zorren at inayos ang kamay niya hanggang sa makita naming mabilis na umiikot pabalik sa amin ang blade na inihagis niya. Nakita na lang namin na hawak na niya ang blade na 'yon at tumayo siya ng maayos at inilagay 'yon sa bulsa niya.
Tinignan niya kami kaya't nag-umpisa ng maglakad si Nash, "Malapit na tayo" mahinang sabi nito kaya muli kaming sumunod sa kanya habang tinitignan ang paligid. Napansin namin na wala ng gaanong Venom ang pakalat-kalat sa hallway, "Just like what I've told you, masyado ng kampante si Claude dahil alam niyang wala na ang mga pinakamatindi niyang kalaban kaya wala na ring Venom na nagbabantay kung saan-saan, pero may mga iilan pa rin talaga tayong makakasalubong" sambit ni Zorren at muling inihagis ang blade niya sa harap ng may makita kaming tatlong Venom. Agad rin naman silang tumumba at agad din kaming napayuko dahil mabilis na pumunta sa direksyon namin ang blade ni Zorren na bumalik sa kanya kaya tinignan namin siya na nginitian lang kami.
Muli kaming naglakad hanggang sa matanaw namin ang exit ng building. Bago kami makarating sa tapat ng isang classroom sa pinakadulo, ay tumigil si Nash at tinignan kami, "Nandito silang dalawa. Once we open this door, tatapusin na natin ang labang 'to at kami ang papatay kay Claude sa mismong mga kamay namin" sambit niya. Nagkatinginan kaming lahat at sa lahat ng laban na naranasan namin, ito ang sisiguraduhin naming pinakaseryoso at pinakamadugo sa lahat. Ako ang pumunta sa pinakaharapan nilang lahat at nilapitan ko ang pintuan ng classroom na nasa pinakadulo. Pagkalapit ko pa lang doon ay sobrang galit na ang nararamdaman ko, masama kong tinignan ang pintuan na 'yon at sinipa ng malakas. Napansin kong tahimik ang classroom na 'yon at walang Venom na nagbabantay.
Napatingin na lang ako sa pinakasulok at galit na pinuntahan si Claude. Nakita ko kung anong klasing pambabastos ang ginagawa niya sa girlfriend ko kaya mas nakaramdam ako ng galit. Tama nga ang sinabi ni Nash na dinrug ni Claude si Syden kaya hindi ito makagalaw at umiiyak lang siya.
Pagkalapit ko sa kanilang dalawa, bigla kong hinila si Claude papalayo kay Syden at sinuntok ko siya ng malakas. Pinalibutan na rin siya ng buong grupo habang si Sean naman ay nilapitan si Syden na napaupo na lang habang umiiyak pa rin at alam kong hindi niya pa kami makilala. Napaupo si Claude sa sahig at hinawakan ang bibig niyang dumudugo. Galit niya kaming tinignan ngunit ng magtama ang mga mata namin, alam kong nabigla siya kaya't natulala siya habang nagkakatinginan kami, "I. WON'T. LET. YOU. TOUCH. HER. AGAIN" saad ko dito at masama ko siyang tinignan. Tila hindi siya makapaniwala habang isa-isa kaming tinitignan, "B-black....Vipers? B-but how?!" mahinang tanong nito.
"Masaya ka bang makitang nakatayo ulit kami sa harapan mo?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ng masama.
"THIS....THIS IS NOT TRUE!! I ALREADY KILLED YOU!!" sigaw nito kaya't mas lalo pa kaming napangiti.
"You're right, you killed us once but not anymore" saad ko dito at lumuhod ako para tapatan siya, "This time, ikaw ang tatapusin namin at sisiguraduhin kong mamamatay ka for touching...my own...property" unti-unti na lang nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung paano umiyak si Syden kanina sa mga kamay niya at hindi ko palalampasin 'yon. Alam kong mas kailangan ako ni Syden ngayon pero kailangan ko munang tapusin ang isang 'to.
