webnovel

So many walls

LovelY_King24 · 書籍·文学
レビュー数が足りません
48 Chs

chapter 44

Tumango ako sa kanya at nag-umpisa na kaming naglakad. Mas maganda nga talaga yung Burnham Park tuwing gabi lalo na't kabilugan ng buwan.

"I know you have lots of question in your mind and I'm willing to answer it with all my heart."

Napahinto siya sa paglalakad at umupo siya sa bench malapit dun sa lake.

"I know you not yet enjoy walking around the park but we can do it later." Nag-wink siya sa akin bago niya pinatong yung kamay niya bench na parang nagsasabi na maupo ako.

Ako naman nagdadalawang-isip, teka naman kasi parang hindi kasi si Keanne eto! Thiara, si Keanne yan!

"Don't worry I will not do anything to you Thiam kaya wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano."

"Hindi naman yun ang iniisip ko…" Napangiti siya at napaupo na lang ako sa bench, three feet away sa kanya.

"I don't have virus." Napangiti ako sa sinabi niya dahil para siyang inosenteng bata na nagmamakaawa sa akin. Hay Keanne nakakaasar ka, hindi ko na mapipigilan yung sarili ko na mahulog sa iyo.

Tumabi ako sa kanya at pagkatapos nun ay nilagay niya yung jacket niya sa akin at niyakap yung shoulder ko!

"This is better…" Teka anong better dito eh lalo akong hindi makapag-isip ng matino dahil ang lapit-lapit mo Keanne at kakaiba na yung rigodon ng puso ko!

"Ah Keanne…"

"Thiam…" Ngayon ko lang napansin na nakapikit pala siya. Ang gwapo niya! Napakagat ako sa labi ko at huminga na ng malalim kailangan ng matapos na lahat ng insecurities sa utak ko.

"Gusto kong malaman kung paano ka nakalakad at paano mo nalaman na andito ako sa Baguio."

Tumingin siya sa akin at sa wakas binitawan na niya ako though aaminin ko it feel so good in his arm you feel protected and safe, hindi nga lang ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Do you remember the day you went back in Batangas?" Oo naman naalala ko yun, hindi ako makakalimutan yung nakita ko dun…

Tumango ako sa kanya at napatingin siya sa malayo. "That was the day I receive the very good news that I had waited for so long." At bumalik sa gunita ko yung masayang boses ni Keanne na nagsasabi ng… "Really? Yes! Thank you so much Ilona! Yaya Susan may good news ho ako!"

"That was the day I learn that I could walk again." So yun pala yung good news na sinasabi niya! Oh my God! Sayang hindi ko nalaman yun agad…

"So si Ilona siya yung…" Tumango-tango si Keanne at ngumiti sabay hawak ng kamay ko.

"Don't be jealous of her." Teka nagseselos ba ako dun kay Ilona (totoo naman nagselos ka dun di ba Thiara?) at paano niya nalaman yun? "Hindi ako nagselos no…" At naramdaman kong sobrang namula yung mukha ko. Ano ba naman kasi!

"She's just my cousin." Ha pinsan niya yung si Ilona? Ang sama-sama ko pinagselosan ko yung pinsan niya!

"Yaya Susan told me that you will go to a review center here and it is good thing that we had vacation house here. I immediately went here and search for review center and then I found out you had taken up Psychology same as mine."

So si Yaya Susan pala yung nagsabi sa kanya at anong sinabi niya? "You did take Psychology?" Hindi ko alam yun ha!

"I just graduated. Hindi ba sa iyo sinabi ni Alaine?"

Umiling ako as far as I know, binaggit lang sa akin ni Alaine na may boyfriend siya at mahal na mahal niya yun which is Keanne nga.

"So that counts kaya pala hindi mo ako kilala. Si Alaine talaga… Alaine push me to take Psychology because I hadn't decided what course I really wanted to take. I remember what she said, 'Kung hindi ka pa nakakapagdesisyon, I have a suggestion. Why don't take Psychology?' and I replied to her, 'Psychology?' 'Hindi ko kasi sigurado kung yun yung kinuha ng best friend ko, sige na please…' And the rest is history."

Si Alaine talaga mahal na mahal ako... Best friend sobrang miss na kita at alam kong binabantayan mo kami ni Keanne, thank you for letting me met him…

"Ayan nasagot ko na yung questions mo…" At hihirit pa sana ako ng pinigilan niya ako. "Bago natin ipagpatuloy, let's sail." At mabilis siyang tumakbo na agad ko naman sinundan.

