webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · 若者
レビュー数が足りません
80 Chs

♥ CHAPTER 107:3 ♥

Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ni Dave at sapilitan itong ipinatingala kaya nagkatinginan kami at nanghihina pa rin siya kagaya ng kanina. Natakot na lang ako ng makita ko si Claude na maayos na hinawakan ang injection kaya umiling ako at pumalag mula sa kinauupuan ko, "N-nooo! Don't do that!" sigaw ko kay Claude at muli akong napatingin kay Dave na pinilit na ngumiti, "I-it's okay...d-don't cry, our queen. H-hindi man namin nasabi sa'yo, but it hurts...s-so much, seeing you cry" nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata niya pero nanatili pa rin siyang nakangiti kaya't mas lalo pa akong umiling at mas naiyak pa ako, "Say goodbye to your friend" saad ni Claude at sumigaw na lang ako ng makitang kaagad niyang itinusok sa leeg ni Dave yung injection na hawak niya at binitawan niya ito kaya't naiwan 'yon na nakatusok sa leeg ni Dave.

"NOOOOO!!! TELL ME THAT'S NOT A POISON!!?? SABIHIN MO SA AKIN NA HINDI SIYA MAMAMATAY DIYAN!!!" sigaw ko kay Claude kaya't tinignan niya si Dave, "Watch...and learn" sagot nito kaya muli akong napatingin kay Dave. Mas napaiyak na lang ako ng makita kong magsuka ng dugo si Dave kaya't mas napaluhod siya at binitawan na nila siya. Mas lalo na lang akong napaiyak ng mas dumami pa ang dugo na lumabas mula sa bibig niya.

"D-dave?!" saad ko dito at nanlalabo ang paningin ko dahil na rin sa lubusang pag-iyak. Nakita kong pinilit niyang tignan ako at kagaya ng kanina, ngumiti pa rin siya, "I-it's okay. Huwag mo kaming iyakan" saad nito sa akin at tuluyan siyang hindi nakapagsalita ng muli itong maglabas ng maraming dugo sa bibig niya at napansin ko rin na halatang nasasaktan siya pero tinitiis at pinipigilan niya, "SOMEONE SAVE HIM! PLEASE, I'M BEGGING YOU!" sigaw ko sa paligid lalung-lalo na kay Claude dahil alam kong kapag hindi pa nila binigyan ng gamot si Dave ay mamamatay siya, "No one, will save him. This group will going to die infront of you!" matapang na sagot ni Claude sa akin, "What should I do para itigil mo na 'to?! Do you want me to come with you?! Fine, just take me! Palayain mo lang sila!" sigaw ko sa kanya. 

Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang-pisngi ko at pinisil ito habang galit na galit na nakatingin sa akin, "Kahit ano pang sabihin niyo, hindi na magbabago ang desisyon ko. Pagkatapos ko silang patayin, isasama kita sa akin at wala kang magagawa. Magdudusa ka sa mga kamay ko!" saad niya at muli akong binitawan. Napatingin na lang ako kay Dave ng magsuka pa ito ng mas maraming dugo dahilan para malagyan ng dugo ang paanan ko, "You're strong right?! Labanan mo Dave! Don't let that poison destroy you slowly! Ngayon niyo ipakita sa akin na talagang malakas kayo at walang makakatalo sa inyo!!!" sigaw ko sa kanya kaya muli niya akong tinignan kahit na alam kong nahihirapan siya, "I-i....really want to....b-but....." nakita kong nahihirapan na rin itong magsalita, "I-i'm s-sorry...i-it hurts.....and I can't" saad nito na lumuluha pa rin at umiling, "I can't....take it...anymore....just promise me....na aalis ka dito!" nakita kong bahagya itong ngumiti. Tila tumigil ang mundo ng makita kong unti-unti itong bumagsak sa sahig at pumikit ang mga mata niya. Mas lalo na lang akong naiyak  ng manginig ito habang naglalabas ng maraming dugo mula sa bibig niya, "NOOO! THIS IS NOT REAL!" sambit ko at natulalang nakatingin kay Dave. 