"How did this happen?! I made sure na mamamatay kayo!" sigaw ni Claude kaya't tumayo ako at tinalikuran siya. Napansin kong nilapitan naman siya nina Nash at Zorren, "Well, you're wrong" saad ni Nash sa kanya kaya nagtaka siya, "What's the meaning of this? We had a deal remember?!" tanong naman niya kay Nash.
"Sa tingin mo ba basta-basta ko na lang ipagkakanulo ang grupong kinalakihan ko? Mag-isip ka nga Claude. Ang akala ko ba matalino ka?" sarcastic na sabi nito.
"You're a traitor!" sigaw nito kay Nash at halatang galit na galit siya.
"We were not. It was just part of our plan para pabagsakin ka" pagsasalita naman ni Zorren kaya tinignan siya ni Claude, "What are you saying?!"
Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti ng masama si Nash, "I think, it's time to introduce who you really are" saad nito kay Zorren. Dahan-dahang tinanggal ni Zorren ang hood na suot niya at diretsong tinignan si Claude, "Nice to see you again, Jackson Claude" saad nito habang nakangiti kaming lahat ng masama na mas ikinagulat niya pa.
"Z-z....zorren?! B-but how?! Patay ka na!" saad niya na natulala dahil sa pagkabigla ng makilala niya si Zorren.
"Let's just say, nabuhay ulit ako para balikan ka" sagot ni Zorren sa kanya, "Ang akala mo ba napatay mo ako? Or should I say....kaming dalawa ni Nashielle? But sorry, dahil hindi nangyari lahat ng 'yon ng ayon sa kagustuhan mo" hindi na nakapagpigil pa ito ng hilain niya patayo si Claude at mahigpit na hinawakan ang damit nito gamit ang dalawa niyang kamay, "Tandang-tanda ko pa lahat ng nangyari, kung paano mo binastos at pinagsamantalahan ang girlfriend ko...sa mismong harapan ko!" hindi pa rin makapaniwala si Claude habang nakatingin kay Zorren pero nginitian niya ito ng masama, "Well it's your fault dahil wala kang ginawa" saad nito kaya malakas siyang sinuntok ni Zorren, "Wala akong nagawa just because I was paralyzed...and you did that to me!!" galit niyang sabi kay Claude at kitang-kita namin na gustung-gusto na niyang patayin ito.
"Pinatay na kita! At hindi ko alam kung sino ang walang hiyang bumuhay sa'yo! But that won't change the fact na mas titingalain pa rin ako ng lahat at muli kitang papatayin...kaya hindi mo na masasabi pa sa lahat kung ano talaga ang nangyari, Zorren!" sambit naman ni Claude at tinignan niya kaming lahat, "I killed you all once, and I can do it as much as I want. Sabihin niyo nga sa akin kung paano kayo nabuhay?!"
"Simple, Claude. After you killed Nashielle infront of me, her brother Nash saved me. Pinlano namin ang lahat para lang mapatay ka namin! And the Vipers, pinlano din naming isurrender sila sa'yo para isipin mong patay na sila when in fact, I already gave them the cure" napatingin si Claude kay Nash ng sabihin ni Zorren 'yon, "I see. Kapatid ka nga pala ni Nashielle kaya gusto mo ring pabagsakin ako" saad niya kay nagsalita si Nash, "Kitang-kita ko kung anong ginawa mo sa kapatid ko, at sisiguraduhin kong mamamatay ka ngayon!"