"On the board my lady…" Nanlaki yung mga mata ko. Paano ba naman ngayon pa lang ako makakasakay ng sobrang eleganteng swan boat!

Tinulungan ako ni Keanne na sumakay at pinaandar niya yung swan habang akong mesmerize sa ganda ng Burnham Park!

"I know that the last question you want to ask is I am serious about the love I confess for you through the letters?"

Napatingin ako sa kanya at bahagyang nagulat sa tinanong niya. Paano niya nalaman yun? Yung nga yung gustung-gusto ko pang itanong sa kanya mula ng nagpunta kami dito.

"It is really true Thiam, I love you…" Bumilis ng bumilis yung tibok ng puso ko para atang hindi ko kakayanin yung susunod na mangyayari.

"The letters are just my way to prove that I can wait. I give you messages everyday with a secret message which is FIREWORKS… Alam kong hindi mo agad nalaman yun at mas naging okay sa akin yun."

Hinawakan niya yung kamay ko at tinitigan niya ako sabay ngumiti.

"I will prove to you that I am worthy to be your boyfriend…"

And the last thing I knew, he kissed my cheeks and hugged me tight like there is no tomorrow.

I know I may seem fierce

Maybe I'm scared of what I'd say

I'm trying to be sincere

But I keep burning up in flames

And though I may seem cool

Inside I'm pounding and it's mad

To think I'd fall for you

When you were never in my plans

Don't tell me you don't want it

Don't tell me no, it's a waste of time

Don't tell me you don't want this

Don't tell me now you can't be mine

-Sinead Quinn

"Hay…"

"Hoy! Ano na naman yan pagbubuntung-hininga effect mo diyan ha?"

Napatingin ako kay Keira na tumabi sa akin at napatingin sa tinitignan ko kanina.

"Kaya naman pala, mukhang nabagsakan ng bato yang mukha mo... LQ ba na naman yan?"

"Ha? LQ? Hindi ah…" Maagap kong sagot sa kanya at agad na iniwas ko yung tingin sa tinitigan ko pa kanina.

"Asus… Kayo talaga… Wait ka lang diyan ha…"

Tumayo si Keira at naglakad papunta kay…

"Papa Keanne este Keanne pala!"

Napahinto si Keanne sa paglalakad na sana papunta sa library at napatingin kay Keira.

Lumapit si Keira sa kanya at may binulong, yung mga taong nakapaligid sa kanila ay napatingin sa kanilang dalawa dahil nasa gitna sila ng corridor.

Ano na naman kaya yung sinasabi ni Keira at parang hindi ko mawari yung reaksiyon ng mukha ni Keanne? Malaman tungkol sa iyo yung sinasabi niya… Naku!

Inayos ko lahat ng gamit na nasa harapan ng desk ko at tumayo na ako. Naku kelangan ko ng umalis dito… Magtago… Dahil kung hindi ay…

"Thiara..."

Parang napahinto yung lahat sa harapan ko at nanigas yung buong katawan ko. Oh no! Wala na akong kawala…

"Girl where do you think you are going? Hindi mo ba narinig tinawag ka ni Keanne."

Unti-unti akong napatingin kay Keira at nakangiti siya sa akin.

Tinawag ba talaga ako ni Keanne? Bakit parang hindi ko ata narinig yun?

Napatingin ako agad sa papalapit na si Keanne! Sandali bakit nga pala siya mukhang lalapit sa akin?

"Thiam…"

"Ah…" Ano bang sasabihin ko? "Yung sinabi ni Keira ah… Wala yun…"

Ngumiti si Keanne at pagkatapos nun ay unti-unti siyang lumapit sa akin. Halos two inches na lang ang layo niya sa mukha ko.

"Uy! Kiss na ba yan Keanne? Kinikilig ako..."

Naku Keira lagot ka sa akin mamaya…

Bumilis yung tibok ng puso ko dahil mukha ngang papalapit si Keanne sa mukha. Oh no! Wag naman ngayon… Wag naman sa harapan ng maraming tao!

Nakahinga ako ng maluwag ng nilagpasan niya yung mukha ko bagkus ay naramdaman ko yung hininga niya sa tenga ko.

"Sabi ni Keira namimiss mo daw ako…"

Bahagya akong napalayo kay Keanne at hinagilap agad ng mata ko si Keira. Naku ang babaeng yun talaga! Nowhere to be found na naman, panigurado nagtago na naman kung saan! Lagot talaga siya sa akin pagnakita ko siya! Naku!