webnovel

Chapter 16- First Activity (Snare Trap)

Pagdating ng Tanghali, abala sa pagkain ng pananghalian ang mga estudyante ng 10-A kasama ang kanilang guro na si Sir Joey. Pinuri naman ni Sir Joey ang pagkaing niluto ng kanyang mga estudyante.

Sir Joey: "Guyz! Ang sarap niyo palang magluto ng Ginisang Munggo. Di ko akalain na kaya niyo pa lang magluto sa kahoy."

Emily: "Oo nga po, Sir. Di nga po namin akalain na makakapagluto po kami ng maayos sa kahoy."

Nina: "Buti natantya po namin yung apoy kanina. Kapag nagkataon, siguro kumakain na po tayo ng sunog sa mga oras na ito."

Axel: "Pero girls, ang sarap talaga ng pagkakaluto niyo. Wala man lang akong malasahang hilaw na munggo sa pagkain natin."

Emily: "Hehe...Salamat sa papuri mo, Axel."

Nina: "Oo nga. Hehe.."

Ruby: "Axel, ba't sila lang ang pinupuri mo? Kasama din naman nila akong nagluto ah?"

Axel: "Ay...Oo. Pati din naman ikaw, Ruby. Magaling ka din naman magluto."

Ruby: "Salamat ha. Hehehe.."

Emily: (Papansin. Halata namang ayaw din sayo ni Axel. Napilitan ka lang niyang purihin.)

Bago pa man magkaroon muli ng tensyon sa mga babae, agad pinutol ng kanilang guro ang usapan ng kanyang estudyante upang sabihin ang susunod nilang gagawin para sa hapon.

Sir Joey: "Okay, Guys! Tama na muna ang usapang puri. Makinig na muna ang lahat."

Agad tumigil sa pagkain ang mga estudyante tsaka sila taimtim na nakinig sa kanilang guro.

Sir Joey: "After lunch, gagawa kayo ng isang epektibong bitag upang hulihin yung mga manok na pagala-gala dito sa camp. Siyempre, hindi lang kayo ang gagawa ng bitag, makakakumpitensya niyo rin ang ibang mga estudyante mula sa ibang Section. Kaya dapat galingan niyo ang paggawa ng bitag. At hahayaan ko din kayong samahan ang mga kaibigan para naman makapag-isip kayo ng maayos na bitag na inyong gagawin."

Althea: "Sir? Hahayaan niyo po kaming makipag-group sa mga kaibigan po namin?"

Sir Joey: "Oo, Althea. Siguro naman, hindi na kayo mahihirapan pa sa paggawa ng maayos na bitag. Kasi mga kaibigan ninyo ang makakasama niyo. Tsaka isang bagay pa, paramihan din ng mahuhuling manok sa isang Section. Kaya depende na rin sa inyo kung ilang bitag ang magagawa ninyo. Bago maggabi, titingnan ni Madam Vice-Principal kung ilan ang nahuling manok sa bawat Section. Kaya galingan niyo sa pagbitag ng mga manok."

Nina: "Opo, Sir! Tama po ang desisyon po ninyo. Hindi po namin kayo bibiguin."

Sir Joey: "Kung ganun, pagkatapos niyong kumain, simulan niyo na ang inyong activity."

Lahat: " Yes Sir!"

Matapos ianunsyo ni Sir Joey ang gagawing Activity ng kanyang mga estudyante sa hapon, nagpatuloy sila sa pagkain ng kanilang pananghalian. Tsaka naghugas at iniligpit ng kanyang estudyante ang kanilang kinainang plato at baso pabalik sa loob ng kanilang Camphouse. Matapos magligpit, agad nagpulong at gumawa ng grupo ang mga estudyante ni Sir Joey. Kung saan magkakasama sa isang grupo sila Emily, Althea, Nina, Claire, Axel at Isaac. Nagreklamo naman sila Daniel at ang Kambal na sina Allan at Allen matapos magdesisyong sumama si Axel sa grupo ni Emily.

Daniel: "Tol! Bakit ka sumama kila Emily?! Akala ko ba tayong mga lalaki ang magkakampi dito?!"

Allen: "Oo nga! Pareng Axel! Akala ko ba magkakampi tayo?!"

Axel: "Guys, pasensya na kayo. Pero kailangan ko din samahan sila Emily. Lalo na't puro sila babae sa grupo nila."

Daniel: "Eh kasama din naman nila si Isaac? Bakit mo pa kailangang sumama?"

Axel: "Siyempre pare, para naman doble ang seguridad nila."

