webnovel

Prologue

REINCARNATION TRAINING HUB

A NOVEL BY THATGIRLINBLACKPINK

"Life is weird. Death is weirder."

PROLOGUE:

Hating-gabi na pero nasa kalsada pa ako. Bakit? Umalis ako sa bahay nang hindi napapansin ng mga magulang ko. They are always fighting, at ang nakakainis, wala silang exception. Namatay si Lola kanina at nagsisisihan sila kung sino ang nagpabaya.

Sobrang lungkot ko. Ang sakit, sakit na ang nag-iisang kakampi ko sa mundo ay nawala pa. Bakit kaya hindi nalang ako ang namatay at hindi si Lola? I have my parents, but I don't think if I can face life without my grandma whose always at my side.

"Huwag po, parang awa niyo na. Kakailanganin ko ang perang ito para ipagamot ang apo ko."

Hindi ko mapigilang hindi tumigil at sundan kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Tinig ito ng isang matanda.

Lumaki ako sa pangangalaga ng Lolo at Lola ko. That's why oldies are my weakness.

Kapag may mga matatanda sa kalsada na namamalimos, sobra akong nalulungkot. Kung kaya ko lang na ampunin silang lahat.

Napatakip ako ng bibig nang makita ang kawawang lola na nakasalampak sa sahig habang yakap yakap ang bag niya. Umiiyak siya at panay ang pagmamakaawa sa tatlong lalake na huwag kunin ang bag niya.

"Lola, bibigay mo nalang yung pera mo sa amin para hindi ka na masaktan."

"A-ayoko. Buhay ng apo ko ang nakatala sa pera na ito. Please, maawa na kayo. Ooperahan sa puso ang apo ko."

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko. Siguro dahil masyado ang pagmamahal ko sa lola ko at parang nakikita ko ang matandang iyon na isa kong lola.

Kinuha ko ang kahoy na nakita ko at hinampas sa ulo ang lalake. Inisa-isa ko sila.

Nagulat ang matanda.

"Hija, hindi ka na sana nakisali. Baka saktan ka nila."

Ngumiti ako. "Lola, tumakbo na po kayo. Bilisan niyo po." Tinulungan ko siyang tumakbo. "Haharangan ko po sila, Lola. Takbo na po. Inaantay na po kayo ng apo ninyo."

"Maraming maraming salamat, hija. Tatawag ako ng pulis. Tara na!"

Sinubukan niya akong hawakan pero tinaboy ko. "Lola please umalis na po kayo dito. Pipigilan ko po sila hanggang sa makalayo po kayo."

Nag-aalinlangan man, umalis na si Lola.

"Feeling mo bayani ka na niyan ha bata?"

Kinuha ng parang leader ang kahoy na hawak ko. "Kayong dalawa, tumayo na kayo dyan at habulin niyo ang matanda!"

Sinipa ko ng malakas sa private part ang isang lalake at ang isa naman kinagat ko ng madiin sa braso.

Umalingawngaw ang sigaw nilang dalawa.

"Hindi ka na nakakatuwang bata ka ah!"

And then I heard a loud horrific noise.

Pagdilat ng mga mata ko, nakaluhod ako sa lupa.

Tumayo ako at nilingon ang mga lalake.

Pero hindi sila ang napansin ko.

Kundi ang katawan ko...

na nakahandusay sa lupa at naliligo sa sariling dugo.