"One down, Black Vipers" saad ni Claude. Napatingin ako sa Vipers na tila ayaw ng buksan ang mga mata nila para tignan si Dave na punung-puno ng dugo at wala ng buhay. Muling pinisil ni Claude ang pisngi ko kaya diretso akong napatingin sa kanya at wala na lang akong magawa kundi ang umiyak, "Kahit ano pang sabihin mo...totoo lahat ng matutunghayan mo ngayon. At totoong mamamatay lahat sila sa harapan mo. Kaya tanggapin mo na lang na wala kang magagawa para sa kanila at wala silang magagawa para sa'yo!" muli niyang binitawan ang pisngi ko at nakitang nilapitan niya naman sina Caleb at Stephen, "I WON'T FORGIVE YOU WITH THIS!" galit na galit na sigaw ni Dean pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makawala dahil sa dami ng Venom na humahawak sa kanya at alam kong hindi niya rin maigalaw ng maayos ang katawan niya. Sapilitang ipinaluhod sina Stephen at Caleb sa harapan ko at pareho silang nakayuko habang nag-aalala akong nakatingin sa kanilang dalawa. Nanlaki na lang ang mata ko ng makitang may dalawa nanamang panibagong injection na hawak si Claude, "CLAUDE, I'M BEGGING YOU...TO STOP. P-PLEASE, J-JUST STOP THIS! PARANG AWA MO NA!" sambit ko. Pumunta siya sa gitna nina Stephen at Caleb habang diretsong nakatingin sa akin, "D-don't beg infront of him!" dinig kong sabi ni Stephen. Tumingala siya at matapang akong tinignan, "Huwag na huwag kang magmamakaawa sa kanya ng dahil lang sa amin!" sambit naman ni Caleb na tinignan rin ako. 

Napailing na lang ako at napapikit habang umiiyak pa rin ng sabay na itusok ni Claude yung dalawang injection sa balikat nilang dalawa, "I can't take this anymore...." sambit ko habang nakapikit at umiiyak. Muli kong binuksan ang mata ko at tinignan silang dalawa. May dugo ng tumulo mula sa bibig nilang dalawa hanggang sa dumadami na ang dugong lumalabas mula sa bibig nila. Nakatingin lang sila sa akin kaya't muli akong napailing at tinignan si Claude, "Just kill me" saad ko dito at napangiti na lang siya ng masama. 

"Sorry for not being able....to p-protect you" dinig kong sambit ni Caleb at may tumulong luha mula sa mata niya, "I-it's not your fault" saad ko sa kanilang dalawa, "You had to suffer like that...at hiyang-hiya kami sa'yo....d-dahil wala kaming magawa" dagdag pa niya bago siya nagsuka ng maraming dugo at ganon na rin ang nangyari kay Stephen. 

"A-ako dapat ang mahiya dba? Dahil wala akong magawa para iligtas kayo...kahit na isang beses man lang" sambit ko sa kanilang dalawa at nakita kong nagsalita si Stephen kahit na nahihirapan na rin siya, "Y-you don't have...to protect us....it's us...w-who should...protect you" saad nito at nakita kong nasasaktan siya pero tinitiis niya. Kagaya ng nangyari kay Dave, nagbuga na lang sila ng maraming dugo na parang unti-unti silang pinapatay nito kaya't muling nalagyan ng dugo nila ang binti ko, "J-just fight. I-i need you...to fight. Alam kong malakas kayo, j-just live! I want you to live!" sigaw ko sa kanilang dalawa, "I am also your leader right? This will be my first and last command, so  listen to me. Just live!!" nakita kong bahagya silang napangiti ngunit umiling rin sila, "S-sorry...even if...w-we want to...h-hindi ka namin mapagbibigyan...it's too late...to fight..for it. N-not everytime...kaya naming lumaban. We're just tired...and we can't take it...a-anymore" sambit ni Caleb, "S-sorry for not being able...to be with you....our queen" saad naman ni Stephen. Narinig ko na lang ang pagbagsak nilang dalawa sa sahig at nakita kong parehong nakabukas ang mga mata nilang nakatingin sa akin habang may luha. Napatingin ako sa iba pang mga natitira at mas nasaktan na lang ako ng makitang nakayuko lahat sila na parang hinihintay na lang na damputin sila. Bakit hindi sila gumawa ng paraan para makatas?! Hahayaan lang ba nila na patayin sila ng Venom?! Why do the Vipers are doing this to me?! I already lost many! And I can't lose one anymore! It's slowly killing me inside, na kahit nahihirapan na sila, wala silang ibang inisip kundi ako at ang protektahan ako!!! I HATE THEM!!!

Mas natakot na lang ako lalo at nanginig ng makitang mismong mga members na ni Claude ang nag-inject sa  kanilang tatlo, "Itigil mo na 'to! Hindi ko na kaya!" sigaw ko kay Claude na nakatingin lang sa mga members niya at parang hindi ako naririnig. 