Allan: "Ang sabihin niyo, hinikayat kayo ng mga Jowa niyo sa samahan sila. Kaya ka nandyan!"

Axel: "Brad! Hindi naman sa ganun....."

Allen: "Mga Tol! Apat na lang tayong magkakampi! Talunin natin sila sa mga mahuhuling manok!"

Allan: "Oo nga! Apat na lang tayo nila Kit. Di ba Kit?"

Paglingon ni Allan, wala na si Kit sa kanyang likod.

Allan: "Oy! Nasaan na yung lalaking yun?! Nakita niyo ba?"

Edward: "Guys, sa pagkaka-alala ko, umalis na siya kaninang pagkahugas niya ng mga pinggan.

Daniel: "Pambihira! Kahit kailan, ang hilig talagang magsolo ng lalaking yun!"

Allan: "Di bale, Tol! Tayo na lang na tatlo ang magtulungan!"

Allen: "Oo nga!! Lumarga na tayo! At ipakita natin sa mga magJojowang ito ang lakas nating tatlo!"

Daniel: "Sige! Sang-ayon ako! Umalis na rin tayo!"

At inis na umalis sila Daniel at ang Kambal papunta sa gubat upang gumawa ng sarili nilang bitag.

Edward: "Oy! sandali?! Paano naman ako?! Kanino naman ako makikigrupo?!"

Axel: "Oo nga noh. Saan ka kaya makikigrupo?"

Isaac: "Emily, pwede ba nating isama si Edward sa grupo natin?"

Emily: "Uhm...Pwede naman siguro.."

Sasama na sana si Edward sa grupo ni Emily ng biglang nagsalita at pinigilan ni Ruby si Edward.

Ruby: "Hold it right there! Edward!"

Edward: "Huh? Bakit, Ruby? Anong problema?"

Ruby: "See to it na hindi fair ang bilangan ng kasama dito! Why is it that you are seven in your group while sa amin is tatlo lang?"

Althea: "Ruby, anong gusto mong palabasin? Eh wala ngang kasama si Edward?"

Ruby: "Well that's the point why I complain?!"

Ivy: "Ibig sabihin ni Ruby, kinuha niyo sa grupo ninyo yung tatlong gwapo."

Ruby: "That's right!"

Nagtinginan ang magkakagrupo sa mungkahi ni Ruby. Kung kaya't, nagbulungan ang mga ito.

Althea: "Guys, alam kong gustong imungkahi ng bruha na yan na ilipat yung mga boys natin sa grupo niya."

Nina: "Oo nga eh. Halata naman sa sinabi niya."

Claire: "Oo nga. Napakaharot talaga.

Emily: "Pero hindi ako ang magdedesisyon na isali ang mga boys sa grupo niya. Kaya hayaan natin sina Axel at Isaac kung ano ang gusto nila?"

Axel: "Well ang sa akin lang, ayoko kay Ruby. Napakaarte niya."

Isaac: "Oo. Ayoko din naman sa kanya. Kaya ayokong sumali sa grupo niya."

Edward: "Kung ganun, ako na lang ang sasama sa kanya. Mukha naman kasing nagkukulang sila sa miyembro."

Emily: "Edward? Sigurado ka ba?"

Edward: "Oo guys. Tsaka mukhang mapapakisamahan naman siya."

Emily: "Kung ganun, sasabihin ko sa kanya na kunin ka niya sa kanyang grupo. Pero pasensya ka na, Edward. Kung kailangan ka namin ibigay sa kanya."

Edward: "Guys, Okay lang yun. Alam ko naman ang ugali niya."

Claire: "Di bale, Edward. Kunin ka na lang namin kagrupo next time."

Edward: "Oo aasahan ko yan sa inyo."

Matapos magbulungan, nagdesisyon ang grupo ni Emily na ibigay si Edward sa grupo ni Ruby.

Ruby: "So? What is your desisyon now?"

Edward: "Ako na lang ang sasama sayo, Ruby."

Ivy: "Huh? Si Edward?"

Ruby: "Then, who else?"

Emily: "Pasensya na, Ruby. Pero si Edward lang ang may gustong sumama sa grupo mo."

Ruby: "What do you mean si Edward lang?!"

Upang matigil sa pagtatanong si Ruby, agad sinabihan Althea ang kanyang mga kagrupo na magtungo sa gubat.

Althea: "Guys! Simulan na natin ang paggawa ng bitag!! Mabuti pang umalis na tayo!"

Nina: "Oo nga. Marami na tayong nasayang na oras."

Claire: "Ang dami pa kasing inarte nung isa diyan. Kaya umalis na tayo."