"Talagang nagsama-sama pa kayong lahat para lang talunin ako? Ganon ba kayo kahina para hindi niyo ako malabanan ng mag-isa lang kayo? I can kill all of you, right now!" saad nito na naglabas rin ng kutsilyo. Tumingin siya sa may pintuan at nakita naming lumapad pa ang ngiti niya ng dumating ang mga members niya na medyo marami. Pumasok silang lahat kaya't napaatras kami dahil sila naman ang nakapalibot sa amin. Hinila ni Sean si Syden pero wala pa rin siya sa sarili niya kaya dinala niya ito sa likuran naming lahat. Pumunta si Claude sa harapan ng mga members niya at napansin namin na nabigla rin ang Venom na makitang buhay kami, "B-boss, h-how did this happen?! Hindi ba pinatay na natin ang mga 'yan?!" tanong ng isa sa kanila kay Claude kaya't tumingin lang si Claude sa gilid niya, "Hindi ko rin alam kung paano nangyari lahat ng 'to, we're gonna kill them again and again hanggang sa tuluyan na silang mawala sa mundong 'to"
Tinignan niya kami isa-isa habang nakangiti pa rin ng masama pero seryoso lang lahat kami dahil sigurado kaming may maghahagis ng injection papunta amin. Nagtaka kami ng biglang tumahimik ang paligid na parang may hinihintay ang Venom.
"YUKO!" sigaw ni Zorren kaya kahit nabigla kami ay yumuko kami ng makita naming inihagis niya ang blade niya papunta sa direksyon ng mga injection na papunta sa amin. Nagawa niyang tamaan lahat ng 'yon kaya't narinig namin ang pagkabasag ng mga ito bago bumalik sa kamay ni Zorren ang blade. Napatingin na lang si Claude sa mga injection na 'yon at tinignan si Zorren habang nakangiti siya, "You never failed to satisfy me, Mr. President" saad nito.
"And this time, I will greatly satisfy you, Jackson Claude" sagot naman ni Zorren, "Then prove it to me, this time I will surely kill you and remove your head from your own body including Black Vipers" pahayag niya na tinignan naman kami.
"Tama na ang satsat Claude, tapusin na natin 'to!" saad naman ni Nash. Maayos kaming tumayo habang tinitignan silang lahat at maayos din naming hinawakan ang mga hawak naming kutsilyo kaya't ganon na rin ang ginawa ng Venom.
Bigla silang lumusob kaya't nilusob na rin namin sila. Hindi sila kagaya ng ibang Venom na nakalaban namin, tulad nga ng sinabi ni Zorren, hindi sila nakapaghanda dahil ang buong akala nila, patay na kami. Pero maling mga tao ang kinalaban nila. Dahil sa kagustuhan naming matapos na ang labang 'to, ang iba sa kanila ay sinasaksak namin sa tiyan at dibdib at minsa'y iniikot pa ang kutsilyo habang nakasaksak sa katawan nila. Pero para agad na silang mamatay, ulo na nila o kaya naman ang mata ang tinitira namin kaya hindi maiiwasang maglabas sila ng maraming dugo dahilan para marumihan rin kami.
Hindi rin naman maiiwasang may maglabas ng injection kaya 'yon ang iniingatan namin at imbes na sa amin itusok 'yon ay sa kanila namin itinutusok. Napatingin na lang ako kay Sean ng makita kong nasugat ito sa kanyang braso dahilan para dumugo ito dahil pinoprotektahan niya rin si Syden na hindi pa bumabalik sa dati kaya't nilapitan ko silang dalawa at nakitang may lumusob kay Syden kaya't bago pa man siya masaksak ay sinaksak ko na ang lalaking yon sa ulo niya kaya't napatingin ito sa akin. Habang nakasaksak ang kutsilyo ko sa ulo niya ay masama ko itong tinignan at mas isinasaksak ko pa ito sa kanya kaya agad rin itong nalagutan ng hininga.