Pagkainject nila kay Dustin ay sapilitan siyang ipinaluhod sa harapan ko, pagkatapos noon ay ininject rin si Julez na napasama lang sa amin pati na rin si Oliver at pinaluhod rin silang dalawa sa harapan ko kaya ngayon ay tatlo rin silang nanghihina na nasa harapan ko, "Don't cry like that infront of me" sambit ni Dustin na kahit nahihirapan na, nakangiti pa rin, "There's no time to be funny Dustin" saad ko dito. 

"Is it bad to make you smile again for one last time?" tanong nito kaya't lalo pa akong naiyak, "D-don't...j-just please don't say that! We're gonna live right?" tanong ko. Tinignan niya sina Dave pati na rin sina Caleb at Stephen, "My bestfriend is here, right beside me..." sambit nito na nakatingin kay Dave, "His dead body is right beside me. And I know..." sa oras na 'yon ay ako naman ang tinignan niya habang nakangiti siya, "I just have to accept na susunod ako sa kanya" sambit nito at naluha siya, "That's why you have to be strong. Tiisin mo lahat ng makikita mo at tanggapin mo....dahil kami...tanggap na namin. Malungkot lang isipin...na iiwan ka naming mag-isa dito when we were supposed to be protecting you right now" saad niya. 

"Then fight for it. Paano niyo ako proprotektahan kung iiwan niyo ako? Kung hindi kayo lalaban?" tanong ko sa kanya. 

"Tinuruan ka na namin kung paano lumaban..." natigilan ito sa pagsasalita ng makita kong may tumulong dugo mula sa bibig niya, "You can defend yourself right? You can do it. Malalampasan mo 'yan at alam ko....makakalabas ka dito" sambit nito habang nakangiti pa rin kaya umiling ako, "I can't live...without you, Vipers. P-pwede bang lumaban kayo...para sa akin?" pakiusap ko sa kanila. Hindi na lang sila nakapagsalita ng magsuka sila ng dugo at sobrang dami nito kaya napatingin na rin ako kina Oliver at Julez, "J-just show us your....your smile...bago kami malagutan ng hininga" sambit naman ni Oliver.

"Just remember..." pagsasalita naman ni Julez na nakayuko pa rin kaya napatingin ako sa kanya. Tumingala ito habang tumutulo pa rin ang maraming dugo mula sa bibig niya, "We're not close...but you're my friend" sambit nito bago pumikit at bumagsak sa sahig. Natulala na lang ako ng makitang bumagsak na rin si Dustin at Oliver kung saan sila mismong nakaluhod at wala akong ibang masabi at magawa kundi ang umiyak na lang. Bago pumikit si Dustin ay napahiga pa siya at nakitang sobrang nasasaktan siya, nagbuga ito ng maraming dugo at nakita kong hinihingal siya bago unti-unting pumikit. 

"Only two left" saad ni Claude. Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, ay ito ang pinakamasakit para sa akin. Hinila nila papatayo sina Raven at Dean at sila naman ang itinulak sa harapan ko kaya napaluhod sila, "N-nooo! You're not going to kill them, aren't you?" nanginginig kong tanong kay Claude. 

"Of course, I'm not going to kill them...for now...dahil ikaw ang pipili kung sino sa kanilang dalawa ang uunahin ko" saad nito kaya natulala akong nakatingin sa kanya, "Y-you won't kill them because I'm not going to choose" saad ko sa kanya. Muli siyang naglakad sa gitna ni Dean at Raven at tinignan ako, "If you're not going to choose, I will just going to kill them ng sabay" saad nito kaya galit na galit ko siyang tinignan, "YOU'RE A MONSTER!! I'M GOING TO KILL YOU JACKSON CLAUDE!! AKO ANG PAPATAY SA'YO!!" sigaw ko sa kanya. 

Tinignan niya ako at napatawa na lang siya dahil sa sinabi ko, "Look who's talking?! All of us are monsters here! Huwag kayong magmalinis at magpakainosente na parang hindi kayo nakapatay. Lahat tayo...nakapatay" sarcastic na sabi nito.

Tinignan niya si Dean at si Raven bago niya ako muling tignan, "So, nakapagdesisyon ka na ba? Sino sa kanilang dalawa ang unnahin ko?" tanong nito kaya umiling ako, "P-please, d-don't do that! H-hindi ko kaya...kapag nawala pa sila sa akin. S-so please...d-don't" saad ko kay Claude habang umiiyak pa rin ako.