Emily: "Edward, aalis na kami! Mag-iingat kayo ha?!"

Axel: "May the best team win, Tol ha?! Ingat kayo!"

Isaac: "Sana makarami kayo ng manok. Ingat Pare!"

At mabilis na naglakad ang grupo ni Emily papunta sa gubat upang gumawa ng Bitag para sa mga manok."

Edward: "Okay. Salamat Guys! Kita na lang tayo mamaya!"

Ruby: "Hoy! Bumalik kayo dito! Kulang pa kami ng isa!"

Edward: "Ruby, Okay lang yan. Makakahuli pa naman tayo kahit apat lang tayo sa grupo di ba?"

Ivy: "Tama si Edward, kaya naman nating gumawa ng bitag. Tsaka kasama naman natin si...."

Lumingon sa paligid si Ivy ng mapansin nyang hindi nila kasama si Jackson. Nagkaroon ng hinala si Ivy sa kung anu ang ginagawa ni Jackson sa mga oras na to.

Ivy: "Hay....Pambihira talaga si Jackson. Sinamantala talaga niya ang pagkakataon upang huntingin si Kit."

Ruby: "Ivy, that's the point why we need one more guy from Emily's group! And that guy is Axel!"

Ivy: (Hay.....Sabi ko na nga ba eh. Si Axel pa rin ang pakay mo.) "Ruby, I think sapat na si Edward na kasama natin sa grupo. Tsaka kumilos na rin tayo at baka grupo pa natin ang mangulelat sa pagbitag ng mga manok."

Ruby: "Kung sabagay, may point ka naman." (Well, puwede ko na rin pagtiyagaan si Edward. Total gwapo din siya. Pero napakanerd niya at baka hindi lang kami magkaintindihan sa maari naming pag-usapan.)

Edward: "Kung ganun, umalis na tayo."

Ivy: "Sige."

Ruby: "Okay fine."

At umalis na din ang grupo ni Ruby upang gumawa ng bitag sa gubat.

Ilang minuto ang nakakaraan matapos umalis ng grupo ni Daniel mula sa Camphouse, nakagawa ng limang bitag ang kanyang grupo at abala pa rin ang mga ito sa paggawa ng pang anim nilang Snare trap.

Ang Snare Trap ay isang uri ng bitag kung saan, itinatali sa isang mababa at nakabaluktot na sanga ang taling may nakadugtong na kalawit o Trigger na kahoy at inilalagay sa isa pang kahoy na tinatawag na Hook na nakabaon sa lupa.

Sa oras na magalaw ang Trigger na may nakataling pain, matatanggal ito at hihilain ng nakabaluktot na sanga ang taling pambitag na siyang magtatali sa paa ng mabibiktimang hayop.

Karamihan sa mga estudyante, ang Snare Trap ang ginagamit na pambitag ng karamihan dahil sa ito ang pinaka madaling gawin. Tulad ng grupo ni Daniel, isinagawa din ito ng grupo nila Emily at nang grupo ni Ruby dahil na rin sa iminungkahi din ito ni Edward.

Sa kaso ng grupo ni Daniel, sila ang may pinakamaraming nagawang Snare Trap at kasalukuyan silang naghihintay ng mga mabibitag na manok matapos nilang maihanda ang panghuli nilang bitag. Kung kaya't umakyat muna sila sa isang puno ng mangga at naghintay sila hanggang sa may makita silang manok na mapadaan sa kanilang bitag.

Allan: "Mga Tol! Mukhang wala pang dumarating na manok sa bitag natin."

Allen: "Oo nga. Tsaka nag-aalala na ako. Baka wala tayong mahuli."

Daniel: "Puwede ba? Habaan niyo nga ang mga pasensya niyo?! Hindi naman agad na maglalakad ang manok sa mga inilagay nating bitag! Tsaka sa dami ng bitag na ginawa natin, imposibleng wala ni isa ang mahuli dyan!"

Allan: "Sige Tol. Susubukan naming habaan ang aming pase-"

Allen: "Mga Tol! Tingnan niyo! May manok oh!"

Nang makita ni Allen na may isang manok, ang nahuli sa kanilang bitag, laking tuwa nitong lumundag mula sa puno ng mangga at nagmadaling nilapitan ang bitag. Sumunod naman ang kapatid niyang si Allan.

Allen: "Daniel! Tignan mo! May nahuli na din tayong manok sa bitag natin!"

Allan: "Oo nga!"