Hinila ko si Syden mula kay Sean para makalaban siya ng maayos. Nakita kong isinuot na rin ni Sean ng maayos ang damit ni Syden kanina pero tinanggal ko pa rin ang suot kong jacket kahit medyo madumi na dahil punit-punit ang damit ni Syden. Tulala pa rin siya habang lumuluha at tila nahihilo siya kaya isinuot ko sa kanya ang jacket ko at bigla ko na lang siyang niyakap ng muling may lumusob sa amin. Pagkayakap ko sa kanya ay sinaksak ko ang lalaking lumusob sa amin kaya't tulad ng kanina ay unti-unti rin itong nalagutan ng hininga. Nakita ko rin na kinakalaban nila Nash at Zorren si Claude at alam naming nakikita na ni Claude na isa-isa ng bumabagsak ang mga members niya. Dahil sa sitwasyon ni Syden ngayon, hinawakan ko ang kamay niya para ilabas siya dito at dalhin siya sa maayos na lugar, pinapatay ko lahat ng humaharang sa daanan namin pero bago pa man kami makalabas ay may dalawang lumusob sa amin.
Inihagis ko sa isa ang hawak kong kutsilyo habang ang isa naman ay malapit na sa amin kaya wala na akong choice kundi ang yakapin siya ng mahigpit at iharap ang likuran ko sa lalaking nilulusob kami. Naramdaman ko na lang na mahapdi ang likod ko dahil nadaplusan ito ng kutsilyo at alam kong malalim ang sugat na natamo ko. Nakita kong sasaksakin na niya ako ng bigla ko na lang naramdaman na unti-unti itong bumagsak kaya't tinignan ko siya. Nakita kong may saksak ito sa ulo niya at napatingin na lang ako ng makita ko si Sean na nginitian ako at alam kong siya ang naghagis ng kutsilyo sa lalaking nasa likuran ko. Napatingin ako sa paligid at napansin namin na tahimik na. Lahat ng Venom ay nakahandusay at duguan sa sahig.
Napaluhod na lang silang lahat dahil sa pagod at may natamo rin naman silang sugat habang humihinga ng mabilis at malalim. Napatingin ako kay Syden na biglang lumayo sa akin at umupo sa pinakasulok na parang takot na takot siya kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Binalot niya ang sarili niya gamit ang jacket ko habang umiiyak pa rin. Nilapitan namin siya habang nag-aalala kaming lahat na nakatingin sa kanya. Lumuhod ako para tapatan siya. Napahawak ito sa ulo niya na parang sumasakit at nahihilo siya pero lumuluha pa rin ito. Hahawakan ko sana siya pero bigla niyang iniiwas ang braso niya kaya natigilan ako, "H-hey, it's me" saad ko sa kanya habang nakatingin siya sa akin.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya kaya napatingin siya doon, "Sweetie, it's me" mahina kong sabi. Matagal niya akong tinignan na parang unti-unti niya kaming nakikilala at isa-isa niya kaming tinignan, "Y-you're...alive?" tanong nito kaya nagkatinginan kaming lahat at bahagyang napangiti.
"Of course, we're alive" saad ko sa kanya na nabigla ng makita niya kami. Nagdadalawang-isip ito habang nakatingin sa kamay ko, "B-but how?!" tanong niya sa amin.
"It's a long story" saad ni Dave habang nakatayo siya.
"Come on" saad ko sa kanya kaya dahan-dahan niya ring hinawakan ang kamay ko at tinulungan ko siyang tumayo. Inalalayan ko na lang siya ng mapansing nahihilo siya, "What did he do to you? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" tanong ko at pinilit niya pa ring tignan ako ng maayos kahit na nahihirapan siyang buksan ang mata niya, "He drugged me. A-akala ko nga...hindi na kayo darating" saad nito na pinilit ngumiti. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagsalita, "I'm sorry, kung late akong dumating but don't worry, I'm here now"
"I-it's okay. Ang mahalaga, buhay kayo at dumating. Akala ko wala na kayong lahat, kaya nga nawalan ako ng lakas ng loob para labanan siya" mahinang sabi nito.
"But we are here now. Sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaan na may mangyari sa'yo. I love you okay?" saad ko at hinalikan ang noo niya kaya napapikit siya.