"Nonsense" napatingin na lang ako kay Raven na nakangiti ng masama. Nagtama ang mga mata namin at nagsalita siya,"Kahit ano pang sabihin mo sa lalaking 'to, hindi ka niya papakinggan. Stop begging him. Hindi kita pinrotektahan para lang magmakaawa sa kanya"

"B-but I...I can't lose you!" sambit ko kay Raven.

"I just need you to listen to me...for one last time, my twin sister. You're a strong and brave person, you can do it without us" saad nito kaya't mas lalo pang bumuhos ang luha ko, "N-no I can't! I can't lose both of you!" sigaw ko sa kanila at napansin kong maayos lang na nakatitig si Dean sa akin at hindi siya nagsasalita, "I can't!"

"Of course you can. Sa dami ng pinagdaanan mo Sy, ngayon ka pa ba susuko? You have to do it, even without us" pahayag niya sa akin.

"I can't do this...w-without both of you! So you have to be with me!"

"You have to be brave" pagpupumilit ni Raven kaya't paulit-ulit akong umiiling.

"Promise me, na aalis ka sa lugar na 'to?" saad nito at pinilit niyang ngumiti, "Hindi ako aalis ng hindi kayo kasama! I lost our friends, at hindi ko kakayanin, kung pati kayo mawawala sa akin. Kayong dalawa na lang ang meron ako!" pahayag ko sa kanila.

"Tanggap na namin...na hanggang dito na lang...just like Jarred, you have to accept it"

"No!! You promised, right?! Nangako ka, na sabay tayong lalabas sa lugar na 'to! You promised na pareho pa nating makikita ang mga pamilya natin! DON'T YOU DARE BREAK THAT PROMISE!! I WON'T FORGIVE YOU!!! I HATE YOU!!" sigaw ko sa kanya at sobrang maga na ng mata ko dahil sa pag-iyak.

Maayos akong tinignan ni Raven at nakita kong lumuha siya na parang sobrang lungkot nito, "But promises...are meant to be broken" saad niya. Natigilan na lang ako at diretsong napatingin sa kanya ng makita kong tinusukan na siya ng injection ni Claude sa leeg nito at kinuha niya rin 'yon.

"YOU'RE NOT GOING TO LEAVE ME, RIGHT?! DBA ANG SABI MO HINDI MO AKO IIWAN?! YOU WILL PROTECT ME JUST LIKE HOW I PROTECTED YOU WHEN WE WERE STILL YOUNG?! DON'T DO THIS TO ME, RAVEN!!" saad ko at nakitang may tumulong dugo mula sa bibig niya, "M-mas gugustuhin ko pang...makitang nakaupo ka lang dyan...kaysa sa m-maranasan mo...kung anong nararamdaman namin ngayon...p-parang unti-unting napuputol ang mga ugat namin...p-pero alam mo Sy...kung anong mas masakit...y-yung makitang hindi pa man kita iniiwan...sumusuko ka na" nakita kong umiyak na ito at pagkatapos niyang sabihin 'yon ay napaubo na lang siya dahilan para maglabas pa ito ng maraming dugo mula sa bibig niya.

"T-tinitiis namin ang sakit...p-para hindi ka mas masaktan...sa sitwasyon namin ngayon...at huwag na huwag mong sasayangin...lahat ng s-sakripisyo na ginawa namin, para sa'yo...kaya ipangako mong lalabas ka dito" saad nito. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdan ko. Kahit ayaw ko, pinilit kong tumango at muli kong tinignan si Raven. Mas naglabas pa ito ng dugo mula sa labi niya at pinilit niyang ngumiti, "I love you...my twin sister" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nakita ko kung paano siya bumagsak sa sahig at nawalan ng buhay sa mismong harapan ko. Sobrang bilis ng pangyayari at tila hindi ako makagalaw.

Napatingin na lang ako kay Dean na tinignan rin si Raven at nakayuko siya. Mas lalo na lang akong nakaramdam ng kirot ng mahigpit na hinawakan ni Claude ang buhok niya kaya napatingala siya, "This will be the last, it's time to say your farewell with one another" pahayag ni Claude habang nakangiti ng masama at natutuwang makita ang kalagayan namin.