Daniel: "Oy! Bumalik nga kayo dito sa taas! Isa pa lang yan! Tsaka mabubulabog niyo yung ibang mga manok na lumalapit sa pwesto natin!"

Sa sobrang tuwa nang Kambal, agad nilang inalis ang manok sa pagkakatali. Ngunit nagpumiglas ang manok at nabitawan ito ni Allen pagkaalis ng tali. Kung kaya't muli na namang nakawala ang manok.

Allan: "Tol! Nakawala yung manok! Habulin natin!"

Allen: "Oy! Manok! Bumalik ka dito!"

Daniel: "Hoy! Kayong dalawa! Pabayaan niyo na! Makakakahuli pa rin naman tayo diba?!"

Imbes na pakinggan nang Kambal ang sinabi ni Daniel ay nagpatuloy lang ang mga ito sa paghabol sa manok at pilit nila itong hinuhuli ng sarili nilang mga kamay. Wala nang nagawa si Daniel kundi ang panoorin ang Kambal na hinahabol ang isang manok, palayo sa kanilang pwesto.

Daniel: "Pambihira..... Kahit kailan talaga. Hindi ginagamit nang magkapatid na eto yung kanilang utak. Bahala nga kayo diyan."

Dahil sa ginawa ng Kambal, pinili na lang ni Daniel ang bumalik sa puno ng mangga at maghintay ng mga manok na mahuli sa kanyang mga bitag.

Patuloy sa paghabol sa nakawalang manok ang kambal, nang aksidente nilang mabangga ang isang malaking lalaki na biglang sumulpot mula sa puno ng Acacia. Ang lalaking ito ay si Jackson. Ang masama pa, nang matumba si Jackson ay sakto namang nahulog ito sa isang butas na natatakpan ng mga tuyong dahon at sanga. Nasama din sa butas ang Kambal kasama na ang kanilang hinahabol na manok, matapos nilang banggain si Jackson.

Jackson: "ARAY! Pambihira! Sino bang bumangga sa akin ha?!"

Allan: "Aww! Nabukulan ata ako."

Allen: "Grabe... Ang sakit ng katawan ko. Sino ba kasing tanga ang haharang-harang dyan sa daan?!"

Jackson: "Ako ba ang sinasabihan mong tanga ha?!"

Allen: "Ay Jackson! Ikaw pala yan! Akala ko may nabangga akong pader."

Jackson: "Ako pa talaga ang biruin mo! Iuntog kaya kita sa pader?!"

Allan: "Guys! Sandali! May napansin ba kayo?"

Jackson: "Napansin ang alin?!"

Allen: "Nandito tayo sa loob ng isang malalim na butas! Ano pa ba sa tingin mo?!"

Allan: "Tsaka, hindi pangkaraniwan ang butas na ito. Para bang, sinadya itong gawin para manghuli ng malalaking hayop."

Jackson: "Oh ngayon? Anong ipinupunto niyo dito?!"

Allan: "Ang pinupunto namin ni utol, isa itong bitag na gawa ng tao!"

Allen: "Oo nga! Pero sino naman ang gagawa ng ganito kalaking bitag?"

Allan: "Eh malay ko? Kung sino man yun, mukhang ginawa niya ang bitag na ito para manghuli ng malaking hayop. Tsaka sa lalim nito-"

Jackson: "Sandali! Tumahimik ka muna!"

Allan: "Ba't mo ako patatahimikin na nagpapaliwanag ako dito?!"

Allen: "Tol, seryoso. Tahimik lang."

Sandaling nanahimik ang tatlo ng mapansin nila ang tunog ng orasan.

Jackson: "Teka?! Saan galing ang tunog na yun?"

Allan: "Ewan ko."

Allen: "Kung ano man yun, hindi maganda ang pakiramdam ko sa tunog na yu-"

Bago pa man matapos ni Allen ang kanyang sasabihin, biglang nagkaroon ng isang malaking pagsabog mula sa ilalim ng kanilang paa at nasabugan ang tatlo.

Lumitaw ang kulay yellow na usok sa himpapawid matapos ang pagsabog.

Emily: "Hm? Guys! May narinig ba kayo?"

Axel: "Wala naman kaming narinig, Emily."

Nina: "Bakit Emily? Ano bang narinig mo?"

Emily: "Parang may narinig kasi akong sumabog."

Althea: "Hay.....Emily. Pabayaan mo na yun. Baka guni-guni mo lang yun. Tsaka magfocus ka na lang sa hinahawakan mong manok at baka makawala pa yan."

Emily: "Kung sabagay, Alt. Tama ka."