"Thank you" saad niya na napaluha kaya't pinunasan ko 'yon at pareho kaming ngumiti.
"Pero ano ba talagang nangyari?! I thought you really died?" tanong niya sa amin ngunit mahina pa rin ang boses niya dahil nahihirapan pa siya.
"Guys, maybe we'll talk about that later..." saad ni Oliver habang tinitignan ang paligid, "They are missing" saad nito kaya nagtaka kami.
"Sino?"
Tinignan kami ni Oliver at nagkatinginan kaming lahat. Napatakbo na lang kami ng mapansin naming wala sina Claude, Zorren at Nash. Lumabas kami sa classroom na 'yon para hanapin sila. Nakita namin sila sa malayo na naglalaban-laban. Duguan silang tatlo at kitang-kita namin na sobrang galit sina Zorren at Nash habang kinakalaban si Claude.
Nagmadali kaming habulin sila para matulungan hanggang sa makita naming bigla na lang natusukan ni Claude ng injection sina Zorren at Nash habang nakasandal ang mga ito sa pader. Hindi rin namin alam kung paano nangyari 'yon dahil sobrang bilis ng pangyayari. Mas binilisan pa namin ang pagtakbo papalapit sa kanila. Dalawang injection ang hawak ni Claude at nakatusok sa leeg nina Zorren at Nash. Napansin namin na nagkatinginan silang dalawa at sabay rin silang naglabas ng injection mula sa bulsa nila. Dahil tuwang-tuwa si Claude sa nangyari ay hindi na niya napansin ang ginawa nilang dalawa kaya't bigla rin nilang itinusok ang injection sa dibdib nito at sabay nilang ginawa 'yon. Nabigla si Claude sa nangyari at pareho nilang hinawakan ang braso niya at siya naman ang itinulak nila ng dahan-dahan sa pader habang hawak pa rin ang injection na nakatusok kay Claude, "Para 'to sa lahat ng inosenteng pinatay mo! Higit sa lahat, para sa taong pinakamamahal ko na walang awa mong pinagsamantalahan at pinatay!" galit na sabi ni Zorren kay Claude.
"THIS IS FOR MY SISTER!" saad naman ni Nash kaya tinignan siya ni Claude. Sabay nilang mas itinusok pa ang injection sa dibdib niya kaya't naglabas ng maraming dugo si Claude sa bibig niya at nanginig, "Say something now, did I greatly satisfy you today?" tanong ni Zorren, "I have no regrets...even small things...because I did what I wanted to do...a-and I enjoyed it...a-a lot..every single thing" sagot ni Claude bago siya unti-unting nagbuga ng marami dugo dahilan para madumihan ang mukha nina Nash at Zorren hanggang sa unti-unti itong bumagsak sa sahig.
Pareho nilang tinanggal ang injection na nakatusok sa kanilang dalawa. Napaupo sila at napasandal sa pader na parang pagod na pagod kaya't nalapitan na namin sila at napaluhod na rin kami, "Are you guys okay?" tanong ni Dustin sa kanila kaya tinignan nila siya at napangiti sila.
"They just need to rest. Sigurado namang hindi rin sila tatablan ng injection na 'yon- " natigilan na lang sa pagsasalita si Dave ng humarang si Julez, "They didn't use any cure just before this fight happened" natigilan kaming lahat at napatingin kay Julez habang tinitignan niya ang kapatid niya.
"W-what did you just say?!" tanong ko pero hindi nagsalita si Julez, "He's right" saad ni Zorren habang nakatingin kay Julez at tinignan kami, "That cure was especially made only for Black Vipers. Sa inyo lang namin ginamit ni Nash 'yon at wala kaming ginamit ni isa" pahayag niya kaya nagulat kami.
"DUDE?! W-WHAT.....WHY?! BAKIT NAMAN HINDI NIYO GINAMIT?!" tanong ni Dustin.