"Don't cry, sweetie" sambit ni Dean kaya napatingin ako sa kanya dahil tulala akong nakatingin kay Raven, "Remember, I told you na kaya kong tiisin lahat ng sakit, pero wala ng mas sasakit pa na makita kang umiiyak at nasasaktan" pahayag nito.

"Your members...and my brother....broke their promise na hindi ako iiwan...at sasamahan ako sa kahit na anong laban. Tell me muffin, you're going to stay with me, right?" tulala akong nakatingin dito habang umiiyak at nanatili lang din siyang nakatingin sa akin, "Sabi mo sa akin, gagawin mo lahat ng gusto ko. I want you to stay and live with me forever" sambit ko.

Matagal muna akong tinignan nito bago siya nagsalita, "Of course, I will stay right beside you, sweetie. Hindi mo man ako makita...but I will always stay beside you" natigilan na lang ako ng sabihin niya 'yon. Is he going to leave me too?!

"You're not gonna leave me. You love me right? Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako iiwan dito ng mag-isa!"

"Kailanman, hindi pumasok sa isip ko na iwan ka. I always think of ways kung paano kita mapapasaya at maproprotektahan. B-but I'm sorry, sweetie. I'm really really sorry" saad niya kaya nagtaka ako.

"Why are you saying that?!"

"I promised to protect you, pero ngayon wala akong magawa para iligtas ka. I'm sorry for being such a useless man. I'm sorry dahil wala akong magawa" mas unti-unti akong sinasaksak at nasasaktan ng makitang muli siyang umiyak sa harapan ko.

"You did everything to save and protect me! I just want you to stay with me at huwag mo akong iiwan! Sinunod ko ang sinabi mo na huwag kitang iiwan, kaya huwag mo rin akong iiwan. Ikaw na lang ang meron ako, hindi ko na kaya kapag pati ikaw nawala! DON'T TRY TO CLOSE YOUR EYES OR ELSE I WILL REGRET LOVING YOU!!"

"I really want to be with you, forever" sambit niya.

"THEN PROVE IT! DBA MALAKAS KA AT IKAW ANG PINAKAKINATATAKUTAN SA ESKWELANG 'TO?! DO SOMETHING!!" sigaw ko pero malungkot lang siyang nakatingin sa akin, "Kung may magagawa ako...kanina ko pa ginawa. Just stop crying sweetie, dahil nasasaktan at nahihirapan na ako na makitang nagkakaganyan ka"

"Nagkakaganito lang naman ako dahil sa'yo! Dahil sa inyo!"

"I'm sorry, dahil nasasaktan ka ng dahil sa amin. Do you know kung bakit sa umpisa pa lang, pinigilan ko ng mahalin ka? Because I was afraid na mangyayari 'to. Ayaw kong madamay ka sa anumang gulo  pero ako mismo ang dahilan kaya nadamay ka dito! At kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. I lost all my friends at ang pinakamasakit, yung isiping ako mismo na lumapit sa'yo...ang pinakaunang lalayo sa'yo. You're already killing me using those tears!" nakita ko kung gaano siya nasasaktan at nalulungkot.

"I can't lose you! I can't live kung pati ikaw mawawala sa akin! Please stay, muffin!"

"Sweetie, I want you to listen to me. You love me but I am not your everything. You can still live even without me" nagkatinginan lang kami at napansin kong pumunta si Nash sa likod ni Dean. Lumuhod siya at maayos na hinawakan si Dean habang hawak pa rin ng mahigpit ni Claude ang buhok nito, "Ngayon mo patunayan, na mapagkakatiwalaan ka Nash" saad ni Claude kay Nash kaya't tinignan ko si Nash na may hawak na kutsilyo.

"N-nash, alam kong hindi mo kayang gawin 'yan! We're friends, right?! Hindi mo gagawin 'yan!" sigaw ko kaya napatingin sa akin si Nash at umiling ako, "Kahit papaano naman may pinagsamahan kayo ng Vipers dba? Kaya alam kong hindi mo 'yan magagawa! I'm begging you, siya na lang ang meron ako! So please, don't kill him!" matagal akong tinignan ni Nash bago niya ulit tinignan ang injection na hawak niya.

"Nash, please! Ibaba mo 'yan! Huwag mo ng ituloy ang balak mo! Alam kong mabuting tao ka, kaya hindi mo 'yan magagawa!" pakiusap ko sa kanya.

Habang nakikiusap ako kay Nash ay binitawan ni Claude si Dean at tumayo ito na parang gustung-gusto na niyang pumatay pero pinipigilan niya.

Next...