Nagpatuloy sa kanilang gawain ang iba pang grupo at hindi na lang pinansin ang narinig na pagsabog.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang bitag na may malaking butas at pampasabog ay ginawa ni Kit upang manghuli ng Tupa sa inaakala nitong makakapanghuli siya ng Tupa. Ngunit inabandona ito ni Kit matapos niyang malaman na manghuhuli pala sila ng manok. Kung kaya't gumawa ng panibagong bitag si Kit, malayo sa nauna niyang ginawang bitag. At kung nagtataka ang lahat kung paano nakapaghukay si Kit ng isang malalim na butas, dahil sa sadya lang talagang mabilis maghukay ng butas si Kit.

Matapos ang ilang oras na paggawa ng bitag at paghihintay, bumalik ang mga estudyante sa kanilang mga guro upang ipakita ang kanilang mga huli. Sakto namang nag-iikot sa bawat Section ang kanilang Vice-Principal upang bilangin ang kanilang mga huli.

Sir Joey: "Guys! Congratulations! Nakahuli kayo ng Labing isang mga manok!! Mejo marami na rin itong mga huli ninyo."

Emily: "Thanks po, Sir. Tsaka ginawa naman po namin ang lahat para makapanghuli ng marami pang mga manok."

Sir Joey: "Natutuwa ako sa pagtutulungan ninyo sa inyong activity. Pero anong nangyari sa inyo? Jackson, Allan at Allen? Bakit sunog at punit-punit ang mga damit niyo? Para kayong nasabugan ng Bomba ah?"

Allen: "Sir, ang masasabi lang po namin, huwag niyo na pong alamin."

Allan: "Oo nga po, Sir."

Althea: (Wow! Iba talaga kapag mga taong masama ang ugali. Hindi basta namamatay.)

Claire: (Ngaun ko lang na-realize, Totoo pala ang kasabihang "Ang masamang damo, mahirap mamatay.")

Daniel: (Paano kaya nabuhay ang tatlong to? Tibay niyo rin ha.)

Sir Joey: "Anyway, kadadaan lang ni Madam Principal kanina, habang nagpapahinga sa loob ng Camphouse ang iba niyo pang mga kaklase. Kaya naman, ang nanalo sa Hulihan ng manok gamit ang bitag ay....."

Tahimik na naghihintay sila Emily, Daniel, Claire, Jackson, Allan at Allen sa sasabihin ng kanilang guro kung aling Section ang nanalo sa padamihan ng mahuhuling manok at nagulat sila narinig nilang resulta.

Sir Joey: "Ang Section 10-G."

Emily: "Ano po?! 10-G?!"

Daniel: "Seryoso po kayo?! Paano sila nanalo Sir?!"

Allen: "Paanong nangyaring ang kulelat na Section ang nanalo?!"

Sir Joey: "Guys! Ganito kasi yun ang ginawa ng buong Section-G. Alam naman nating lahat na karamihan sa estudyante ng Last Section ay mga tamad, hindi ba?"

Claire: "Opo, Sir. Tama po kayo."

Emily: "So Sir? Ano pong ginawa nila?"

Sir Joey: "Ang ginawa nila, gumawa sila ng isang malaking hukay at nilagyan ng mga tira-tirang pagkain ang loob at paligid ng butas. Kung saan, kusang lumapit ang mga manok. Kaya naman, sila ang may pinakamaraming huli dahil nahulog ang karamihan ng mga manok sa kanilang bitag. Bale naka-dalawamput dalawa lang naman silang manok na nahuli."

Allan: "Dalawamput-dalawa?!"

Allen: "Eh Sir?! Mauubos ba nila lutuin yun sa buong gabi?!"

Sir Joey: "Hindi. Pero ibabalik din lang nila ang karamihan sa farm sa ating Camp."

Emily: "Pero atleast, manok pa rin ang kanilang uulamin para sa gabi."

Sir Joey: "Speaking of gabi, simulan niyo nang katayin ang mga huli niyong manok. Para naman makapaghapunan na rin tayo ng maaga. Tsaka, pakisabi na rin sa mga kaklase ninyong nagpapahinga sa loob ng Camphouse na maaga na tin kayong magpahinga mamayang gabi para makabawi kayo ng lakas para bukas."

Emily: "Opo, Sir. Sasabihin po namin."

At matapos sabihan sila Emily at ang iba pa nilang mga kakaklase, agad nilang sinunod ang sinabi ng kanilang guro at nagluto sila ng hapunan. Upang sa ganun ay maaga silang matulog at makapagpahinga para may lakas silang gawin ang kanilang mga Activity bukas.