Ngumiti si Nash at tinignan kami. Pansin rin namin na nanghihina na silang dalawa, "Making that cure is extremely dangerous. Bago pa man namin gawin 'yon, alam naming ikakamatay namin dahil sadyang nakakamatay ang mga ingredients na ginagamit para maging successful ang gamot. Habang ginagawa namin ni Zorren 'yon, unti-unti na ring kumakalat sa katawan namin ang mga poison na ginagamit namin para sa gamot na 'yon. Alam naming hindi rin magtatagal ay mamamatay kami but our only goal is to kill Claude just before our life ends" pahayag niya. Napaupo na lang ang mga members ko at napahawak sa ulo nila. Hindi man namin sila nakasama ng matagal pero nakakalungkot isipin na kahit alam nilang mamamatay sila, ginawa pa rin nila. Ang kapalit ng pagkabuhay namin ay ang kamatayan nila.
"How will I explain everything now bro? Sabay tayong pumasok sa eskwelang 'to at ngayon lalabas ako ng mag-isa? I hate you" saad ni Julez kay Zorren na malungkot rin naman. Hinawakan ni Zorren ang buhok nito at ginulo bago siya ngumiti, "It's okay. I'm sorry dahil idinamay kita sa lahat ng plano ko. Masyadong pa kayong bata para maranasan ang ganitong buhay. You're just 15,16,17 or maybe 18...but I am already 20 years old. Soon, makakalabas na kayo sa impyernong 'to" pahayag niya bago ibinaba ang kamay niya kaya tinignan namin siya.
"What do you mean?" tanong ni Caleb.
"I can't tell you, but I promise. Soon, you can finally escape this place" saad niya. Lumapit si Syden kay Nash at alam kong napaluha siya, "Dba papatayin pa kita?" saad niya dito kaya napangiti si Nash hanggang sa may tumulong dugo sa bibig niya, "I'm sorry pero uunahan na kita" saad niya dito.
"Nagawan niyo ng paraan na buhayin ang Vipers, pero ang sarili niyo hindi niyo man lang tinulungan" malungkot na sabi nito. Pinunasan ni Nash ang luha niya habang nakangiti pa rin siya kay Syden, "Our only goal kaya nabuhay kami ng matagal ay para patayin lang si Claude. Now, everything will end here...and you, will have a normal life again. I can't go out here without my sister, that's why I'll follow her" pahayag niya.
"Wala rin naman akong iba pang dahilan para bumalik. I want to be with her" sambit ni Zorren na naglabas na rin ng dugo sa bibig niya, "Walang dahilan? Ano ng mangyayari sa business niyo?" tanong naman ni Dustin kaya natawa kami kahit na malungkot kami sa nangyari.
"My brother is still here. You can do that, you're smart" saad niya kay Julez. Tinanggal na lang ni Julez ang salamin niya at pinunasan ang mata niya ng mapaluha siya, "Talagang kaya mong isakripisyo ang buhay mo para lang makasama siya ulit" sagot ni Julez.
"That's how you must love someone. Kahit ano, kaya mong ibigay para lang hindi ka mapalayo sa kanya. Do the same to your future wife, cause I'm watching you bro" tumango na lang si Julez sa sinabi nito. Sabay silang naglabas pa ng mas maraming dugo mula sa bibig nila kaya't napapikit na lang kami dahil mabigat pa rin sa loob namin na makita silang ganon. Tinignan na lang ni Zorren si Syden na lumuluha, "You really look like her" kinuha niya ang blade na nasa bulsa niya at iniabot 'yon kay Syden kaya't dahan-dahan niya rin itong kinuha habang nagtataka, "Take it. Ibibigay ko dapat kay Nashielle 'yan...b-but I couldn't give it to her anymore. I'm giving it to you, keep it" saad niya kaya tumango si Syden. Dahan-dahan niyang hinawakan ang mukha ni Syden at pinunasan ang luha nito.
Next...